You are on page 1of 1

Capatoy, Jazia Ella Mae M.

Block 1F BS Criminology GE 350

Gawain 3. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. (50 puntos)

1. Anu-ano ang kahalagahan ng mga karunungang-bayan, bugtong, salawikain at kasabihan


sa pag-aaral ng kulturang Filipino.

- Ang karunungang- bayan, bugtong, salawikain at kasabihan ay ang mga napapaloob sa


kategoryang karunungang bayan. Ang mga ito ay mula pa sa ating mga ninuno na
kanilang inaalagan upang maipasa sa susunod na mga henerasyon.Ito ay isa sa mga
mahalagang kultura ng ating bayan ngunit wari’y naisasawalang bahala na lamang ng
karamihan. Sabay ng pag usad ng teknolohiya sa buong mundo ay ang dahan dahan ring
paglimot ng mga mahahalagang bagay na itinuro pa sa atin ng ating nakaraan. Itong
karunungang bayan ay dapat nating pahalagahan dahil ito ang isa sa naging pundasyon ng
ating pagka-Pilipino. Hindi lamang ito simpleng grupo ng mga salita kundi mga kaalaman
na kung saan magtuturo sa atin ng aral at mga importanteng pananaw sa buhay tulad ng
salawikain, at kasabihan.

2. Anong kulturang Filipino ang masisinag sa mga alamat at kuwentong bayan?

- Para sa akin ang kulturang Filipino na masisinag sa mga alamat at kuwentong bayad ay ang
paniniwala sa mga diyos at dyosa.

3. Bakit ang mga matatandang panitikang Pilipino ay napagyaman hanggang ngayon kahit ang
mga ito’y hindi nasusulat?
- Ang mga matatandang panitikang Pilipino ay napagyaman hanggang ngayon kahit ang mga ito’y
hindi nasusulat sapagkat nasasalin ito sa pamamagitan ng bibig naikukuwento ito sa atin at dahil ito ay
patuloy na ginagawa upang ipagpatuloy ng mga salin lahi bilang pag-aalala sa mga kabayanihan nagawa
ng ating mga ninuno. Tunay na makikita sa pamamagitan ng mga kaugalian, gawi at kilos na kung saan
masasalamin ang bawat hibla na naiambag ng mga sianaunang Pilipino. Halimbawa nito ay ang mga
paniniwala ng mga tao, pagdiriwang ng mga kapistahan, pasko, pagsasabuhay ng mga kasabihan, aral na
natutunan at iba pa.

4. Sa palagay ninyo, bakit marami ang mga epikong Muslim kaysa mga tagaLuzon at Bisaya?
- Sa palagay ko marami ang mga epikong Muslim kaysa mga taga Luzon at Bisaya sa
kadahilanan na mas maraming Muslim ang naniniwala sa diyos at dyosa.

5. Magtala ng mga salitang Malay na bahagi rin ng Filipino.

-Malay: Kanan, Buka, Kambing


Filipino: Kanan, Buka, Kambing
English translation: Right, Open, Goat

You might also like