You are on page 1of 9

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang kaalaman sa pagsusuri ng


panitikang Filipino na nakatuon sa mga tekstong literari na tumatalakay sa lipunan.

Pamantayang Pagganap: Nakagagawa ang mag-aaral ng mga pagsusuri at paglikha ng


sariling tula, sanaysay at/o maikling kuwento hango sa napapanahong isyu.

==================================================================

GABAY NG NPC KURSONG PANG-ONLINE AY 2020-2021

Pamagat ng Kurso : ___________________________________________________

Pangkat : ___________________________________________________

Talatakdaan : ___________________________________________________

Pangalan ng Fakulti : ___________________________________________________

Bilang ng Modyul : 2 sa 10

Paksa/Aralin : Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang Pilipino

Bilang ng Linggo : 2

Nilalayon ng Kurso sa Pagkatuto

Ang nilalayon ng kursong ito ay ang:


1. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa
pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikan.

2. Naisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa


ng pananaliksik.

1
Kagamitang Pansuporta sa Pagkatuto at Pagtuturo

GAWAIN 1: Suriin ang dalawang mukha ng maskara, ilahad ang


pagkakaiba ng mga ito at ipaliwanag ang karaniwang mukha ng
iyong buhay sa pang-araw-araw. Magtuloy tayo sa pagtalakay!

Pagtalakay at Lektura
Sa nakaraang talakayan, nalaman natin ang ilang bagay hinggil sa konteksto ng
panitikan at lipunan. Gayundin din ang mga aspekto na dapat malaman ng isang
manunuri kung paano susuriin ang panitikan. Ngayon naman ay ating alamin ang
karugtong na paraan sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan.

Ang pagsusuri sa isang akdang papanitikan ay masalimuot


o hindi madali subalit kinakailangan ito hindi dahil ito ay
required na asignatura kundi ito ay paraan din upang
magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa akda.

Kadalasan ang panunuring pampanitikan ay isang proseso


ng pagkuha ng impormasyon mula sa manunulat patungo sa
isinulat nito dahilan upang maging ganap ang pagkakakilala
natin sa mismong akda. Oo, kinakailangan natin maunawaan https://www.google.com/search?
q=vector+magnifying+glass&tbm=isch&ved=2ahUKEw

ang mga talambuhay at karanasan ng may-akda bago natin i6vquEtq7rAhXVwosBHcmkBjoQ2-


cCegQIABAA&oq=vector+magnif&gs_lcp=CgNpbWcQ
ARgBMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMg
mauunawaan ang mismong akda niya. Bakit? Dahil dito QIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABAT
MgQIABATOgQIIxAnOgUIABCxAzoCCAA6BAgAEB5Q

nasasalamin ang kaniyang mismong pagkatao. Kung xmtYyosBYJmbAWgAcAB4AIAB9AKIAZsTkgEHMC44Lj


MuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=
img&ei=MNtAX7rmBtWFr7wPycma0AM&bih=625&bi
natatandaan mo, ang panitikan ay salamin ng buhay sa pang- w=1366#imgrc=JjHxSzjOX0-x-M
araw-araw samakatuwid ito ang naglalagos sa puso’t isipan ng mismong may-akda.

Tuloy sa ilan pang dapat pagtuunan ng pansin sa pagsusuri.

Ang mga akda sa kahit na anong aspekto ay kakikitaan ng isang pagpapahalaga tungo
sa tunay na pangyayari sa buhay. Sa mga akda ang buong pagpapahalagang
pangkatauhan ay dumadalumat sa katauhan ng isang mambabasa tungo sa kanyang
pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ang tinatawag na PAGPAPAHALAGANG
PANGKATAUHAN.

Ang una sa pagpapahalagang pangkatauhan ay MAKA-DIYOS, ito ay pagpapahalagang

2
pangkatauhan na tumutukoy sa batas na itinakda ng Dakilang Lumikha. Mahalaga bilang
tao ang matukoy ang mga bagay na itinuro sa atin ng Maykapal sapagkat dito nababatay
ang ikaluluwalhati ng ating kaluluwa at susi sa pagpasok sa tahanan ng Diyos.

Isa rin sa mahalagang tingnan sa pagsusuring ito ay ang pagiging MAKATAO ng


manunulat. Kung paano ang isang manunulat ang nakararanas ng ilang paglabag sa
pagiging makatao ng isang tao. Nasasalamin sa pagpapahalagang pangkatauhan ang
sinasasig ng isang tauhan sa akda kung paano niyang ipaglaban ang kanyang karapatan
at hindi pagyurak sa karapatang pantao ng bawat isa.

Ang pagiging MAKABAYAN ay ang pagmamahal sa bayan maging sa pagtangkilik ng


mga produkto ng isang bansa. Ganito maituturing ang pagiging makabayan natin.

Isang pagpapahalagang pangkatauhan na nagpapahalaga sa isang taong mahal mo at


para sa kanya, handa kang makipaglaban at harapin ang mga pagsubok na darating. Ito
ang sinasabing nag-uudyok sa isang tao upang magbago ang kanyang pakikisalamuha sa
kanyang kapwa. Ito ay MAKAKALIKASAN.

Ang PAGSUSURI BATAY SA KAUKULANG PANANAW NA PAMPANITIKAN ay


makikita sa bawat pahayag at nilalaman ng mismong akda. Tingnan ang mga halimbawa.

1. Marxismo. Sa dulog na ito mauunawaan ang pagbabago ng paraan ng pag-iisip


tungo sa isang radikal na pananaw. Ito hinubog ang tema ng isang akda sa
pamamagitan ng pagtingin sa pag-unlad ng isang bansa o komunidad na naaayon
sa sistemang ekonomiya. Pumapasok sa dulog na ito ang mga kapitalismo at burgis
na ipinakilala ni Karl Marx. Makukuha ang mensahe ng dulog na ito sa tunggalian
ng estado ng buhay ng isang indibidwal sa paraang ekonomikal at pampulitika.
Minsan ay may nasabi si Mao Tse Tung tungkol sa paglalapat ng Marxismo sa
panitikan: “Mga Marxista tayo at nagtuturo ang Marxismo na sa paglalapat natin
sa isang problema, di nararapat tayong magsimula buhat sa mga mahihirap
unawaing depinisyon kundi sa mga katotohanang walang pinapanigan, at sa
pagsusuri sa mga katotohanang ito, matiyak natin an gating patutunguhan, an
gating mga patakaran at pamaraan. Ito rin ang dapat nating gawin sa ating
kasalukuyang diskusyon sa sining at panitikan.”
2. Pormalismo. Sa dulog naman na ito, tanging ang katangian, porma ng
pagkakasulat, pag-uugnay ng mga salita, at estruktura nito ayon sa pagkakabuo ng
akda o ng pelikula. Tinitingnan lamang nito ang aspektong biswal sa paraang
nabanggit dahil ang tanging layunin nito ay tuklasin lamang at ipaliwanag ang
anyo at kabuuan ng akda. Matuklasan at maipaliwanag ang anyo ng akda ang

3
tanging layunin ng pagsusuring pormalistiko. Walang pagtatangkang busisiin sa
teoryang ito ang buhay ng may-akda. Hindi rin binibigyang-puwang ang
kasaysayan at lalong hindi pagtutuunan ng pansin ang implikasyong sosyolohikal,
politikal, sikolohikal at ekonomikal. Tanging ang pisikal na katangian ng akda ang
pinakabuod na pagdulog na ito. (Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika
nina P. Villafuerte at R. Bernales, 2008).
3. Realismo. Isang kilusang umusbong sa larangan ng sining noong siglo, 1900.
Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang
pamamaraan. Itinatakwil ng Realismo ang ideya ng paghuhulma at pananaw sa
mga bagay. (Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika nina P. Villafuerte at
R. Bernales, 2008). Pansinin ang larawang ito, ito ang poster ng Pamilya Ordinaryo
na pinagbibidahan nina Ronwaldo Martin at Hasmine Kilip na direksyon at
panulat ni Eduardo W. Roy Jr. Ito ang realidad na kinabibilangan ng ating lipunan
ngayon dahil sa dulog na realismo, ipinakikita nito ang katotohanang kinahaharap
ng isang pangyayari o sitwasyon. Hindi nito ikinaiila na sa kabila ng pagpapakita
ng pagiging maunlad ay mayroon pa rin ganitong sitwasyon sa lansangan.
Sa tema at mga salitang ginamit dito ay makikita ang normal na nagaganap sa
ating paligid na sangkot ang paraan kung paano pinalaki at iminulat sa mga
tauhan na hanggang sa kanilang paglaki at pagtanda maging sa pag-aasawa ay
ganito ang tingin ng lipunan sa katulad nila.

4. Arketipal o
symbolic.
Tinatawag
din itong
mitolohikal
o

https://www.google.com/search?
q=pelikulang+pilipino+pamilya+ordinario&tbm=is
ch&ved=2ahUKEwimw_DA96nrAhV0zIsBHZ0RCIU
Q2-
cCegQIABAA&oq=pelikulang+pilipino+pamilya+or
dinario&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQHjoGCAAQ
BRAeOgYIABAIEB5Qo89tWIK1b2C7uG9oAHAAeA
CAAfMBiAG4FJIBBjAuMTcuMZgBAKABAaoBC2d3c
y13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=wIA-
X6bjKfSYr7wPnaOgqAg&bih=576&biw=1366#imgr
c=BguZYADmLP2ycM

ritwalistiko. Ayon kay Scott (1922), sa pagbasang arketipal, kailangan ang masusing
pagbabasa ng teksto gaya ng pormalistiko at kailangang nanghahawakan nang

4
mabuti ang mambabasa sa kanyang mga kaalamang sikolohikal, historical,
sosyolohikal, at kultural. Sabi naman ni Reyes (1992), ang mga banghay, tauhan,
tema, at imahen sa mga akda ay mga komplikasyon o interpretasyon ng mga
magkakatulad na elemento ng mga matatandang mito at alamat. Kung gayon, sa
pag-aaral ng akda sa dulog arketipal, ang diin ay nasa pag-alam sa pauli-ulit na
paglitaw ng mga imahen at simbolo na nag-ugat sa matatandang mga imahen at
simbolo.
5. Sosyolohikal. tinitingnan ang kalagayan at ugnayan ng mga panlipunang
institusyon tulad ng pamahalaan, simbahan, pamilya, paaralan at iba pa sa
pagtatakda ng sitwasyon at oportunidad para sa mga mamamayan nito. (Pagtuturo
ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika nina P. Villafuerte at R. Bernales, 2008).
Kung gagamitin ang pananaw na ito sa pagsusuri ng panitikan mainam na mapag-
aralan ang kasaysayan ng akda at ang panahon na kinabibilangan nito at ng awtor.
Hindi lamang ito internal na pagsusuri ng akda, kundi pati na rin ng mga eksternal
na salik na nakakaimluwensya rito. (Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at
Praktika nina P. Villafuerte at R. Bernales, 2008)
6. Romantisismo. Noong bahagi ng siglo 1800 at pagpasok ng siglo 1900 ito nakilala.
Ibinandila ng Romantisismo ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, ang
inobasyon kaysa tradisyon, imahinasyon kaysa katwiran at likas kaysa pagpigil.
Dahil dito, itinuturing ang Romantisismo bilang isang pagtatakwil sa
pagpapahalagang Klasismo tulad ng kaayusan, kapayapaan, pag-uugnay at
rasyunal. (Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika nina P. Villafuerte at R.
Bernales, 2008).

Kilala natin ang katapangan ni Miriam Defensor


Santiago sa kahit na anong pagdedesisyon. Kaya naman
kung ang realismo ay tumatalakay sa isang kaganapan
sa buhay ng isang tao na normal na paraan, ang
FEMINISMO naman ay nakatuon sa kalakasan ng mga
babae. Ipinakikita ng dulog na ito ang kapangyarihan
ng isang babae tungo sa kaniyang paligid at
sinasaklawan. Ipinahihiwatig lamang ni na ang
machismo ay hindi balakid sa kanilang pananaw
maging sa pagdedesisyon. Pinalulutang ng dulog na ito
ang kakulangan at hangganan ng isang babae.
Maraming akda o obra ang kinakikitaan ng ganitong
uri ng dulog na siyang nagbibigay ng importansya sa
pagiging isang babae ng babae. Binibigyang pugay sa
ganitong aspekto na ang tuon ay puro kalakasan ng

5
isang pinagsamang puwersa ng magiting at walang inuurungang babae.
Katulad ng pelikulang a Mother’s Story na pinagbidahan ni Pokwang na isang OFW.
Naging mahirap man sa kaniyang kalooban ang mahiwalay sa mga anak subalit pinipilit
pa ring makapagtrabaho para sa kinabukasan ng kaniyang mga anak. Ang kahinaang ito
ng kaniyang kalooban ang naging lakas upang mapagtagumpayan niya ang kaniyang
mga hirap sa ibang bansa.
Makikita sa kaniyang sitwasyon na pagbalik niya sa Pilipinas ay hindi niya alam na
lumayo na ang kalooban ng kaniyang mga anak sa kaniya na siya namang kinahitnan lagi
ng mga nangingibang bansa. Kung hindi lumalayo ang loob at nagiging rebelde katulad
ng pelikulang Anak ang ina sa obra maestra ay si Vilma Santos.
Ipinakikita lamang ng mga dulog na ito ang katangian ng bawat isa na siyang nagiging
salamin ng lipunan natin saan mang aspekto mapateknikal at sariling kuwento.
Sa pagsusuri ng isang akda, mahalagang matutuhan ang ilang mga linya o salita na
kumakatawan dito. Hindi lamang ang mga linya kundi ang mismong kuwento o
pagkakabanghay nito.

Maramin pang dulog o teoryang pampanitikang ito, tanging makikita natin ang kani-
kanilang paraan ng pagtalakay o atake sa isang akda o obra maestra.

Pagdating naman sa LARAWANG SOSYO-KULTURAL NG PAMUMUHAY, ang


pamumuhay ng isang tao ay karaniwang nakikita sa kung paano niya dalhin ang sarili
tungo sa pakikipag-kapwa. Ang ugaling ito ay malalaman sa kinikilos o gawi. Maituturing
na karumal-dumal ang isang pamumuhay kung ito’y labag sa batas ng tao maging nang
Diyos.

Sa isang komunidad kinapapalooban ito ng iba’t ibang ugali o asal. Ang pagiging
mabuti ay mabahagi na ng ating kinagawian, ibig sabihin ang pamumuhay ng isang tao
tungo sa kanyang paligid ay maituturing na bahagi ng kanyang buhay sapagkat
kinakailangan niyang pakitunguhan ang kanyang kapwa na ayon sa hinihingi ng
lipunang kanyang ginagalawan. Sa madaling sabi, ang lipunan at kultura ay pinag-iisa ng
batas kung paano mamuhay nang naaayon sa demand at asal ng isang tao sa kanyang
paraan ng pakikisama at pakikitungo sa kapwa maging sa kanyang kinapapalooban na
lipunan.

Mababakas kasi sa isang tao ang kanyang kalagayang panlipunan sa pamamagitan ng


paggamit ng salita batay sa kanyang kaharap. Dagdag pa rito ay kung paano ang isang
kultura ay sasalamin sa takbo ng kanyang buhay. Sa huling pagkakataon ang lipunan at
kultura ay bumabalikwas kapag kinakailangan ng tao sa kanyang pakikiharap sa pang-
araw-araw na pamumuhay sa buhay.

6
GAWAIN 2: Sa gawaing ito, balikan ang ilang babasahing na pumukaw sa inyong pansin
maging ang kanilang paraan ng pananalita o diyalogo o monologo maging ang takbo ng
kuwento. Suriin ito batay sa panlipunang kultura na inyong naoobserbahan. Ilahad din
ang dulog sa bawat hinihingi. Ilagay ang sagot sa talahanayan. (Maaaring hindi lamang
lima ang makuha)

PAMAGAT MONOLOGO/ DIYALOGO/ DALOY


DULOG AT PALIWANAG
NG AKDA NG KUWENTO
1.

2.

3.

4.

5.

Mungkahing Gawain para sa Pagkatuto

GAWAIN 3: Mula sa MONOLOGO/ DIYALOGO/ DALOY NG KUWENTO na iyong napili


sa gawain 2. Ihalayhay mo rito ang mga persepsiyon mo hinggil sa paraan ng
pagkakasulat ng manunulat ng obra na ito. Tiyakin na ito’y nakatuon at nakabatay sa
paraan ng mga dulog na natalakay.

MONOLOGO/ DIYALOGO/ DALOY NG


PAGSUSURI
KUWENTO

7
Pagtataya/ Awtput

Panuto: Gumawa ng isang replektibong sanaysay hinggil sa pinag-aaralan natin ngayon.


Isaalang-alang sa gawaing ito ang mga naging BATAYANG KAALAMAN SA
PANUNURING PAMPANITIKAN. Ipapasa ito sa pamamagitan ng Google Classroom
(inihanda ng guro/propesor).

Paalala: Buksan ang link (https://prezi.com/zshkyjly57vv/pagsulat-ng-repleksyon/?


fallback=1) upang maunawaan ang paraan ng pagsulat.

Pinakamahusay Mahusay Malilinang


Pamantayan
10 puntos 5 puntos 3 puntos
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang
komprehensibo ang nilalaman ng bawat kakulangan sa
nilalaman ng bawat talata. nilalaman.
talata.
Organisasyon Organisado, simple at Malinaw at maayos Maayos ang
malinaw ang daloy ng ang presentasyon presentasyon ng
paglalahad ng kaisipan. ng ideya. Malinaw mga ideya. May
May tamang ang daloy ng bahaging di
pagkasunod-sunod ang paglalahad ng gaanong malinaw
ideya. kaisipan. na paglalahad ng
kaisipan.
Kabatiran ng Maayos at detalyado Maayos ang May kalabuan sa
mga ang ideyang nais ideyang nais ideyang nais
pangunahing iparating. iparating. iparating.
konsepto

Babasahin at iba pang Sanggunian

Para sa mas interesanteng pagbasa o mapapanood magtungo sa mga link at sorses na


nasa ibaba upang na ito upang madagdagan ang inyong kaalaman sa tinalakay natin.

 TEORYA NG PAMPANITIKAN - FILIPINO - Grade 10. (n.d.). FILIPINO - Grade 10.


Retrieved August 22, 2020, from http://rosiefilipino10.weebly.com/teorya-ng-
pampanitikan.html#/
 Bugais, K. (n.d.). Mga Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan by Karla Bugais.

8
Prezi.Com. Retrieved August 22, 2020, from https://prezi.com/m3paclqus9rx/mga-
dulog-sa-pagsusuring-pampanitikan/

Pagkilala sa mga Manunulat at iba pang Lumikha

You might also like