You are on page 1of 37

Pagsulat ng Picture Book

Biography/ Kuwento batay sa


Talambuhay

Inihanda ni Eugene Y. Evasco


Kumusta!

2
Unang Payo
✔Magtiwala sa paksang isusulat, pinili
mo man ito o itinalaga sa iyo
(commissioned).

3
Halaga ng Pananaliksik

 Ang paninindigan sa paksa ay mababakas sa


masigasig na pananaliksik tulad ng pakikipanayam,
pagbabasa ng mga nalathalang aklat at artikulo, o
kaya’y pagsangguni ang mga di-nakalimbag na mga
dokumento.
4
5
6
Pagbabasa
sa Konteksto

7
Tandaan:

 Ituring ang pagsusulat ng talambuhay bilang isang kuwento.


Tukuyin ang mainam na panimula sa susulatin. Magiging
lunsaran ito ng mga piling pangyayari sa buhay ng iyong
paksa. Mahalaga ring magkaroon ng rurok ng talambuhay
upang hindi akalain ng mambabasa na isang sanaysay o
entry sa encyclopedia ang sinulat na talambuhay.
8
Pormulang M-B-K sa talambuhay
Tandaan:

 Malaking tulong ang pormulang M-B-K sa pagsusulat ng


kuwento batay sa talambuhay.
 M- mithiin
 B- balakid o mga balakid
 K- kapalaran

10
Tandaan:

 Mahalagang tukuyin ang magiging hadlang sa layunin ng


iyong paksa/ tauhan. Karaniwang anyo ng talambuhay ay
kuwento ng tagumpay.
 Ngunit bago magtagumpay ang tauhan, mahalagang dumaan
siya sa mga pagsubok. Ang mga pagsubok o tunggalian ang
magbibigay ng laman sa isang talambuhay.
11
Tandaan:

 Iwasang maglahok ng mga kabagot-bagot na detalye na hindi


mahalaga sa talambuhay. Piliin ang mga detalye na may
halaga sa ikasusulong ng naratibo. Gayundin, kailangang
tumutok sa karakter o personalidad ng isang paksa.
Mahalagang maipakita ang kanilang pagkatao.

12
Alin sa mga ito ang mahalagang detalye?
1. Cellphone number 7. Pangalan ng bestfriend
2. Size ng sapatos 8. Kursong kinuha noong kolehiyo
3. Paboritong laruan noong bata 9. Paboritong kulay
4. SSS or GSIS number 10. Unang kasawian sa trabaho
5. TIN
6. Ambisyon noong bata

13
Halaga ng
Character
Change
14
Tandaan:

 Upang maging interesante ang tauhan, itampok din sa


kanilang talambuhay ang kahinaan, pagsisisi, at pagbabago
ng paniniwala. Maiuugnay ito sa pag-unlad ng tauhan.

15
Pangangalap ng Materyal
 Mapapansin na napakaraming makakalap na materyal.
Makatutulong ito sa pagsusulat ngunit kailangang tandaan
na hindi lahat ng materyal ay magagamit sa sulatin. Mas
mainam na umapaw sa materyal kaysa naman kulangin o
maging salat sa mga detalye ang isang talambuhay.
 Mas mainam ang magtapon kaysa magkulang.
16
Pagtatakda ng Time Frame
 Makatutulong din kung magtatakda ng limitasyon sa sakop
ng buhay ng isang tao. Imposibleng magkasya sa isang
picture book ang buhay mula kapanganakan hanggang
kamatayan ng isang tao.
 Piliin ang pinakainteresanteng panahon sa buhay ng tao.
 Mahalaga bang ikuwento ang kaniyang kinakanta noong pre-
school? 17
Ang Tauhan bilang Modelo ng Bata

 Mahalagang matukoy kung ano ang maiaambag ng talambuhay sa pag-


unlad ng batang mambabasa. Bakit ito kailangang basahin ang bata?
Magiging mabuting modelo ba ang tauhan para sa bata? May maiaalok ba
itong ambisyon sa mambabasa?

18
Ano ang gagamiting POV?

 Mahalagang desisyon din ang pagpili ng punto-de-bista sa talambuhay.


Tipikal o karaniwan na ang ikatlong panauhan sa mga talambuhay. Maaari
rin namang maging unang panauhan ang talambuhay. Sa pamamagitan
ng pagkamalikhain, maaaring lumikha ng isang bagong tauhan na
magsisilbing tagapagsalaysay.

19
Ano ang iyong MENSAHE?

 Mainam ding ang tema o mensahe ng isang talambuhay ay hindi


nakalantad. Sa halip, ang tema ay kailangang inilalarawan sa
pamamagitan ng mga eksena o pangyayari.

20
Pagkilala sa pamamagitan ng bibliograpiya
 Mahalagang maghanda ng bibliograpiya upang pahalagahan ang mga
sinangguning teksto. Dapat ding nakarekord ang mga panayam.
Magagamit ang recording na ito kung sakaling may problemang lumitaw
kaugnay sa manuskrito.
 Payo: ipabasa ang manuskrito sa paksang tao o sa kanyang kamag-anak
upang ma-review/ masuri ang nilalaman.

21
 Maging maingat sa pagsasakuwento ng buhay ng isang tao. Kailangang
nakabatay sa katotohanan ang mga pangyayari. Dapat nakabatay sa
pananaliksik ang mga detalye. Mag-iingat din sa paglikha ng mga
dialogo at baka hindi ito tumugma sa personalidad at kaisipan ng
pinapaksa.
 Dapat ding gabayan ang ilustrador sa paglalarawan ng tagpo, kasuotan,
kagamitan, at maging ang arkitektura sa panahong ginagalawan ng
tauhan.
22

Ang aktuwal na iskrapbuk ni
PKL

23

24

25

26

27

28

29
Tungkulin ng Manunulat

 Maging isang mananaliksik at investigator


 Pagiging historyador/ historian o kaya’y may interes sa
kasaysayan
 Maging eksperto/ maalam sa paksang napili
 Maging gabay ng illustrator sa pagguhit ng detalye

30
Ang pagtutulungan ng ilustrador at manunulat

 Kailangang magtulungan ang manunulat at ang ilustrador sa


pagkukuwento. Halimbawa, ang tungkulin ng paglalarawan ng
tagpo at kasuotan ay tungkulin na ng ilustrador.
 Hindi na kailangan pang lumabas sa teksto ng manunulat ang
mga paglalarawan.

31
Basahin ang una at huling spread ng kuwento
 Mainam din sa pagsusulat ng huling spread na balikan ang
simula ng kuwento. Kailangang gawin ito upang maipakita
ang pag-unlad ng tauhan. Mainam ding kasangkapan ito
upang makabuo ng cyle sa naratibo.
 Kuwento ni Purita: nagsimula bilang tagahanga ng isang
painting sa Ayuntamiento at nagtapos bilang iginagalang na
tagapagsulong ng modernong sining sa Pilipinas
32
Halaga ng Timeline sa buhay
 Para sa karagdagang impormasyon, makatutulong sa aklat na maglaan
ng tinatawag na “author’s note” o tala ng manunulat. Ito ay isang
maikling sanaysay na magpapaliwanag sa buhay ng isang paksang
personalidad. Ang mga hindi naisamang detalye sa talambuhay ay
maaaring mailagay dito tulad ng mga petsa. Puwede ring maghanda ng
isang timeline at gallery ng mga larawan upang maitampok ang yaman
ng pananaliksik.

33
Sample timeline

34
 Bilang pangwakas, sana’y ang talambuhay na susulatin ay magtatampok
din ng pagkabata ng isang personalidad.
 Mahalagang maipabasa sa mga bata na ang mga dakilang tao at ang mga
bayani ay minsan ding naging bata gaya nila.

35
Sino ang maaaring sulatin?

 mga bayaning di kilala


 mga modernong bayani ng bansa
 mga siyentistang Filipino (mathematician, botanist, environmentalist)
 mga National Artist
 mga atletang nagbigay ng karangalan sa bansa

36
Maraming
Salamat!

37

You might also like