You are on page 1of 4

MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP4

HOME CEONOMICS

Pangalan:___________________________________________ Seksyon:
________________

I. Iguhit ang hugis sa papel kung ang isinasaad ng bawat pangungusap at TAMA at
naman kung ito ay MALI.
_______1. Ingatan ang ang palda ng uniporme o anumang damit na may pleats.
_______2. Alagaan ang mga damit at iba pang gamit sa pamamagitan ng paglalagay ng
mga ito
sa tamang lalagyan.
_______3. Ugaliing magsuot ng damit pantulog tulad ng pajama, daster at short.
_______4. Hayaang matastas ang laylayan ng damit, huwag tahini agad upang ito ay
lumaki.
_______5. Huwag gawing panlaro ang damit na pamasok sa paaralan.
_______6. Kapag namantsahan o narumihan ang damit, labhan ito agad para madaling
matanggal at hindi gaanong kumapit sa damit ang dumi o mantsa.
_______7. Umupo kung saan-saang lugar nang hindi marumihan ang damit at pantalon.
_______8. Huwag gumamit ng bleach para mapanatili ang dumi o mantsa sa damit.
_______9. Ang medida ay isang kagamitan ng pananahi na ginagamit sa pagsukat ng tela at
katawan.
_______10. Itinutusok ang karayom sa pin cushion upang hindi ito kalawangin.
_______11. Ang karayom at sinulid ay magkasamang ginagamit sa pananahi.
_______12. Lagyan ng marka ang parte ng pagkakabitan ng butones.
_______13. Gupitin ang isang parte ng tela para madaling ikabit ang butones.
_______14. Ayusin ang natanggal na butones bago suotin.
_______15. Hayaan na lang sa tabi ang mga nasirang butones.

II. Panuto: Basahin at unawaing ang bawat pangungusap. Isulat sa papel ang TAMA kung
sang-
ayon sa pangungusap at MALI naman kung hindi sang-ayon.
_______16. Linisin ang daanan ng tubig o kanal upang maiwasan ang pamamahay ng daga
at
iba pang mga hayop.
_______17. Huwag takpan ang mga pagkain sa kusina bago maglinis.
_______18. Ang mga damong ligaw na tumutubo ay kailangang bunutin kasama ang ugat
nito.
_______19. Pinadudulas masyado ang sahig dahil ito ay maaring magdulot ng disgrasya o
sakuna.
_______20. Ang mga basurang hindi nabubulok ay kailangang ilagay sa compost pit.
_______21. Paghalu-haluin ang mga basura sa bahay at sunugin.
_______22. Simulang linisin ang kisame na bahagi ng bahay bago ang sahig.
_______23. Dahan-dahang itapon ang mga basura sa ilog.
_______24. Ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok nab asura.
_______25. Maaring ikalat ang mga plastic at papel sa labas ng bahay.

III. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa papel.
26. Ang _________ ay dapat gamiting patnubay sa pagplano ng ihahandang pagkain ng
mag-anak araw-araw.
a. dalalang pangkat ng pagkain
b. tatlong pangkat ng pagkain
c. isang pangkat ng pagkain
d. apat na pangkat ng pagkain
27. ______ ay mga pagkaing nasa Pangkat I at itoy nagbibigay ng enerhiya, lakas at sigla
ng buong katawan.
a. Glow Foods c. Go Foods
b. Grow Foods d. Fry Foods
28. Anong sustansiya ang makukuha natin sa mga pagkaing nasa PAngkat II na tumulong
sa paglaki ng katawan o GROW FOODS?
a. Carbohydrates c. Calcium
b. Protina d. Bitamina at Mineral
29. Alin-alin sa mga sumusunof na pagkain ang mayaman sa bitamina at mineral?
a. keyk at puto c. gulay at prutas
b. pulot at asukal d. alimasag at hipon
30. Ang pangkat III o mga pagkaing pananggalang sa sakit at impeksiyon ay tinatawag na
_________.
a. GLOW FOODS c. STREET FOODS
b. GO FOODS d. GROW FOODS
31. Pagkatapos punasan ang mesa, ano ang unang inilalagay sa lugar ng bawat taong
kakain?
a. place mat c. serbitilya
b. plato d. tinidor
32. Sa pag-aayos ng hapag-kainan, ano ang inilalagay sa kanang bahagi ng plato?
a. Baso c. tinidor
b. kutsara d. platito
33. Ano ang inilalagay sa gitna ng hapag-kainan?
a. mga kakanin c. tubig
b. prutas d. softdrinks
34. Saang bahagi ng placemat inilagay ang plato?
a. Gitna c. kanan
b. Kaliwa d. dulo
35. Ilang pulgada ang dapat maging pagitan ng cover mula sa gilid ng mesa?
a. tatlo c. isa
b. dalawa d. apat

IV. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga wastong paraan sa pagliligpit at paghuhugas


ng pinagkainan at kagamitan s apagluluto. Isulat ang bilang hanggang 5 sa inyong
sagutang papel,
36. PAtuyuin ang mga ito gamit ang malinis na pamunas.
37. Banlawang Mabuti, Kuskusin ang ga binabanlawan upang maalis ang dumikit na
sabon o panghugas at maalis ang amoy. Kapag ang ulam ay masebo o mamantika
gaya ng abobo, gumamit ng mainit na tubig sa pagbabalaw ng mga pingga at
kubyertos.
38. Simulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa mas malinis na kasangkapan. Ilagay ang
ma huhugasang oinagkainan sa dakkong kanan ng lababo ayon sa pagkanunod-sunod:
a. baso o glassware
b. kubyertos o silverware
c. plato o chinaware
d. sandok at siyansi
e. kaldero, kaserola, kawali, at iba pa
39. Ilagay sa dish rack at pabayaang tumulo ang tubig.
40. Sabunin ang mga ito gamit ang maliit na palanggana na may sabon o dishwashing
liquid at espongha o sponge pagkasunod-sunod sa pagsasabon.

You might also like