You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Pablo Omerez Cedeño Memorial Learning Center Inc.
S.Y. 2023-2024

TEACHER: SHEILA MAE S. GABAY QUARTER:4


LEVEL: GRADE 1 WEEK:3
MONDAY-TUESDAY TIME: 8:30-9:20
DATE: MARCH 18-19, 2024

SEMI DETAILED LESSON PLAN IN AP

I. LAYUNIN

 Nakakikilala ng mga bagay na makikita sa nadadaanan mula sa tahanan patungo


sa paaralan
 Nipapahayag ang kahalagahan sa pangangalaga sa mga bagay na nadadaanan
mula sa tahanan patungo sa paaralan.
 Nakalalahok ng masigla sa talakayan sa klase

A. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-


unawa at pagpapahalaga sa konsepto ng distansya sa paglalarawan ng sariling
kapaligirang ginagalawan tulad ng tahanan at paaralan at ng kahalagahan ng pagp
B. Pamantayang Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakagagamit ng konsepto ng
distansya sa paglalarawan ng pisikal na kapaligirang ginagalawan. Ang mga mag-
aaral ay nakapagpapakita ng payak na Gawain sa pagpapanatili at pangangalaga ng
kapaligirang ginagalawan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nagagamit ang iba’t-ibang katawagan sa pagsukat
ng distansya sa pagtukoy ng mga gamit at lugar sa bahay (malayo, malapit)

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Mga istraktura na nakikita patungo sa paaralan
Sanggunian:k to 12 Curriculum guide Grade 1 AP
Kagamitan: Laptop,Powerpoint Presentation, Mga larawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Sagutin natin:

1. Saan mo dadalin ang iyong nakakabatang kapatid kung siya ay may


sakit?
2. Dito hinuhubog angiyong mabuting asal.
3. Dapat nating pulutin ang mga kalat at ilagay dito.

Gawain:komplituhin ang nawawalang letra.


H__a__th Ce__ter

2. Pagganyak
Basahin at unawain ang maikling tula.

Sa Aming Pamayanan Sa aming pamayanan,maraming makikita,Tulay,


paaralan, ospital,at plasa. Mayroon dingpalaruan, simbahan, atpamilihan.
Tulong-tulongkami sa pagpapanatili ngkalinisan.
Tanong:
 Ano-ano ang makikita sa pamayanan ayon sa tula?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Masdan ang mga larawan at tukuyin kung ano ang mga ito

Bahay

Ito ay bahay ni Mila. Naglalakad lang siya papasok sa paaralan. Madami


siyang nakikita sa tuwing pumapasok.

palengki tulay paaralan tindahan

simbahan Health Barangay


center Hall

2. Pagtatalakay
Tanungin ulit ang mga bata batay sa mga larawan na nakita.
 Anu-ano ang inyong nakikita sa larawan bukod pa sa bahay ni Mila?

Ang iyong makikita ay estraktura mula sa tahanan ni Mila.Tulad


sa iyong tahanan patungo sa iyong paaralan, may iba’t ibang
bagay at istraktura na maaring makita sa pagtungo sa paaralan.
Ang mga sumusunod na istraktura na nadaanan patungo sa
paaralan katulad ng mga sumusunod simbahan, health center,
barangay hall, tindahan, drug store, tulay at basurahan na
nagsisilbing palatandaan upang madali nating makita ang ating
paaralan
Mahalagang malaman ang mga bagay at istraktura na makikita
patungo sa paaralan. Sa ganitong paraan nagiging pamilyar ang
bawat tao.

Gawain: Hatiin ang klasi at bawat grupo gumuhit ng mga istraktura na


kanilang nakikita patungo sa paaralan.
Gawain 2: Panuto: Bilugan ang angkop na salita sa larawan.

1. Botika palengki
2. Barangay hall simbahan

3. Bahay simbahan

4. Paaralan palaruan

5. Sapa tulay

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Tandaan:
 May iba’t ibangbagay at istraktura namaaring makita sapagtungo sa
paaralankapag galing sasariling tahanan.Nagsisilbi itongpalatandaan
upangmadaling makita omakarating papuntasa paaralan

2. Paglalapat
Sagutin ang tanong.

 Ano ang maitutulong sa atin kung matatandaan mo ang mga istrakturang


madadaanan patungo sa paaralan

IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot.
1. Anong istraktura ang katapat ng bahay ni Mila?
A. tindahan
B. basurahan
C. tulay
2. Ano ang istrakturang nadaananpatungo sa paaralan ang pupuntahan mo kung
ikaw ay mag sisimba?
A. simbahan
B. basurahan
C. puno

3. Ang lugar ito na dinadaanan mo kung saang namimili ang mga tao ng pagkain?
A. palengke
B.barangay
C. paaralan
4. Ang lugar na ito kung saang makakabilika ng tinapay at malapit lang sa inyong
bahay?
A. tindahan
B. paaralan
C. basurahan

5. Dito dinadala ang mga batang may sakit malapit ito sa tindahan.
A. simbahan
B. palengke
C. health center

V. TAKDANG ARALIN
Ipagpatuloy ang aralin.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region XII
Pablo Omerez Cedeño Memorial Learning Center Inc.
S.Y. 2023-2024

TEACHER: SHEILA MAE S. GABAY QUARTER:4


LEVEL: GRADE 1 WEEK:3
WEDNESDAY-THURSDAY TIME: 8:30-9:20
DATE: MARCH 20-21, 2024
SEMI DETAILED LESSON PLAN IN AP

I. LAYUNIN

 Natutukoy ang mga ibat-ibang istraktura


 Nipapahayag ang kahalagahan sa mga istraktura
 Nakalalahok ng masigla sa talakayan sa klase

A. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-


unawa at pagpapahalaga sa konsepto ng distansya sa paglalarawan ng sariling
kapaligirang ginagalawan tulad ng tahanan at paaralan at ng kahalagahan ng pagp
B. Pamantayang Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakagagamit ng konsepto ng
distansya sa paglalarawan ng pisikal na kapaligirang ginagalawan. Ang mga mag-
aaral ay nakapagpapakita ng payak na Gawain sa pagpapanatili at pangangalaga ng
kapaligirang ginagalawan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nagagamit ang iba’t-ibang katawagan sa pagsukat
ng distansya sa pagtukoy ng mga gamit at lugar sa bahay (malayo, malapit)

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Mga istraktura na nakikita patungo sa paaralan
Sanggunian:k to 12 Curriculum guide Grade 1 AP
Kagamitan: Laptop,Powerpoint Presentation, Mga larawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Sagutin ang mga tanong.
1. Ito ay bagay na unang nadaanan ni Mila patungo sa paaralan galing sa
kanilang tahanan._______________.
2. Sa kanyang paglalakad isang malawak na istraktura ang kanyang
nadaanan.
3. Dumaan muna si Mila sa lugar na ito para saglit na manalangin.
4. Dito tinatawid ni Mila ang isang maikling ____________.
5. Dito siya bumibili na kanilang pagkain araw-araw.

2. Pagganyak
Masdan ang mga larawan. Ano ang iyong napupuna sa mga larawan ng mga
sumusunod?

malapit na tindahan maayos na basurahan malawak na health center


mataas na simbahan maikling tulay.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sagutin ang tanong.
 Maari mo bang ilarawan ang mga estrakturang iyong nadadaanan patungo
sa paaralan galing sa sariling tahanan?

Ang iyong mga nadaanang estraktura mula sa tahanan patungo sa paaralan ay


may ibat ibang itsura. May mataas na simbahan, maikling tulay, maayos na
basurahan, malawak na health center at malapit na tindahan. Ang mga salitang
idinadagdag natin bago sa mga pangalan ng istraktura ay mga salitang
naglalarawan upang magbigay ng linaw sa atin nang sa ganun ay madali natin
itong makita.

Gawain: Buuin ang pangungusap ng angkop na salita para ilarawan ang mga
bagay at istrakturang nakikita sa pagtungo sa paaralan kapag galing sa sariling
tahanan.
1. Ang basurahan ay _______
2. Ang health center ay _________.
3. Ang simbahan ay _________.
4. Ang tulay ay ________
5. Ang tindahan ay

2. Pagtatalakay
Panuto: Tukuyin angkop na salita para ilarawan ang mga bagay at istrakturang
nakikita sa pagtungo sa paaralan kapag galing sa sariling tahanan.

1)

2)

3)

4)

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Tandaan:
 May iba’t ibang bagayat istraktura namaaring makita sapagtungo sa
paaralankapag galing sasariling tahanan.Nagsisilbi itongpalatandaan
upangmadaling makita omakarating papuntasa paaralan.

2. Paglalapat
Sagutin ang tanong.

 Bilang isang bata, paano mo ipapakitaang pagpapahalaggamo sa


mgaistruksturangmadadaanan patungosa paaralan.
GAWAIN: Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung kaya, at malungkot na
mukha naman kung hindi kaya.
_______ 1. Nasasabi ang lokasyon ng aking tahanan.
_______ 2. Nakapupunta sa paaralan mag-isa.
_______ 3. Natutukoy ang mga bagay o istrukturang nadadaanan.
_______ 4. Naipagmamalakiko ang aking paaralan.
_______ 5. Natutukoy ko ang aking tirahan

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang letra ng wastong sagot.

1. Ito ay bagay kung saan natin itinatapon ang basura.


A.kalye
B. basurahan
C.lamesa

2. Ito ay istraktura kung saan tayo nag sisimba.


A.paaaralan
B. palaruan
C.simbahan

3. Dito hinuhubog ang ating kaisipan bilang mag-aaral


A.simbahan
B. paaralan
C.palaruan

4. Nagpapakonsulta ang mga pasyente at nakakuha ng mga libreng bakuna ng doctor.


A.Health center
B. paaralan
C.simbahan

5. Dito naninirahan ang isang pamilya.


A.palengke
B. palaruan
C.tahanan

V. TAKDANG ARALIN
Laging magtanong kung hindi alam ang lugar o istraktura.

You might also like