You are on page 1of 9

RO_MIMAROPA_WS_Sining4_Q4

Sining 4
Ikaapat na Markahan

Aralin: Mga Disenyo ng Banig


MELC: Discusses the intricate designs of mats woven in the Philippines: A4EL-IVc, 3.1
Basey, Samar buri mats; 3.2 Iloilo bamban mats; 3.3 Badjao and Samal mats; 3.4 Tawi-
tawi laminusa mats; 3.5 Romblon buri mats
Layunin: Natatalakay ang mga natatanging disenyo ng paglalala ng banig sa iba’t
ibang bayan at lalawigan sa Pilipinas.

Susing Konsepto

• Ang banig ay isang kagamitan na karaniwang ginagamit sa pagtulog dito


sa Pilpinas at maging sa Silangang Asya. Ang bawat rehiyon sa bansa ay
may sariling disenyo sa paglalala ng banig. Ang banig ay maaaring gawa
sa buri, pandan, o dagat dahong damo.

• Kilala ang mga lugar na Basey, Samar, Iloilo, Tawi-tawi, at Romblon sa


paggawa ng banig dito sa ating bansa. Nagkakaiba sila ng disenyo at
material na ginagamit sa paglalala.

• Ang paglalala ng banig ay masining na paglalala at pagtitiklop ng mga


piraso ng materyales upang makalikha ng kahanga-hangang disenyo.

1
RO_MIMAROPA_WS_Sining4_Q4

Susing Konsepto

• Isa sa bantog na lugar sa Pilipinas sa paglalala ng banig ay ang Basey,


Samar. Ang karaniwang mga disenyo ng banig ng taga Basey, Samar ay
yano (plain), sinamay (papalit-palit) at bordado o pinahutan (burdado).
Nag iiba-iba din ang laki, may malalapad at malalaki.

• Kakaiba naman ang tradisyon ng paglalala ng banig sa lalawigan ng Iloilo.


Yari ito sa bamban (halaman na karaniwang tumutubo sa mga tubigan).
Hindi katulad ng ibang banig na may malambot na tekstura, ang bamban
ay natatangi dahil sa taglay nitong kakintaban at kakinisan. Karaniwang
gingawa ito sa mula sa natural na nitong kulay at hanggang sa ngayon ay
ginagamit ng mga taga rito.

2
RO_MIMAROPA_WS_Sining4_Q4

Susing Konsepto
`
• Ang mga Samal ng Sulu ay karaniwang gumagamit ng dahon ng buri at
pandan. Madalas, tinitina ang mga piraso ng mga ito at pinagtatagpi
upang makabuo ng isang disenyo gamit ang apat na disenyo sa paglalala.
Ito ay ang stripes, square, checkered, at zigzag.

• Ang mga Badjao ay may sarili ring disenyo at istilo sa paggawa ng banig.
Karaniwang dahon ng pandan ang kanilang ginagamit na materyales sa
paglalala. Ang ilan sa mga natatanging disenyo ng kanilang nilalalang
banig ay mg hugis ng alimango, paalun-alon, at ang iba naman ay hugis
ng bangka.

-- - - -
-- - - -

• Kilala naman ang pulo ng Laminusa sa bayan ng Tawi-tawi sa


paglalala ng banig gamit ang dahon ng pandarus. Sagana ang mga
pulo ng Tawi-tawi sa halamang pandarus na kaaniwang tumutubo sa
mabuhanging baybayin ng mga pulo. Hindi nagkakalayo ang kanilang
istilo at pamamaraan ng paglalala ng banig ng mga taga-Sulu.

-- - -
-

3
RO_MIMAROPA_WS_Sining4_Q4

Susing Konsepto

• Ang pulo ng Romblon ay mayroon ding natatanging tradisyon sa


paglala ng banig. Buri ang karaniwang materyales na ginagamit nila
sa paggawa ng banig. Madaling makilala ang nilalalang banig ng mga
taga Romblon dahil sa tila puntas (lace) ang disenyo ng mga gilid
nito. Kadalasang ginagamit ang mga banig na ito sa seremonya ng
kasal kung saan sumasayaw ang bagong kasal habang hinahagisan
ng barya o sinasabitan ng mga perang papel.

- - - - - -
- - -

4
RO_MIMAROPA_WS_Sining4_Q4

Gawain 1

Panuto: Tukuyin ang lalawigan o bayan ng inilalarawang disenyo at paraan sa


paglalala ng banig ng bawat pangungusap sa Hanay A. Piliin ang sagot mula sa
Hanay B at isulat ito sa patlang.

Hanay A Hanay B

______1. Kakaiba ang tradisyon ng A. Laminusa, Tawi-tawi


paglalala ng banig sa lugar na ito. Yari sa
bamban o halamang karaniwang tumutubo
sa mga tubigan ang kanilang nilalang banig. B. Basey, Samar

_____2. Kilala sila sa paglalala ng banig C. Iloilo


gamit ang apat na disenyo. Ito ay ang
stripes, square, checkered, at zigzag.

D. Samal ng Sulu
_____3. Madaling makilala ang disenyo ng
kanilang banig dahil sa tila puntas (lace)
ang mga gilid nito. E. Romblon

_____4. Gumagamit sila ng pandarus bilang


pangunahing materyales sa paglalala ng
banig. Hindi nagkakalayo ang istilo ng
kanilang disenyo sa mga taga Sulu.

_____5. Karaniwang disenyo ng kanilang


nilalang banig ay yano (plain), sinamay
(papalit-palit), at bordado o pinahutan
(burdado).

5
RO_MIMAROPA_WS_Sining4_Q4

Gawain 2

Panuto: Tukuyin at ilarawan ang disenyo ng banig ng iba’t ibang lalawigan sa


Pilipinas sa pamamagitan ng pagpuno ng wastong impormasyon sa bawat patlang.
Piliin ang sagot mula sa kahon.

1.Ang pulo ng Laminusa sa bayan ng Tawi-tawi ay kilala sa paglalala ng banig gamit


ang _________________________ na karaniwang tumutubo sa mabuhanging baybayin
ng mga pulo.

2. Ang mga Badjao sa Sulu ay may sariling disenyo at istilo sa paggawa ng banig. Ang
ilan sa natatanging disenyo ng kanilang nilalang banig ay mga hugis ng alimango,
paalun-alon, at ang iba naman ay hugis ng _____________________.

3. Madaling makilala ang nilalang banig ng mga taga-Romblon dahil sa tila


__________________ ang disenyo ng mga gilid nito.

4. Ang karaniwang disenyo ng banig ng mga taga-Basey, Samar ay yano, sinamay, at


________________________.

5. Ang bamban na karaniwang materyales ng mga taga-Iloilo sa paglalala ng banig ay


natatangi dahil sa taglay nitong ________________________.

bangka kakintaban at kakinisan puntas

bordado o pinahutan dahon ng pandarus

6
RO_MIMAROPA_WS_Sining4_Q4

Mga Gabay na Tanong

1. Anong katangian ang ipinakita ng iba’t ibang mga lugar sa bansa sa


pagkakaroon ng iba’t ibang istilo ng disenyo at pamamaraan sa paglalala ng
banig?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
__________________

2. Anu-ano ang mga iba’t ibang disenyo sa paglalala ng banig ng mga Samal at
Badjao ng Sulu, taga Basey, Samar, taga Laminusa, Tawi-tawi, Iloilo, at
Romblon?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________

3. Paano nagkakaiba-iba ang paglalala ng banig ng iba’t ibang mga lugar sa


bansa?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
__________________

4. Paano nakatutulong sa bansa ang pagkakaroon ng iba-ibang istilo ng disenyo


sa paglalala ng banig?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
__________________

5. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga sa tradisyon


ng paglalala sa inyong bayan/lalawigan/rehiyon?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
__________________

7
RO_MIMAROPA_WS_Sining4_Q4

Susi sa Pagwawasto

5. B Kakintaban at kakinisan 5.
4. A Bordado o pinahutan 4.
3. E Puntas (lace) 3.
2. D
Bangka 2.
1. C
dahon ng pandarus 1.
Gawain 1.
Gawain 2

Sanggunian

Aklat

Cynthia Montañes, et.al., Musika at Sining 4, Gabay ng Guro, Unang Edisyon 2015, 320-
323 Cynthia Montañes, et.al., Musika at Sining 4 Kagamitan ng Mag-aaral, Binagong
Edisyon 2019, 253-255

Web Reference

https://www.bing.com/images/search?view=detailV2&ccid=z2Sok25e&id=AF98C3E364BDC
AE2664F6E1D42A8D80C71B93DEC&
https://www.bing.com/images/search?view=detailV2&ccid=%2F9TCdBWm&id=C222DB6FA
3987C02F48ADF5FE1B0E0860A5A8
https://www.bing.com/images/search?view=detailV2&ccid=VBYNkAXH&id=7277E47ED1F2
FCF26188876D46B562A2861A52D2&

https://images.search.yahoo.com/search/images?p=iloilo+bamban+mats&fr=mcafee&type=E
211US714G0&imgurl=https%3A%2F%2Fimages.gmanews.tv%2Fv3%2F

https://images.search.yahoo.com/search/images?p=iloilo+bamban+mats&fr=mcafee&type=E
211US714G0&imgurl=https%3A%2F%2Fimages.gmanews.tv%2Fv3%2Fwebpics%2Fv3%2F20
14%2F08%2F2014_08_03_17_05_43.jpg#id=2&iurl=http%3A%2F%2Fi1.ytimg.com%2Fvi%2FR
b1A2wYQWIc%2Fmaxresdefault.jpg&action=click

8
RO_MIMAROPA_WS_Sining4_Q4

Inihanda ni:

ALVIN P. REYNOSO

Tiniyak ang kalidad at kawastuan ni:

ALDRIN P. REYNOSO

Sinuri ni:

ALFREDO AMOR A. MAGBANUA

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph

You might also like