You are on page 1of 11

DALUMAT NG/SA FILIPINO

• ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan


sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong
sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang
Pilipino. Partikular na nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang
pagbasa at pagsulat, gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang
Filipino, bilang lunsaran ng pagpapalawak at pagpapalalim sa kasanayan,
kakayahan at kamalayan ng mga estudyante na malikhain at mapanuring
makapagdalumat o “makapag-teorya” sa wikang Filipino, batay sa mga
piling lokal at dayuhang konsepto at teorya na akma sa konteksto ng
komunidad at bansa.
ANO ANG DALUMAT?
• Ang dalumat ay pagkakaroon ng kakayahan na magisip ng malalim.
Hindi ito basta basta simpleng mga salita, pangangatwiran o pagiisip na
madalas na nagagamit ng mga tao. Kadalasan ito ay ang pagsasaad ng
ibang kahulugan sa mga simpleng salitang paksa o partikular na
sitwasyon ng isang tao. Ito rin ay nangangailangan ng matindi at
malalim na pagiisip at kinakailangan ng imahinasyon upang
maintindihan ang salitang dalumat. Tulad na lamang sa pagsagot ng
tanong na ito, kinakailangan mong lawakan ang iyong imahinasyon na
magisip na magisip kung ano ang tunay na kahulugan ng salitang
dalumat.
DALUMAT - SALITA

• rin ang pag gamit ng wika sa mataas na antas. Ito ay


ang pagteteorya na may kabatayan sa masusi, kritikal at
analitikal na pag gamit ng salita na umaayon sa ideya o
konsepto na malalim na kadahilanan o uri ng pag gamit
nito. Nagsisimula ito sa ugat na dahilan o kahulugan ng
isang salita at madalas naguugat o nagbubunga ito ng
ibat't ibang sangay na kahulugan ng salita.
PAGDALUMAT

• mula sa salitang ugat na “dalumat” na ibig


sabihin ay masusi, masinop, kritikal at analitikal.
PAGTETEORYA NG WIKA

• Ang wika ay masistemang balangkas ng


sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng tao na
kabilang sa kanilang kultura sa
pakikipagkomunikasyon.
SINO SI JESS SANTIAGO?
• Ang tunay na pangalan ay Jesus Manuel Santiago.
• isang musikero at kompositor ng mgaawiting may kamalayang
panlipunan.
• ilan sa kanyang mga likhang kanta ay ang"Huling Balita", "Martsa
ng Bayan", "MemeNa" at ang "Pitong LIbong Pulo“
• isa sa kanyang mga prestihiyong gawa ay ang "Loob"
LOOB by JESS SANTIAGO
• Wika nati’y simpleng-simple/ Pero ubod ng lalim Para
sa hindi Pinoy/Napakahirap sisirin Ang loob anay sulok
ng pook/ Ang magnanakaw ay nanloloob Ang
alinlangan ay dalawang-loob/ Ang hinanakit ay sama
ng loob Bituka at atay ay lamanloob/ Mandurugas ay
masasamang-loob Ang katapangan ay lakas ng loob/
Ang natatakot ay mahina ang loob
• Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng
PinoyWika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng
Pinoy.

• Marami tayong katagang/ Iba’t iba’ng kahulugan Na para sa hindi


Pinoy/ Mahirap maintindihan Ang pagpasok ay pagpaloob/
Pagsisisi’y pagbabalik-loob Ang kabarkada’y kapalagayang-loob/
Ang kaibiga’y katapatang-loob Ang taong matatag ay buo ang
loob/ Ang nagtitimpi kulo’y nasa loobAng isip at damdamin ay
niloloob/ Hindi nababayaran ang utang na loob.
• Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng
Pinoy Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng
Pinoy.
• Kaya ang wika’y dapat pag-aralan/ Kung nais nating magtuloy
Hanggang sa kaloob-loooban/ Ng puso’t utak ng Pinoy.

• Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng


Pinoy Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng
Pinoy Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Hanggang sa kaloob-
loobanNg puso’t utak ng Pinoy.
https://www.youtube.com/watch?
v=F4_IMf9TzyY&list=RDF4_IMf9TzyY&start_radio=1
GAWAIN I. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
• 1.Ano ang pamagat ng kanta?
• 2. balikan natin ang unang dalawang linya, paano inilarawan ng
composer ang wika?
• 3. May salitang paulit-ulit n binabanggit ang composer, ano ito?
• 4. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang
nasa liriko ng kanta.

You might also like