You are on page 1of 5

DALUMAT 3 karaniwang nagbibigay alam tungkol sa racism,

 MGA SALITA NG TAON feminism, sexism, homophobia, atbp. ; sila rin ay ang
“ Hindi na mahalaga ang mataas na kaalaman sa mga taong tumututol sa mga ito.
wika, sapat na ang nagkakaunawaan gamit ang 7.Blessed – Ito ay ginagamit upang maipahayag na
wika ” maraming magaganda at positibong bagay ang
  dumadating sa buhay ng isang tao. Maaari din itong
MGA MAKABAGONG SALITA magsilbing explanation sa sari-saring positibong
  nararamdaman ng isang tao.
2016 - FOTOBAM 8.Lit – ito ay ang isang salitang ginagamit upang sabihin
2014 - SELFIE na ang isang bagay o pangyayari ay astig.
2012 - WANGWANG  
2007 - MISKOL Kung inyong mapapansin, ang mga salitang ito ay
2006 - LOBAT simple lamang at sa katunayan nga ay matagal nang
2005 - HUWETENG ginagamit ang ilan sa mga ito. Ganoon pa man ay
2010 - JEJEMON laganap na ang paggamit ng mga salitang ito sa
2004 - CANVASS buong mundo marahil ay nagtataka kayo kung bakit
  mas marami na ang gumagamit sa salitang katulad
Sa patuloy na pagbabago ng panahon, patuloy din na
nito kahit na mayroon namang mga salita o
nagbabago ang ating kapaligiran, at ang gawi ng
pamumuhay at pakikisalamuha ng mga tao sa iba’t-ibang
pangungusap na maaari namang gamitin bukod dito.
panig ng mundo.  
Bilang parte ng mga tao na kung tawagin ay “millennial”
Kung ikaw ay nabubuhay na ng ilang dekada, marahil ay sa aking palagay, naaapektohan nito ang ating mundo
mas mabilis mong mapupuna ang mga pagbabagong ngayon dahil kahit ito ay masasabing mga simpleng
naganap sa gawi ng mga tao at kung ikaw naman ay isa salita lamang ay nabibigyan tayo nito ng mas madaling
sa mga sinasabing “millennial”, malamang ay ginagawa paraan upang ipaliwanag ang ating nararamdaman at ng
mo rin ang ilan sa mga bagay na ito, kagaya na lamang iba pang mga bagay lalo na sa tuwing ang ating isipan ay
ng paggamit ng mga makabagong salita o ang naookupa na ng ibang bagay.
pagbibigay ng bagong kahulugan sa mga salitang dati pa  
man ay nagagamit na. "Mga Patok at nauusong salita ng mga
  Millennials" ni NICA MOLATE
Ito ang Halimawa ng ilan sa mga salitang Ano nga ba ang millennials?
ginagamit ng mga millennial at ang kahulugan  madalas natin itong naririnig ngunit
ng mga ito: karamihan saatin ay di alam ang ibig sabihin
  nito. Ang mga millennials daw ay ang mga
1.Triggered – Ito ay ginagamit ng mga millennial para taong nabibilang sa generation Y o Net
ipahayag ang kanilang masamang damdamin sa tuwing Generation na kung saan kinalakihan na ang
mayroon silang di kaaya-aya na nakikita o naririnig. paggamit ng kompyuter at internet sa
2.Shook – Ito ay isang salitang ginagamit ng mga kanilang pang araw araw na buhay.
millennial upang ipahayag ang kanilang pagkagulat o
pagkabigla.  Sa ating generasyon ngayon ay halos lahat
3.Receipts – Ito ay nagsisilbing ebidensiya tungkol sa ng kabataan ay marunong ng gumagamit ng
isang drama na nangyari sa internet, ang halimbawa internet at halos taon taon ay mabilis na
nito ay ang screenshots. nagbabago ang mga teknolohiyang
4.Tea – Ito ay ang salitang ginagamit ng mga mga ginagamit natin. Para makasunod sa mga
millennials na tumutukoy sa mga tsismis na kanilang uso, nais din nating malaman ang mga
nakikita sa social media. Ito ay tinawag na “tea” dahil sa pagbabago sa ating paligid kaya ang tanong
unang letra ng tsismis na “t”. ko sayo
5.Extra – Ito ay ginagamit upang ilarawan ang isang  
taong kumikilos sa dramatikong paraan kahit na hindi Isa kaba sa mga millennials na napag
naman kinakailangan ang ganoon ka-grabeng pagkilos. iwanan na pagdating sa mga nauusong
salita ngayon?
6.Woke – Tawag sa isang Indibidwal na alam ang mga
 
nangyayari sa lipunan. Ang mga taong “woke” ay
Nais mo bang makahabol at maunawaan raw nagmula ang mga katagang ito sa video
ang mga salitang karaniwang ginagamit ng game na Altered Beast ng Sega, kung saan
iyong mga kakilala lalo na sa social media? nagpapalit-anyo ang karakter dito at nagiging
  halimaw 
Kung ganon kami ay naglista ng iilan sa 8.NINJA MOVES - Nagmula raw ito sa mga
mga patok at mga nauusong salita ng mga “ninja” o mga warrior na mayroong kakaibang
millennials na maaaring makatulong sayo galing, bilis kumilos, at diskarte na
upang ika'y makasunod at makaunawa sa maisakatuparan ang kanilang misyon nang
kanila. hindi masyadong napapansin. Kay kung
  nakakantyawan ka ng iyong mga kaibigan na
1. BAE- Ayon sa isang urban dictionary, nag ninija moves, ibig nilang sabihin ay ikaw
acronym daw ito ng pariralang “Before ay pasimpleng dumidiskarte ng di
Anyone Else.” Pero nanggaling daw talaga ito napapansin. 
sa pet name ng mga magkasintahan na baby o 9. WALWALAN - Kadalasan nababanggit
babe at naging popular ito lalo dahil ito ang ang salitang ito sa mga inuman. Nagmula ito
naging tawag kay Pambansang Bae Alden sa mga salitang “walang pakialam,” “walang
Richards. Madalas din itong itawag sa mga pangarap” at “walang kinabukasan.”
lalaking may itsura at masasabi nating gwapo. 10. Eme-eme- Ito raw ay salitang beki na
2. PABEBE- Ang ibig sabihin nito ay pamalit sa mga terms na hindi masabi o
umarteng parang baby o magpa-cute. Tulad maalala. Noong dekada ‘80, ibig sabihin nito
din ng salitang Bae, naging popular ang ay “any-any” o kung ano-ano lang. At nung
pabebe dahil sa pabebe wave ng nauusong dekada ’90 naman, naging “anik-anik” at
tambalan ngayon ang Aldub. Ang pabebe ngayon, eme-eme na!
wave naman ay ang pa-cute o mahinhing 11. Edi Wow! - ekspresyon na parang
pagkaway. May ibang kahulugan din ito para sinasabi sayo ng kausap mo na "edi ikaw na!"
sa iba, kumbaga ay maarte o nag iinarte. kaya manahimik kana. Ganern.
3.GALAWANG BREEZY o Hokage- Ito na 12. YOLO – You Onlu Live One’s 
nga raw ang bagong termino para sa mga Walang mali kung gusto nating
kalalakihan na pasimpleng dumidiskarte sa makipagsabayan sa mga uso ngayon, mas
napupusuang babae. Maaaring nakuha ito sa makakabuti pa to saatin dahil nakakasabay
salitang 'breezy' na ang ibig sabihin ay tayo sa panahon at hindi napag iiwanan hindi
mahangin, at ngayo’y nabigyan ng kakaibang ba? Kung kayat tandaan ang ito mga bes!
kahulugan bilang pagpapalipad-hangin.
6. Tara G! - Kapag tinatanong ka ng iyong
kaklase ng "Ano Tara?" kadalasan ang
isasagot mo ay Tara,G! pero aminin ang alam
mong ibig sabihin nito ay " Tara,let's Go!"
Pwes, ang tunay na ibig sabihin nun ay "Tara,
GAME!" Hahaha

7.BEAST MODE- Ang salitang ito ay


ginagamit ng mga millennials ngayon upang
ipahiwatig na sila ay galit na o naiinis. Posible
DALUMAT 4
MGA SUSING SALITA:
INDIE AT DELUBYO
 Dalawang eksperto mula sa magkaibang disiplina ang nagbahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa
mga salitang “indie” at “delubyo” sa seminar na inorganisa ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF)
bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong Agosto.
 Ang seminar na “Mga Susing Salita: Pambansang Seminar sa Pagbuo ng Diskurso sa Konseptong
Filipino” ay ginanap mula Agosto 24-25 at may layon na “itaguyod at palaganapin ang Wikang
Filipino sa lahat ng buwan ng taon” ayon sa SWF.
 Sa unang pang-umagang sesyon ng seminar noong Agosto 24, ang mga naging panauhing
tagapagsalita ay sina Dr. Rolando B. Tolentino, dating dekano ng Kolehiyo ng Pangmadlang
Komunikasyon (CMC), at Dr. Alfredo Mahar A. Lagmay, executive director ng UP Resilience
Institute (UPRI) at Project NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards). Si Tolentino
ay propesor din sa UP Film Institute samantalang si Lagmay naman ay sa National Institute of
Geological Sciences.
 Tinalakay at dinalumat ni Tolentino ang salitang “indie” samantalang ibinahagi naman ni Lagmay
ang gamit ng wika kontra “delubyo.”
INDIE
 Ang salitang “indie” ay pinaikling salita sa Ingles na independent at kadalasang ginagamit na
katawagan sa mga pelikulang iba ang linya ng pagkukuwento kung saan “hindi siya masayahing
kuwento. Hindi siya kuwento na sadsad ng fictional na drama. Ito ay sadsad ng katulad ng
[pelikulang] ‘Pamilya Ordinaryo,’ mga dramang nagaganap sa lansangan na hindi natin
nababalitaan,” ani Tolentino.
 “Pag sinabing indie nagkakaintindihan na kung ano’ng klaseng pelikula ang panonoorin o
tatalakayin natin. Kasi nga ay nagpapahiwatig na ito ng ibang mundo ng paggagawa ng pelikula,”
dagdag pa niya.
 Karaniwan sa mga pelikulang indie ay pinopondohan ng mas maliliit at/o
independentengpampelikulang istudyo ngunit ayon kay Tolentino, mayroon din namang mga indie
na ipinapalabas, halimbawa, sa cable channels tulad ng Cinema One Originals na pinondohan ng
higanteng istasyong pangtelebisyon tulad ng ABS-CBN.
 Binanggit din ni Tolentino na ang mga pelikulang indie ay kadalasang hindi gaanong tinatangkilik,
wala halos access ang mga manonood dito, mahirap unawain, at hindi masasaya ang mga paksa
nito.
 Sa usapin ng panonood, “Kailangan natin ng particular access dito sa mga pelikulang ito para
matunghayan. Kailangang karerin nating pumunta sa Cultural Center of the Philippines para
panoorin halimbawa itong Cinemalaya na klase ng mga pelikula,” ani Tolentino.
 Maliban sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival at iba pang mga film festival  na
nagpapalabas ng mga pelikulang indie, sa kauna-unahang pagkakataon, ay inorganisa ng Film
Development Council of the Philippines (FDCP) ang “Pista ng Pelikulang Pilipino” kung saan ang
lahat ng sinehan ay eksklusibong magpapalabas ng 12 natatanging indie na pelikulang Filipino
mula Agosto 16-22 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at dagdag na suporta para sa
mga ganitong klase ng pelikula.
 Sa usapin naman ng paksa, ayon kay Tolentino, “Hindi masasaya ang paksa ng mga pelikula kaya
for most part, hindi siya Marvel superhero films na masaya at makakalimutan mo ang problema
mo. Dito, maalala mo ang problema ng lipunang Filipino at kung gaano kabigat iyon kaya hindi
siya masayang panoorin.”
 “Ang indie ay napakalakas ng currency na ginagaya na rin siya ng mainstream. May mga indie
films naman na nangangarap na maging mainstream na klase ng mga pelikula” ani niya.
 Dagdag pa nito, “ang commonality ng lahat ng indie ay may pagka-anti studio siya. Ibig sabihin
nito, iyung klase ng kalakaran ng istudyo na kung saan ay may Joyce Bernal ka na nagdidirek
ng romantic comedy o kung ano mang comedy at pagkatapos ay may star actors ka na magbibida.
Kailangan ay may Star Studio actors ka rito. Iyung iskrip na ginawa mo ay dodoktorin ng isang
komite ng iskrip para kung romcom ito ay may kilig factor every two minutes. Calibrated iyon
kaya effective iyung mga romcom sa Pilipinas at iyon ang dominant genre hanggang ngayon dahil
may kilig factor nga siya na pinIpursue sa maraming sandali sa pelikula.”
 Sinabi rin ni Tolentino na matagal na ang kasaysayan ng mga pelikulang indie na aniya’y noong
dekada ’50 at ’60, “pag sinasabing indie noon, ang ibig sabihin, hindi ito gawa ng mga studio tulad
ng Ilang-ilang Productions, Sampaguita Films, LVN Productions na mga sikat noon. Ibig sabihin,
ito ‘yung mga fly-by-night na mga produksiyon…Pero ang layon nitong lahat ay kumita hindi
katulad ngayon na layon niyang maging mabigat.”
 Ang mga pelikula umano noong dekada ’60 ay uso ang temang “spaghetti westerns” na
kahalintulad sa mga usong pelikula noon na may temang cowboy culture, at sex. At noong 1972 ay
nauso ang bomba films.
 Ilan sa mga filmikong istilo ng indie, ayon kay Tolentino, ay ang pagiging neorealismo nito kung
saan ipinapakita ang buhay sa isang araw; ang karakter at sitwasyon mula sa laylayan,
ginagampanan ng karakter aktor; mabigat ang pasanin ng karakter (o tunay na may hugot);
tracking at babad shots o parang documentary films; matagtag na kilos ng kamera; walang
malinaw na tapos; poverty porn, at pang-award.
 Ikahuli, ayon kay Tolentino, ang tunguhin ng indie ay maging kabahagi ng pambansang sinema;
may manonood dapat na ma-develop; magretain ng kilusang artistiko na ibig sabihin ang artistic
integrity nito ay parating nandoon; manatili ang kilusang politikal, at maging bahagi ng kilusang
transformatibo at hindi iyong napapanood lang sa mga film festival.
 
DELUBYO
 Samantala, tinalakay naman ni Lagmay ang paggamit ng “wika kontra delubyo” o disaster. Aniya,
may dalawang klasipikasyon ang salitang ito: warning at response.
 Ang warning umano ay “responsibilidad ng gobyerno. Kailangan ito ay accurate, reliable,
understandable at timely.”
 Ang response naman ay “kailangang matumbasan iyung warning o abiso ng gobyerno ng tamang
aksiyon ng mga mamamayan sa komunidad,” ani Lagmay.Ayon kay Lagmay ay mahalaga ang
paggamit ng siyensya kontra delubyo ngunit, hindi lang siyensya o teknolohiya ang solusyon para
maibsan ang mga panganib ng delubyo.
 “Kailangang palitan ang ating kultura at gawing culture of safety. Dapat nakalarawan iyung
kaalaman natin sa ating mga lugar, sa ating mga komunidad sa pamamagitan ng sining o wika,”
ika nga ni Lagmay.
 Kadalasan ay umaasa ang mga komunidad sa mga ulat o impormasyon mula sa Philippine
Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) tungkol sa lagay
ng panahon o kaya’y may paparating na ulan o bagyo sa bansa.Ayon kay Lagmay, ang forecast
model na gawa ng PAGASA kung saan nakalarawan ang mga ulap, ulan at kung saan tatahak ang
bagyo ang ginagamit ng naturang ahensiya upang ma-warningan ang komunidad na mayroon
panganib.
 “Ngunit, gusto kong maintindihan natin na ang siyensya ay hindi perpekto. Walang model na
naglalarawan ng ginagawa ng kalikasan one, two days in advance. At dapat iyon ay nasasabi sa
taong bayan na mayroong uncertainty o limitasyon ang siyensya,” ani Lagmay.
 Kanya ring binigyang-diin ang kahalagahan ng paggamit ng wika sa pagpapalaganap ng mga
impormasyon tungkol sa kalamidad, ulat ng panahon at iba’t iba pang mga panganib ng delubyo
upang mas epektibo itong maiparating sa taong bayan.
 Sa bandang huli, umapila si Lagmay sa mga kalahok na karamihan ay mga guro ng Filipino sa
unibersidad mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na tulungan ang PAGASA na gawing mas
epektibo ang pagpapalaganap ng impormasyon sa taong bayan sa pamamagitan ng wika.
 Bukod kay Tolentino at Lagmay, ang iba pang mga eksperto na inimbitahan bilang mga panauhing
tagapagsalita sa pambansang seminar na ito ay sina Kerima Tariman-Acosta, media liaison officer
ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura; Abner Mercado, lektyurer sa Departamento ng
Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng KAL (DFPP-KAL) at reporter sa ABS-CBN News and
Current Affairs; Dr. Glecy C. Atienza, propesor sa DFPP-KAL, at Dr. Percival Almoro, propesor
ng UP National Institute of Physics.
 Tinalakay nila ang iba pang mga tampok na susing salita—ang “bungkalan” (Tariman-Acosta),
“balita” (Mercado), “ganap” (Atienza) at “balatik” (Almoro).
 Nagbigay ng mensahe ang Pangulo ng UP Danilo L. Concepcion samantalang ang bating
pagtanggap ay inihandog ni Dr. Lourdes Baetiong, kalihim ng Kolehiyo ng Edukasyon. Ang
pambungad na pananalita naman ay ipinahayag ni Dr. Rommel B. Rodriguez, direktor ng SWF.
 Noong hapon naman ng Agosto 24 ay inilunsad ang mga bagong publikasyon ng SWF. Ang mga
inilunsad ay ang “Daluyan: Journal ng Wikang Filipino,” “Pag-oorganisa sa Pamayanan Tungo sa
Kaunlaran na Mula sa Tao Para sa Tao” ni Dr. Angelito G. Manalili, “Bungkalan: Manwal sa
Organikong Pagsasaka ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA),” at
“SUSMATANON: Kwentong Pambata” ni Eduardo “Ka Edong” Sarmiento. Si Prop. Ronel
Laranjo ang naging tagapagdaloy ng palatuntunan.
 Alinsunod sa temang “Wikang Filipino: Daluyan ng Pambansang Pagkakakilanlan at Pagkakaisa”
ay matagumpay na naidaos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa tulong na rin ng Opisina ng
Pangulo, UP System; Opisina ng Tsanselor, UP Diliman; Departamento ng Lingguwistiks ng
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya; Erya ng Araling Wika ng Kolehiyo ng Edukasyon;
Office of Student Activities; Diliman Information Office; Diliman Gender Office; DZUP;
Kolehiyo ng Musika at Center for International Studies.
 
 

You might also like