You are on page 1of 9

DETALYADONG Paaralan Isabang Elementary School Baitang Ikaapat

BANGHAY Guro Sarah Bianca V. Sarita Asignatura Filipino


ARALIN Petsa at Oras Markahan Ikaapat

I. Layunin
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
A. Pamantayang napalalawak ang talasalitaan
Pangnilalaman
Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin
B. Pamantayan sa Nakabubuo ng sariling patalastas
Pagganap
C. Mga kasanayan sa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa minutes ng pagpupulong (pormal at di-
Pagkatuto. Isulat ang pormal) F4PB-IVg-j-100
code ng bawat
kasanayan Nakasusulat ng minutes ng pagpupulong F4PU-1Vg- 2.3
II. Nilalaman Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Minutes ng Pagpupulong
Pagsusulat ng Minutes ng Pagpupulong
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina saTeksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang tarpapel, PowerPoint presentation
Panturo
III. Pamamaraan
Balik-Aral (Review)
Magbigay ng sariling reaksyon tungkol sa pormal at di-pormal na pagpupulong

Pagganyak (Motivation)
Ibigay ang kaugnay na salita

A. Panimulang Gawain
(Preparatory Activities)

B. Pagsasagawa ng Inaasahan sa araling ito na matutunan ninyo ang pagsagot sa mga tanong
itinakdang gawain tungkol sa minutes ng pagpupulong at pagsulat ng minutes ng pagpupulong.
(Introduction)
C. Paglalahad at 1. Basahin at suriin ang halimbawa ng katitikan ng pagpupulong na nasa
Pagtalakay/Pagmomod kalakip na lunsaran
elo
(Teaching/Modeling) Katitikan ng Pagpupulong

2. PAGSAGOT SA TANONG
a. Ano ang katitikan?
b. Ano-ano ang bahagi ng katitikan?
c. Bakit mahalaga ang pagsulat ng katitikan?
3. Panoorin ang youtube sa sangguniang ito: https://www.powtoom.com/online-
presentation/eDUmo3vDRZF/katitikan-ng-pulong/?mode=movie

Sabihin ng guro: Kaya mahalaga na malaman ninyo ang pagsulat ng katitikan


ng pulong dahil mahalagang maidukomento ang lahat ng mga detalye.

Paglalahat (Generalization)
Ano ang katitikan sa pagpupulong?
Bakit ito mahalaga?

Pangkatang Gawain Pagpupulong hinggil sa:

Unang Pangkat: Di-Pormal na pagpupulong


D. Ginabayang Plano sa pag paglinis ng paaralan
Pagsasanay (Guided
Practice) Pangalawang Pangkat: Pormal na Pagpupulong
Plano sa gagawing pagtatanghal sa darating ng Araw ng mga Puso o
Culminating Activity

Presentasyon sa isinulat na pagpupulong (Bigyan ng rubriks ang mga mag-


aaral).
E. Malayang Pagsasanay
(Independent Practice) Pangatwiranan:
Bakit kailangang isasatitik ang pagpupulong?

A. Sumulat ng katitikan sa pagpupulong.


Paunawa: Pagpapatuloy sa pagsulat sa pagpupulong na ginawa sa pangkatang
gawain at ito ang magsisilbing batayan sa pagmamarka sa sumusunod na
rubriks.

F. Pagtataya (Evaluation) Pamantayang rubriks sa pormal na pagpupulong


(Gumawa ng rubriks sa katitikan ang guro)

B. Batay sa iyong katitikang nabuo, gumawa ng ilang tanong na sasagutin ng


ibang pangkat.

G. Takdang Aralin Sumulat ng isang halimbawa ng isang di-pormal na katitikan sa pagpupulong


(Assignment)
REMARKS
DETALYADONG Paaralan Isabang Elementary School Baitang Ikaapat
BANGHAY Guro Sarah Bianca V. Sarita Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras Markahan Ikaapat

I. Layunin
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan at talas sa pagsasalita at pagpapahayag sa
sariling ideya, kaisipan, karanasan.
B. Pamantayan sa Nakapagtatala ng impormasyong napakinggan upang makabuo ng balangkas
Pagganap at makasulat ng buod at lagom.
Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano
C. Mga kasanayan sa
(F4PN-IVd-f-3.2)
Pagkatuto. Isulat ang
code ng bawat
Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang isyu
kasanayan
(F4PS-IVf-g-1)
II. Nilalaman Pagsasagot sa mga Tanong na Bakit at Paano
Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Isang Napakinggang
Isyu
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina saTeksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang tarpapel, PowerPoint presentation
Panturo
III. Pamamaraan
Balik-Aral (Review)
Ano ang nararamdaman mo kapag ikaw ay nakapanood ng paborito mong
pelikula?

Pagganyak (Motivation)
Pagmamasid sa Larawan, kung merong lapis ang mga bata ipakuha ito at
pagmasdan ang anyo nito? Saang bagay o galing ang lapis? Saan ginagamit
ang lapis? Maliban sa panulat ano-ano pa ang gamit nito?

1. Paglinang ng Talasalitaan:
Isulat sa linya ang salitang bubuo sa diwa ng pangungusap. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.
A. Panimulang Gawain
(Preparatory Activities)

a. Iba’t ibang lapis ang nakalagay sa isang _______sa tindahan.


b. Halos__________ ang dibdib ng lapis dahil sa mga narinig niyang papuri.
c. Dahil sa ganda ng iginuhit ng bata __________ng lahat na siya ang
mananalo ng unang gantimpala.
d. Kahit may kapansanan si Joanna ay taglay naman niya ang __________ at
mapagmahal na puso.
e. Ang mga kaibigang papel ay __________ sa lapis dahil sa nakita nilang
pagluha nito.

Inaasahan sa araling ito na matutunan ninyo ang pagsagot sa mga tanong na


B. Pagsasagawa ng
bakit at paano maipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang
itinakdang gawain
napakinggang isyu.
(Introduction)
Gusto ba ninyong makarinig ng isang kuwento? May babasahin akong isang
kuwento tungkol sa isang lapis. Makinig nang mabuti at pagkatapos kong
magbasa ay kukunin ko ang inyong mga opinyon o reaksyon tungkol sa
kuwentong inyong napakinggan.
Ang Lapis ni Joanna
Pinagyamang Pluma 4 pp 291-293 Alma M. Dayag, Phoenix Publishing House
2015
(sumangguni sa kalakip na kuwento)

Pagtalakay
1. Batay sa inyong narinig sagutin ang mga tanong
a. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
b. Bakit nagmayabang si Lapis sa kapwa lapis?
c. Paano si Lapis napunta kay Joanna?
d. Ano ang napagtanto ni Lapis sa katapusan ng kwento? (sa bahaging ito
direktang ituturo ang pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon)

C. Paglalahad at Punan ang tsart. Lagyan ng reaksyon o opinion.


Pagtalakay/Pagmomode
lo (Teaching/Modeling)

Paglalahat (Generalization)
Ano ang masasabi mo sa mga taong may kapansanan sa ating lipunan?
Bakit kailangang isaalang-alang ang pagbibigay ng opinion o reaksiyon?

Pangkatang Gawain

 Unang Pangkat
Gumawa ng isang maikling dula-dulaan kung paano ipapakita ang pagtanggap
sa mga taong may kapansanan.

D. Ginabayang  Pangalawang Pangkat


Pagsasanay (Guided Suriin kung tama o mali ang pahayag.
Practice) 1. Naging mapanghusga ang lapis sa mga bagay na sa tingin niya’y mas
mababa sa kanya.
2. Nang mabili siya’y nanabik na makilala ang batang magiging amo nya.
3. Ikinatuwa niyang malamang mga paa ang gagamiting pansulat sa kanya.
4. Agad nyang naibigan anng naging buhay sa piling ni Joanna
5. Napagbago siya ng kabutihang nakita niya kay Joanna.

Magbigay ng reaksiyon tungkol sa tanong


E. Malayang Pagsasanay
May kilala ba kayong tao na sa kabila ng kanilang kahinaan ay naging
(Independent Practice)
matagumpay sa buhay. Ibahagi ito.

F. Pagtataya (Evaluation) A. Ipahayag ang sariling kaalaman tungkol sa wastong paraan ng pag
bibigay ng opinyon o reaksyon.

Maraming tao ang may ugaling tulad ng lapis ni joanna. Ang tawag sa ugaling
ito ay narcissistic o ang labis na paghanga o pagpapahalaga ng tao sa sarili at
pag-aakalang angat siya sa iba. May mga nagsasabing ang taong sobrang
mahilig sapag-seselfie at pagpo-post lagi nito sa social media ay may
sintomas na pagiging narcissistic. Totoo nga kaya ito? Ano ang iyong opinyon
o reaksiyon tungkol dito?
Punan ang tsart. Ipaliwanag ang sumusunod na tanong.
Tanong Reaksyon/
Opinyon
Bakit kailangang bigyan ng espesyal
na kalinga o atensyon ang mga may
kapansanan?
Paano ka makatutulong sa mga may
kapansanan na hind bully sa inyong
klase?
.
Ipakilala ang sumusunod na mga produkto.

1. _______________________________________
G. Takdang Aralin
(Assignment)

2. _______________________________________

REMARKS
DETALYADONG Paaralan Isabang Elementary Baitang Ikaapat
BANGHAY School
ARALIN Guro Sarah Bianca V. Sarita Asignatura Filipino
Petsa at Oras Markahan Ikaapat

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
Pangnilalaman sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Nakasusulat ng ulat tungkol sa binasa o napakinggan.
Pagganap
Naipahahayag ang sariling opinion o reaksyon batay sa napakinggang
pagpupulong (pormal at di-pormal) F4PS-IVf-g-1
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pagpupulong (pormal-di-
code ng bawat pormal) F4PN-IVd-g-33.3
kasanayan
Nagagamit ang mga uri ng pangungusap sa pormal na pagpupulong F4WG-
IVc-g-13.3
II. Nilalaman Pagpapahayag ng sariling opinion o reaksyon batay sa napakinggang
pagpupulong (pormal at di-pormal)
Pagsasagot ng mga tanong tungkol sa napakinggang pagpupulong
(pormal-di-pormal)
Paggamit ng mga uri ng pangungusap sa pormal na pagpupulong
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina saTeksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang tarpapel, PowerPoint presentation
Panturo
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain Balik-Aral (Review)
(Preparatory Activities) Ano ang kahalagahan ng patalastas?
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng patalastas?

Pagganyak (Motivation)
Pag-aralan ang larawan.

•Tungkol saan ang usapan ng mga tao sa pamayanan?


•Pansinin ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng kanilang naiisip o
nadarama?

A. PAGLINANG NGTALASALITAAN
Gamitin sa pangungusap ang mga salitang nasa ibaba.
1. pulong
2. iminumungkahi
3. pinapangalawahan
4. Inilatag
5. itindig

Inaasahan sa araling ito na matutunan ninyo ang pagpapahayag ng sariling


B. Pagsasagawa ng
opinion, pagsagot sa mga tanong gamit ang ibat’t ibang uri ng pangungusap at
itinakdang gawain
pagtukoy nang iba’t ibang antas ng wika.
(Introduction)
C. Paglalahad at Basahin at talakayin ang Antas ng Wika
Pagtalakay/Pagmomodel (Sumangguni sa kalakip na sanggunian)
o (Teaching/Modeling)
PAKIKINIG SA USAPAN NA BABASAHIN NG MGA PILING MAG-AARAL
(Magtatalaga ng piling mag-aaral at isadula ang usapan sa ibaba)
Pakinggan

PORMAL NA PULONG
PULONG SA BARANGAY
Mang Tasyo : Simulan na natin ang ating pulong.
Unang-una ay nagpapasalamat ako sa inyong pagdalo sa pulong na ito.
Aling Rosa : Pinatao ko nga po sa tindahan ko ang aking pamangkin upang
makadalo ako sa pulong na ito. Mukha pong mahalaga ang pag-uusapan natin
ngayon.
Mang Ben : Bakit nga po biglaan ang atong pulong ngayon, Kapitan Tasyo?
Mang Tasyo : Makinig kayo at sasalaysay ko muna ang isang pangyayaring
siyang naging dahilan ng pulong na ito. Noong isang araw, kinausap ako ng
principal ng ating pansekundaryang paaralan. Nababahala siyang maraming
mag-aaral ang hindi pumapasok sa paaralan. Nakikita raw ang mga itong
gumagala sa parke o sa mga bilyarang at tila lasing sa droga. Itinanong niya sa
akin kung alam ito ng mga magulang. Kaya minabuti kong ipatawag kayo. Baka
ang inyong anak ay kasama sa kabataang ito.
Aling Gloria : Aba! Hindi po namin alam ito!
Ginoong Cruz : Dapat tayong kumilos sa problemang ito.
Ginoong Cruz : Kaya nga hinihingi ko ang tulong ninyong lahat. Magkaisa tayo
upang maiwasan ang pagkalulong ng ating mga anak sa droga.
Aling Flor : Iminumungkahi ko pong makipag-ugnayan tayo sa mga awtoridad
at sa paaralan upang masugpo ang problemang ito.
Aling Rosa : Iminumungkahi ko rin pong maging mapagmasid tayo sa kilos ng
ating kabataan. Bigyan din natin sila ng mga gawaing maglalayo sa kanila sa
droga.
Mang Ben : Tama. Pinapangalawahan ko ang mga naunang mungkahi.
Hikayatin natin silang sumali sa mga palaro o makiisa sa pagtulong sa
pagtatanim sa barangsy upang masanay sila sa pagbabasa.
Aling Flor : Kapitan. Lahat ng mga mungkahing inilatag ay pinapangalawahan
ko.
Mang Tasyo : Magaling! Magaling ang mga naisip ninyo. Kailangan simulan na
natin ang mga proyektong ito. Maaasahan ko ba ang inyong suporta!
Lahat : Opo,
Mang Tasyo : Kung gayon ay maaari ko nang itindig ang pulong na ito at
magkita-kita tayo sa susunod na Sabado sa ganitong oras muli. Maraming
salamat sa inyo.

Pakinggan:
Di pormal na Pag-pupulong
Ara: umpisahan na natin ang pagpupulong
Pedro: Oo, naman ‘tol kasi uuwi ako dahil naghihintay sa akin si erma’t at si
erpat
Ara: Oo naman kasi nababanas sa kahihintay sainyo!
Pedro: (Pansmanatalang nag ring ang cellphone) ringgg! Where ka na ‘pre….
Andres: here na me sa terminal naghihintay pa ng tsikot.

1. Pagsagot sa mga tanong.


a. Bakit nagpatawag ng pulong si Mang Tasyo?
b. Ano ang pinag-usapan nila?
c. Ano-ano ang mga pangungusap na ginamit sa usapan?
d. Batay sa usapan na narinig ninyo ano ang masasabi mo tungkol dito.
e. Magbigay ng reaksyon tungkol sa narinig ninyong usapan?
2. Ano-anong mga pangungusap ang ginamit sa usapan?

Paglalahat (Generalization)
Ano-anong uri ng pangungusap na ginamit sa pagpupulong ng inyong narinig.
Paano mo bibigyan ng reaksyong ang mga napakinggang pagpupulong

Pangkatang Gawain:

Unang Pangkat
Bumuo ng usapan ayon sa sitwasyon madalas na pagliban sa klase. Gamitin
ang iba’t ibang uri ng pangungusap.

D. Ginabayang Pagsasanay Pangalawang Pangkat:


(Guided Practice) Isang pagpupulong sa klase at gamitin ang mga pahayag o ekspresyong
angkop sa pagpupulong

Pangatlong Pangkat
Ano ang masasabi mo sa mga ekspresyon na ginagamit kung nagkakaroon ng
pulong.

Suriin at itala ang mga pahayag sa napakinggang usapan sa at ibigay ang


reaksyon o opinyon hinggil sa mga pahayag na ginamit.

Sabihin:
E. Malayang Pagsasanay Sa simula ng pulong:
(Independent Practice) Maaaring simulan ang pagpupulong sa pagbasa ng katitikan ng nakaraang
pulong. Kung wala nang lilinawin pa sa katitikan, kailangan pagtibayin ito.

Sa talakayan ng pulong:
Lahat ng mga desisyon at mungkahing ihahayag sa talakayan ay dapat na
pangalawahan upang mapagtibay.

Sa wakas ng pulong
Itinitindig ang pagpupulong bilang pagwawakas nito

F. Pagtataya (Evaluation) Pakinggan ang isang usapan at pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

Esterlou : Bilang inyong pangulo, ipinatawag ko ang pulong na ito upang pag-
usapan ang mga bagay-bagay na makaaapekto sa atin. Simulan muna natin
ang ating pulong sa isang pagdarasal.
(Pagkatapos ng pagdarasal)
Ngayon naman ay ating balikan ang mga napag-usapan natin noong
nakaraang pulong.
Juanito : Handa na po ako sa pagbasa ng katitikan noong nakarang pulong.
Esterlou : Mayroon ba kayong gusting liwanagin o idagdag sa nakasaad na
katitikan?
Lahat : Wala na po.
Coral Jade : Iminumungkahi ko pong pagtibayin ang katitikan ng nakaraang
pulong.
John Francis : Pinapangalawahan kop o.
Esterlou : Kung gayon ay pinagtitibay ang katitikan ng nakaraang pulong.
Maaari na tayong umusadat pag-usapan ang proyektong pangkalinisan ng
ating paaralan.

Sa talakayan ng pulong:
Lahat ng mga desisyon at mungkahing ihahapag sa talakayan ay dapat na
pangalawahan upang mapagtibay.
Sa wakas ng pulong:
Itinitindig ang pagpupulong bilang pagwawakass nito.
Esterlou : Kung wala na kayong gusting pag-usapan pa ay itinitindig ko na ang
pulong na ito. Maraming salamat sa inyong pagdalo.

Magbigay ng isang pangungusap na ginamit sa Pagpupulong batay sa hinihingi


sa talahanayan.

Ibigay ang iyong reaksyon hinggil sa napakinggang usapan sa pagpupulong na


G. Takdang Aralin
nasa pagtataya. Sabihin kung pormal o di-pormal. Patunayan
(Assignment)
REMARKS

You might also like