You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII – Easter Visayas
Schools Division of Samar
Sta. Margarita I District
STA. MARGARITA NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Margarita, Samar

OCTOBRE 10 - 14, 2022, Araw 2


Semi - Detailed Lesson Plan sa Grade 7 – Edukasyon sa Pagpapakatao

I. LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga hilig

B. PAMANTAYANG PAGGANAP:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig

C. KASANAYANG PAGKATUTO: Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng


kanyang mga hilig

D. KODA: EsP7PS-If-3.4
E. TIYAK NA MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Maisaisa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng hilig


2. Maisagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng hilig

II. PAKSANG ARALIN:

 PAKSA: Pagpapaunlad ng Hilig


 SANGGUNIAN: esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf ,
 KAGAMITAN: TV, LAPTOP, CHALK, CHALKBOARD. Manila Paper

III. PAMAMARAAN

I. PANIMULANG GAWAIN:
- Panalangin
- Pagbati
- Pagsasa-ayos ng silid
- Pagtatala ng liban

II. PAGGANYAK(MOTIBASIYON) O BALIK-ARAL:


- Ang guro ay magtatanong tungkol sa nakaraang aralin.
1. Tungkol saan ang ating tinalakay noong nakaraang araw?
2. Ano ba ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng ating mga hilig?
Sagot:
Ito ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng
propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay,
pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan

III. PAGLALAHAD

- Ilalahad ng guro ang paksa at mga layunin para alam ng mga mag-aaral ang dapat nilang
matutuhan sa araling ito.
Paksa: Kahalagahan ng Pagpapaunlad ng Hilig
Layunin:
1. Maunawaan ang mga dahilan kung bakit napakahalaga o importante na mapaunlad nila
kanilang hilig

IV. PAGTATALAKAY SA ARALIN (Inquiry Based Approach)

- Ang guro ay magpapagawa ng Gawain o performance task sa mga mag-aaral, ipapangkat


ng guro ang mga mag-aaral sa 3 at ang bawat pangkat ay mag – bibrainstorming o
magsasabi ng kanilang mga idea kung paano nila mapapaunlad ang kanilang mga hilig.
Kagaya ng halimbawang ito:

V. PAGLALAHAT/PAGPAPAHALAGA/PAGSASABUHAY
- Ang guro ay magtatanong sa mga mag – aaral tungkol sa sa kanilang mga natututuhan.
- Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang mga hilig at kung
papaano nila ito mapapaunlad
+
IV. PAGTATAYA 10: TOTOO o CHAROT?
Panuto: Basahin ng Mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba at isulat ang TOTOO kung tama, kung
hindi, isulat ang CHAROT.

1. Si James ay magaling sa larong basketball at masaya siya kapag naglalaro siya nito.
Naisipan niyang sumali sa training na ginagawa ng kanilang barangay sa mga batang
mahihilig maglaro ng basketball, para mas lalo pa siyang gumaling.
2. Kahit anong practice or training ang gawin ni Alvin hindi niya magawang gawin ang tamang
pag-spike ng bola, palagi siyang “not-over’ kaya siya ay nagdesisyon na humingi ng tulong
sa kanyang kuya na si Charles para siya ay turuan.
3. Nakita ni Mama na mahilig o magaling sa numero ang aking bunsong kapatid kaya ipinasok
niya si bunso sa Kumon Center para mas lalo pang gumaling sa math.
4. Si Jordan ay mahilig sa paglalaro ng Volleyball pero tinatamad siyang maglaro kaya minsan
lang siya naglalaro ng volleyball kapag gusto lang niya. Si Jordan ay mas lalo pang
gagaling sa volleyball.
5. Si Cecilo ay marunong maglaro ng basketball pero ayaw niyang magtraining dahil
tinatamad siya. Siya mas lalo pang gagaling sa larangan ng basketball.

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Mag-balik aral ng Mabuti sa mga aralin na tinalakay para makasagot
ng maayos at maipasa ang pagsususulit sa ESP 7.

VI. PAGNINILAY/Repliksyon:
VII. MARKA

INIHANDA NI: ISINURI NI:

JORDAN S. HULAR MA. LUISA C. ADVINCULA


Guro I DalubGuro II / Pinuno ng
Departamento, Baitang 7

IWINASTO NI: INAPROBAHAN NI:


RONNEL A. RAMADA GLORIA B. TAMIDLES, JD
Ulong Guro I Punong-Guro III

You might also like