You are on page 1of 15

Yunit 2

Gamit ng Wika sa Lipunan

Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-
uugali, ideya, saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili
bilang isang yunit.

Ang wika, pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa
loob ng lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isa't isa.

Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Marami ang mga gamit o tungkulin ang
wika sa lipunan. Ang wika rin ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod
sa mga tao. Hindi matatawaran ang mahalagang gamit nito sa lipunan.

Ang wika ay mahalagang instrument sa pakikipagtalastasan. Ang tungkulin ng

wika ay nag-uugat sa buong sistema ng isang kultura ayon sa pamantayan ng
paniniwala, tradisyon, pag-uugali, at kung paano nakikisalamuha ang tao.

Ngunit ano nga ba ang gamit ng wika sa lipunan?

0
Aralin 1.A
Instrumental Personal

Regulatoryo Hueristiko

Interaksyonal Representatibo

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Pagkatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag - aaral na:

 Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.

(Ayon Kay M.A.K. Halliday)
 Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng
napanood na palabas sa telebisyon at pelikula (halimbawa: Be Careful with My
Heart, Got To Believe, Ekstra, On The Job, Word of the Lourd
 Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan,
at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at gamit ng wika

sa lipunang pilipino.

PAMANTAYANG PAGGANAP:

Nakakagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayan tungkol sa aspekyong kutural

o lingguwistiko ng napiling komunidad

0
SIMULAN NATIN !
A. Bilang simula ng gawain, mag-isip ng mga halimbawa na magpapakita ng
pagkakaiba ng bawat gamit ng wika.

1. ___________________________________ 5.________________________________

2. ___________________________________ 6. ________________________________

3. ___________________________________ 7.________________________________

4. ___________________________________

B. Umisip at gumuhit ng simbolo na kakatawan sa Interaksyunal, Instrumental, Pang-

regulatori, Pampersonal, Pang- imahinasyon, Pang- impormatib at Pang - Heuristiko na
Gamit/Tungkulin ng wika na inilahad ni M.A.K. Halliday.

1
TALAKAYIN AT UNAWAIN NATIN !

Ayon kay Chomsky, ang wika ay ang pangunahing bagay na siyang taglay ng
isang tao na wala sa ibang nilalang sa mundo. Sa madaling sabi, ito ang malaking
ipinagkaiba ng tao sa alinmang nilalang sa daigdig. Ito ay pinatunayan din naman ni
Salzmann na nagsabi rin na ang tao ay may kakayahaan ding maituro ang malwak na
saklaw na ito sa iba. Ang mga hayop ay may sistema rin ng komunikasyon na
ginagamit upang mabuhay, ngunit mas higit na orgaisado at sistematiko ang sa tao at
mas malawak ang saklaw ng gampanin ng wika sa komunikasyong pantao.

Bahagi ng buhay ang paggamit ng wika. Marahil para sa marami ay

pangkaraniwan lamang ang halaga nito sa buhay ng tao Hindinatin ganap na
matutuklasan an gang mga tiyak na gamapanin at gamit nito.

Sa pag -aaral na isinagawa ni Halliday (1978), inilahad niya ang mga tiyak na
kategoryang tumutukoy sa mga tungkulin ng wika. Ayon sa kanyang pag-aaral
mayroong pitong gamit/tungkulin ng wika na binibigyang pagtalakay sa ibaba.

INSTRUMENTAL

KATANGIAN : Tumutugon sa pangangailangan. Nagpapahayag ng pakiusap at

pag-uutos.

Ginagamit Ang wika para tukuyin ang mga preperensiya, kagustuhan, at

pagpapasiya ng tagapagsalita. Nagagamit ang wika sa paglilinaw at pagtitiyak
ng mga pangangailangan, naiisip, o nararamdaman.

HALIMBAWA:

PASALITA : PAKIKITUNGO

PANGANGALAKAL

PAG-UUTOS

PASULAT : LIHAM PANGANGALAKAL

Iba pang HALIMBAWA :

_____________________________________________________________________________________

2
PANG - REGULATORYO

KATANGIAN : Ang wika ay kumokontrol at gumagabay sa kilos at asal ng iba.

Ayon sa kategoryang ito, nagagamit din ang wika upng manipulahin, kontrolin
at gabayan ang kilos, galaw at asal ng ing iba.

HALIMBAWA :

PASALITA : PAGBIBIGAY-PANUTO

PAGBIBIGAY-PAALALA

PAGBIBIGAY-BABALA

PAGBIBIGAY-DIREKSYON
PASULAT : PAGSULAT NG RECIPE

Iba pang HALIMBAWA :

_____________________________________________________________________________________

PANG - INTERAKSYUNAL

KATANGIAN : Nakapagpapanatili o nakakapagpatatag ng relasyong sosyal.

Sa kategoryang ito ay isinasaad ang tungkulin ng wika sa pagbuo ng at

pagpapanatili ng ng ugnayang panlipunan sa pagitan ng mga tao.

HALIMBAWA:

PASALITA : PORMULARYONG PANLIPUNAN

PANGANGAMUSTA

PAGPAPALITAN NG BIRO

PASULAT : LIHAM PANGKAIBIGAN

Iba pang HALIMBAWA :

_____________________________________________________________________________________

3
PAMPERSONAL
KATANGIAN: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.
Sa bahaging ito, nagagamit ang wika sa pagpapahayag ng saloobin at
damdamin sa pamamagitan ng pagsulat ng liham sa patnugot at arawang tala o
diary, pagsali sa mga porma at di-pormal na talakayan at maging sa paggawa ng
facebook posts o status.
HALIMBAWA :
PASALITA : PORMAL AT DI PORMAL NA TALAKAYAN
PASULAT : EDITORYAL
LIHAM PATNUGOT
TALAARAWAN O DYORNAL

Iba pang HALIMBAWA :

_____________________________________________________________________________________

PANG - HEURISTIKO
KATANGIAN : Ginagamit ng mga tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na
kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko at/o propesyunal na sitwasyon.
Ang wika ay maaaring gamitin sa pagkalap ng datos o impormasyon sa
pamamamagitan ng pagtatanong, pakikipanayam, pananaliksik at sarbey.
HALIMBAWA :
PASALITA : PAKIKIPANAYAM
PAGTATANONG
PASULAT : PANANAKLIKSIK
SARBEY

Iba pang HALIMBAWA :

_____________________________________________________________________________________

4
REPRESENTATIBO
KATANGIAN : Nagpapahayag ng komunikasyon.
Tumutukoy ito sa paglalahad ng impormasyon, datos, at nakalap na ideya
na nirerepresenta sa iba’t ibang paraan. Kaugnay ng representatibo ang
heurestikong gamit ng wika sa pagbibigay kahulugan sa realidad ng lipunan.
HALIMBAWA :
PASALITA : PAGPAPAHAYAG NG HINUHA O PAHIWATIG

PASULAT : MGA ANUNSYO, PATALASTAS AT PAALALA

Iba pang HALIMBAWA :

_____________________________________________________________________________________

5
IPALIWANAG NATIN !

Pangalan: Iskor :
Seksyon : Petsa:

A. PANG INTERAKSYUNAL

Bilang interaskyunal na gamit ng wika gumawa ng 5-7 pangungusap na magpapakita

ng sariling pagkaunawa sa nasabing gamit ng wika.

6
B. PANG-REGULATORI

B.1. Ano ang nais ipahiwatig ng mga imahe na makikita sa itaas na bahagi? Gumawa
ng isa o dalawang pangungusap upang mabigyang paliwanag ng nais ipahiwatig ng
mga imahe.

__________________________________________________________________

B.2. Magbigay ng limang halimbawa ng gamit ng wika na pang–regulatori at
ipaliwanag ito.

1.

2.

3.

4.

5.

7
C. PAMPERSONAL

PANUTO : Alalahanin ang isang natatanging kaibigan na matagal mo nang hindi

nakikita at nakakamusta at gumawa ng liham ng may buong pusong pananabik.

______________________________________

____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

D. PANG HEURISTIKO

8
PANUTO : Magsagawa ng isang pasariling bidyo na kung saan ilalagay mo ang iyong
sarili bilang isang tao na nakikipanayam sa isang taong maimpluwensya sa lipunan.

PAALALA : Maaring ang maging paksa mo sa iyong pakikipanayam ay ang mga isyung
panlipunan na nagaganap sa ksalukuyan.

 Link/filename ng iyong ginawang bidyo.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

PAMANTAYAN PUNTOS
Kaangkupan ng Paksa 10
Kagalingan sa Pagsasalita 20
Nilalaman 30
Kalinawan sa bawat 40
pinupunto sa
pakikipanayam
KABUUAN 100

IPALIWANAG ANG GINAWANG BIDYO:

9
KAYANG - KAYA NATIN!

Pangalan: Iskor :
Seksyon : Petsa:

PANUTO : Tukuyin kung anong gamit ng wika ang tinutukoy ng mga larawan sa
ibabang bahagi at ipaliwanag ang iyong dahilan sa pagtukoy sa mga ito.

____________________________________ _______________________________________

10
KAYANG - KAYA NATIN KASI ALAM NATIN!

Pangalan: Iskor :
Seksyon : Petsa:

I - PANUTO: : Unawain ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin ang mga

tungkulin/gamit ng wika ayon sa inilalarawan ng sitwasyon.

__________________________1. Isang lalaki ang sumulat ng tula para sa kanyang

napupusuang katrabaho.
__________________________2. Isang ina na nanghihiram ng pera sa kanyang
kapitbahay.
__________________________3. Isang batang sumusulat ng sanaysay tungkol sa kanyang
magiging buhay matapos ang 20 taon.
__________________________4. Mga mag-aaral na nagsasagawa ng panaym s kani –
kanilang komunidad ukol sa isang paksang pangkalusugan.
__________________________5. Isang coach ng larong basketball na nagbigay ng panuto
sa mga dapat at di – dapat gawin ng mga manlalaro.
__________________________6. Isang dayuhan na sumulat ng blog tungkol sa mga
magagandang lugar sa Plipinas.
__________________________7. Pagkwento tungkol sa maaring magiging wakas ng isang
inaabangang serye sa telebisyon.
__________________________8. Isang ulat na nagbababala sa paggamit ng mga pekeng
produktong pampaganda na nabibli sa daan.
__________________________9. Pagsulat ng patalastas tungkol sa bakanteng posisyon sa
trabaho.
__________________________10. Pagsulat ng panuto sa kung paano sagutan ang isang
pagsusulit.

11
II – Basahin ang pahayag sa bawat bilang at bilugan ang titik na naglalarawan sa
gamit/ tungkulin ng wikang ginamit sa bawat aytem. Isulat ang titik E kung walasa
pagpipilian ang tamang sagot.

1. Nagpaabot ng text si Rodalyn sa TV Patrol ukol sa reklamo niya sa tambak

tambak na basura sa kanilang barangay.

A. Impormatibo C. Heuristik

B. Interaksyunal D. Regulatori

2. May isang matandang babae ang lumapit saiyo at nagtanong kung saan ang
sakayan patungong Global.

A. Imahinatibo C. Instumental
B. Interaksyunal D. Personal

3. Sinagot mo ang tanong at itinuro sa kanya ang sakayan patungong Global.

A. Imahinatibo C. Instumental
B. Interaksyunal D. Regulatori
4. Nag- email si John Lloyd sa kanyang ate sa Guam.

A. Heuristik C. Instrumental
B. Impormatibo D. Personal

5. Inutusan ni Olivia ang kanyang ana na buksan ang pinto.

A. Heuristik C. Interaksyunal
B. Impormatib D. Personal

6. Naimbitahan ni Dr. Lin Ta na magsalita sa isang panayam para sa lumalalang

pandemya.
A. Imahinatibo C. Personal
B. Imapormatibo D. Regulatori

7. Lumiham si Car Wash sa isang kumpanya para magprisinta bilang office clerk.

A. Imahinatibo C. Interaksyunal
B. Impormatibo D. Personal

12
8. Kinapanayam ng mag-aaral na globalian si Kom. Tow Ge Ko ukol sa bagong
ispeling.

A. Imahinatibo C. Interaksyunal
B. Impormatibo D. Regulatori

9. Mag- uulat si Gas Bi ukol sa wika sa harap ng klase pagkatapos ng buwanang

pagsusulit.

A. Heuristik C. Instrumental
B. Imahinatibo D. Regulatori

10. Ibinlita ng DepEd na ang suspension ng klase kapag may bagyo ay

manggagaling sa pamunuan ng lokal na pamahaaan.

A. Heuristik C. Impormatibo
B. Imahinatibo D. Regulatori

___________ TALA NG GURO ______________

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

13

You might also like