You are on page 1of 5

RO_MIMAROPA_WS_Sining4_Q4

Sining 4
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo

Aralin: Disenyo sa Tela


MELC: Explains the steps to produce good tie-dye designs.
Layunin: Naipapaliwanag ang tamang pamamaraan sa paggawa ng mga
gawaing pantela sa pamamagitan ng tina-tali (tie-dye) upang makabuo ng
magandang disenyo.
Susing Konsepto

Ang bawat lugar ay may natatanging disenyo na nagpapakita ng


kanilang kultura at tradisyon. Isa dito ay ang paglalagay ng disenyo sa tela sa
pamamagitan ng tie-dye.
Ang pagta-tie -dye ay isang simple at nakawiwiling paraan upang gawing
bago ang mga lumang tela o mga lumang damit, tuwalya, panyo at iba pa.
Sa araling ito ay matutuhan mo ang iba’t ibang pamamaraan sa paggawa
ng mga gawaing pantela sa pamamagitan ng tinali-tali (tie-dye) upang
makabuo ng magandang disenyo.

Mga Pamamaraan sa Pagbuo ng Magagandang Disenyo sa Pamamagitan ng


Tie-dye (tina-tali)
1.Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo.
2.Ibabad ang tela sa tubig para lumambot.
3.Magsuot ng dust mask/panyo o gloves bago maghalo ng tina (dye).
4.Ihalo ang isang kulay ng dalawang pakete ng tina, dalawang kutsara ng suka
at isang kutsara ng asin sa tubig gamit ang patpat na panghalo.
5.Ilagay ang tinaling tela sa timpla mula lima hanggang 15 minuto.
6.Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig.
7.Alisin ang tali, isampay, patuyuin at plantsahin.
8.Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang sining.
9.Tahiin ang natuyong tela upang makabuo ng isang maliit na punda ng unan
o throw pillowcase.
Kung susundin mo ang mga pamamaraan sa paggawa maaari kang
makabuo ng mga magagandang disenyo sa pamamagitan ng tie-dye (tina-tali)
gaya ng sumusunod na halimbawa:

1
RO_MIMAROPA_WS_Sining4_Q4

Gawain 1
Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang sumusunod na pamamaraan sa paggawa ng mga
gawaing pantela sa pamamagitan ng tina-tali. Isaayos ang tamang
pagkakasunod sunod nito sa pamamagitan ng pagsulat ng numerong 1
hanggang 6.
__________ A. Ilagay ang tinaling tela sa timpla mula 5 hanggang 15
minuto.
__________ B. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang-sining.
__________ C. Ibabad ang tela sa tubig para lumambot.
__________ D. Alisin ang tali, isampay, patuyuin at plantsahin.
__________ E. Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo.
__________ F. Ihalo ang isang kulay ng dalawang pakete ng tina,
dalawang kutsara ng suka at isang kutsara ng asin sa
tubig gamit ang patpat na panghalo.

Pagsasanay 2
Panuto: Unawain ang bawat pahayag at ipaliwanag ang kahalagahan nito
sa pagbuo ng magagandang disenyo sa pamamagitan ng Malacañang tie-
dye. Piliin ang titik ng wastong sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
patlang.
_______1. Ibabad ang tela sa tubig.
_______2. Magsuot ng dust mask o gloves bago maghalo ng tina (dye).
_______3. Ihalo ang isang kulay ng dalawang pakete ng tina, dalawang
kutsara ng suka at isang kutsara ng asin sa tubig gamit ang
patpat na panghalo.
_______ 4. Ilagay ang tinaling tela sa timpla mula lima (5) hanggang
labinlimang (15) minuto.
_______ 5. Banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig.

A. Upang lumambot
B. Upang maging malinis ang tela
C. Upang makalikha ng nais na disenyo
D. Upang maiwasan ang masamang epekto ng kemikal sa
kalusugan
E. Upang maging wasto ang timplang gagamitin sa pagbuo ng
magagandang disenyo ng tie-dye (pagtitina-tali).

2
RO_MIMAROPA_WS_Sining4_Q4

Pagsasanay 3

Panuto: Basahin ang sitwasyon sa loob ng kahon. Ito ba ay nagsasaad ng


tamang hakbang sa pagbuo ng magandang disenyo sa pamamagitan ng
tie-dye? Ipaliwanag ang iyong sagot. (2 puntos sa bawat aytem)

Si Frencess Lyka ay bumuo ng disenyo ng tie-dye. Itinupi at


tinalian niya ang tela ayon sa gusto niyang disenyo. Ibinabad niya ito
sa tubig para lumambot. Inilagay niya ang tinaling tela sa timpla mula
5 hanggang 15 minuto.

1._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________________________

Batay sa iyong aralin sa Sining, makabubuo ba ng isang magandang


disenyo ng tie-dye kapag susundin mong mabuti ang mga hakbang sa
pagsasagawa nito?

2._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Sagutin ang bawat tanong sa ibaba at ipaliwanag.

1. Mahalaga bang maihanda ang mga materyales na gagamitin sa likhang


sining? Bakit?
_____________________________________________________________________
_______________________________________________________

2. Ano ang kahalagahan sa pagsunod sa mga hakbang sa pagbuo ng


magandang disenyo ng tie-dye?
_____________________________________________________________________
_______________________________________________________
3. Kailangan bang linisin ang lugar kung saan ka gumawa ng likhang
sining?
_____________________________________________________________________
_______________________________________________________
4. Kaya mo bang makalikha ng magagandang disenyo ng tie-dye? Paano?
_____________________________________________________________________
_______________________________________________________________
5. Ano ang iyong nararamdaman kapag pinupuri ng guro ang iyong
likhang sining? Bakit?
_____________________________________________________________________
_______________________________________________________

3
4
Quezon City: Book Media Press, Inc., 2015, 241-244
Cyntia Montaňes et. al., Musika at Sining 4 Kagamitan ng Mag-aaral,
Sanggunian
1.Opo, upang maging madali at maayos ang pagsasagawa ng likhang -
sining.
( Tanggapin ang iba pang sagot ng mag-aaral.)
2.Opo, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa paggawa ng
magandang disenyo sa pamamagitan ng tie-dye.
( Tanggapin ang iba pang sagot ng mag-aaral)
3.Opo,kailangan nating linisin ang lugar kung saan tayo gumawa ng ating
likhang sining upang hindi ito makadisgrasya.
( Tanggapin ang iba pang sagot ng mag-aaral.)
4. Opo, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang .
( Tanggapin ang iba pang sagot ng mag-aaral.)
5. Opo , sapagkat alam ko na may nabuo akong magandang
disenyo sa pamamagitan ng tie dye.
( Tanggapin ang iba pang sagot ng mag-aaral)
Gawain 2
Pagsasanay 3
1. Opo, sapagkat nasunod niya ang hakbang sa paggawa ng
magandang disenyo sa pamamagitan ng tie-dye.
( Tanggapin ang iba pang sagot ng mag-aaral.)
2. Ang paghahanda ng materyales at pagbasa ng hakbang sa
paggawa ng magandang disenyo sa pamagitan ng tie dye ay
makakatulong upang maging maganda ang likhang sining.
( Tanggapin ang iba pang sagot ng mag-aaral.)
Pagsasanay 1
Pagsasanay 2
A. 4
B. 6
1. A
2. D C. 2
3. E
D. 5
4. C
5. B E. 1
F. 3
Gawain 1
Susi sa Pagwawasto
RO_MIMAROPA_WS_Sining4_Q4
RO_MIMAROPA_WS_Sining4_Q4

Inihanda ni:

MA. ROSARIO R.POSTRADO

Tiniyak ang kalidad at kawastuan ni:

ALDRIN R. REYNOSO

Sinuri ni:
ALFREDO AMOR A. MAGBANUA

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph

You might also like