You are on page 1of 10

MODYUL I

Ikalawang Linggo : Leksyon I Ang kahulugan at kahalagahan

Naalala mo pa ba ang mga konsepto hinggil sa wika ? Sa modyul na ito ay

babalikan natin ang ilang mahahalagang konsepto hinggil sa gamit ng wika sa
indibidwal at lipunan .Mangyaring alalahananin ang mga napag-aralan ninyo
hinggil sa mga nagdaang asignatura tulad ng Kontekstwalisado at Panlipunang
Panitikan. Samahan mo ako upang himayin natin ito.

Layunin: Matukoy ang ilang konsepto sa wika at maiugnay ito sa sarili

Mabigyang kahulugan ang salitang dalumat at maipaliwanag ang kahalagahan nito

Paksa : Wika : Gamit sa Pagdalumat

Sa pamamagitan ng Klino ibigay mo ang mga konsepto na sa tingin mo ay nagbibigay ng
kabuuan ng gamit ng isang tao batay sa dati mong kaalaman.

WIKA

Ang wika ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas
kaugnay nito upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit
sa pagpapa-abot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na
makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan
ng isang kaparaanang lumikha ng tunog. Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa
pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong
ng mga tao.

Sa larawang ito ano ang tungkuling ginagampanan ng bawat isa sa kapwa ,kapaligiran at sarili ?
Maaari mo bang ipaliwanag ito?

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

_______

Ngayon ay pakingan mo ang isang awitin at pagkatapos kunin mo ang mga salita na sa tingin mo ay
umagaw ng iyong pansin : Ang pamagat nito ay “LOOB” ni Jess Santiago . Tandaan mo sa pagkakataong
ito ay tumutulay na tao sa pagbuo ng kahulugan ng Dalumat. Kaya mangyaring ihanda mo ang iyong
sarili sa mga katanungang nakalagay sa ibaba:

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
1. Ano ang nakapaloob na mensahe sa pamagat ng kanta?
2. Balikan natin ang unang dalawang linya, paano
inilarawan ng composer ang wika?
3. May salitang paulit-ulit na binabanggit ang composer, ano
ito?
4. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang
nasa liriko ng kanta?

Sa konsepto ng Pagdalumat ito ay mula sa salitang ugat na “dalumat” na ibig sabihin ay masusi,
masinop, kritikal at analitikal. Kaya nga kung susuriing mabuti batay Gleason ito ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao na
kabilang sa kanilang kultura sa pakikipagkomunikasyon. Kaya nga mahalaga ang wika sa pagdalumat
upang lubos nitong maunawaan ang kontekstong nakapaloob sa mensaheng ipinapadala .Kaya
mahalagang bigyang tuon din kung ano ang kapakinabangan at kahalagahan nito sa bawat isa .Ilan sa
mga sumusunod kung bakit dapat itong pag-aralan ay :

1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.

2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik.

3. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng teorya at praktika sa pananaliksik

4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na
antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa

Lagom :
Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapa-abot ng kaisipan at
damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Sa konsepto ng
Pagdalumat ito ay mula sa salitang ugat na “dalumat” na ibig sabihin ay masusi,
masinop, kritikal at analitikal. Kaya nga kung susuriing mabuti batay Gleason ito
ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng tao na kabilang sa kanilang kultura sa
pakikipagkomunikasyon.

GAWAING PAMPAGKATUTO
PAGTATASA

Batay sa napag-aralan mo sa natapos mong modyul, kaya mo na kayang lapatan

ng sarili mong ilustrasyon na siyang bubuo sa kaisipan at kaalamang iyong natamo? Ilagay ito sa sa
ibaba .
Leksyon 2 : Ang kamalayan sa Paggamit ng wikang panlipunan

Nagagalak ako na natapos moa ng unag modyul tiyak na hand aka na muling
buksan ang panibagong aralin na siyang pupukaw sa iyong kamalayan .Sa modyul
na ito ay bibigyan natin ng tuon ang wikang gamit panlipunan na siyang gamit ng
bawat tao. Kaya kung handa ka na ihanda ang iyong sarili sa muli mong
paglalakbay sa bahaging ito.

Layunin:
Matukoy ang dalumat salita batay sa gamit ng wika
Magamit sa mga gawaing nakapaloob sa aralin

PAKSA: DALUMAT SALITA SA PANLIPUNANG GAMIT NG WIKA

Tukuyin mo ang mga sektor na bumubuo sa lipunan at ano ang kanilang gampanin. Isipin ang mga
institusyon na sa tingin mo ay may malaking kapakinabangan sa iyo at sa kapwa. Sa tulong ng diagram na
ito.

INSTITUSYON
Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong naninirahan ng sama-sama sa isang nakaayos na komunidad
na may iisang batas, kaugalian, at pagpapahalaga. Ito rin ay binubuong iba’t ibang mga samahan,
korelasyon, at kultura. Ayon kay Emile Durkheim – Ito ay isang buhay na organismo na dito nagaganap
ang mga pangyayari at gawain. Ito rin ay walang tigil na kumikilos at nagbabago.Batay naman kay Karl
Marx – Ito ay pinagkakikitaan ng tunggalian mga awtoridad. Ito ay bunga ng pag-aagawan ng mga tao sa
limitadong pinagkukunang-yaman para matugunan ang kanilang pangangailangan Sinabi naman ni
Charles Cooley – ito ay binubuo ng tao na may samahan at tungkulin. Ang tao ay nauunawan at higit na
nakilala ang kaniyang sarili nang dahil sa pakikisama sa iba pang mga miyembro.

Bawat tao ay may tungkuling kailangang gampanan sa lipunan upang tugunan Ang kanyang sariling
pangangailangan . Batay nga kay Maslow sa kanyang piramida ay ipinahahayag nya ang
pangangailangan ng bawat tao .Kung iyong naalala si MASLOW nagbigay siya ng hiyarkiya kung ano ang
pangangailangan ng tao . Kaya sa tulong ng dati mong kaalaman ipaliwanag mo ito.

Kung naipaliwanag mo ito masasabi kong ikaw ay natuttuto na sa pagdadalumat ng mga salita sapagkat
sinasabing ang dalumat salita ay ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya batay sa
masusi,masinop ,kritikal at analitikal na paggamit ng salitang kumakatawan ng mga ideya at kaalamang
nagiging konsepto sa malalimang pag-uuri at paggamit nito. Kung kaya sinabi ni Nuncio
( 2004 :167)Tinitingnan ito sa paraang ugnayan ng salitang ugat at ang baryasyon ng mga pagbabanghay
ng salita na nagluluwal ng sanga –sangang kahulugan. Kaya nga mapapansin mon a sa ugnayan ng
salitang lipunan sumibol ang konsepto ng gamit ng wika at ang pangangailangan nito upang
makipamuhay sa Lipunan. Ang pagiging ganap ng isang tao ay nakasalalay sa kanyang
pangngangailangan upang magsilbing sandata niya sa pakikisalamuha.

Kung titingnan natin isang katangiang taglay ng wika ay ang kultura na siya laging kakabit nito Kung bakit
ang tao ay hindi ihihiwalay ang kanyang kultura sa wika .

Pakinggan mo ang isang usapin sa youtube (https://www.youtube.com/watch?v=dj6R04h3lq4)

Tukuyin ang mga susing salita na iyong napakinggan mula sa Bidyong ito :

Hal. Mayorya

Wika at
kultura
LAGOM

Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong naninirahan ng sama-sama sa isang

nakaayos na komunidad na may iisang batas, kaugalian, at pagpapahalaga.
Ito rin ay binubuo ng iba’t ibang mga samahan, korelasyon, at kultura. ang
dalumat salita ay ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya
batay sa masusi,masinop ,kritikal at analitikal na paggamit ng salitang
kumakatawan ng mga ideya at kaalamang nagiging konsepto sa malalimang
pag-uuri at paggamit nito.

GAWAING PAMPAGKATUTO

Bigyang kahulugan ang mga salitang gamit ng mga Kabataan sa ngayon:

SELFIE GROUPIE EME

BREEZY MGA SALITANG BOGLOGS

MILENYAL

YAW-YAW PABEBE CHAROT

PAGTATASA

Batay sa Bidyo na iyong napakinggan ,Bumuo ng sariling konsepto hinggil sa

mensahe nito . Sundan ang Rubriks bilang patnubay sa paggawa.

Ginawa ko ang Ginawa ko ang Siguro gagawin ko

gawaing ito ng gawaing ito ang gawaing ito
may kawastuhan ngunit may hindi ngunit maraming
sapat pwedeng iwasto
(5puntos) (2 puntos )
(3 puntos )
Nilalaman
may pagkilala
Maayos na
paggamit ng mga
salita at balarila
May sariling
implikasyon

You might also like