You are on page 1of 20

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang kaalaman sa pagsusuri ng


panitikang Filipino na nakatuon sa mga tekstong literari na tumatalakay sa lipunan.

Pamantayang Pagganap: Nakagagawa ang mag-aaral ng mga pagsusuri at paglikha ng


sariling tula, sanaysay at/o maikling kuwento hango sa napapanahong isyu.

==================================================================

GABAY NG NPC KURSONG PANG-ONLINE AY 2020-2021

Pamagat ng Kurso : Sosyedad at Literatura

Pangkat : BSED ENG– 2A

Talatakdaan : Martes, 5:30PM - 8:30PM

Pangalan ng Fakulti : Prof. Christopher Sobremesana

Bilang ng Modyul : 2 sa 10

Paksa/Aralin : Mga Batayang Panunuring Pampanitikan

Bilang ng Linggo : 2

Nilalayon ng Kurso sa Pagkatuto

Ang nilalayon ng kursong ito ay ang:


1. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng mga
makabuluhang akdang pampanitikan.

1
2. Naisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng
pananaliksik.

Kagamitang Pansuporta sa Pagkatuto at Pagtuturo

GAWAIN 1: Suriin ang dalawang mukha ng maskara, ilahad ang pagkakaiba ng


mga ito at ipaliwanag ang karaniwang mukha ng iyong buhay sa pang-araw-
araw. Magtuloy tayo sa pagtalakay!

Pagtalakay at Lektura

Sa nakaraang talakayan, nalaman natin ang ilang bagay hinggil sa konteksto ng panitikan at
lipunan. Gayundin din ang mga aspekto na dapat malaman ng isang manunuri kung paano susuriin
ang panitikan. Ngayon naman ay ating alamin ang karugtong na paraan sa pagsusuri ng mga
akdang pampanitikan.

Ang pagsusuri sa isang akdang papanitikan ay masalimuot o hindi


madali subalit kinakailangan ito hindi dahil ito ay required na
asignatura kundi ito ay paraan din upang magkaroon ng mas
malalim na pag-unawa sa akda.

https://www.google.com/search?
q=vector+magnifying+glass&tbm=isch&ved=2ahUKEw
i6vquEtq7rAhXVwosBHcmkBjoQ2-
cCegQIABAA&oq=vector+magnif&gs_lcp=CgNpbWcQ
Kadalasan ang panunuring pampanitikan ay isang proseso ARgBMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMg ng
QIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABAT

pagkuha ng impormasyon mula sa manunulat patungo sa MgQIABATOgQIIxAnOgUIABCxAzoCCAA6BAgAEB5Q


xmtYyosBYJmbAWgAcAB4AIAB9AKIAZsTkgEHMC44Lj
isinulat
nito dahilan upang maging ganap ang pagkakakilala natin sa MuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=
img&ei=MNtAX7rmBtWFr7wPycma0AM&bih=625&bi
w=1366#imgrc=JjHxSzjOX0-x-M
mismong akda. Oo, kinakailangan natin maunawaan ang mga
talambuhay at karanasan ng may-akda bago natin mauunawaan ang mismong akda niya. Bakit?
2
Dahil dito nasasalamin ang kaniyang mismong pagkatao. Kung natatandaan mo, ang panitikan ay
salamin ng buhay sa pang-araw-araw samakatuwid ito ang naglalagos sa puso’t isipan ng mismong
may-akda.

Tuloy sa ilan pang dapat pagtuunan ng pansin sa pagsusuri.

Ang mga akda sa kahit na anong aspekto ay kakikitaan ng isang pagpapahalaga tungo sa tunay na
pangyayari sa buhay. Sa mga akda ang buong pagpapahalagang pangkatauhan ay dumadalumat sa
katauhan ng isang mambabasa tungo sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ang
tinatawag na PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN.

Ang una sa pagpapahalagang pangkatauhan ay MAKA-DIYOS, ito ay pagpapahalagang


pangkatauhan na tumutukoy sa batas na itinakda ng Dakilang Lumikha. Mahalaga bilang tao ang
matukoy ang mga bagay na itinuro sa atin ng Maykapal sapagkat dito nababatay ang ikaluluwalhati
ng ating kaluluwa at susi sa pagpasok sa tahanan ng Diyos.

Isa rin sa mahalagang tingnan sa pagsusuring ito ay ang pagiging MAKATAO ng manunulat.
Kung paano ang isang manunulat ang nakararanas ng ilang paglabag sa pagiging makatao ng isang
tao. Nasasalamin sa pagpapahalagang pangkatauhan ang sinasasig ng isang tauhan sa akda kung
paano niyang ipaglaban ang kanyang karapatan at hindi pagyurak sa karapatang pantao ng bawat
isa.

Ang pagiging MAKABAYAN ay ang pagmamahal sa bayan maging sa pagtangkilik ng mga


produkto ng isang bansa. Ganito maituturing ang pagiging makabayan natin.

Isang pagpapahalagang pangkatauhan na nagpapahalaga sa isang taong mahal mo at para sa


kanya, handa kang makipaglaban at harapin ang mga pagsubok na darating. Ito ang sinasabing
nag-uudyok sa isang tao upang magbago ang kanyang pakikisalamuha sa kanyang kapwa. Ito ay
3
MAKAKALIKASAN.

Ang PAGSUSURI BATAY SA KAUKULANG PANANAW NA PAMPANITIKAN ay makikita sa


bawat pahayag at nilalaman ng mismong akda. Tingnan ang mga halimbawa.

1. Marxismo. Sa dulog na ito mauunawaan ang pagbabago ng paraan ng pag-iisip tungo sa


isang radikal na pananaw. Ito hinubog ang tema ng isang akda sa pamamagitan ng pagtingin
sa pag-unlad ng isang bansa o komunidad na naaayon sa sistemang ekonomiya. Pumapasok
sa dulog na ito ang mga kapitalismo at burgis na ipinakilala ni Karl Marx. Makukuha ang
mensahe ng dulog na ito sa tunggalian ng estado ng buhay ng isang indibidwal sa paraang
ekonomikal at pampulitika. Minsan ay may nasabi si Mao Tse Tung tungkol sa paglalapat ng
Marxismo sa panitikan: “Mga Marxista tayo at nagtuturo ang Marxismo na sa paglalapat
natin sa isang problema, di nararapat tayong magsimula buhat sa mga mahihirap unawaing
depinisyon kundi sa mga katotohanang walang pinapanigan, at sa pagsusuri sa mga
katotohanang ito, matiyak natin an gating patutunguhan, an gating mga patakaran at
pamaraan. Ito rin ang dapat nating gawin sa ating kasalukuyang diskusyon sa sining at
panitikan.”

2. Pormalismo. Sa dulog naman na ito, tanging ang katangian, porma ng pagkakasulat, pag-
uugnay ng mga salita, at estruktura nito ayon sa pagkakabuo ng akda o ng pelikula.
Tinitingnan lamang nito ang aspektong biswal sa paraang nabanggit dahil ang tanging
layunin nito ay tuklasin lamang at ipaliwanag ang anyo at kabuuan ng akda. Matuklasan at
maipaliwanag ang anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuring pormalistiko. Walang
pagtatangkang busisiin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda. Hindi rin binibigyang-
puwang ang kasaysayan at lalong hindi pagtutuunan ng pansin ang implikasyong
sosyolohikal, politikal, sikolohikal at ekonomikal. Tanging ang pisikal na katangian ng akda
ang pinakabuod na pagdulog na ito. (Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika nina P.
Villafuerte at R. Bernales, 2008).

3. Realismo. Isang kilusang umusbong sa larangan ng sining noong siglo, 1900. Layon nitong
ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang pamamaraan. Itinatakwil
ng Realismo ang ideya ng paghuhulma at pananaw sa mga bagay. (Pagtuturo ng/sa Filipino:
Mga Teorya at Praktika nina P. Villafuerte at R. Bernales, 2008). Pansinin ang larawang ito, ito

4
ang poster ng Pamilya Ordinaryo na pinagbibidahan nina Ronwaldo Martin at Hasmine Kilip
na direksyon at panulat ni Eduardo W. Roy Jr. Ito ang realidad na kinabibilangan ng ating
lipunan ngayon dahil sa dulog na realismo, ipinakikita nito ang katotohanang kinahaharap
ng isang pangyayari o sitwasyon. Hindi nito ikinaiila na sa kabila ng pagpapakita ng pagiging
maunlad ay mayroon pa rin ganitong sitwasyon sa lansangan.

Sa tema at mga salitang ginamit dito ay makikita ang normal na nagaganap sa ating
paligid na sangkot ang paraan kung paano pinalaki at iminulat sa mga tauhan na hanggang
sa kanilang paglaki at pagtanda maging sa pag-aasawa ay ganito ang tingin ng lipunan sa
katulad nila.

4. Arketipal o symbolic.
Tinatawag din itong
https://www.google.com/search?

mitolohikal o q=pelikulang+pilipino+pamilya+ordinario&tbm=is
ch&ved=2ahUKEwimw_DA96nrAhV0zIsBHZ0RCIU
Q2-
ritwalistiko. Ayon kay cCegQIABAA&oq=pelikulang+pilipino+pamilya+or
dinario&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQHjoGCAAQ

Scott (1922), sa
BRAeOgYIABAIEB5Qo89tWIK1b2C7uG9oAHAAeA
CAAfMBiAG4FJIBBjAuMTcuMZgBAKABAaoBC2d3c
y13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=wIA-

pagbasang arketipal, X6bjKfSYr7wPnaOgqAg&bih=576&biw=1366#img


rc=BguZYADmLP2ycM

kailangan ang masusing pagbabasa ng teksto gaya ng pormalistiko at kailangang


nanghahawakan nang mabuti ang mambabasa sa kanyang mga kaalamang sikolohikal,
historical, sosyolohikal, at kultural. Sabi naman ni Reyes (1992), ang mga banghay, tauhan,
tema, at imahen sa mga akda ay mga komplikasyon o interpretasyon ng mga magkakatulad
na elemento ng mga matatandang mito at alamat. Kung gayon, sa pag-aaral ng akda sa dulog
arketipal, ang diin ay nasa pag-alam sa pauli-ulit na paglitaw ng mga imahen at simbolo na
nag-ugat sa matatandang mga imahen at simbolo.

5. Sosyolohikal. tinitingnan ang kalagayan at ugnayan ng mga panlipunang institusyon tulad

5
ng pamahalaan, simbahan, pamilya, paaralan at iba pa sa pagtatakda ng sitwasyon at
oportunidad para sa mga mamamayan nito. (Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at
Praktika nina P. Villafuerte at R. Bernales, 2008). Kung gagamitin ang pananaw na ito sa
pagsusuri ng panitikan mainam na mapag-aralan ang kasaysayan ng akda at ang panahon na
kinabibilangan nito at ng awtor. Hindi lamang ito internal na pagsusuri ng akda, kundi pati
na rin ng mga eksternal na salik na nakakaimluwensya rito. (Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga
Teorya at Praktika nina P. Villafuerte at R. Bernales, 2008)

6. Romantisismo. Noong bahagi ng siglo 1800 at pagpasok ng siglo 1900 ito nakilala. Ibinandila
ng Romantisismo ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, ang inobasyon kaysa tradisyon,
imahinasyon kaysa katwiran at likas kaysa pagpigil. Dahil dito, itinuturing ang Romantisismo
bilang isang pagtatakwil sa pagpapahalagang Klasismo tulad ng kaayusan, kapayapaan, pag-
uugnay at rasyunal. (Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika nina P. Villafuerte at R.
Bernales, 2008).

Kilala natin ang katapangan ni Miriam Defensor Santiago


sa kahit na anong pagdedesisyon. Kaya naman kung ang
realismo ay tumatalakay sa isang kaganapan sa buhay ng isang
tao na normal na paraan, ang FEMINISMO naman ay nakatuon
sa kalakasan ng mga babae. Ipinakikita ng dulog na ito ang
kapangyarihan ng isang babae tungo sa kaniyang paligid at
sinasaklawan. Ipinahihiwatig lamang ni na ang
machismo ay hindi balakid sa kanilang pananaw maging sa
pagdedesisyon. Pinalulutang ng dulog na ito ang
kakulangan at hangganan ng isang babae.

Maraming akda o obra ang kinakikitaan ng ganitong uri ng


dulog na siyang nagbibigay ng importansya sa pagiging isang
babae ng babae. Binibigyang pugay sa ganitong aspekto na ang
tuon ay puro kalakasan ng isang pinagsamang puwersa ng
magiting at walang inuurungang babae.

Katulad ng pelikulang a Mother’s Story na


pinagbidahan ni Pokwang na isang OFW. Naging mahirap

6
man sa kaniyang kalooban ang mahiwalay sa mga anak subalit pinipilit pa ring makapagtrabaho
para sa kinabukasan ng kaniyang mga anak. Ang kahinaang ito ng kaniyang kalooban ang naging
lakas upang mapagtagumpayan niya ang kaniyang mga hirap sa ibang bansa.

Makikita sa kaniyang sitwasyon na pagbalik niya sa Pilipinas ay hindi niya alam na lumayo na ang
kalooban ng kaniyang mga anak sa kaniya na siya namang kinahitnan lagi ng mga nangingibang
bansa. Kung hindi lumalayo ang loob at nagiging rebelde katulad ng pelikulang Anak ang ina sa obra
maestra ay si Vilma Santos.

Ipinakikita lamang ng mga dulog na ito ang katangian ng bawat isa na siyang nagiging salamin
ng lipunan natin saan mang aspekto mapateknikal at sariling kuwento.

Sa pagsusuri ng isang akda, mahalagang matutuhan ang ilang mga linya o salita na kumakatawan
dito. Hindi lamang ang mga linya kundi ang mismong kuwento o pagkakabanghay nito.

Maramin pang dulog o teoryang pampanitikang ito, tanging makikita natin ang kani-kanilang
paraan ng pagtalakay o atake sa isang akda o obra maestra.

Pagdating naman sa LARAWANG SOSYO-KULTURAL NG PAMUMUHAY, ang pamumuhay ng


isang tao ay karaniwang nakikita sa kung paano niya dalhin ang sarili tungo sa pakikipag-kapwa.
Ang ugaling ito ay malalaman sa kinikilos o gawi. Maituturing na karumal-dumal ang isang
pamumuhay kung ito’y labag sa batas ng tao maging nang Diyos.

Sa isang komunidad kinapapalooban ito ng iba’t ibang ugali o asal. Ang pagiging mabuti ay
mabahagi na ng ating kinagawian, ibig sabihin ang pamumuhay ng isang tao tungo sa kanyang
paligid ay maituturing na bahagi ng kanyang buhay sapagkat kinakailangan niyang pakitunguhan
ang kanyang kapwa na ayon sa hinihingi ng lipunang kanyang ginagalawan. Sa madaling sabi, ang
lipunan at kultura ay pinag-iisa ng batas kung paano mamuhay nang naaayon sa demand at asal ng
isang tao sa kanyang paraan ng pakikisama at pakikitungo sa kapwa maging sa kanyang
kinapapalooban na lipunan.

7
Mababakas kasi sa isang tao ang kanyang kalagayang panlipunan sa pamamagitan ng paggamit
ng salita batay sa kanyang kaharap. Dagdag pa rito ay kung paano ang isang kultura ay sasalamin sa
takbo ng kanyang buhay. Sa huling pagkakataon ang lipunan at kultura ay bumabalikwas kapag
kinakailangan ng tao sa kanyang pakikiharap sa pang-araw-araw na pamumuhay sa buhay.

GAWAIN 2: Sa gawaing ito, balikan ang ilang babasahing na pumukaw sa inyong pansin maging
ang kanilang paraan ng pananalita o diyalogo o monologo maging ang takbo ng kuwento. Suriin ito
batay sa panlipunang kultura na inyong naoobserbahan. Ilahad din ang dulog sa bawat hinihingi.
Ilagay ang sagot sa talahanayan. (Maaaring hindi lamang lima ang makuha)

PAMAGAT MONOLOGO/ DIYALOGO/ DALOY NG


DULOG AT PALIWANAG
NG AKDA KUWENTO

Bloody REALISMO - dahil ang linyang


(MONOLOGO) binitawan ng karakter na si John sa
Crayons
akda ay nagbigay ng mga salitang
John’s POV
(2017) tungkol sa realidad ng buhay. Sinabi
Kung mayroong isang bagay na iniwan sakin niya rito na binigyan siya ng kanyang
ang yumaong lolo ko na natatandaan at naalala lolo ng advice tungkol sa buhay – na
ko talaga, yung tipong may sense talaga, siguro ang buhay ay isang laro at nasa satin
yoon yung advice niya na ang buhay ay isang kung magpapatalo ba tayo o hindi.
laro. Isang laro na walang definite rules. It's up Kung sasabay ba tayo sa agos ng
to you on how you play the game. May punto buhay o magpapadala na lang tayo
naman siya eh. Nasa atin kung pano lalaruin rito.
itong ruleless game na 'to. May nakalimutan
lang siyang idagdag. When playing a ruleless
game, you are entitled to make your own rules.

Life is a game. A ruleless game. And what do


we do with ruleless games? We play it with our
own rules.

"Marie, malapit na ba tayo sa isla?" medyo


naiinip na tanong ni Olivia. Napailing nalang ako
nung narinig ko ang sinabi niya. Bakit ba hindi
marunong makaintindi ang babaeng yan? Kita
niya namang wala ni kahit isang pulo ang

8
makita eh. Bakit ba kasi sa sobrang ruleless ng
mundo na ito, pati common sense hindi pa
naipakalat sa lahat ng tao?

Finding (DAYALOGO)
PORMALISMO - dahil sa linyang
Nemo
ito ipinakita na ang kanilang maayos
(2003) na kalagayan bilang pamilya at
MARLIN walang ibang sinabi tungkol sa
Wow. pinagmulan ng akda at ng may akda
nito.

CORAL

Mmm.

MARLIN

Wow.

CORAL

Mmm-hmm.

MARLIN

Wow.

CORAL

Yes, Marlin. No, I see it. It's


beautiful.

9
MARLIN

So, Coral, when you said you


wanted an ocean view, you didn't
think that we we're gonna

get the whole ocean, did you? Huh?


[sighs] Oh yeah. A fish can breath
out here. Did your

man deliver or did he deliver?

(MONOLOGO) ROMANTISISMO - dahil ipinakita


sa linyang ito ang nararamdamang
Tonyo’s POV pagmamahal ni Tonyo kay Lea na
siyang mayroong kondisyon ng
Lea, sumulat ako kasi baka mamaya pagka
temporaryong pagkabulag.
nakakita ka na, hindi ko masabi sa'yo na
Nasaksihan natin kung gaano niya
"konichiwa! Ako nga pala si Tonyo. Ako nga pala
yung pulubing kumain ng repolyo mo. Ako rin
kamahal si Lea dahil nagsulat pa siya
Kita kita ng sulat para rito at naramdaman ko
ang kasama mong saging. Tsaka nakita ko nga
(2017) pala yung fiancé mo na nakikipaghalikan sa iba. bilang mambabasa ang sinseridad ng
Hindi ko alam kung tama o mali ang mga karakter ni Tonyo.
ginawa ko. Sana maintindihan mo, Lea.
Maraming salamat sa lahat. Ikaw ang
nagpabago sa pagtingin ko sa buhay ko. Alam
mo, ang labo mo. No'ng nakakakita ka, hindi mo
'ko nakita. Nung nabulag ka, nakita mo ako.
Salamat, kabayan. Salamat, my baby dragonfly.
Salamat, puso. Patuloy na nagmamahal, saging.

Die (DAYALOGO) PORMALISMO - dahil gumamit ang


Beautiful may akda ng estraktura sa pagbuo ng
akdang ito. Wala ring kinalaman sa

10
Wave here!

Pose for the camera!

Yes! Just like that.

- Wave!

- What are you doing?

What's this?

sosyolohikal, politikal, sikolohikal etc.


(2016) Stop recording!
ang tema ng pelikula.

What foolishness is this, Patrick?

Why are you in a dress?

Barbs, make the lower lip bigger.

Jolie's upper lip is bigger.

Wait. Who is this?

Angelina Jolie.

Pyre (MONOLOGO) REALISMO - dahil sa linyang ito


ipinakita na habang tayo’y
tumatanda, mas naiintindihan natin

11
Aurora’s POV

Once upon a time, a baby was born into the


world. That baby was you.

You were born pure into this world and you


were very beautiful. But this world hates
beauty or maybe this world is too cruel for na hindi madali ang buhay. Binabago
beauty to exist. tayo ng ating mga hindi
magagandang karanasan at ang mga
bagay o tao na nakasakit sa atin.
Because as you grew older, the muck and filth Kaya’t nararapat lamang na maging
of this world clung to you and changed you.
matatag tayo sa anumang haharapin
The you today is very different from the you
when you were young. Hindi ka na maganda at natin sa mapait na mundong ito.
hindi ka na pure. You became one of the many
ugly broken lumps of mass trying to survive in
this world and every day, you see someone
who gets that purity and beauty beaten out of
them. And you just stand there at the sideline
without really caring because you already know
that that is the price that you need to pay to
live in this cruel world. And you accept it as the
reality.

Mungkahing Gawain para sa Pagkatuto

GAWAIN 3: Mula sa MONOLOGO/ DIYALOGO/ DALOY NG KUWENTO na iyong napili sa gawain 2.


Ihalayhay mo rito ang mga persepsiyon mo hinggil sa paraan ng pagkakasulat ng manunulat ng
obra na ito. Tiyakin na ito’y nakatuon at nakabatay sa paraan ng mga dulog na natalakay.

MONOLOGO/ DIYALOGO/ DALOY NG


PAGSUSURI
KUWENTO

12
(MONOLOGO)

John’s POV
Ang akdang ito ay pasok sa genre na
Kung mayroong isang bagay na iniwan sakin
ang yumaong lolo ko na natatandaan at “Mystery-Thriller” na babasahin ngunit ito
naalala ko talaga, yung tipong may sense ay nagkaroon ng movie adaptation dahil
talaga, siguro yoon yung advice niya na ang na rin sa ganda ng takbo o plot nito pati
buhay ay isang laro. Isang laro na walang
na rin ang galing na ipinamalas ng author
definite rules. It's up to you on how you play
the game. May punto naman siya eh. Nasa sa pagsulat nito. Gumamit siya ng mga
atin kung pano lalaruin itong ruleless game na paraan, porma, teknik ng pagkakasulat
'to. May nakalimutan lang siyang idagdag. kung kaya’t umabot na sa milyon ang
When playing a ruleless game, you are nakabasa nito sa Wattpad. Maraming
entitled to make your own rules.
mapupulot na aral rito gaya ng huwag
Life is a game. A ruleless game. And what do magtitiwala sa mga taong hindi natin
we do with ruleless games? We play it with masyadong kilala. Ipinakita rin rito na
our own rules.
kung hanggang saan aabot ang sobrang
"Marie, malapit na ba tayo sa isla?" medyo pagmamahal ng isang tao kahit pa
naiinip na tanong ni Olivia. Napailing nalang gumawa ito ng masama o pagpatay na
ako nung narinig ko ang sinabi niya. Bakit ba nangyayari rin sa totoong buhay. Kaya
hindi marunong makaintindi ang babaeng
naisip ko na kabilang ang akdang ito sa
yan? Kita niya namang wala ni kahit isang pulo
ang makita eh. Bakit ba kasi sa sobrang dulog na realismo.
ruleless ng mundo na ito, pati common sense
hindi pa naipakalat sa lahat ng tao?

(DAYALOGO) Ang akdang ito ay may pamagat na


“Finding Nemo” na may temang
pampamilya at ito rin ay pambata dahil isa
MARLIN itong animated film na may hatid na
Wow. maraming life lessons sa mga manonood.
Nakakaaliw rin ito dahil maraming mga
eksena nakakatuwa kaya para talaga ito sa
CORAL lahat mapabata man o matanda. Simpleng
pelikula ngunit marami kang

13
Mmm.

MARLIN

Wow.

CORAL

Mmm-hmm.

MARLIN kapupulutang aral. Isang kwento na kung


saan nakipagsapalaran ang isang ama
Wow.
makita lamang ang kanyang nag-iisang
anak. May kirot sa puso nung napanood
ko ito. Naalala ko ang aking mga
CORAL
magulang dahil lahat ay kanila ring
Yes, Marlin. No, I see it. It's ginagawa magkaroon lang ako ng
beautiful. maginhawang buhay sa kinabukasan kaya
nasabi kong isa rin itong dulog na pormal
at realismo
MARLIN

So, Coral, when you said you


wanted an ocean view, you didn't
think that we we're gonna

get the whole ocean, did you? Huh?


[sighs] Oh yeah. A fish can breath
out here. Did your

man deliver or did he deliver?

14
Ang akdang ito ay pinamagatang “Kita
(MONOLOGO)
kita” at literal na nakakita ang
Tonyo’s POV pangunahing bida sa isa pang bida dahil
mayroon itong kondisyon sa mata na
Lea, sumulat ako kasi baka mamaya pagka
nakakita ka na, hindi ko masabi sa'yo na
kung saan mayroon siyang panandaliang
"konichiwa! Ako nga pala si Tonyo. Ako nga pagkabulag kaya rin nasabing kita kita.
pala yung pulubing kumain ng repolyo mo. Ang tema ng pelikulang ito ay
Ako rin ang kasama mong saging. Tsaka nakita pampamilya rin. Nalaman sa pelikulang
ko nga pala yung fiancé mo na
ito na walang pinipili ang pag-ibig. Sa
nakikipaghalikan sa iba. Hindi ko alam kung
tama o mali ang mga ginawa ko. Sana paraan ng pagkakasulat ng mag akda ay
maintindihan mo, Lea. Maraming salamat sa naghatid siya mensaheng nagpa-antig sa
lahat. Ikaw ang nagpabago sa pagtingin ko sa bawat puso ng mga manonood. Hindi
buhay ko. Alam mo, ang labo mo. No'ng
lamang ito tipikal na love story na
nakakakita ka, hindi mo 'ko nakita. Nung
mayroong happy ending kundi ipinakita
nabulag ka, nakita mo ako. Salamat, kabayan.
Salamat, my baby dragonfly. Salamat, puso. rin na sa kabila ng mga paghihirap, kung
Patuloy na nagmamahal, saging. mahal mo ay ipaglalaban mo ito. Realismo
ang dulog na ginamit sa pelikulang ito.

(DAYALOGO) Ang paraan ng pagkakasulat ng obra ay sa


paraang pormalistikong dulog dahil
mayroong maayos na daloy ang kwento na
Wave here!
talagang maiintindihan at masusundan
ng mga manonood. Diretsahan ang
pagkalatag ng mga detalye kaya hindi
Pose for the camera!
nakakabagot kung papanoorin. Gumamit
ng mga pormal na salita kaya hindi ka
Yes! Just like that. pag-iisipin nang malalim. May hatid rin
itong mga aral tungkol sa mga isyung
panlipunan tulad ng pagrespeto sa mga
- Wave! LGBT members etc.
- What are you doing?

15
What's this?

Stop recording!

What foolishness is this, Patrick?

Why are you in a dress?

Barbs, make the lower lip bigger.

Jolie's upper lip is bigger.

Wait. Who is this?

Angelina Jolie.

(MONOLOGO) Ang akdang ito ay may pamagat na “Pyre”.


Isa rin itong nobela na kaparehas na
author na ibinigay kong halimbawa sa
Aurora’s POV
taas at ito ay si Sir Josh Argonza. Maganda
ang paraan ng pagkakasulat dahil
mapapaisip ka talaga kung bakit
Once upon a time, a baby was born into the
world. That baby was you. nangyayari ang mga bagay-bagay sa bawat
eksena. Gagana talaga ang pagka-
mabusisi natin o pag-oobserba habang
You were born pure into this world and you dumadaloy ang kwento. Sa dulog na
were very beautiful. But this world hates
realismo ito nakapaloob dahil marami
beauty or maybe this world is too cruel for
kang mapagtatanto kapag binasa mo ang
beauty to exist.
nobelang ito. Ipapamukha nito sa iyo ang
realidad.

16
Because as you grew older, the muck and filth
of this world clung to you and changed you.
The you today is very different from the you
when you were young. Hindi ka na maganda
at hindi ka na pure. You became one of the
many ugly broken lumps of mass trying to
survive in this world and every day, you see
someone who gets that purity and beauty
beaten out of them. And you just stand there
at the sideline without really caring because
you already know that that is the price that
you need to pay to live in this cruel world. And
you accept it as the reality.

Pagtataya/ Awtput

Panuto: Gumawa ng isang replektibong sanaysay hinggil sa pinag-aaralan natin ngayon. Isaalang-
alang sa gawaing ito ang mga naging BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING
PAMPANITIKAN. Ipapasa ito sa pamamagitan ng fb group page (inihanda ng guro/propesor).

REPLEKSIYON

17
Sa modyul na ito, marami akong natutunan tungkol sa pagsusuri ng isang akda o obra pati na rin
ang mga batayang kaalaman sa panunuring pampanitikan. Nalalaman ko na ang pagsusuri sa
akdang pampanitikan ay isang asignatura na kailangang pag-aralan kahit pa ito’y mahirap o
masalimuot. Sa pamamagitan nito, mas lumalawak ang ating kaalaman at pang-unawa hinggil sa
isang akda.

Akin ring nalaman ang mga dapat pagtuunan ng pansin sa pagsusuri ng akda tulad ng
pagpapahalagang pangkatauhan na ang ibig sabihin nito ay pagkakaroon ng pagpapahalaga ng
isang tao sa pang araw-araw niyang pamumuhay. Ito rin ay may apat na bahagi. Una, ang pagiging
maka-Diyos, makatao, makabayan at makakalikasan. Sa mga pagpapahalagang pangkatauhan na ito
naipapamalas natin ang pagmamahal hindi lamang sa ating sarili kundi pati na rin sa iba, sa ating
bansa at lalong lalo na sa Poong Maykapal.

Nakapaloob rin sa modyul na ito ang mga paraan sa pagsusuri batay sa kaukulang pananaw na
pmapanitikan o tinatawag ring dulog pampanitikan. Una na rito ang Marxismo. Dito hinuhubog
ang isang tao na magkaroon ng radikal na pag-iisip tungkol rin sa pag-unlad ng isang bansa o
kumunidad na naaayon sa sistemang ekonomiya. Sumunod na dulog ang pormalismo. Ito ang mga
porma, katangian, estraktura at ang pag-uugnay ng mga salita sa isang akda o pelikula. Pangatlo,
ang realismo. Ang dulog na ito ay may may layuning ipakita ang nagaganap sa lipunan at mga
isyung nakapaloob rito na sumasalamin sa pang araw-araw nating pamumuhay. Pang-apat, ang
arketipal o symbolic na dulog. Dito ay kailangan ng masusing pagbabasa sa akda dahil dito rin
nasusukat ang kanyang kaalamang sikolohikal, historical, sosyolohikal at kultural. Panglima,
sosyolohikal. Ito ay ang pagsusuri ng panitikan sa pamamagitan ng pag-aaral sa kasaysayan ng akda
at ng sumulat nito. Panghuli, ang romantisismo. Ito ay ang pagtalakay sa mga nagaganap sa buhay
ng isang tao. Dito rin nakapaloob ang tinatawag na feminismo . Ang dulog na ito ay an pagtalakay sa
kakayahan ng mga kababaihan na kanilang maiaambag sa lipunan.

Sa mga dulog na nabanggit, mas natutunan ko ang mga katangian nito na sumasalamin rin sa iba’t-
ibang aspekto ng ating lipunan. Natuklasan ko rin kapag tayo ay magsusuri ng isang akda ay

18
nararapat lamang na tayo ay magkaroon ng background checking sa mga tauhan pati sa gumawa ng
akda. Mahalagang malaman rin natin ang pinakanilalaman ng kwento o ang mismong banghay
nito.

Paalala: Buksan ang link (https://prezi.com/zshkyjly57vv/pagsulat-ng-repleksyon/?fallback=1) upang


maunawaan ang paraan ng pagsulat.

Pinakamahusay Mahusay Malilinang


Pamantayan
10 puntos 5 puntos 3 puntos

Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang


komprehensibo ang nilalaman ng bawat kakulangan sa
nilalaman ng bawat talata. nilalaman.
talata.

Organisasyon Organisado, simple at Malinaw at maayos Maayos ang


malinaw ang daloy ng ang presentasyon presentasyon ng
paglalahad ng kaisipan. ng ideya. Malinaw mga ideya. May
May tamang ang daloy ng bahaging di
pagkasunod-sunod ang paglalahad ng gaanong malinaw
ideya. kaisipan. na paglalahad ng
kaisipan.

Kabatiran ng Maayos at detalyado Maayos ang May kalabuan sa


19
mga ang ideyang nais ideyang nais ideyang nais
pangunahing iparating. iparating. iparating.
konsepto

Babasahin at iba pang Sanggunian

Para sa mas interesanteng pagbasa o mapapanood magtungo sa mga link at sorses na nasa ibaba
upang na ito upang madagdagan ang inyong kaalaman sa tinalakay natin.

● TEORYA NG PAMPANITIKAN - FILIPINO - Grade 10. (n.d.). FILIPINO - Grade 10. Retrieved
August 22, 2020, from http://rosiefilipino10.weebly.com/teorya-ng-pampanitikan.html#/

● Bugais, K. (n.d.). Mga Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan by Karla Bugais. Prezi.Com.


Retrieved August 22, 2020, from https://prezi.com/m3paclqus9rx/mga-dulog-sa-
pagsusuring-pampanitikan/

Pagkilala sa mga Manunulat at iba pang Lumikha

CRISTOPHER S. SOBREMESANA

Guro sa Filipino

Rebecca T. Anonuevo, PhD


NPC President

20

You might also like