You are on page 1of 2

GNED 12 – Dalumat Ng/Sa Filipino

Deskripsyon ng Kurso

Ang DALUMATFIL ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim


at mapanuring pagbasa. Pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto
ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino.
Partikular na nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang mga
makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagpapalawak at pagpapalalim sa
kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga estudyante na malikhain at mapanuring makapagdalumat o
“makapag-teorya sa wikang Filipino, batay sa mga piling lokal at dayuhang konsepto at teorya na akma sa
konteksto ng komunidad at bansa.

Bago tayo magsimula sa unang paksa sa kursong ito, pakinggan ang awitin ni Jess Santiago na “Loob”
https://www.youtube.com/watch?v=F4

Wika nati’y simpleng-simple/ Pero ubod ng lalim


Para sa hindi Pinoy/Napakahirap sisirin
Ang looban ay sulok ng pook/ Ang magnanakaw ay nanloloob
Ang alinlangan ay dalawang-loob/ Ang hinanakit ay sama ng loob
Bituka at atay ay lamanloob/ Mandurugas ay masasamang-loob
Ang katapangan ay lakas ng loob/ Ang natatakot ay mahina ang loob
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Marami tayong katagang/ Iba’t iba’ng kahulugan
Na para sa hindi Pinoy/ Mahirap maintindihan
Ang pagpasok ay pagpaloob/ Pagsisisi’y pagbabalik-loob
Ang kabarkada’y kapalagayang-loob/ Ang kaibiga’y katapatang-loob
Ang taong matatag ay buo ang loob/ Ang nagtitimpi kulo’y nasa loob
Ang isip at damdamin ay niloloob/ Hindi nababayaran ang utang na loob
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Kaya ang wika’y dapat pag-aralan/ Kung nais nating magtuloy
Hanggang sa kaloob-loooban/ Ng puso’t utak ng Pinoy
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Hanggang sa kaloob-looban ng puso’t utak ng Pinoy

Dalumat-salita
 Paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya
 Pagsusuri o pag-aaral
• Halimbawa: Dulansangan (dalumat-salita)
DALUMAT
✓Masusi
✓Masinop
✓Kritikal
✓Analitikal
✓Tumutukoy sa PAGTETEORYA at PAGBUBUO NG MGA KONSEPTO O kaisipan na mailalapat sa
pagsusuri ng mga bagay-bagay sa lipunan.

Ang DALUMAT ay maiuugnay rin sa TEORYA


Teorya - isang salitang langyaw na inangkop sa baybay Filipino
GNED 12 – Dalumat Ng/Sa Filipino

- Ang teorya ay konsepto o ideya na nagpapaliwanag ng relasyon ng mga bagay-bagay, sanhi at


bunga ng pangyayari, at penomenong malaki ang saklaw o epekto sa tao, kalikasan, kultura at
lipunan.

Kung susundin ang premis ni Dr. Isagani R. Cruz, mas angkop gamitin ang salitang DALUMAT para dito.

 Gumagabay upang unawain, ipaliwanag at bigyan interpretasyon a isang pangyayari, teksto, at


diskurso.
 Maiuugnay rin ito sa mga konsepto, ideya o teoryang inihain.
 Pagkakaroon ng kakayahan na mag-isip nang malalim.
 Pagsasaad ng ibang kahulugan sa mga salitang paksa o partikular na sitwasyon ng tao.
 Nangangailangan ng matindi at malalim na pag-iisip at kinakailangan ng imahinasyon.

DALUMAT-SALITA
 Ang paggamit ng wika sa mataas na antas
 Ang pagteteorya na may kabatayan sa masusi at kritikal na paggamit ng salita na umaaayon sa
ideya o konsepto sa malalim na kadahilanan o uri ng paggamit nito
 Nagsisimula sa ugat na dahilan o kahulugan ng isang salita at madalas nag uugat o nagbubunga
ng iba’t ibang sangay na kahulugan ng salita
 Hindi matatagpuan sa anumang diksyunaryo, dahil nga sa bagong mga salita-konsepto ito at dahil
arbitraryo itong nilikha ayon sa pangangailangang teoretikal
 Wikang ginagamit ng nakararami sa komunidad ng gumagamit (nagwiwika) nito, hinuhugot ang
kahulugan sa istruktural-gramatikal na kaayusan ng salita

You might also like