You are on page 1of 7

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang kaalaman sa


pagsusuri ng Wika at Panitikang Filipino na nakatuon sa mga tekstong literari na
tumatalakay sa lipunan.

Pamantayang Pagganap: Nakagagawa ang mag-aaral ng mga pagsusuri at paglikha


ng sariling tula, sanaysay at/o maikling kuwento hango sa napapanahong isyu.

=============================================================

GABAY NG NPC KURSONG PANG-ONLINE AY 2020-2021

Pamagat ng Kurso : ___________________________________________________


Pangkat : ___________________________________________________
Talatakdaan : ___________________________________________________
Pangalan ng Fakulti : ___________________________________________________
Bilang ng Modyul: 1
Paksa: katuturan at kahalagahan ng Wika at mga Konseptong Pangwika

INTRODUKSYON SA PAGDALUMAT SA WIKANG FILIPINO

Ang DALUMATFIL ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa


kasanayan samalalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang
Filipino sa iba’t ibanglarangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga
pangangailangan ng bansa at ngmga mamamayang Pilipino.
Partikular na nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit
ang mgam a k a b u l u h a n g p a n a n a l i k s i k s a w i k a n g F i l i p i n o , b i l a n g l u n s a r a n
n g p a g p a p a l a w a k a t pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng
mga estudyante na malikhain atmapanuring makapagdalumat o “makapag-teorya” sa
wikang Filipino, batay sa mga piling local at dayuhang konsepto at teorya na akma sa
konteksto ng komunidad at bansa.

Kahalagahan ng Wika/ Mga Konseptong Pangwika

Bawat bansa ay may wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Malaki ang


nagagawa ng wika sa tao sapagkat kaya niyang pagbuklurin ang sambayanan. Ayon sa aklat
ni Ramirez (2017) Ang wika ay kalipunan wika ay kalipunan ng mga simbulo, tunog at mga

1
kaugnay na paparaan at tuntunin na gamit ng tao upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan sa kapwa na nasa anyong pasalita at pasulat.
Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaaalaman at kaisipan. Dahil sa paggamit ng wika,
kayang-kaya ng tao na paunlarin ang kanyang sarili, makipag-ugnayan sa kanyang kapwa
at sa lipunang kanyang ginagalawan. Sa pamamagitan din ng wika, nakagagawa ng mga
pamantayan na gabay sa pakikitungo sakapwa o sa isa’t isa at sa institusyon o lipunan.

Inaasahang Matutuhan sa Yunit:

1. Matukoy ang mga konseptong pang-wika


2. Maipahayag ang katuturan at kahalagahan ng wikang Filipino ,pagdadalumat at
pagteteorya.
3. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
MODYUL 1
Bilang ng Oras : 3 Oras- Unang Linggo

Kagamitang Pansuporta sa Pagkatuto at Pagtuturo


Gawain 1:
Panuto: Ilahad ang mga tanong na nabuo sa iyong isip kaugnay sa iyong
asignaturang Pagdalumat ng/sa Filipino.

__________________________________________
T __________________________________________
A ________________
N
O
N
G

2
Gawain 2:
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga kahalagahan ng mga sumusunod:

K WIKA____________________________________________
A __________________________________________________
T __________________________________________________
U __________________________________________________
T __________________________________________________
U _
R
A PAGDADALUMAT______________________________
N _________________________________________________
at _________________________________________________
K _________________________________________________
A ___________________________________________
H
A
L
A PAGTETEORYA________________________________
G _______________________________________________
A _______________________________________________
H _______________________________________________
A ______________________________________
N

Input:

KATUTURANNG WIKA

Ayon kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What isa Language/ ang wika
raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang
mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nililikha ng araparato sa pagsasalita at
isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na
istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kotrolado ng
lipunan.
Halos gayon din ang kahulugang ibinigay ni Gleason sa wika. Ayon sa kanya, ang
wika raw ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

PAGDADALUMAT

Ito ay tumutukoy sa pagteteorya at pagbubuo ng mga konsepto o kaisipan na


mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay bagay sa lipunan.

3
Ayon kay Dr. Rhoderick Nuncio, tinatawag na dalumat-salita ang paggamit ng wika
sa mataas na antas ng pagteteorya batay sa masusi, masinop, kritikal at analitikal na paggamit
ng mga salitang kumakatawan ngm g a i d e y a a t k a a l a m a n g n a g i g i n g k o n s e p t o s a
m a l a l i m a n g pag-uuri’t pagvaryasyon ng mgapagbabanghay ng salita na nagluluwal
ng sanga-sangang kahulugan.
Ang dalumat ay pagkakaroon ng kakayahan na mag-isip ng malalim. Hindi ito
basta basta simpleng mga salita, pangangatwiran o pag-iisip na madalas na nagagamit ng
mga tao. Kadalasan ito ay ang pagsasaad ng ibang kahulugan sa mga simpleng salitang
paksa o partikular na sitwasyon ng isang tao. Ito rin ay nangangailangan ng matindi at
malalim na pagiisip at kinakailangan ng imahinasyon upang maintindihan ang salitang
dalumat. Tulad na lamang sa pagsagot ng tanong na ito, kinakailangan mong lawakan ang
iyong imahinasyon na magisip na magisip kung ano ang tunay na kahulugan ng salitang
dalumat.
Pagdalumat mula sa salitang ugat na “dalumat” na ibig sabihin ay
masusi, masinop, kritikal at analitikal, pagteteorya ng wika Ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraangarbitraryo upang magamit ng tao na kabilang sa kanilang kultura sa
pakikipagkomunikasyon.
Dalumat salita rin ang pag gamit ng wika sa mataas na antas. Ito ay ang
pagteteorya na may kabatayan sa masusi, kritikal at kritikal na pag gamit ng salita na
umaayon sa ideya o konsepto na malalim na kadahilanan o uri ng pag gamit nito.
Nagsisimula ito sa ugat na dahilan o kahulugan ng isang salita at madalas naguugat o
nagbubunga ito ng ibat't ibang sangay na kahulugan ng salita.
Masasabi kong hindi madali magkaroon ng ganitong kakayahan sapagkat kailangan mong
mag gugol ng panahon at oras upang magisip kung paano mo maisasaad ang isang
salitang dalumat.
Ano ang TEORYA?

Ito ay isang salitang langyaw na inangkop sa baybay Filipino. Ngunit kung susundin
ang premis ni Dr. Isagani R. Cruz, mas angkop gamitin ang salitang dalumat.
Ang teorya ay konsepto o ideya na nagpapaliwanag ng relasyon ng mga bagay-bagay,sanhi
at bunga ng pangyayari, at penomenong malaki ang saklaw o epekto sa tao,
kalikasan,kultura, at lipunan.
Pagtataya/ Awtput:

Panuto: Pakinggan ang awitin ni J. Santiago na pinamagatang LOOB. Talakayin ang


mensahe ng awitin sa pamamagitan ng pagdadalumat batay sa mga katanungan:

LOOB
by Jess Santiago

Wika nati’y simpleng-simple/ Pero ubod ng lalim


Para sa hindi Pinoy/Napakahirap sisirin
Ang looban ay sulok ng pook/ Ang magnanakaw ay nanloloob
Ang alinlangan ay dalawang-loob/ Ang hinanakit ay sama ng loob
Bituka at atay ay laman loob/ Mandurugas ay masasamang-loob
Ang katapangan ay lakas ng loob/ Ang natatakot ay mahina ang loob
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
4
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Marami tayong katagang/ Iba’t iba’ng kahulugan
Na para sa hindi Pinoy/ Mahirap maintindihan
Ang pagpasok ay pagpaloob/ Pagsisisi’y pagbabalik-loob
Ang kabarkada’y kapalagayang-loob/ Ang kaibiga’y katapatang-loob
Ang taong matatag ay buo ang loob/ Ang nagtitimpi kulo’y nasa loob
Ang isip at damdamin ay niloloob/ Hindi nababayaran ang utang na loob

Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy


Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Kaya ang wika’y dapat pag-aralan/ Kung nais nating magtuloy
Hanggang sa kaloob-loooban/ Ng puso’t utak ng Pinoy

Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy


Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Hanggang sa kaloob-looban
Ng puso’t utak ng Pinoy

1. Ano ang pamagat ng awitin?


2. Balikan natin ang unang dalawang linya, paano inilarawan ng composer/
manunula ang wika?
3. Ilahad ang mga salitang paulit-ulit na binabanggit ang composer, ano sapalagay
ninyo ang kanyang layunin?
4. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang nasa liriko ng awitin?
5. Ano ang kaisipang nais ipabatid ng composer sa kanyang tagapakinig?
Ipaliwanag.

Panuto : Ipaliwanag ang mga kaisipan sa loob ng awitin.

1. Marami tayong katagang/ Iba’t iba’ng Kahulugan


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bituka at atay ay laman loob/ Mandurugas ay masasamang-loob
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ang isip at damdamin ay niloloob/ Hindi nababayaran ang utang na loob
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
5. Ang pagpasok ay pagpaloob/ Pagsisisi’y pagbabalik-loob

5
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Ipapasa ito sa pamamagitan ng fb group page (inihanda ng guro/propesor).

Paalala: Buksan ang link (https://prezi.com/zshkyjly57vv/pagsulat-ng-


repleksyon/?fallback=1) upang maunawaan ang paraan ng pagsulat.
Pinakamahusay Mahusay Malilinang
Pamantayan
10 puntos 5 puntos 3 puntos
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang
komprehensibo ang nilalaman ng kakulangan sa
nilalaman ng bawat bawat talata. nilalaman.
talata.
Organisasyon Organisado, simple Malinaw at Maayos ang
at malinaw ang maayos ang presentasyon ng
daloy ng paglalahad presentasyon ng mga ideya. May
ng kaisipan. May ideya. Malinaw bahaging di
tamang ang daloy ng gaanong
pagkasunod-sunod paglalahad ng malinaw na
ang ideya. kaisipan. paglalahad ng
kaisipan.
Kabatiran ng Maayos at detalyado Maayos ang May kalabuan sa
mga ang ideyang nais ideyang nais ideyang nais
pangunahing iparating. iparating. iparating.
konsepto

Babasahin at iba pang Sanggunian

Para sa mas interesanteng pagbasa o mapapanood magtungo sa mga link at sorses


na nasa ibaba upang na ito upang madagdagan ang inyong kaalaman sa tinalakay
natin.
https://www.youtube.com/watch?v=FFD_8ENEchs
https://www.youtube.com/watch?v=OguFtWI3TXU
https://www.youtube.com/watch?v=K8aTdTbNo88

Pagkilala sa mga Manunulat at iba pang Lumikha

RICO C. TARECTECAN, PhD


Guro sa Filipino
Rebecca T. Anonuevo, PhD
NPC President

6
7

You might also like