You are on page 1of 14

POINTERS TO REVIEW IN

KOMPAN
LESSON 1: KOM PAN (KONSEPTO NG WIKA)

*Wikang Filipino- pambansang wikang sinasalita ng bansang Pilipinas.

*Kulturang Filipino- kaugalian at tradisyong kinagisnan ng mga Pilipino

*Komunikasyon- Ang paraan ng pakikipagtalastasan, pakikipagusap at pakikisalamuha

*Pananaliksik- ang pagtuklas at paglikha

*Wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapuwa tao, ibang tao,
paligid, mundo, obhetibong realidad, panlipunang realidad, political, ekonomik at kultural.

*WIKA SA SARILI

 Malaki ang nagiging tiwala sa sarili ng isang tao kung siya ay may kamalayan at kagalingan sa
wikang sinasalita. Wika ang kaniyang instrumento upang umusbong at umiiral.

*WIKA SA KARANASAN

 Wika ang nag-uugnay-ugnay ng mga karanasang nakakamit ng isang tao. Wika ang
nagsasalaysay nito.

*WIKA SA KAPUWA TAO

 Ito ang pangunahing instrumento upang makipag ugnayan ang isang tao sa kapuwa tao.
Kung walang wika, hindi makakamit ang pagkakaintindihan.

*WIKA SA IBANG TAO

 Kapag nakakapunta sa ibang lugar ang isang tao, at kung hindi kilala ang mga
nakasasalamuha, wika ang pangunahing ginagamit upang magkaunawaan at makilala ang
bawat isa.

*WIKA SA PALIGID

 Nagiging mapagmatiyag at nagkakaroon ng pakialam ang isang tao sa kaniyang paligid,


ginagamit niya ang wika upang umalam at magtuklas.
*WIKA SA MUNDO

 Globalisasyon ang pangunahing sitwasyong kinakailangang kaharapin ng tao at ng wika nito.


Nagiging updated ang isang tao sa kaniyang mundo dahil na rin sa wika.

*WIKA SA OBHETIBONG REALIDAD

 Dahil sa wika, nagiging maalam ang tao kung ano ang katotohanan sa hindi. Tinutukoy ng
obhetibong realidad ang pagiging tuwid ng tao sa katotohanan at ginagamit niya ang wika
upang matuwid ng mali.

*WIKA SA PANLIPUNANG REALIDAD

 Alam ng tao ang tunay na nangyayari sa kaniyang lipunan. Hindi kalianman nahuhuli sa mga
kaganapan ang isang tao sapagkat binibigyang-linaw ng wika ang marapat niyang malaman.

*WIKA SA POLITIKAL

 Nang dahil sa wika, nabibigyang halaga ng lipunan ang usaping liderato. Halimbawa: Malaki
ang gampanin ng wika sa panghihikayat ng isang kandidato sa upang makuha ang boto ng lahat.

*WIKA SA EKONOMIK

 Ginagamit ng tao ang wika upang mahikayat ang ibang bansang mamumuhunan at
magprodus na makakatulong sa pag angat ng ekonomiya.

*WIKA SA KULTURAL

 Hindi kailanman maipaghihiwalay ang wika at kultura:

 Kultura ang kalipunan ng mga kinagisnan at kaugalian samantalang wika naman ang
nagpapalawig at patuloy na nagsasalin nito sa ibat ibang henerasyon.

 Sa madaling salita:

 Wika rin ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang tao sa kaniyang lahi,lipi at lipunan.

 Wika ang nagsasalbing tagapagsalin ng mga kaalaman, karanasan at alala ng isang lahi,
lipunan at lipi.
KAHULUGAN NG WIKA AYON SA MGA DALUBWIKA

*Mga pantas at dalubhasang nag aaral at nananaliksik ng mga ibat ibang ideya at pag aaral
patungkol sa wika.

*AYON KAY HUTCH:

 Ang wika ay isang sistema ng tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.

*AYON KAY BOUMAN:

 Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar para
sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng berbal at biswal na signal para
makapagpaliwanag

*AYON KAY SANTIAGO:

 Ang wika ay malalim at komprehensibo

*AYON KAY GLEASON:

 Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog sa paraang arbitraryo na


ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.

*AYON KAY SAPIRO:

 Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,


damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang loob na kaparaanan na lumikha ng
tunog.

*AYON KAY HEMPHILL:

 Ang wika ay isang masistemang kabuunan ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas na


pinagkaisahan o kinaugalian ng isang pangkat ng mga tao at sa pamamagitan nitoy
nagkakaugnay, nagkakaunawan at magkakaisa ang mga tao
MGA KONSEPTONG PANGWIKA

-WIKANG PAMBANSA

-Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan ang wikang pambansa na ginagamit


din sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop. Wikang Pambansa
ang magiging tulay na wika sa pag-uugnayan ng iba’t ibang pangkat sa kapuluan na may kani-
kaniyang wikang katutubong ginagamit.

-WIKANG PANTURO

-Gamit ang Wikang Panturo upang matamo ang mataas na antas ng edukasyon. Ang wikang
mapipili bilang wikang pambansa ay magagamit bilang wikang panturo hanggang sa
unibersidad.

-WIKANG PANTURO

-Gaya ng isinasaad ng Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987, Seksyon
6 kaugnay ng wikang panturo na: Sek. 6 – Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. “Ang
Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pang-edukasyon”.

-WIKANG OPISYAL

-Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan


at sa politika, sa komersiyo at industriya.

-WIKANG OPISYAL
-Ipinahahayag naman sa Seksyon 7 ng Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987 na: “Ukol sa mga
layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at
hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles”.

- ANG WIKA, KULTURA, MAMAMAYAN AT LIPUNAN AY HINDI MAIPAGHIHIWALAY SA ISA’T ISA.

LESSON 2:

-ANO ANG SANAYSAY?

- Isang uri ng tuluyan na nagpapahayag ng mga opinyon o kuro-kuro sa isang mahalagang isyu o
paksa.

-MGA URI NG SANAYSAY

-MAANYO O PORMAL NA SANAYSAY

Nangangailangan ng sumusunod:

1. Maingat na pagpili at paghahanay ng mga salita.

2. Maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan.

3. Mahusay at malinaw na pagbuo ng mga pangungusap.

-DI- MAANYO O DI-PORMAL

1. Higit na madali at magaang sulatin sapagkat simple at kadalasang natural ang paglalahad ng
mga kaisipan.

2. Waring pamilyar o malapit ito sa damdamin ng mga mambabasa.

3. Madali itong maunawaan at parang nakikipag-usap lamang.

-ORGANISASYON NG SANAYSAY

- PANIMULA

- GITNA

- WAKAS

*PANIMULA

-Kailangang may magandang panimula na makatawag-pansin sa mambabasa. May ilang mga


paraan
upang makabuo nang maayos na panimula:

a. Magsimula sa pamamagitan ng tanong;

b. Pangungusap na makatawag-pansin;

c. Pamamagitan ng isang kuwento;

d. Sa isang diyalogo;

e. Tuwirang sipi;

f. Malalim na pangungusap na taglay ang kaisipan; at

g. Magsimula sa tuwirang paksa.

*GITNA

-Tinatawag ding katawan. Kaugnay nito ang panimula na nagbibigay-detalye sa isang paksa.

*WAKAS

-Sa bahaging ito matatagpuan ang pangungusap o mga pangungusap na magtatapos sa


paliwanag sa paksa o kaisipan. Tinatawag ding kongklosyun.

*GAMIT NG WIKA AYON SA ANTAS

URI HALIMBAWA

5.Masining o Pampanitikan

Pinaka mataas na antas Salamisim at kadaupang- palad

4.Teknikal Gamit sa iba’t ibang disiplina o

sitwasyong pang-akademiko Accountancy, internet, at computer

3. Diyalektal / Lalawiganin

Mga salitang ginagamit mula sa

Lalawigan Vakul (Batanes), Malong (Maranao), at


Tupig(Pangasinan)

2. Kolokyal

Karaniwang pakikipag- usap ng isang


Indibidwal Edukasyon, control, at kaklase

1. Balbal

Pinakamababang antas ng wika Dyowa, erpats, at mudra

*PAGBIBIGAY NG SARILING OPINYON

- Sa pagbibigay ng opinyon o kuro-kuro, karaniwang gumagamit ng mga pahayag na:

-Naniniwala ako

-Sa aking palagay etc.

BATAYAN NG PAGKAKASULAT NG SANAYSAY

-NAKITA

-Mga pangyayari sa paligid na nakita at iuugnay sa isang paksa o isyu na biobigyan ng opinyo.

-NAPANOOD

May layunin ang kasanayang ito. Mula sa pinanood, maaaring magbigay ng reaksiyon o opinyon
sa mga pangyayari.

-NARINIG

Maaaring batay sa anumang narinig, maging maingat lamang na huwag madagdagan o


mabawasan sapagkat baka malihis ang ideyang isusulat.

-NABASA

Komprehensibong batayan na nakasalalay kung paano nauunawaan ang akdang binasa.

-KARANASAN

Pinakepektibong batayan sapagkat malapit sa damdamin, saloobin at nararanasan ng susulat.

LESSON 3:

*ANG BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO


-ANG BILINGGUWALISMO- Nagtatakda na Ingles ang gagamitin bilang paraan ng pagtuturo sa
mga asignatura ng agham at Matematika at Wikang Filipino sa lahat ng iba pang asignatura sa
mababa at mataas na paaralan.

Nagkaroon ng alinlangan nang ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 107, s. 1989 na


nagsasabi na gamitin pareho ang Ingles o Filipino at kaalinsabay nito ay dapat ding pahalagahan
ang wikang ginagamit ng bata sa pagpasok niya sa paaralan.

-ANG MULTILINGGUWALISMO- Paggamit ng maraming wika ang multilingguwalismo. Nagiging


laganap na ang eksposyur ng isang indibidwal sa maraming wika. Sa paggamit ng maraming
wika, marahil may positibong epekto ito sa utak ng tao at isip.

Nagkaroon ng isang bilang ang mga internasyunal nap ag-aaral sa paksa, at nagpapahiwatig na
ang mga kakayahan upang gamitin ang higit sa isang wika ay nagdudulot sa isang indibidwal ng
isang mumunting bentahe.

* ANG VERNAKULAR SA EDUKASYONG PANGWIKA NG PILIPINAS

-ANO ANG VERNAKULAR?

-Ang salitang vernacular ay hango sa salitang latin na “verna” na ibig sabihin ay “native”. Ito ay
tumutukoy sa anumang wika o diyalektong ginagamit sa pakikipag-usap araw-araw ng
karaniwang tao sa isang partikular na lugar. Ito ay katutubong konsepto, unang wika sa lugar at
wika ng rehiyon.

-REVISED EDUCATIONAL ACT OF 1957

-Ang sinusunod na patakaran sa paggamit ng Pilipino (bilang wikang vernacular ng mga Pilipino)
sa pagtuturo ng lahat ng asignatura sa una at ikalawang baitang ng Mababang Paaralan (Ibig
sabihin, pagtungtong ng ikatlong baiting hanggang kolehiyo, wikang ingles na ang gagamitin).

-DEC ORDER NO. 25, SERIES OF 1974

-Pinapayagan ang paggamit ng vernakular ngunit bilang pantulong lamang kung kinakailangan
(auxiliary language).

-THE 1987 POLICY ON BILINGUAL EDUCATION (May 21, 1987) sa pamamagitan ng DECS
ORDER NO. 52, S. OF 1987.
-Pinapayagan nang magamit ang wika (vernakular) sa mga rehiyon bilang opisyal na mga wikang
pantulong sa pagtuturo, lalo na sa paglinang ng tinatawag na pangunahing literasi.

-MEC ORDER NO. 22 SERIES OF 1987

-Kautusang espesyal na para sa Filipino lamang. Sinasabi ng order na ito na base sa national
Board of Education, sa antas ng tersyarya, magkakaroon ng anim na yunit sa Filipino.

-MEC ORDER NO. 22 SERIES OF 1987

-Pilipino I – Sining ng pakikipagtalastasan (Wika): Sanaysay, artikulo, maikling kuwento, dula,


tula at iba pa.

Pilipino II – Panitikang Pilipino: Pahapyaw na Kasaysayan at mga Piling Katha. (Dalawang yugto
ukol dito)

-Unang Yugto – simula sa taong 1979-1980, ang mga unibersidad, kolehiyo at paaralan sa
Katagalugan ay magsisismulang gumamit ng Pilipino bilang wikang panturo.

-Pangalawang Yugto – inaasahang sa pagsapit ng taong 1982- 1983, handa nang gamitin bilang
wikang panturo ang Pilipino sa lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad sa mga subjects na…

IBA PANG KAUGNAY NA BATAS PATUNGKOL SA KAHALAGAHAN NG VERNAKULAR SA


EDUKASYONG PANGWIKA NG PILIPINAS

Bago natin lubos na maunawaan ang kahalagahan ng wika sa bawat nagsasalita nito, dapat
muna natin malaman kung ano nga baa ng kahalagahan, layunin at tunguhin nito sa
pagpapaunlad ng sistemang pang- edukasyon ng bansa.

-KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 25. SERIES OF 1974

-Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura na nagtatakda ng


panuntunan ng pagpapaunlad ng Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal.

-KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 52, SERIES OF 1987

-Atas Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina,
ahensiya, instrumentality ng pamahalaan na gamitin ang Filipino sa opisyal na mga
transaksiyon, komunikasyon at korespondensiya.
-MGA PANANAW NA PABOR SA KATUTUBONG WIKA

-BELLA ANGARA CASTILLO

-Manila Bulletin, July 18, 1997 “Mabuting estratehiya ng pagtuturo ang gamit ng Mother
Tongue sapagkat epektibo ito sa proseso ng pag-aaral at pagkatuto”.

-MALAYA

-February 24, 1992 “Ang tunay na patakaran sa wika ay yaong naglalayong makamit ang literasi
at mataas na antas ng kasanayang matuto ng maraming wika.”

-CUMMINS, 1979

-“Higit na madaling matututo ang bata sa isang pangalawang wika kung nalinang na nang
mabuti ang kasanayan niya sa kaniyang uanang wika”.

-UNESCO

-“Makabuluhang simulan ang pag-aaral ng bata sa wikang kaniyang kinagisnan”

-TUCKER, 1997

-“Ang nalilinang ng mother tongue ay kritikal para sa paglinang naman ng pag-iisip ng isang
bata…”

-KRASHEN, 1996

-“Mabisang pantulong sa paglinang ng literasi ang wikang katutubo”.

-CHRISTIAN, 1997

-“Higit na mataas ang antas ng pagkatuto kung ginagamitan ng wikang katutubo ang
panimulang pag-aaral’.

LESSON 4: ANG TALUMPATI

ANG TALUMPATI

-Isang sining at agham ang pagtatalumpati. Sining sapagkat dapat na maayos na nakahanay
ang mahahalagang kaisipan at mabisang paraan ng paghahatid ng mga ito sa tagapakinig.

Naglalaman ang talumpati ng isang pagpapaniwala na may layong humikayat.

PAGHAHANDA NG TALUMPATI

-Nakasalayalay sa paksa at sa mananalumpati ang ikapagtatagumpay ng isang pagtatalumpati,


patimpalak man o hindi. Tunghayang mabuti ang gawaing pag- hahanda sa isang talumpati.

ANG PAGPILI NG PAKSA

TUMUTUGON SA LAYUNIN

-Layon ba nitong magturo, magpabatid, manghikayat, manlibang, pumuri, pumuna at


mambatikos?

NAPAPANAHON

-Ang paksa ng talumpati ay napapanahon kung may kaugnayan sa okasyong ipinagdiriwang.

MAY KAISAHAN

-Dapat na may isang pokus lamang ang paksa.

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA MANANALUMPATI

A. May magandang personalidad

B. Malinaw magsalita

C. May malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay

D. May kasanayan sa pagtatalumpati

E. Mahusay gumamit ng kumpas

PAGSULAT NG TALUMPATI

-Maraming paraang magagawa upang mapahusay ng isang manunulat ang talumpating

kaniyang isusulat. Unang dapat isaalang-alang ditto ay ang pagpili ng paksa.

PAGPILI NG PAKSA
-Sa pagpili ng paksa, kailanganag tumutugon ito sa layunin. May layon ba itong magturo,
magpabatid, maghikayat, manlibang, pumuri, pumuna at mambatikos?

Bigyang-pansin din ang organisasyon ng talumpati (panimula, gitna at wakas), nilalaman at


mekaniks sa pagsulat nito.

SA ORAS NG PAGTATALUMPATI

KATAPATAN

-Katapatan ng pagsasalita o pagpapahayag ng mga nakasaad sa talumpati.

LEBEL NG PANGHIHIKAYAT

-Lebel ng panghihikayat ng boses at tindig.

TINIG AT BOSES

Ang tinig at boses, tingnan ang uri at paraan ng pagsasalita, kung malumanay, mabilis at iba pa.

BIGKAS NG MGA SALITA

-Bigkas ng mga salita. Bigyang-diin ang kalinawan ng bawat sinasabi sapagkat ito ay “live” at di
na maaaring balikan ang anumang nasabi.

ANG PAKSA

-Ang paksa. Sa bawat pagbigkas ng mga bahagi ng iyong talumpati, tingnan kung ito ba ay

magkakaugnay-ugnay o hindi.

TATLONG URI NG TALUMPATI

1. Talumpating walang paghahanda

2. Talumpating pabasa

3. Talumpating pasaulo

LESSON 5: REGISTER

*ANO ANG REGISTER?

-Maraming naghahambing ng register sa diyalekto.


-Ang register ay baryasyon batay sa gamit samantalang ang diyalekto ay batay sa taong gumagamit.

ANG REGISTER BILANG ESTILO

-Tinatawag ding estilo sa pananalita ang register. Ang isang tao ay maaaring gumamit ng iba’t ibang
estilo sa kaniyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang maiphayag ang kaniyang nadarama.

BAKIT NAGKAROON NG BARYASYON NG PANANALITA?

-Isang pinanggagalingan ng mga baryasyon ng pananalita ng indibidwal ay depende sa mga sitwayon ng


paggamit. Hindi lang kaso ito ng kung sino tayo kundi kung anong mga sitwasyon ang kinapapalooban
natin. Tradisyunal na nilalapitan ang tipong ito ng baryasyon sa konsepto ng register.

ANG BARAYTI NG WIKA

-Ayon kay Alonzo (2022), ang baryti ng wika ay isang maliit na grupo o pormal o makabuluhang
katangian na nauugnay sa particular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal.

- Ayon kay Catford may dalawang malaking uri ng barayti. Una, ang humigit-kumulang ay permanente
para sa tagapagsalita/tagabasa. Ikalawa, humigit kumulang ay pansamantala dahil nagbabago kung may
pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.

IDYOLEK

- Ang tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. Mga salik sa konsepto ng idyolek:
gulang, kasarian, hilig o interes at istatus sa lipunan.

DIYALEKTO

- Barayti na batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay.

PAG-UURI NG DIYALEKTO NG ISANG TAO

- May tinatawag na diyalektong heograpiko, diyalektong temporal at diyalektong sosyal.

- Ito ang mga barayti ng wika na nakikita sa pormal o substantibong katangiang kaugnay ng
pinanggagalingan ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa o tatlong dimension:

1. Espasyo

2. Panahon

3. Katayuang sosyal

ANG PANSAMANTALANG BARAYTI NG WIKA


- Ito ay pumatungkol sa kagyat na sitawasyon ng pahayag. Nabibilang dito ang register, mode, at estilo.

- Ang register ay barayting kaugnay ng higit na malawak na panlipunang papel na ginagampanan ng


tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.

- Ang estilo ay maaaring pormal, kolokyal at intimeyt.

- Ang mode ay yaong barayting kaugnay sa midyum na ginagamit, maaaring pasalita o pasulat.

HOMOGENEOUS

- Isa lang ang gamit ng wika. Isa lamang ang layunin at ang gumagamit.

HETEROGENOUS

- Lahat ng wika ay heterogenous. Iba-iba ang gamit, layunin at gumagamit. May iba’t ibang anyo
ito:

1. Ma-lingguwistiko

2. Ma-okupasyonal o mas-sosyal

Ang pagiging heterogenous ng wika ang magbubunsod sa pagkakaroon ng mga barayti ng wika.

WIKA SA PAMAMAHAYAGAN

-May sariling wika sa pamamahayag. Tiyak at pili ang salitang ginagamit upang makatugon sa
espasyo para sa ulo ng balita at sa detalye ng bawat ulat. Hindi maiiwasang gumamit ng salitang
ingles dahil sa limitadong puwang para sa ganitong layunin.

BAHAGI NG PAHAYAGAN

- Pangunahing balita - Panlipunan

- Balitang pandaigdig - Panlibangan

- Editoryal - Isports/palakasan

- Balitang Lokal - Klasipikado

- Pangangalakal - Lathalain

You might also like