You are on page 1of 20

MODYUL 3

Batayang Kaalaman sa Panunuring

Pampanitikan
( Ang Daigdig ng Akda/Teksto)

Pangkalahatang Ideya ng Modyul

Nilalaman ng modyul

 Formalismong Pagdulog
 Istruktural na Pagdulog
 Dekonstruksyong Pagdulog

Mahalaga ang panitikan sapagkat noon pa may nagsisilbi na itong sining lalong lalo na ng mga
tanyag na mga manunulat sa Pilipinas. Ito rin ang nagsisilbing tinig upang maipalam natin o ng bawat
Pilipino ang hinaing at kung ano ang nais sabihin. Minsan, nakapagsusulat din tayo na ito’y
nakadepende sa kung ano ang sitwasyong kinalalagyan at ang panahon na kinapapalooban. Kaakibat
ng mga naisulat na akda, kaugnay nito ang iba’t ibang pagdulog na gagamitin sa pagsusuri ng mga
akdang pampanitikan. Bilang mag-aaral ng kursong ito, mahalagang malaman mo ang iba’t ibang
kahulugan at ang gamit ng mga pagdulog na naayon sa mga akdang naisulat ng mga manunulat na
Pilipino.
Nakatuon ang modyul na ito sa daigdig ng akda o teksto na pinagtutuonan ang pansin ang 3
aralin na kinapapalooban ng pagdulog formalismo, istruktural at dekonstruksyon.

Matapos makompleto ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Maipaliwanag ang iba’t ibang uri ng pagdulog.
2. Matukoy ang kaibahan ng mga pagdulog sa bawat akdang sinuri.
3. Paglalapat ng naayon na pagdulog batay sa akdang binasa.
4. Malaman ang isyung panlipunan mayroon ang akda.
5. Makabuo ng sariling akda batay sa mga pagdulog na tinalakay.

Handa Ka na ba? Halina’t simulan na natin ang aralin!

FORMALISMONG PAGDULOG

ARALIN
1

Layunin
Ang araling ito ay naglalayon na ipaliwanag at talakayin ang formalismong pagdulog sa
pagsusuri ng mga iba’t ibang akdang pampanitikan sa Pilipinas. Sa pagtalakay ng pagdulog na ito,
inaasahan ang mga mag-aaral na :

 matukoy ang pinagmulan ng formalismong pagdulog

 malaman alin ang nangingibabaw sa pagdulog
 maipaliwanag ang pagdulog
 masuri ang akda gamit ang formalismong pagdulog.

Introduksyon:
Maligayang Pagdating sa Aralin 1 Modyul 3.
Kumusta ka? Simula na naman ng panibagong aralin. Masisilayan mo ngayon ang
patungkol sa formalismong pagdulog. Sa huling mga natalakay natin, napakarami ng pagdulog ang
nailahad sa iyo ng modyul na ito, ngayon ay daragdagan na naman ang iyong kaalaman sa panibagong
pagdulog na magagamit mo sa pagsusuri ng tula, maikling kwento at marami pang mga akdang
pampanitikan. Subalit bago tayo tumungo, ay sagutin mo muna ang Gawain na bahagi ng araling ito!

Gawain “Piliin mo Ako!”

Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng mga salitang sa tingin mo’y may kaugnayan sa Formalismong
Pagdulog. Bilugan ang napiling salita.

Kritisismo ahistorikal awtor akda

Porma natural formal

elementong pampanitikan
Analisis:
Matapos kompletuhin ang gawain, narito ang ilang mga katanungan para sa isang
mapanuring pag-iisip. Isulat ang iyong sagot sa espasyo na nakahanda sa ibabang
bahagi ng tanong.

1. Ano ang nag-udyok sa iyo para bilugan ang mga salitang ito? Gaano ka nga ba
kasigurado na may kaugnayan ito sa formalismong pagdulog?
________________________________________________________________________

2. Ibigay ang sariling depinisyon ng formalismo batay sa pagkakaunawa mo sa salita.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Ipaliwanag ang (2) salita na napili mo, na sa tingin mo’y pinakamahalaga sa pananaw
formalismo.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Abstraction:
Sa mga naunang natalakay na pagdulog sa modyul 1 ito ay mga pagdulog na nakaayon
sa daigdig ng manunulat o may-akda na sakop ang mga iba’t ibang pagdulog tulad ng klasisismo,
romantisismo, at marami pang iba. Sa modyul 2 naman ay ayon naman sa damdamin at isip ng may-
akda tulad ng bayograpikal, sikolohikal at arketipal.
Sa ikatlong bahagi naman ng modyul na ito, ang unang paksa ay isa sa mga kabilang
na pananaw/pagdulog sa daigdig ng akda/teksto ang Formalismong pagdulog. Tinatawag ito na bagong
kritisismo sa Estados Unidos dahil ang akda ay –

(1) ahistorikal – hindi mahalaga sa pag-unawa sa akda ang kontekstong panli[unan,

pangkasaysayan o ang panahong isinulat ang akda;
(2) ang mambabasa ay hindi pinahahalagahan – nangangahulugan lamang sa bahaging
ito na hindi binibigyang halaga sa pagsusuri ang kaligiran ng mambabasa o ano ang
ninanais malaman ng mambabasa;

(3) ang awtor ay tiwalag dito – hindi mahalaga kung ano ang nagtulak sa awtor sa
paglikha ng akda o mensaheng nais iparating ng may-akda.

Mahalaga sa pagdulog na ito ang mismong akda sa paniniwalang ang sentral na kahulugan
ng akda ay nauunawaan lamang sa pamamagitan ng mga sumusunod na elementong pampanitikan:

banghay Punto de
vista
tauhan
istruktura
tagpuan
Diksyon/ imahen

tono

Nangangahulugan lamang ito na taglay ng bawat akda ang lahat ng elemento upang
maunawaan ng sinumang babasa.

Ang emphasis para maunawaan ang akda ay nasa mga salitang ginamit sa akda, gamit ang
metapora at simbolo sa akda, ang paggamit ng ironiya, ang mga padron ng imahe o aksyon. Maaaring
ikonsidera sa pagbibigay- kahulugan sa akda kung paano ito sinimulan at winakasan, ang gamit ng
wika, ang relasyon ng mga tauhan, ang ugnayan ng mga elementong pampanitikan, ang panauhang
ginamit sa pagsasalaysay.

Siya ay ikabilang bilang formalistang Ruso.

Ayon sa kanila, ang panitikan bilang sining ay ginagamitan ng

Depamilyarisasyon o ostranenie, ginagawa nitong di-pamilyar ang

Pamilyar o ang mga kinagawian na humahamon sa ating paniniwala at

Mga asumpsyon tungkol sa daigdig at realidad.

Viktor Shklovsky
Pinahahalagahan dito ang akda bilang sining at hindi ang anumang maihahatid nito sa
pagpapabuti ng lipunan. Higit na napapaburan sa pagdulog na ito ang genreng patula.

Narito ang mga sumusunod na katanungan ayon kay DiYanni na maaaring magamit sa
pagsusuri ng akdang formalismo.

1. Paano binuo o inorganisa ang akda? Paano ito sinimulan? Saan ito patungo? Paano ito
winakasan? Ano ang banghay nito? Paano nagkakaugnay aang banghay sa pagkakaorganisa
nito?
2. Ano ang ugnayan ng bawat bahagi ng akda sa kabuuan nito?
3. Sino ang nagsasalaysay o ang nagkukuwento? Paano natin ito naunawaan?
4. Sino ang pangunahin at katulong na mga tauhan, ano ang kanilang ipinakita, at anong
mayroon sila?
5. Ano ang panahon at lugar ng akda- ang tagpuan? Paano natin maiuugnay ang tagpuan sa
pagkakakilala natin sa mga tauhan at sa kanilang mga aksyon?
6. Anong uri ng wika ang ginamit sa akda sa paglalarawan, pagsasalaysay, pagpapaliwanag, o
sa pagkakabuo ng daigdig sa akda? Anong mga imahen, pagtutulad, pagwawangis, simbolo
ang ginamit sa akda? Ano ang gamit ng mga ito? Anong kahulugan ang inihahatid ng mga
ito?

Tandaan

Batay sa mga katanungang nasa itaas, hindi pinahahalagahan sa formalismong pagdulog ang
nasa labas ng akda. May sariling kahulugan ang akda na makukuha lamang sa pagsusuri sa
pagkakaugnay-ugnay ng mga element sa loob ng akda. Sa kadahilanang ito, tinitingnan ang isang akda
na walang kamatayan o angkop sa lahat ng panahon.

Halimbawang Akda:

Maila
Ni Paul del Rosario
(Kontemporaryo)

Kagabi, win ang beauty ko

Talagang ang drama'y Miss U!
Ako yata ang nanalo.
Yes, madir, Miss Gay Retiro.

Sholbog, silang lahat, mama,

Sa emote kong Dayanara
Sa national costume pa lang
Hitsura na'y Puerto Rican.

Sa talent portion, bongga rin.

Ate Guy, aking in-acting
"Walang Himala!" Shout akesh
Crayola lahat ng mga backlesh.

At syempre pa, best in swimsuit

Mga mhin nga'y sutsot nang sutsot
Ang hirap talaga, Tita
Kapag ubod ka ng ganda!

Kagabi, win ang beauty ko

Pero ano nga ba ang premyo?
Ngayong palabas ay wa na
Ako pa ri'y isang Maila.

(May lawit, gaga!)

Aplikasyon

Panuto: Bumuo ng sariling tula na naayon sa Formalismong Pagdulog. Malayang taludturan. Binubuo ng
(3) Saknong.

________PAMAGAT______

I.

II.

III.
ANALISIS

Panuto: Gamit ang gabay na kritikal na mga tanong, suriin ang akdang Maila Pumili lamang ng (3)
tanong. Isulat ang iyong sagot sa espasyong inihanda sa ibabang bahagi.

1. Napiling tanong:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Sagot:

2. Napiling tanong:

3. Napiling tanong:

Mahusay! Matagumpay mong natapos ang aralin na ito. Nawa’y naunawaan mo ng

mabuti ang formalismong pagdulog. Lagi mong tatandaan na hindi mdaling magsuri ng
mga akdang pampanitikan, bago kang magsimulang magsuri ay dadaan ka muna sa
proseso ng pagkilala sa mga iba’t ibang pananaw na ginagamit sa pagsusuri ng mga akda.
 Tara, samahan mo ulit ako sa bagong pagdulog na matatalakay natin sa susunod na
aralin !
ISTRUKTURAL NA PAGDULOG

ARALIN
2

Layunin
Ang araling ito ay naglalayon na ipaliwanag at talakayin ang istruktural na pagdulog sa
pagsusuri ng mga iba’t ibang akdang pampanitikan sa Pilipinas. Sa pagtalakay ng pagdulog na ito,
inaasahan ang mga mag-aaral na :

 matukoy ang katuturan ng istruktural na pagdulog

 maipaliwanag ang pagdulog
 masuri ang akda gamit nito.

Introduksyon:
Maligayang Pagdating sa Aralin 2 Modyul 3.
Kumusta ka? Simula na naman ng panibagong aralin. Matututo ka naman ngayon ng
bagong pananaw at ito ay tungkol sa istruktural na pagdulog. Katatapos lang nating talakayin ang
formalismong pagdulog, ngayon ay hayaan mong dagdagan ang kaban ng iyong isipan sa panibagong
pagdulog na magagamit mo sa pagsusuri ng tula, maikling kwento at marami pang mga akdang
pampanitikan. Hand aka na ba? Halika, sagutan mo na ang gawain  .

Gawain “ILARAWAN MO AKO”

Panuto: Ilarawan ang mga salita sa ibaba batay sa sarili mong karanasan at pagpapakahulugan. Isulat ang
iyong sagot sa kahong nakahanda sa ibabang bahagi.

1. Pamilya
2. Ama

3. Ina

Analisis:
Matapos kompletuhin ang gawain, narito ang ilang mga katanungan para sa isang
mapanuring pag-iisip. Isulat ang iyong sagot sa espasyo na nakahanda sa ibabang
bahagi ng tanong.

1. Sa iyong palagay, may kaibahan ba ang pamilya na mayroon ka sa pamilya na mayroon ang
iba? Sa tingin mo ano ito at bakit? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

2. May ibang katawagan ka ba sa iyong ina at ama? Bakit iyon ang iyong itinatawag sa kanila?
Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Paano naiiba ang iyong Ina at Ama sa mga magulang ng iyong mga kaibigan? Ipaliwanang.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Abstraction:
Natalakay na na’tin sa unang aralin na ang formalismong pagdulog ay ang teksto
ang pinaghahanguan ng kahulugan at dala-dala ng mga salita sa teksto ang katuturan. Sa pagdulog na
istruktural, ito naman ay kakaiba sa formalismong pagdulog.

Hindi lamang sa larangang linggwistikal hinahango ng mga istrukturalista ang

kahulugan kundi maging sa larangang antropolohikal na tumutukoy sa mga Sistema ng mga tanda o
signs at tinitingnan ang wika bilang arbitraryong Sistema.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng Arbitraryong Sistema? Narito ang halimbawa.

Para sa mga Filipino: Bahay (tirahan; may haligi, dingding, bintana,

pinto, bubong; binubuo ng iba’t ibang bahagi)
Para sa mga Amerikano: House ( at walang kabuluhan sa kanila ang
salitang bahay)
Para sa mga Kastila: Casa ( at walang kabuluhan sa kanila ang salitang
bahay)

Iba-iba ang konsepto ng pagiging bahay. Para sa iba, ang bahay ay binubuo ng iba’t ibang
kwarto- kusina, kainan, sala, tulugan, palikuran, banyo, atbp. Para naman sa iba, ang bahay ay may
isang silid lamang kung saan doon ginaganap ang iba’t ibang Gawain at hiwalay ang banyo at
palikuran.

Nangangahulugan lamang na ang arbitraryo ay tumutukoy din sa pagkakaiba.

Siya ay ama ng Linggwistika at mula sa kanya ang konsepto ng mga

Tanda o signs. Ayon sa kanya, binubuo ng Sistema ng mga tanda o

Signs ang wika – may Taga-sagisag o signifier at may sinasagisasag o

signified.
Ferdinand de
Saussure

Anumang naririnig o nakasaulat sa papel ay tagasagisag (signifier); at anumang naiisip ng tao

batay sa narinig o nabasa o nakitang marka sa papel o konsepto niya rito ay ang sinasagisag (signified).
Sa naunang paliwanag, walang kaugnayan ang tagasagisag sa sinasagisag dahil may iba’t ibang
konsepto ang tagasagisag na ipinakikita sa ilustrasyon sa itaas tungkol sa bahay.
Narito rin ang isang paraan na maaaring tukuyin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng binary
opposition ito ay ayon sa kanya.

Ang relasyon o ugnayan ng mga

elemento ay may pagkakatulad at
pagkakaiba na nagbibigay-
kahulugan.

Claude Levi-Strauss

Ang binary opposition ay nangangahulugan ng pagsasalungatan tulad ng mga sumusunod:

Itim - puti, masaya- malungkot, babae – lalake, malayo – malapit, at marami pang iba.

Ang mga pagkakaiba ang mga mahahalagang elementong istruktural na nangangailang bigyan-
kahulugan.

Pinakamabisang halimbawa nito ay isang soap operang Mara Clara.

Mahirap si Mara – Mayaman si Clara

Mabait si Mara – Maldita si Clara

Api-apihan si Mara – Mapang- api si Clara

Mabait ang ina ni Mara – Malupit ang ama ni Mara

Maari ring tingnan dito ang pagpapalitan ng kapalaran

nina Mara at Clara. (Mahirap naging mayaman,
mayaman naging mahirap).

Ang pagsasalungatang ito o binary opposition ang pinagkukunan ng kahulugan ng

mambabasa o manonood. Ang pagkakaiba ay maaring luting, maaring tago, o maaring pahiwatig
lamang.

Narito ang mga gabay na katanungang makatutulong sa pag-unawa sa pagdulog

istrukturalista (1918):

1. Ano ang mga element sa akda (mga salita, mga saknong, mga kabanata/tsapter, mga
bahagi, atbp.) at paano titingnan ang mga ito bilang tagapagsiwalat ng pagkakaiba?
2. Paano isiniwalat o ipinakita ng mga tauhan, tagapagsalaysay, tagapagsalita, atbp. Ang
pagkakaiba?
3. Paano ipinakita o inihayag ang makabuluhang padron o patern ng mga pag-aayos,
transpormasyon, paglilipat ng tono, pag-uugali, pagkilos o damdamin?
4. Paano nagkakaugnay sa bawat isa ang mga pangunahing imahen at pangyayari sa akda?
Anong mga element ng pagkakaiba-iba ang makikita, at ano ang pinakahulugan ng mga
ito.

Narito ang halimbawang akda na maaaring lapatan ng istrukturalismong pagdulog.

Plastikboy

Ni German V. Gervacio

(Kontemporaryo)

minumura niyang lahat

ang hindi bumibili

ng kanyang plastik:

alam n’yo ba

kung ilang piraso

ang kailangan kong ibenta

para me ipan-Tanduay

ang mahal kong ama?

minumura niyang lahat

ang hindi bumibili

ng kanyang plastik:

alam n’yo ba

na mas malakas mambatok

ang pinakamamahal

kong ama

‘pag nalalasing?
Aplikasyon

Panuto: Gamit ang mga gabay na katanungan, suriin ang tulang Plastik Boy gamit ang sumusunod na
dayagram. Ipaliwanag

MGA SALITA
(Binary Opposition)

MGA SAKNONG
(Binary Opposition)
ANALISIS

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa inihandang
espasyo.

1. Ito ang tawag sa ugnayan ng mga elemento na may pagkakatulad at pagkakaiba na

nagbibigay kahulugan.
Sagot: __________________________________________

2. Nagmula sa kanya ang Binary Opposition.

Sagot: __________________________________________

3. Mula naman sa kanya ang konsepto ng mga tanda o signs.

Sagot: __________________________________________

4. Pinagkaiba ng formalismo sa istrukturalismo.

Sagot: __________________________________________

5. Ano ang dalawang bumubuo sa Sistema ng mga tanda o signs?

Sagot: __________________________________________

Mahusay! Matagumpay mong natapos ang aralin na ito. Nawa’y naunawaan mo ng

mabuti ang istruktural na pagdulog. Lagi mong tatandaan na hindi mdaling magsuri ng
mga akdang pampanitikan, bago kang magsimulang magsuri ay dadaan ka muna sa
proseso ng pagkilala sa mga iba’t ibang pananaw na ginagamit sa pagsusuri ng mga akda.
 Tara, samahan mo ulit ako sa bagong pagdulog na matatalakay natin sa susunod na
aralin !
DEKONSTRUKSYONG PAGDULOG

ARALIN
3

Layunin
Ang araling ito ay naglalayon na ipaliwanag at talakayin ang dekonstruksyong pagdulog sa
pagsusuri ng mga iba’t ibang akdang pampanitikan sa Pilipinas. Sa pagtalakay ng pagdulog na ito,
inaasahan ang mga mag-aaral na :

 matukoy ang katuturan ng dekonstruksyong pagdulog

 maipaliwanag ang pagdulog
 masuri ang akda gamit ang pagdulog

Introduksyon:
Maligayang Pagdating sa Aralin 3 Modyul 3.
Kumusta ka? Simula na naman ng panibagong aralin. Masisilayan mo ngayon ang
patungkol sa dekonstruksyong pagdulog. Sa huling mga natalakay natin, napakarami ng pagdulog ang
nailahad sa iyo ng modyul na ito, ngayon ay daragdagan na naman ang iyong kaalaman sa panibagong
pagdulog na magagamit mo sa pagsusuri ng tula, maikling kwento at marami pang mga akdang
pampanitikan. Subalit bago tayo tumungo, ay sagutin mo muna ang Gawain na bahagi ng araling ito!

Gawain “Buuin mo ako”

Panuto: Batay sa mga letra na nasa kahon. Humanap ng 3 salita na sa tingin mo na may kaugnayan sa
Dekonstruksyong Pagdulog. Isulat ang iyong sagot sa espasyong inihanda sa ibabang bahagi.

D I K D I T I Y A K
U P O T N E M E L E
D A T A G N U L A S
A N A L I S A L M U
N O I T I S O P P O
S A Y R A N I B O T
Analisis:
Matapos makabuo at makapili ng mga salita ay bigyan ng kaukulang
pagpapaliwanag ang mga salita at ibigay ang ugnayan nito sa dekonstruksyong
pagdulog batay sa sarili mong pag-unawa.

1. Paliwanag sa unang salitang nabuo:

Sagot:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Paliwanag sa ikalawang salitang nabuo:

Sagot:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Paliwanag sa ikatlong salitang nabuo:

Sagot:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Abstraction:
Natalakay na na’tin sa ikalawang aralin na ang istrukturalismong pagdulog ay ang
teksto ang pinaghahanguan ng kahulugan at dala-dala ng mga salita sa teksto ang katuturan. Sa pagdulog
na istruktural, ito naman ay kakaiba sa formalismong pagdulog sapagkat di lamang sa larangang
linggwistikal hinahango ng mga istrukturalista ang kahulugan kundi maging sa larangang
antropolohikal na tumutukoy sa mga Sistema ng mga tanda o signs at tinitingnan ang wika bilang
arbitraryong Sistema.

Dito sa dekonstruksyong pagdulog, tulad din ito ng istrukturalismo na binibigyang

diin ang pagkakaiba o ang pagsasalungatan o binary opposition. Itinuturing dito na ang wika ay may
buhay at hindi kayang kontrolin ng may-akda. Anumang kahulugan ay nabubuo bilang resulta ng
salungatan o pagkakaiba.

Sa masusing pag-aanalisa sa pamamagitan ng

Sa anong paraan
pagtukoy sa bahagi ng teksto kung saan ito di-tiyak,
nadedekonstrak ang
sumasalungat o kaduda-duda.
teksto?
Isa sa pinaniniwalaan sa pagdulog na ito na mayroong nawawalang elemento sa teksto na
natatabunan ng luting na ideyolohiya, na kumokontrol sa malinaw na kahulugan ng akda. Kung gayon,
may tagong kahulugan ang akda na maaaring palutangin laban sa hayag na kahulugan.

Lagi mong tatandaan na sa pagdulog na ito ay dinedekonstrak ang akda at muling binubuo
gamit ang binary opposition o salungatan ng katangian o mga elemento. Binibigyan ding halaga sa
pagdulog na ito ang diskurso sa panitikan o ang patuluyang daloy ng paggamit ng wika na
nakokonseptwalisa ng mambabasa kaya’t masasabing binubuwag ng akda o teksto ang sarili nito.

Mga Pinahahalagahang Termino sa Dekonstruksyong Pagdulog

Pag-alis ng maskara, Pagbuwag, supresyon, at kontradiksyon

(upang ipakita na ang tila kahulugang ibinibigay ng teksto o akda ay hindi ang kahulugan mismo
nito)

Isang pilosopong Pranses na nagsulong

ng teoryang dekonstruksyon.

Ayon sa kanya, binibigyang emphasis ang

pagkakaiba. Nangangahulugan lamang
ito na ang kahulugan ay ipinagpapaliban
JACQUES DERIDA o walang katapusang pagpapaliban kahit
na hindi ito sinasabi sa akda o teksto.

Nagkakaroon lamang ng bakas ng tagong kahulugan na sinisikil, ngunit may palatandaan na

naroon bilang mga di-maiiwasang alternatibong posibilidad dahil maaari itong ipagpakahulugan o
ipagpalagay. Nangangahulugang ang kontradiksyon sa akda ay nagpapawalambisa sa sinasabing iisang
katotohanan na nakapaloob sa akda. Bunga rin ng kontradiksyon na ito, ang mambabasa ay may
nagkakaiba-iba ng interpretasyon.

Narito ang mga gabay na katanungan para sa pagsusuri sa akda (1921):

1. Ano ang makikitang mga pagsasalungatan sa akda? Anong magkapares ng

nagsasalungatang termino ang nakahihigit o nakapangimbabaw? Paano ito ipinakita sa
akda?
2. Anong mga tekstwal na elemento (mga detalyeng naglalarawan, imahen, insidente,
pahayag) ang nagsasaad ng kontradiksyon o alternatibo sa luting o makapangyarihang
termino?
3. Anong ideyolohiya o mga pamamalagay na kultural ang nangingibabaw? Saan higit na
nangingibabaw ang mga pamamalagay na ito?
4. Anong mga pahayag sa akda ang higit na nagpapakita sa akda ng mga gap o puwang,
inkonsistensi, o kontradiksyon?
5. Gaano katatag ang teksto/akda? Gaano katiyak ang kahulugan nito?

Halimbawang Akda

Ang Masel ni Aling Maria

ni German V. Gervacio

alas-tres ng medaling araw

habang ang bana’y naghihilik pa
babangon siya upang makipag-agawan
sa mga ibabagsak na banyera ng isda
doon sa may talipapa
siya rin ang bubuhat
papunta sa kanyang puwesto

dalawampung taon siyang ganito!

Tingnan mo tuloy ang kanyang braso

Mahihiya si Popoye
Maski na si Rambo

Pero ang masel niya masasalamin

Walong anak na iginagapang:

Isang kumakarera
Dalawa sa hayskul
Tatlo sa elementarya
Ang isa’y di pa nag-aaral
Ang bunso’y pasususuhin pa

Pagkagat ng dilim

Saka pa lang huhupa ang masel niya

Ang ulo niya’y nakasubsob sa unan
Patalikod sa banang mapintog ang tiyan.

Aplikasyon

Panuto: Talakayin ang tulang Ang MAsel ni Aling Maria gamit ang konsepto ng binary opposition. Isulat
ang inyong sagot sa inihandang kahon.
Aling Maria Ang Bana ni Aling Maria

ANALISIS

Panuto: Bigyang interpretasyon ang tulang Ang Masel ni Aling Maria gamit ang mga gabay na tanong.

1. Ano ang makikitang mga pagsasalungatan sa akda? Anong magkapares ng

nagsasalungatang termino ang nakahihigit o nakapangimbabaw? Paano ito ipinakita sa
akda?
Sagot:

2. Anong mga tekstwal na elemento (mga detalyeng naglalarawan, imahen, insidente,

pahayag) ang nagsasaad ng kontradiksyon o alternatibo sa luting o makapangyarihang
termino?
Sagot:

3. Anong ideyolohiya o mga pamamalagay na kultural ang nangingibabaw? Saan higit na

nangingibabaw ang mga pamamalagay na ito?
Sagot:

4. Anong mga pahayag sa akda ang higit na nagpapakita sa akda ng mga gap o puwang,
inkonsistensi, o kontradiksyon?
Sagot:

5. Gaano katatag ang teksto/akda? Gaano katiyak ang kahulugan nito?

Sagot:

Magaling! Natapos mo na ang huling aralin ng Modyul 3. Nawa’y naunawaan mo ng mabuti

ang dekonstruksyong npagdulog. Lagi mong tatandaan na hindi mdaling magsuri ng mga akdang
pampanitikan, bago kang magsimulang magsuri ay dadaan ka muna sa proseso ng pagkilala sa mga
iba’t ibang pananaw na ginagamit sa pagsusuri ng mga akda.

You might also like