You are on page 1of 31

Tanon College

(E.A. Antonio Jr. Mem. School)


San Carlos City, Negros Occidental
Tel. Nos. (034) 729-5294; 729-8287
Email Address: tanon_college@yahoo.com

Portfolio
ng
lesson plan
IPINASA KAY: MRS. MARICAR ESPINOSA

IPINASA NI: GRETCHEN P. DESOYO BEED II


Tanon College
(E.A. Antonio Jr. Mem. School)
San Carlos City, Negros Occidental
Tel. Nos. (034) 729-5294; 729-8287
Email Address: tanon_college@yahoo.com

BANGHAY ARALIN

Estratehiya 1: Hula ko! Sagot ko!

Paaralan Tanon College Baitang/Antas Dalawa


Guro Mrs. Maricar Espinosa Asignatura Filipino
Petsa/Oras Markahan Una/1

FILIPINO
I. Layunin(Objectives)

A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag –


Pangnilalaman unawa sa napakinggan.

B. Pamantayan sa
Pagganap

C. Mga kasanayan sa F2PN-Ie-9


Pagkatuto Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa kuwento batay
sa tunay na pangyayari/pabula.
II. Nilalaman(content) Pabula( Si Alitaptapat si Paruparo)
Paghula sa susunod na mangyayari.
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian Youtube: Mga kwentong pambata
1. Mga pahina sa gabay ng guro K to 12 Grade 2 Curriculum Guide p.23

2. Mga pahina sa kagamitang


pang mag – aaral.
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula
sa Portal Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Manila paper, marker,larawan at activity sheets
Panturo:
IV. Pamamaraan

A. Balik aral/nakaraang Element ng kuwento, tagpuan,tauhan at suliranin


Aralin
B. Paghahabi sa layunin ng Sino – sino ang mga tauhan sa kuwento?
Aralin Ano kaya ang susunod na mangyayari kay Paruparo?
Sino kaya ang tutulong sa kanya?

*basahin ang kuwento nang putol-putolat ipahula ang susunod na


mangyayari.
C. Pag – uugnay ng mga Hula ko, Sagot ko!
halimbawa sa bagong  Magpakita ng ilang larawan mula sa kuwento at ipahula
aralin ang kanilang pangalan at ano ang katangian nila doon.

D. Pagtatalakay ng bagong Pangkatang Gawain


konsepto at paglalahad Isadula o ilahad ditto sa harap kung ano ang susunod na
ng bagong kasanayan #1 mangyayari base sa topiko aking ibibgay.
Pangkat 1 – nag –aaway
Pangkat 2 – nagkakasakit
Pangkat 3 – naglalaro

Pamantayan Score Nakuhang


puntos
Kahusayan 5
Kooperasyon 5
Nilalaman 10
20

E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #2

F. Paglinang sa kabihasaan Bago tayo gigising/Ano nga ba susunod natin gawin.


tungo sa formative Panuto: isulat ang numero sa patlang at ipakasunod – sunod
assessment simula 1 – 5

1.

2.

3.

4.
5.

G. Paglalapat ng aralin sa Paano mo matulungan ang iyong kapatid kapag ito ay


pang araw – araw ng nahihirapan sa pag – gawa ng kaniyang takdang aralin?
buhay

H. Paglalahat ng Aralin Paano mo nahulaan ang susunod na pangyayari?

 Suriin ang detalyeng inilahad batay sa salita,kilos at


iugnay sa tunay na buhay bago gumawa ng hula.

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Pagtagpiin ang Hanay A at Hanay B. Isulat sa


patlang ang letra ng tamang sagot.

A B

1. Nagluluto a. tumubo ng maayos


2. Naglalaba b. nagsasampay
3. Naliligo c. nagbibihis
4. Nagtatanim d. kumain
5. Nagsuot ng uniform e. pumasok sa paaralan

J. Karagdagang Gawain para Magdala ng larawan at Isulat sa kwaderno ang maari niyang
sa takdang aralin susunod na pangyayari.

Inilihad ni: Gretchen P. Desoyo BEED II


Tanon College
(E.A. Antonio Jr. Mem. School)
San Carlos City, Negros Occidental
Tel. Nos. (034) 729-5294; 729-8287
Email Address: tanon_college@yahoo.com

BANGHAY ARALIN

Estratehiya 2: Salamin! Salamin

Paaralan Tanon College Baitang/Antas Tatlo


Guro Mrs. Maricar Espinosa Asignatura Filipino
Petsa/Oras Markahan Ikaapat

FILIPINO
I. Layunin(Objectives)

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto F3WG – Ive – f – 5


Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag – uusap tungkol
sa iba’t – ibang Gawain sa tahanan, paaralan at
pamantayan.
II. Nilalaman(content) Paggamit ng salitang kilos sa pag – uusap tungkol sa iba’t
– ibang gawain sa tahanan, paaralan at pamantayan.
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro K to 12 Grade 2 Curriculum Guide p.59

2. Mga pahina sa kagamitang pang Batayang aklat sa Ikatlong baiting p.


mag – aaral.
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa
Portal Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo: Manila paper, marker,larawan, tsart at activity sheets

IV. Pamamaraan

A. Balik aral/nakaraang Aralin


B. Paghahabi sa layunin ng Aralin Await ang buong mag – aaral
‘’Ako ay May Lobo”

Ako ay may lobo,


Lumipad sa langit,
Di ko na nakita
Pumutok na pala!
Sayang ang pera ko
Pinambili ng lobo
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako.

C. Pag – uugnay ng mga Mula sa awitin suriin ang mga salitang sinalungguhitan.
halimbawa sa bagong aralin Isakilos ang mga salitang sinalungguhitan mula sa awit.

 Itanong sa mga mag – aaral kung ito ba ay nagsasaad ng


kilos.
Bakit may salungguhit ang salita?

D. Pagtatalakay ng bagong A. Magpapakita ng mga larawan na nagsasaad ng kilos


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan

 Sa larawan nagsasaad ba ito ng kilos?

B. Tatawag ng mga mag – aaral at ipatukoy ang salitang


nagsasaad ng kilos.
- dalawang mag – aaral mag – uusap dito sa harapan at
kanilang mga kaklase magsasabi kung may salitang nagsasaad
ng kilos sa kanilang pag – uusap.
Topiko ay: Nag – aaway ang dalawang bata

C. Ipangkat ang mga mag – aaral sa dalawang grupo at sa


bawat grupo ay may dalawang mag – tatanghal sa harap at
mag – uusap sila sa harap at may nakalaan sa kanilang
salita nagsasaad ng kilos at mag – uusap sila at isakilos.

D. Aawit ang buong mag – aaral


Ang mga ibong na lumilipad
Ay mahal ng diyos di kumukupas
Wag kanang malungkot
Kaibigan ko.

Ang mga isda na lumalangoy


Ay mahal ng diyos
Hindi kumukupas
Wag kanang malungkot
Kaibigan ko.
Ang mga bata na naglalaro
ay mahal ng diyos di kumukupas
wag kanang malungkot
kaibigan ko.

E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2

F. Paglinang ng kabihasnan tungo Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Ikahon ang
sa formative assessment #3 mga salitang nagsasaad ng kilos.

1. si nanay ay nagwawalis sa bakuran.


2. Ang mga bata ay kumakain.
3. Si bunso ay tumatakbo – takbo sa bakuran.
4. Naglalaba ang mag kapatid na si Ana at Elsa.
5. Kami ay gagala sa plaza.

G. Paglalapat ng aralin sa pang – Ano ba ang madalas na gawin inyong bahay?


araw – araw na buhay. Nagsasaad ba ng kilos ang inyong ginawa sa bahay?

H. Paglalahat ng Aralin Ano nga ba ang pandiwa?

PANDIWA
 Ang pandiwa ay ang bahagi ng pananalita na tumutukoy
sa mga salitang nagpapahayag ng kilos, galaw, aksiyon,
karanasan at pangyayari.
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Magsulat ng salitang nagsasaad ng kilos.

Halimbawa: umiiyak.

1.
2.
3.
4.
5.
J. Karagdagang gawain para sa Mag guhit/ Mag – gupit ng litrato na may salitang kilos.
takdang aralin

Inihanda ni: Gretchen P. Desoyo BEED II


Tanon College
(E.A. Antonio Jr. Mem. School)
San Carlos City, Negros Occidental
Tel. Nos. (034) 729-5294; 729-8287
Email Address: tanon_college@yahoo.com

BANGHAY ARALIN

Estratehiya 3: Himayin Natin!

Paaralan Tanon College Baitang/Antas Anim


Guro Mrs. Maricar Espinosa Asignatura Filipino
Petsa/Oras Markahan Ikaapat

FILIPINO
I. Layunin(Objectives)

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ang iba’t – ibang kasanayan upang
mauunawaan ang iba’t – ibang teksto.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto F6PB – IVf – 5.6
Napagsunod- sunod ang mga pangyayari sa kuwento.

F6PS – Ivf – 6.6


Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling
salita.
II. Nilalaman(content) Si langgam at Tipaklong
Pagsunod – sunod ng mga pangyayari sa kuwento gamit ang
story grammar.
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro K to 12 Grade 2 Curriculum Guide p.59

2. Mga pahina sa kagamitang pang


mag – aaral.
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa
Portal Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo: Manila paper, marker,larawan, tsart at activity sheets
IV. Pamamaraan
 Pagganyak: ibigay ang saloobin ng kasabihan: ‘’kapag
A. Balik aral/nakaraang Aralin may sipag at tiyaga, tiyak may malalaga”(pagsasanib sa
EsP)
 Ilahad ang estratehiyang KWL.

K W L
What I know What I Wonder What I Learned

Ano ang alam mo Ano ang nais Ano ang


tungkol sa mong malaman natutuhan mo sa
pabula? sa pabula? pabula?

 Ipaalala ang pamantayan sa mabisang pakikinig/


panonood
 Pag – alis ng sagabal
Mga Bahagi ng Story grammar
1. Pamagat
2. Tagpuan
3. Kasukdulan
4. Pataas na aksyon
5. Pababang aksiyon
6. Problema
7. Resolusyon
8. Tema

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Basahin ang ng Guro ang pabula

“Si Langgam at Si Tipaklong”


Isang pabula hango sa "The Ant and the
Grasshopper" ni Aesop.

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw.


Maaga pa lamang ay gising na gising na si Langgam. Nagluto siya at
kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya ng dati, naghanap siya
ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala
sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.

"Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong. "Kay bigat ng


iyong dala. Bakit ba wala kanang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng
pagkain?"

"Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon,"


sagot ni Langgam.

"Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Habang


maganda ang panahon, tayo ay magsaya. Halika, tayo ay lumukso. Tayo
ay kumanta."

"Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya ng sinabi


ko sa iyo, habang maganda ang panahon ako ay naghahanap ng
pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pag sumama ang
panahon."

Lumipas pa ang maraming araw, dumating na ang tag-ulan. Ulan sa


umaga, ulan sa hapon at sa gabi umuulan pa rin. At dumating ang
panahong kumidlat, kumulog at lumakas ang hangin kasabay ang
pagbuhos ngmalakas na ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang
kaawa-awang Tipaklong. Naalala niyang puntahanang kaibigang si
Langgam. Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay
ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng
masayahing si Tipaklong.

"Tok! Tok! Tok!"

Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya."Aba! Ang aking


kaibigan," wika ni Langgam. "Tuloy ka Tipaklong."

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Mabilis na naghanda


siya ng pagkain. Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na
pagkain ang magkaibigan.

"Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Ngayon ako


naniniwala sa iyo. Kailangan nga palang mag-ipon habang maganda ang
panahon at nang may makain pagdating ng tag-gutom."

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang


maganda ang panahon ay kasama nasiya ng kanyang kaibigang si
Langgam. Natuto siyang gumawa at higit sa lahat natuto siyang mag-
impok.
ARAL:
Mag-impok habang maganda ang sitwasyon upang maging handa sa
anumang suliranin sa hinaharap.

2. Pagsunod – sunurin ang mga pangyayari mula sa binasang


pabula
Isulat ang bilang 1 – 5

____1. Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni


Tipaklong. "Kay bigat ng iyong dala.
____2. "Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong.
"Ngayon ako naniniwala sa iyo. Kailangan nga palang mag-ipon
habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating
ng tag-gutom."
____3.Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya."Aba!
Ang aking kaibigan," wika ni Langgam. "Tuloy ka Tipaklong."
____4. Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla
ng masayahing si Tipaklong.
_____5. Mag-impok habang maganda ang sitwasyon upang
maging handa sa anumang suliranin sa hinaharap.
C. Pag – uugnay ng mga halimbawa Pagtatalakayan at pagsusuri ng story grammar sa pamamagitan
sa bagong Aralin ng graphic organizer.
1. Pamagat
2. Tagpuan
3. Kasukdulan
4. Pataas na aksiyon
5. Pababang Aksiyon
6. Problema
7. Resolusyon
8. Tema
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto Pangkatang Gawain. Hatiin ang klase sa apat na grupo.
at Paglalahad ng bagong kasanayan  Unang pangkat – gumawa ng story grammar mula sa
#1 pabulang nabasa.
 Ikalawang pangkat – gawi ang estratehiyang Hali na’t
Isatao! Batay sa pabulang nabasa o narinig.
 Ikatlong pangkat – isalaysay na muli nang sabayang
pagbigkas ang pabulang narinig o napanood.
 Ikaapat na pangkat – iguhit angmahahalagang bahagi
ng kuwento.
At iulat dito sa harap ng inyong mga kaklase

Pamantayan Puntos Nakuhang puntos

Nilalaman 10
Pagtutulungan 5
Kahusayan sa 5
pag – uulat
Kabuuan 20
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto
at paglalahad ng bagong kasanayan
#2
F. Paglinang sa kabihasnan tungo sa 1. Pakinggan ang maikling kuwentong babasahin ng guro at
formative assessment #3 tandaan ng mga pangyayari.
2. isasalaysay muli ang napakinggang pabula gamit ang story
grammar.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang – Ano ang natutunan ninyo tungkol sa pabula at story grammar?
araw – araw na buhay?
H. Paglalahat ng Aralin Paano nakatulong ang story grammar sa pagkasunod – sunod
ng mga pangyayari ng kuwento.
I. Pagtataya ng Aralin Basahin ang kuwento at sagutan gamit ang story grammar
graphic organizer.
Ang Pagong at ang Kalabaw
Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na
makipagkaibigan sa kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at
pakutyang sinabi na, “hindi ang isang tulad mo ang nais kong kaibigan. Ang
gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko. Hindi tulad mong lampa na’t
maliit ay sobra pa ang kupad kumilos.”

Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. “Sobra kang


mapang-api. Minamaliit mo ang aking kakayahan. Dapat mong malaman na
ang maliit ay nakakapuwing.”Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si
pagong upang mapatunayan nito ang kanyang sinasabi. Tinanggap naman ni
pagong ang hamon ni kalabaw.“Kapag ako ay tinalo mo sa labanang ito ay
pagsisilbihan kita sa habang panahon.”“Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan
mo gustong umpisahan ang karera?” Pakutyang sambit ng kalabaw.“Bukas
ng umaga, sa lugar ding ito,” ang daling sagot ng pagong.Tuwang-tuwa si
kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya at
mabilis tumakbo.Subalit si pagong ay matalino. Kinausap niya ang apat na
kaibigang pagong. Pinapuwesto niya ang mga ito sa tuktok bawat bundok
hanggang sa ikalimang bundok.Kinabukasan, maagang dumating si kalabaw.
Tulad ng inaasahan, wala pa ang makakalaban niya sa karera.“O, paano, di
pa man ay nahuhuli ka na. Ano bang kondisyon ng ating karera?” tanong ng
kaiabaw.“Okey, ganito ang gagawin natin. Ang maunang makarating sa
ikalimang tuktok ng bundok na iyon ay siyang panalo,” sabi ng pagong.Tulad
ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si pagong. Naunang sinapit ng
kalabaw ang unang bundok ngunit laking gulat niya ay naroon na ang pagong
na ang akala niya ay ang kanyang kalaban. Nagpatuloy sa pagtakbo si
kalabaw hanggang sa ikalawang bundok. Ganon din ang kanyang dinatnan.
Mayroon nanamang isang pagong doon. Galit na galit na nagpatuloy sa
pagtakbo ang kalabaw hanggang sa ikatlong bundok. Muli ay may isang
pagong na naman doon, ganoon din sa ikaapat at ikalimang bundok.Dahilan
sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay pagong tinadyakan
niya ng malakas ang pagong. Matigas ang likod nang pagong kaya hindi ito
nasaktan sa halip ay ang kalabaw ang umatungal ng iyak dahil sa sakit na
dulot ng nabiyak ng kuko sa pagsipa sa mahina at maliit na pagong.

Aral: - Iwasan ang pagiging mayabang.


-Huwag dayain ang kapwa.

J. Karagdagang Gawain para sa Magdala ng kuwentong “Ang Unang Punong Niyog” at aralin at
takdang aralin basahin.

Inihanda ni: Gretchen P. Desoyo BEED II


Tanon College
(E.A. Antonio Jr. Mem. School)
San Carlos City, Negros Occidental
Tel. Nos. (034) 729-5294; 729-8287
Email Address: tanon_college@yahoo.com

BANGHAY ARALIN

Estratehiya 4: Tara na’t tukuyin

Paaralan Tanon College Baitang/Antas Anim


Guro Mrs. Maricar Espinosa Asignatura Filipino
Petsa/Oras Markahan I

FILIPINO
I. Layunin (objectives)
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag
A. Pamatayang Pangnilalalman ng sariling ideya, kaisipan, karanasan, ay damdamin.

Napahahalagahan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa


B. Pamantayan sa Pagganap usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng
tula at kuwento

F6WG-IVVa-j-13
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto Nagagamit sa usapan at iba’t-ibang sitwasyon ang mga uri ng
pangungusap
F6PL-0a-j-1
Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito

II. Nilalaman (Content) Iba’t-ibang uri ng Pangungusap

III. Kagamitang Panturo


A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro K to 12 Curriculum Guide
B. Iba pang kagamitang Panturo
IV. Pamamaraan

A. Balik-aral sa Nakaraang aralin  Nakapunta na ba kayo sa Masskara Festival? Ibahagi ito.


at/o Pagsisimula ng Aralin  Kailan ipinagdiriwang ang Masskara Festival sa Bacolod City?
 Ipabasa sa mag-aaral ang babasahin.
Masskara Festival
Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Lungsod Bacolod, Negros
Occidental tuwing Oktubre. Kilala ito bilang isa sa mga pinakamakukulay
na pagdiriwang sa buong Pilipinas.
Parada ng mga taong nakasuot ng makukulay na kasuotan at ng
nakangiting maskara ang pangunahing atraksiyon tuwing ipinagdiriwang
ang MassKara Festival. Nagmula ang terminong MassKara sa mga
salitang mass (malaking bilang) at kara (mukha). Samakatwid, ang
MassKara ay nangangahulugang “maraming nakangiting mukha.” Ito rin
ang dahilan kung bakit binansagan ang Lungsod Bacolod bilang “City of
Smiles.”
Gayunman, masalimuot ang kuwento ng pagsisimula ng MassKara
Festival dahil sa dalawang krisis na kinaharap ng lungsod noong 1980.
Sa taong iyon, bumagsak ang ekonomiya ng Negros Occidental na
nakasalalay sa pangunahin nilang produkto—ang asukal.
Ang konsepto ng pagsasama ng mga salitang “mass” at “kara” ay
nagmula sa dating pangulo ng Asosasyong Pang-sining ng Bacolod na si
Ely Santiago, na sinuportahan naman ng dating tagapangasiwa sa
turismo ng lungsod na si Romeo Geocadin at dating puno ng Kagawaran
ng Turismo sa Negros Occidental na si Atty. Evelio R. Leonardia. Mula sa
isang konsepto ay ipinagdiwang ang unang MassKara Festival noong
1981.

1. Ano ang ipinagdiriwang ng mga taga bacolod City?


2. Kailan ipinagdiriwang ang Masskara festival?

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin Tatalakayin ng guro ang apat na uri ng pangungusap.


1. Pasalaysay -Ang pangungusap ay nagpapahayag ng isang
pangyayari o katotohanan. Tuldok ang ginagamit na bantas sa
hulihan.(.)
Halimbawa: Ang lamig ng panahon ngayon.

2. Patanong - Ang pangungusap ay nagtatanong o nag-uusisa.


Patanong ang ginagamit na bantas sa hulihan.(?)
Halimbawa: Saan kaba nakatira Elsa?

3. Pautos o Pakiusap - nakikiusap o nag-uutos na gawin ang isang


bagay. Tuldok ang bantas sa hulihan.(.)
Halimbawa: Pakikuha nga yung bag ko sa loob ng kwarto Ana.

4. Padamdam - Ang pangungusap ay nagpapahayag ng matinding


damdamin, pagkagulat, o pagkabigla. Ito ay ginagamitan ng tandang
padamdam.(!)
Halimbawa: Hala! Ang ganda pala dito sa Tagaytay.

C. Pag-uugnay ng mga Mag - bigay ang mga mag-aaral ng halimbawa ng iba’t-ibang uri ng
HALIMBAWA sa Bagong Aralin pangungusap.
Pangkatang gawain.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto Hatiin sa apat na pangkat ang klase.(iba’t-iba ang gawain ng bawat
at paglalahad ng Bagong pangkat)
kasanayan #1
Pangkat 1: Gumawa ng pagsasadula. Gumamit ng pangungusap na
padamdam(Birthday party)
Pangkat 2: Gumawa ng pagsasadula gamit ang pangungusap na
patanong.(Naligaw sa isang lugar)
Pangkat 3: Gumawa ng pagsasadula gamit ang pangungusap na
pautos o pakiusap.(Nagkakasakit si Inay)
Pangkat 4: Gumawa ng pagsasadula gamit ang pangungusap na
pasalaysay.(Nag – uusap tungkol sa presyo ng bilihin)
E. Pagtatalakay ng Bagong
konsepto at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan#2

F. Paglinang sa Kabihasnan tungo Tukuyin ang sumusunod na pangungusap kung ito ba ay pasalaysay,
sa formative assessment 3 patanong, pautos, o padamdam. Isulat ang inyung sagot sa 1/4 na
papel.

___1. Idinidiriwang ng mga taga Bacolod ang Mascara festival tuwing


ika – apat na dominggo ng octobre.
___2. Saan tayo kakain?
___3. Lorna
___4. Naku! Nakalimutan kung itapon ang basura.
___5. Maaari mo bang ilagay sa kahon ang mga laruan.
G. Paglalapat ng Aralin sa pang Paano natin maipagmamalaki ang ating sariling wika?
araw-araw na buhay
H. Paglalahat ng aralin Ano ang apat na uri ng pangungusap?

(Ang apat na uri ng papngungusap ay ang patanong, pasalaysay,


pautos, at padamdam. May iba’y-ibang bantas ang bawat uri ng
pangungusap.)
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat sa hulihan ang tamang bantas na – angkop sa
pangungusap.
1. Bukas ay lunes na pala___
2. Nay pwede po ba akong pumunta sa plaza kasama ang
kaibigan ko___
3. Ate nakita mo ang bag ko___
4. Anak bilhan mo nga ako ng tinapay__
5. Naku__ Ang liit ng marka ko sa finals__
J. Karagdagang gawain para sa Sumulat ng mga pangungusap na may apat na klasi ng bantas.
takdang-aralin at remediation

Inihanda ni: Gretchen P. Desoyo BEED II


Tanon College
(E.A. Antonio Jr. Mem. School)
San Carlos City, Negros Occidental
Tel. Nos. (034) 729-5294; 729-8287
Email Address: tanon_college@yahoo.com

BANGHAY ARALIN

Estratehiya 5: Buhay mo, Ganap ko!

Paaralan Tanon College Baitang/Antas Una


Guro Mrs. Maricar Espinosa Asignatura Filipino
Petsa/Oras Markahan Ikaapat

FILIPINO
I. Layunin(Objectives)

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang katayuan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,karanasan at
damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakabibigkas ng Tula at iba’t – ibang pahayag nang may
damdamin, wastong tono at integrasyon.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto F4PS-Ia-12.8
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t – ibang
sitwasyon tulad ng pagbili sa tindahan.
II. Nilalaman(content) Paggamit ng Magagalang na Pananalita

III. Kagamitang Panturo


A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro K to 12 Grade 4 Curriculum Guide

2. Mga pahina sa kagamitang pang


mag – aaral.
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa
Portal Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo: Manila paper, marker,larawan, tsart at activity sheets

IV.Pamamaraan

A.Balik aral sa nakaraang Aralin


at/ o Pagsisimula ng Aralin
B.Paghahabi sa Layunin ng Aralin
Makikiraan po Mang Fred” magalang na sabi ni Francisco
pagdaan sa bahay ng hermano mayor ng bayan. Sige lang
Francisco, sabihan mo pala ang nanay mo isasali kita sa sagala
para sa nalalapit na Flores de Mayo”. Ang sabi nito. “Salamat po
ng marami tiyak matutuwa ang nanay ko”. Sabay ngiti ni
francisco.

C. Pag – uugnay ng mga Ano ang natutunan niyo sa nabasang maikling kuwento tungkol sa
halimbawa sa bagong batang magagalang.
napakinggan.
D. Pagtatalakay sa bagong Pangkatang Gawain: hatiin sa dalawang grupo ang mag – aaral
konsepto at paglalahad ng at dapat lahat ay lumalahok.
bagong kasanayan #1 Pangkat #1 – magsasadula tungkol sa magagalang na pananalita
kapag ikaw ay nagkipag – usap sa matatanda.
Pangkat #2 – gagawa ng iskrip pagkatapos iulat dito sa harap na
may magagalang na pananalita.
Halimbawa: sa loob ng inyong tahanan.
E. Paglinang sa kabihasan Tungo
sa formative assessment #2 Panuto: Isulat sa patlang ang puso kapag tamang
magalang at isulat ang star kapag hindi.

____1. Ang pangit naman ng buhok mo.


____2. Maraming salamat po.
____3. Magandang gabi po Nay.
____4. Hindi kita gusto makita ditto.
____5. Nay ikaw na po ang maupo dito.
F. Paglalapat ng Aralin sa Pang –  Bakit kailangan natin maging magagalang sa mga tao o
araw – araw na buhay mga matatanda sa atin?
 Mahalaga ba na dapat magalang tayo?
G. Paglalahat ng Aralin Ano nga ulit yung ang magagalang na pananalita?

H. Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat sa patlang ang tsek kapag “TAMA” at ekis
kapag “MALI”.
___1. Bakit ba ang baho dito?
___2. Naku! Ang iingay naman ninyo dito.
___3. Maraming salamat po.
___4. Nay! Pasensya napo kayo ate ha.
___5. Samahan ko na po kayo Nay kasi delikado na ang panahon
ngayon.
I. Karagdagang Gawain para sa Gumawa ng isang iskrip na may magagalang na salita sa loob
Takdang Aralin at Remediation lamang ng inyong tahanan.

Inihanda ni: Gretchen P. Desoyo BEED II


Tanon College
(E.A. Antonio Jr. Mem. School)
San Carlos City, Negros Occidental
Tel. Nos. (034) 729-5294; 729-8287
Email Address: tanon_college@yahoo.com

BANGHAY ARALIN

Estratehiya 6: Iulat mo, Makikinig ako!

Paaralan Tanon College Baitang/Antas 6


Guro Mrs. Maricar Espinosa Asignatura Filipino
Petsa/Oras Markahan Ikaapat/ 4

FILIPINO
I. Layunin(Objectives)

A.Pamantayang Pangnilalaman Napaunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t – ibang


uri ng sulatin
B.Pamantayan sa Pagganap Nakasusulat ng iskrip para sa Radio Broadcasting o
teleradyo, editorya, lathalain o balita.

J. Mga kasanayan sa Pagkatuto F6PU-IV-e-2.12.1


Nakasusulat ng iskrip para sa Radio Broadcasting.
II. Nilalaman(content)
III. Mga Kagamitan
A.Sanggunian: Curriculum Guide page 128
B. Kagamitang Panturo: Manila paper, marker, construction/bond paper, activity sheets, laptop at
mga larawan.
IV. Pamamaraan

A.Balik aral/nakaraang Aralin


B.Pagganyak
1. Nakilala niyo ba kung sino ito?

2. Saan ninyo sya madalas makita?

3. Ano nga ba ang kanyang propesyon?

C.Paglalahad ng Aralin short video clip)


Link: https://www.youtube.com/watch?v=ZR_Tfsk3uiM

1. Ano bang klaseng video ang aking inilahad sa inyo?


2. Ano nga ba ang importansya ng balita para sa atin?
D. Pagtatalakay ng Aralin  Mga bata may ideya ba kayo kung ano ang iskrip radio
broadcasting?

ANO ANG ISKRIP RADIO BRODCASTING?


- Ay para sa radio broadcasting o teleradyo ay manuskrito ng
gagawin ng isang announcer o tagapagbalita sa isang
programa radio o telebisyon.
- Mahalaga ang paggamit ng iskrip sa pagbabalita upang
maging maayos, malinaw at organisadong maiparating sa
mga tagapakinig ang balita.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ISKRIP.


a. gumawa ng balangkas ng nilalaman para sa napiling paksa.
b. magsaliksik ng mga impormasyong kailangan sa iskrip.
c. gawing maikli at simple ang iyong iskrip.
d. gumamit ng mga ordinaryong mga salitang medaling bigkasin at
maintindihan ng mga tagapakinig

MGA BAHAGI NG TAGA- ULAT SA BROADCASTING


1. taga – ulat
2. co –reporter
3. scipt writer
4. observer

PORMAT SA PAGSULAT NG ISKRIP


 Pamagat ng programa – MOR
 Uri ng programa – balitang programa
 Oras ng pagpapalabas – 11:30a.m – 12:30 p.m
 Petsa ng pagpapalabas – marso 9, 2016
 Station Id – 97.1
 Program Id – lupig sila for life
 Tagapagbalita/host: (pangalan)

E. Paglalapat PANGKATANG GAWAIN(10-20minuto)


Sa pangkatang Gawain, Gagawa kayo ng iskrip ng Radio
Broadcasting at Iulat ninyo dito sa harapan. Dapat isa sa inyo may
reporte, co –reporter, script writer at tagamasid.
- Unang pangkat – Sunog sa Mandaue
- Ikalawang pangkat – 1000 peso bill na hindi dapat
matupi/magusot.

PAMANTAYAN PUNTOS NAKUHANG


PUNTOS
Nilalaman 10
Kalinisan sa pag 10
– sasalita
Kahusayan sa 10
Pag – uulat
Kabuuan 30
F. Pagtataya (10 minuto)
Panuto: Sumulat kayo ng maiksing iskrip base sa topiko ng
‘’Adiksyon ng mga kabataan sa Gadgets’’.
Sa Gawain ito ibibigay sa mga mag – aaral ang Station Id,
pangalan ng radio channel. Ang gagawin na lamang ng mga mag
– aaral ay sumulat ng isang maiksing skrip base topiko na ibinigay
ko.
Station ID –
Pangalan ng Programa-

G. Takdang aralin
Sa inyong takdang aralin kayo ay magdala ng isang diyaryo ng
may iba’t – ibang issue sa ating lugar/bansa

Inilihad ni: Gretchen P. Desoyo BEED II


Tanon College
(E.A. Antonio Jr. Mem. School)
San Carlos City, Negros Occidental
Tel. Nos. (034) 729-5294; 729-8287
Email Address: tanon_college@yahoo.com

BANGHAY ARALIN

Estratehiya 7: Ikuwento Mo, Saliksik Mo!

Paaralan Tanon College Baitang/Antas Anim


Guro Mrs. Maricar Espinosa Asignatura Filipino
Petsa/Oras Markahan Ikalawa

FILIPINO
I. Layunin(Objectives)

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag –


unawa sa napakinggan.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagsasagawa ng isahang pagsasadula tungkol sa isyu o


paksang napakinggan.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto F6PN –IIb – 4
Nuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto.

II. Nilalaman(content)

III. Kagamitang Panturo


A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro K to 12 Grade 6 Curriculum Guide p.121

2. Mga pahina sa kagamitang pang


mag – aaral.
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa
Portal Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo: Manila paper, marker,larawan, tsart at activity sheets

IV.Pamamaraan

A.Balik aral sa nakaraang Aralin


at/ o Pagsisimula ng Aralin
B.Pagganyak May nabasa na ba kayong tektso na parang katulad ng karanasan
niyo?
C.Paglalahad ng Aralin (Kuwento ni Pagong at Matsing)
1. Kaugnay niyo ba ang sarili ni Pagong?
2. Ano ang napansin ninyo sa kwento?
D.Paglalapat Ang Inang Matapobre

Ang kwento ay umiikot sa buhay ni Aling Osang at ang kanyang


anak na si Monching. Si Monching ay matagumpay sa buhay dahil
sa ito’y may mataas na katungkulan sa trabaho at topnotcher pa
sa board exam—dahilan upang tumaas ng husto ang ambisyon ni
Aling Osang sa mapapangasawa nito. Hindi babagay sa anak
mahirap na mga babae!

Maraming inayawan si Aling Osang na mga babae kung kaya’t


ganun nalang ang kanyang pananabik nang magbunga ang lahat
ng ito at naging kabiyak ni Monching ang mayamang anak ng
kanyang boss. Ngunit, bakit parang hindi masaya si Aling Osang?

Tinuturo ng kwentong ito na hindi kailanman mahihigitan ng pisikal


o perang yaman ang busilak na kalooban. Ang pera ay naiipon
ngunit ang kabaitan ay hindi maiaalis sa tao.

- Sa inyong binasang teksto ano ang napansin ninyo?


- May kilala ba kayo na katulad ng karakter niya?

E.Pagtatakay ng Aralin - Ano nga ba ang karanasan?

Ang karanasan ay ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa


pamamagitan ng paggawa ng isang bagay o gawain o pagpapanood ng
ibang taong gumagawa ng isang bagay o ng isang gawain. Isa itong pag-
aaral o pagkatuto sa pamamagitan ng mga gawa, galaw, o kilos.
F. Paglalapat Pangkatang Gawain: hatiin ang klase sa dalawang grupo at
magsasadula tungkol sa inyong karanasan.

PAMANTAYAN PUNTOS NAKUHANG PUNTOS


Galing sa pag – 10
uulat
Nilalaman 10
Kabuuan 20
G.Pagtataya Sumulat ng salaysay tungkol sa inyung karanasan sa buhay. Isulat
sa isang pirasong papel.

H.Takdang Aralin Gagawa kayo ng talambuhay

Inihanda ni: Gretchen P. Desoyo BEED II


Tanon College
(E.A. Antonio Jr. Mem. School)
San Carlos City, Negros Occidental
Tel. Nos. (034) 729-5294; 729-8287
Email Address: tanon_college@yahoo.com

BANGHAY ARALIN

Estratehiya 8: Mga Suliranin, Tugunan Natin!

Paaralan Tanon College Baitang/Antas Ikaanim


Guro Mrs. Maricar Espinosa Asignatura Filipino
Petsa/Oras Markahan Ikatlo

FILIPINO
I. Layunin(Objectives)

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag –


unawa sa napakinggan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang mga hakbang o panutong napakinggan

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto Naibibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari

II. Nilalaman(content) Pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.

III. Kagamitang Panturo


A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro K to 12 Grade 6 Curriculum Guide

2. Mga pahina sa kagamitang pang


mag – aaral.
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa
Portal Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo: Manila paper, marker,larawan, tsart at activity sheets

IV.Pamamaraan

A.Balik aral sa nakaraang Aralin at/


o Pagsisimula ng Aralin
B.Paghahabi sa layunin ng Aralin

- Ano ang napansin niyo sa larawan?


- Ano nga ba ang dahilan ng unang larawan?
C.Pag – uugnay ng mga
halimbawa sa bagong Aralin

- Ano ang pinagkaiba ng dalawang larawan?


- Saan kaya jan yung bunga?

D.Pagtatalakay ng bagong Ano nga ang sanhi at bunga mga bata?


konsepto at paglalahad ng Sanhi
bagong kasanayan #1 - Ang pinagmulan ng isang pangyayari. Ito ang dahilan
kung bakit nagkaroon ng isang kaganapan.
Bunga
- kinalabasan, resulta, o dulot ng isang pangyayari.
- Halimbawa: Si Layla ay kumain ng kendi kaya sumakit
ang kanyang ngipin (bunga).

E.Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
F.Paglinang sa kabihasnan Panuto: Isulat sa patlang ang tsek kapag ito ay “BUNGA”
tungo sa formative kapag hindi lagyan na lamang ng ekis.
assessment #3
___1. Nag – iinom ng alak si Inay kaya siya nagkasakit.
___2. Nag – aaway ang mag kapatid dahil sa pagsagot – sagot
nito.
___3. Palaging siyang umiiyak kasi inaaway siya sa klase.
___4. Ang sarap naman ng buhay.
___5. Ang ganda ng panahon.

G.Paglalapat ng aralin sa pang Paano natin matulungan ang ating komunidad para mapanatiling
– araw – araw na buhay malinis at ang mga basura hindi nakakalat sa saan – saan?
H.Paglalahat ng Aralin Ano nga ulit yung Sanhi at Bunga?

I.Pagtataya ng Aralin Panuto: sumulat kayo ng sanhi at lagyan niyo ng bunga at


Isulat sa inyong isang pirasong papel: (dalawang sanhi
lamang at lagyan niyo ng bunga)

Halimbawa:
- sanhi – madalas siyang kumain ng matamis na candy.
- Bunga – nasira ang kaniyang ngipin.

J.Karagdagang Gawain o
Takdang Aralin Magdala ng larawan may sanhi at bunga.

Inihanda ni: Gretchen P. Desoyo BEED II


Tanon College
(E.A. Antonio Jr. Mem. School)
San Carlos City, Negros Occidental
Tel. Nos. (034) 729-5294; 729-8287
Email Address: tanon_college@yahoo.com

BANGHAY ARALIN

Estratehiya 9: Hali na’t, Isatao

Paaralan Tanon College Baitang/Antas Ikalima


Guro Mrs. Maricar Espinosa Asignatura Filipino
Petsa/Oras Markahan

FILIPINO
I. Layunin(Objectives)

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapag – bibigay ng panuto, naisasakilos ang katangian ng
mga tauhan sa napakinggang kuwento.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto F4TA – 0a-j-2
Nakapagbibigay ng panuto, naisasakilos ang katangian ng mga
tauhan sa napakinggang kuwento.
II. Nilalaman(content)
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian https://youtu.be/hHbu7UUpOqc
1. Mga pahina sa gabay ng guro K to 12 Grade 6 Curriculum Guide

2. Mga pahina sa kagamitang pang


mag – aaral.
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa
Portal Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo: Manila paper, marker,larawan, tsart at activity sheets

IV.Pamamaraan

A.Balik aral sa nakaraang Aralin at/ Element ng kuwento


o Pagsisimula ng Aralin 1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Suliranin
Ang Alamat ng Rosas
B.Paghahabi sa Layunin ng
Noong unang panahon, may mag-asawang naninirahan sa isang kubo
Aralin sa paanan ng isang bundok. Ang mag-asawa'y walang anak kaya't
humiling sila sa Diyos na biyayaan sila ng isang anak. Dininig ng
Diyos ang taimtim na panalangin ng mag-asawa. Sumibol sa
sinapupunan ng babae ang pintig ng buhay. Gayon na lamang ang
kaligayahan ng mag-asawa nang sumilang sa sangmaliwanag ang
isang pagkaganda-gandang sanggol na babae. Ang bata'y
pinangalanan nilang Rosa.
Si Rosa'y maayos na pinalaki ng kanyang mga magulang. Hinubog
siya sa magagandang ugali, mabubuting gawa, at pag-ibig sa Diyos.
Dahil dito, lumaki siyang napakabait at madasalin. Sa taglay niyang
kabaitan ay naging kaibigan niya ang lahat, pati na ang mga ibon at
mga punungkahoy sa bundok. Si Rosa'y lubhang matulungin sa
sinumang nangangailangan ng tulong. Kapag may nakita siyang
hayop na nasugatan o ibong nabalian ng pakpak ay agad niya itong
ginagamot.
Maraming binatang nabighani sa kagandahan ng dalaga. Ngunit ang
puso ni Rosa ay hindi tumugon sa kaway ng pag-ibig, kaya't maraming
mangingibig niya ang nabigo. Ang pag-ibig niya ay nakalaan lamang
una ay sa Diyos, at ang pangalawa'y sa kanyang mga magulang.
Maligaya siya sa piling ng kanyang ama't ina.
Isang umaga'y sumapit sa kanyang buhay ang isang di-inaasahang
pangyayari. Namimitas ng gulay si Rosa sa kanilang bukid nang
makakita siya ng isang munting ibon na nabalian ng pakpak. Ang ibon
ay sinusugod ng isang mabangis na baboy-ramo. Mabilis na lumapit si
Rosa upang iligtas ang ibon, ngunit sa kasamaang-palad ay siya ang
sinalakay ng hayop. Sa halip na ang sarili ang ihingi ng awa upang
makaligtas ay ipinanalangin niya ang kaligtasan ng munting ibon.
Isang himala ng langit ang naganap. Ang ibong bali ang pakpak ay
nakalipad, ngunit si Rosa'y hindi nakaligtas sa kamatayan. Bago
nalagutan ng hininga ang dalaga ay nakarinig siya ng tinig na waring
nanggaling sa kalangitan. "Pagpapalain ka ng langit dahil sa iyong
kabutihan. Magiging ligaya ka rin ng mga tao kahit pumanaw ka na sa
daigdig."
Hindi nagtagal, sa pook na kinalugmukan ni Rosa na nadilig ng dugo
ay may tumubong halaman. Ito ay namulaklak nang napakaganda at
napakabango. Ang bulaklak ay tinawag ng mga tao na bulaklak ng
rosas bilang pag-alaala sa mabait at magandang si Rosa.

- - sino ang mga nabanggit sa kuwento?


C.Paglalahad ng Aralin
Manonood ng alamat ng saging sa youtube.

Ano ang napansin niyo sa video?


Sino – sino ang mga gumaganap doon?
D.Pagtatalakay ng Aralin Ang kuwento ay may tatlong elemento ito ay ang:
1. Tauhan 2. Tagpuan 3. Suliran/Pangyayari

Sa paggawa ng isang kuwento ay kinakailangan ang tatlong


elemento upang makagawa ng isang kuwento. Sa paggawa naman
ng dula ay kinakailangang may may mga pangunahing tauhan,
dalawang katulong na tauhan, isang tagamasid, at isang tagasuri.

 Pangunahing tauhan- ay ang mga tauhang pinakamahalaga


sa pag-uusap ng plot; sila din ang madalas na makikita sa
buong kuwento
 Dalawang katulong na tauhan- pwedeng sumasalungat o
kalaban ng pangunahing tauhan at pwede ding kaibigan ng
tauhan
 Tagamasid- siya ang nagmamasid sa mga emsoyong
ipinapakita ng mga tauhan
 Tagasuri- tagsuri sa kaangkupang ng pananlitang ginagamit.

F.Paglalapat Pangkatang Gawain: hatiin ang klase sa dalawang grupo at


bigyan ng alamat at isadula sa harap ng klase base sa topikong
ibinigay.

Pangkat #1 – Alamat ng Pinya


Pangkat #2 – Alamat ng bayabas

G.Pagtataya Panuto: Sa alamat ng binasa ng Alamat ni Rosa. Ibigay ang kanilang tauhan,
tagpuan at suliranin.

Tauhan -
Tagpuan -
Suliranin -
H.Takdang Aralin Magdala ng iba’t – ibang klaseng alamat at basahin iyan.

Inihanda ni: Gretchen P. Desoyo BEED II


Tanon College
(E.A. Antonio Jr. Mem. School)
San Carlos City, Negros Occidental
Tel. Nos. (034) 729-5294; 729-8287
Email Address: tanon_college@yahoo.com

BANGHAY ARALIN

Estratehiya 10: Pagkatuto ko, Sagot Ko!

Paaralan Tanon College Baitang/Antas Ikalima


Guro Mrs. Maricar Espinosa Asignatura Filipino
Petsa/Oras Markahan Tatlo

FILIPINO
I. Layunin(Objectives)

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto F5PU – IIIj -2.11


Nakasusulat ng maikling balita, editorial at iba pang bahagi ng
pahayagan.
II. Nilalaman(content) Nakakasulat ng editorial
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian Youtube: Mga Bahagi ng pahayagan
1. Mga pahina sa gabay ng guro K to 12 Grade 2 Curriculum Guide p.101

2. Mga pahina sa kagamitang pang


mag – aaral.
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa
Portal Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo: Manila paper, marker,larawan, tsart at activity sheets

IV.Pamamaraan

A.Balik aral sa nakaraang Aralin at/


o Pagsisimula ng Aralin
B.Pagganyak
Nakakita na ba kayo ng balita?
Saan tayo pwde maka – panood ng balita?
C.Paglalahad ng Aralin

- sa larawan dito. Saan kaya sila pwedeng gamitin?


- Ano kaya ang mga larawan na ito?

D.Pagtatalakay Mga Bahagi ng Pahayagan.


 Pangunahing Pahina -Itinaglay nito ang pangalan ng
diyaryo/pahayagan at ang mga pangunahing balita sa isang
araw.
 Balitang Pandaigdig - mga balitang nagagagnap sa ibat-ibang
panig ng mundo ang tinataglay ng bahaging ito. Balitang
 Panlalawigan- mga balitang nagaganap sa mga lalawigan o
rehiyon sa ating bansa ang nilalaman ng bahaging ito.
 Pangulong Tudling/Editoryal- tinataglay nito ang opinyon o
kuro-kuro ng patnugot tungkol sa napapanahong isyu. Anunsiyo
 Klasipikado- dito makikita ang mga anunsiyo para sa ibat ibang
uri ng hanapbuhay , serbisyo, bahay, lupa, sasakyan at iba
pang kagamitang ipinagbibili o kayay pinauupahan.
 Lifestyle - tinataglay nito ang mga artikulo tungkol sa
pinakausong pananamit, sikat na kainan, pasyalan,
pamumuhay, tahanan,paghahalaman, kalusugan at iba.
 Libangan - mga balita tungkol sa artista, ipalabas na pelikula,
programa sa telebisyon, concert , play at iba pa.
E.Paglalapat Panuto: Pipili ka sa loob ng kahon ng tamang sagot at isulat sa
patlang.
Pangulong tudling Lifestyle Anunsiyo

Pangmukang Pahina Libangan

________1. Anong bahagi ng pahayagan ang naglalahad ng pinaka


tampok na balita?
________2. Saang bahagi ng diyaryo mababasa ang mga
ipinagbibiling mga lote?
________3. Saan makikita ang horoscope.
________ 4. Saang bahagi ng pahayagan nasusulat ang opinyon ng
mga manunulat?
________5. Naglalaman ng mga artikulong may kinalaman sa
pamumuhay, tahanan, pagkain
F.Paglalahat Ano – ano ang mga bahagi ng pahayagan?

G.Pagtataya Panuto: isulat sa patlang ang tamang sagot kung ito ba lifestyle,
libangan, anunsiyo, pangmukhang balita at pabulong tudling.

_____1. Ang bunso kong kapatid ay aliw na aliw sa napanood niyang


Barbie.
_____2. Ina – anunsiyo na ang nanalo sa volleyball.
_____3. Tumaas ang presyo ng mga bilihin ngayon.
_____4. Ang galling naman maglaro ni Janna sa volleyball.
_____5. Si Carla ay nais maghahanap ng trabaho.

H.Takdang Aralin Manood ng balita sa bahay at isulat kung tungkol sa balita.

Inihanda ni : Gretchen P. Desoyo BEED II

You might also like