You are on page 1of 14

UNIVERSITY OF ANTIQUE

Sibalom, Antique

MODYUL SA GEE 1:
MASINING NA PAGPAPAHAYAG

KARL JOHN C. SECANDO


ROMEO L. TAGNONG
Talaan ng nilalaman

MASINING NA PAGPAPAHAYAG ................................................................................ 3


ARALIN 1. ANG RETORIKA ................................................................................................................ 4
KASAYSAYAN NG RETORIKA .................................................................................................... 9
RETORIKA BILANG SINING ...................................................................................................... 11
GAMPANIN NG RETORIKA ....................................................................................................... 13

ARALIN 2. ANG BALARILA AT ANG RETORIKA ........................... Error! Bookmark not defined.
A. ANG BALARILA SA PROSESO NG MASINING AT MABISANG PAGPAPAHAYAG .......... Error!
Bookmark not defined.
B. KAHULUGAN AT KATUTURAN NG BALARILA ....................... Error! Bookmark not defined.
C. ANG RELASYON NG BALARILA AT RETORIKA...................... Error! Bookmark not defined.
D. PAPEL O TUNGKULIN NG BALARILA SA PROSESO NG MASINING NA PAGPAPAHAYAG
............................................................................................... Error! Bookmark not defined.

E. WASTONG GAMIT NG MGA SALITA ........................................ Error! Bookmark not defined.

ARALIN 3: WASTONG GAMIT NG BANTAS ................................... Error! Bookmark not defined.

• MGA URI NG BANTAS AT PAGGAMIT NITO ........................... Error! Bookmark not defined.

ARALIN 4: PANGUNGUSAP ................................................................. Error! Bookmark not defined.

A. AYOS NG PANGUNGUSAP ............................................ Error! Bookmark not defined.

B. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT ............. Error! Bookmark not defined.

C. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN ..... Error! Bookmark not defined.

D. URI NG PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA ...... Error! Bookmark not defined.

ARALIN 5. DISKURSO ........................................................................... Error! Bookmark not defined.

APAT NA BATAYANG URI NG DISKURSO .................... Error! Bookmark not defined.


Modyul sa General Elective 1
MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Ang pagpapahayag nang malinaw, naaiintindihan, may pananagutan, puno ng lohika at may
kasiningan ay isang kasanayang dapat taglayin ng bawat isa. Ito ay daan tungo sa isang mabisa
at makabuluhang kumunikasyon. Napakahalaga ng kasanayang ito upang matagumpay na
maipahayag ng bawat isa ang kaniyang iniisip, desisyon at pagpupunyagi. Higit na mas
makabuluhan at naiintindihan ang isang talakayan kung mayroong kaugnayan at kaisahan ang
mga pangungusap na namumutawi sa pagpapahayag.

Kaya, ang kursong ito ay ginawa sa layong maging kungkreto ang “basic” o pangunahing
kaalaman sa balarila at kasiningan sa pagbuo ng mga mag-aaral ng kanilang mga diskurso sa
Wikang Filipino. Kapansin-pansin sa henerasyon ngayon ang mga karaniwang kamalian hindi
lang sa kanilang diksyon kapag sila ay nagsasalita kundi maging sa kanilang mga komposisyong
nasusulat. Kapansin-pansin ito sa kanilang mga status sa facebook at iba pang mga social
media. Ilan sa mga pagkakamaling ito ay ang paggamit ng pang-ukol at pangatnig na “ng at
nang” kasama na ang mga kamalian sa paggamit ng mga Ingklitik na “rin at din” at lalong higit
sa paggamit ng mga bantas. Masasabing maliit lang itong pagkakamali sa balarila ngunit malaki
ang epekto nito sa semantika at sa katuturan ng pagpapahayag.

Ang mga araling nakapaloob sa modyul na ito ay makatutulong sa lalong pagpapatibay ng


pangunahing kaalaman sa pagbuo ng isang pangungusap tungo sa pagbuo ng isang
komposisyong may kaisahan at kaugnayan. Napakahalaga nitong kasanayan tungo sa pagkamit
ng layon ng kursong ito na makapagpahayag nang masining ang mga mag-aaral mapapasalita
man o pasulat.

Bilang pagtitiyak, sa pag-aaral ng kursong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Makatatalakay ng mga kalikasan, simulain at estratehiyang panretorika at


pandiskurso;

b. Makagagamit nang wasto at angkop na pananalita sa pagpapahayag ng kaalaman,


karanasan at saloobin;

c. Makasusuri ng estilo ng mga modelong akda tungo sa malay na pagbuo ng sariling


estilo sa pagsulat;

d. Makasusulat ng iba’t ibang anyo ng pagpapahayag na personal at malikhaing ‘di


piksyon na nagpapahayag ng mga ideya o kaisipan mula personal patungong lokal at
global.

Siyang tunay na ang lapis ay namumurol din tulad ng ating memorya kaya’t muling balikan ang
mga araling nakasalubong na ngunit unti-unting nawawala sa ating iskema. Maging
mapagmatyag at paglakbayin ang haraya tungo sa pagsasakatuparan ng mga gawain sa modyul
na ito.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ARALIN 1. ANG RETORIKA

Mga Layunin: Panghimok na Gawain:

Pagkatapos
Basahin ng ng angkop na interpretasyon ang maikling
at bigyan
aralin, angsamga
monologo ibaba. Maaring ibidyu ang inyo sarili at ipakita ito sa
mag-aaral
klase. ay
Sa pagsasagawa ng gawain, himuking makinig sa iyo ang
inaasahang:
mga kasama mo sa bahay, maaaring ito ay iyong mga kapatid,
pinsan o ang iyong mga magulang. Suriing mabuti kung nakukuha
ba nila ang emosyong namamayani sa monologo.
1. Nasusuri ang mga
konsepto hinggil sa
kasaysayan
Bakit at iba’t
kayo nangingiti?
ibang mga
Bakit nga?
pagpapakahulugan
Bakit ninyo ako pinagmamasdan mula ulo hanggang paa?
hinggil sa retorika;
(Mula ulo hanggang paa)
Aaah, dahil ba sa akoý isang pilay at buo ang isang paa?
Iyan ba ang dahilan kung bakit minamaliit ninyo ang aking alok
na paglilingkod?
2. Nakapagbibigay ng
Mga Ginoo, nagkakamali kayo!
sariling
Akong naparito upang lumban!
pagpapakahulugan
sa retorika;
Hindi at
upang tumakbo.

3. Naiisa-isa ang mga


Sa pagsasagawa ng gawain, anong emosyon ang naramdaman
mahahalagang
ninyo?
pangyayari sa
Sagot: ____________________________________________
kasaysayan tungkol
Ano ang damdaming namamayani sa monologo?
sa pagkakapanday
ng retorika
Sagot: ng
____________________________________________
kasalukuyan.
Ano ang layon ng nagsasalita sa paglabas niya ng kanyang
nararamdaman?
Sagot: ____________________________________________
Matagumpay mo ba itong naisagawa o naipabatid sa iyong mga
tagapakinig?
Sagot: ____________________________________________
Kung oo, Binabati kita! Ikaw ay nakapagpahayag nang masining. Sa araling ito, ay tatalakayin
natin ang kahulugan ng masining na pagpapahayag o retorika at ang kanyang naging kasaysayan.

TALAKAYIN NATIN!

Sa website na http://www.gsu.edu, matutunghayan ang mga iskolar na depinisyon ng Retorika.


Binigyang kahulugan at inilarawan ang disiplinang ito ng mga pangunahing awtoridad sa larangang
ito sa iba’t ibang lunan at panahon. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga ito:

Ang retorika ay nagmula sa salitang Griyego na “rhetor” na kapwa nangangahulugang isang


guro at mananalumpati o tagapagsalita sa isang pagpupulong;

Ito ay isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe upang maimpluwensyahan ang


damdamin ay kaisipan ng ibang tao; at

Ito ay ang paggamit ng mga simbulo na may kakayahang pumukaw sa ating kalikasan na
tumutugon sa mensaheng ipinahahatid ng mga naturang simbolo.

Ang retorika ay tumutukoy sa malawak, wasto at mayamang kaalaman sa pagpapahayag.


Tumutukoy ito sa kaakit-akit, kaiga-igaya at magandang pagsasalita at pagsusulat (Lorenzo,
Carmelita, et. al);

Isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit at magandang


pagsasalita at pagsulat. Pinag-aaralan dito ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at
kaakit –akit na pagpapahayag (Tumangan Sr. 13).

Retorika ang pakulti ng Ang Retorika ay isang arte


pagtuklas ng lahat ng o talent na ginagamitan ng
abeylabol na paraan ng diskurso tungo sa layuning
panghihikayat sa maglinaw ng pag-unawa,
anumang partikular na umaliw ng imahinasyon,
magpakilos ng marubdob
kaso. Ito rin ay isang
na pagnanasa o
bahagi o sangay ng Larawan 2. CAMPBELL
makaimpluwensiya ng
diskurso na nauukol sa panghihimok o
disposisyon (George Campbell).
persweysyon (Aristotle).
Larawan 1. ARISTOTLE
Ang Retorika ay sining Ito ay isang agham
ng mahusay na ng persweysyon
pagsasalita (Quintillian). (Socrates).

Larawan 5. QUINTILLIAN Larawan 6. SOCRATES

Retorika ang “art of Ang Retorika ay


winning the soul” sa pagpapahayag na
pamamagitan ng disenyo upang
diskurso (Plato). makapanghikayat (Cicero).

Larawan 3. PLATO Larawan 4. CICERO

Ang tungkulin ng Retorika Ang Retorika ay isang


ay maiaplay ang katuwiran sining ng pagbabalangkas
sa imahinasyon para sa ng argumento upang
higit na mabuting pagkilos mapahalagahan ng mga
ng disposisyon (Francis tagapakinig o mambabasa
Bacon). Larawan 7. F. BACON (Philip Johnson). Larawan 8. P. JOHNSON

Ito ay disiplinang nakatuon Ito ay sining, pagsasanay


sa pag-aaral ng lahat ng at pag-aaral ng
mga paraang ginagamit komunikasyong pantao
ng mga tao upang (Andrea Lunsford).
makaimpluwensiya ng
Larawan 10. A.LUNSFORD
pag-iisip at gawi ng iba Larawan 9. D. EHNUNGER

sa pamamagitan ng
estratedyik na paggamit ng mga simbolo
(Douglas Ehninger).

Ang Retorika ay maaaring maiugnay sa enerhiyang likas sa komunikasyon:


ang emosyunal na enerhiyang nagubunsod sa siang tao na magsalita, ang
pisikal na enerhiyang ginagamit sa pagsasalita, ang antas ng enerhiyang
nasa likod ng mensahe at ang enerhiyang nararanasan ng tagatanggap sa
pag-eenkowd ng mensahe (George Kennedy).
Larawan 11. G.KENNEDY
Bilang paglalagom, ang Retorika kung gayon ay isang teorya at praktika ng pagpapahayag
o elokwens, pasalita man o pasulat. Ang pasalitang retorika ay tinatawag na oratoryo.
Binibigyang kahulugan ng Retorika ang mga tuntunin sa pagsulat ng komposisyon at
pagbibigkas ng oratoryo na dinisenyo upang makaimpluwensiya sa pagpapasya o
damdamin ng ibang tao (http:encarta.msn.com)

Linanging Natin!

WORD CLOUD. Punan ang mga ulap na nakapalibot sa “RETORIKA” ng mga salita o parirala na
iyong makukuha sa iba’t ibang mga pagpapakahulugan tungkol sa retorika upang makabuo ng sarili
mong pagpapakahulugan dito.
RETORICA

SARILI MONG PAGPAPAKAHULUGAN:

Ang Retorika ay __________________________________________________________


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______________________________________________.

KASAYSAYAN NG RETORIKA

Mahahati ang pag-aaral ng kasaysayan ng Retorika sa tatlong yugto:

1. Klasikal na Retorika,

2. Retorika sa Gitnang Panahon o Midyibal at Renasimyento, at

3. Modernong Retorika.

Panoorin ang pinaikling pagtatalakay nito sa https://youtu.be/tGhc63k644.


KLASIKAL NA RETORIKA
Ang elokwens na ipinamalas nina Nestos at Odysseus sa Iliad ay naging dahilan upang
kilalanin si Homer ng maraming Griyego bilang ama ng oratoryo. Ang Pagkakatatag ng mga
demokratikong institusyon sa Athens noong 510 BC ay nagtakda sa lahat ng mamamayan ng
pangangailangan ng serbisyong pampubliko. Mula noon, naging esensyal na pangangilangan na rin
ang oratoryo, kaya isang pangkat ng mga guro ang nakilala. Tinawag silang mga SOPHIST. Sila’y
nagsikap upang gawing higit na mabubuting tagapagsalita ang mga tao sa pamamagitan ng
tuntuning pansining. Si Protagoras ang kauna-unahang Sophist, ay nagsagawa ng isang pag-aaral
sa wika at nagturo sa kanyang mag-aaral kung paanong ang mga mahihinang argumento ay
magagawang malakas sa isang pahayag o talakayan.

Sinasabing ang aktwal na tagapagtatag ng retorika bilang isang agham ay si Corax ng


Syracuse na noong ikalimang siglo ay nagsabing ang retorika ay artificer o persuasion at umakda ng
unang handbook hinggil sa sining ng retorika. Ang iba pang maestro ng retorika ay sa panahong
ito ay sina Tisias ng Syracuse, isang mag-aaral ni Corax; Gorgias ng Leontini na nagpunta sa
Athens noong 427 BC; at Thrasymachus ng Chalcedon na nagturo rin sa Athens. Si Antiphon naman,
una sa itinuturing na Ten Attic Orators, ang kauna-unahang nagsanib ng teorya at praktika ng
retorika. Ngunit si Socrates, ang dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo BC, ang
nagpalawak sa sining ng retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at isang pilosopiya na
may layuning praktikal.

Tinutulan naman ni Plato isang pilosopong Griyego, ang teknikal na pagdulog sa


retorika.Binigyang-diin ni Plato ang panghikayat kaysa katotohanan sa akda niyang Gorgias at
tinalakay niya ang mga simulaing bumubuo sa esensya ng retorikal na sining sa Phaedrus.
Samantala, sa akdang Rhetoric, inilarawan ni Aristotle, isa pang pilosopong Griyego, ang tungkulin
ng retorika hindi bilang panghihikayat. Samaktuwid, binibgyang- diin niya ang pagtatagumpay ng
argumento sa pamamagitan ng katotohanan at hindi ng panghihikayat sa pamamagitan ng apil sa
emosyon. Itinuturing niya ang retorika bilang counterpart o sister art ng lohika.

Samantala, sa Roma ay nakilala sina Cicero at Quintillian , bagamat ang mga unang guro ng
formal na retorika noon doon ay mga Griyego.Sila ang tinaguriang dakilang maestro ng retorikal
at praktikal na retorika, kahit pa sila mga modelong Griyego. Si Ceciro ang umakda ng On the
Orator, Institutio Oratoria at The Training of an Orator na hanggang sa kasalukuyan ay ipinalalagay
na masusing pagdulog sa mga simulain ng retorika at sa kalikasan ng elokwens. Hanggang sa unang
apat na siglo ng Imperyo ng Romano, ang retorika ay itinuro ng mga tinatawag na Sophist na sa
panahong iyon naging isang titulong akademiko.

RETORIKA SA GITNANG PANAHON/ MIDYIVAL AT RENASIMYENTO


Sa gitnang panahon, ang retorika ay isang sabjek ng trivium o tatlong sabjek na preliminary
ng pitong liberal na sining sa mga unibersidad, kasama ang grammar at lohika. Ang pangunahing
midjival na awtoridad sa retorika ay tatlong iskolar sa ikalima, ikaanim at ikapitong siglo: sina
Martianus Capella, awtor ng isang ensayklopidia ng pitong liberal na sining ( aritmitik, astronomi,
jometri, musika, grammar, lohika at retorika); Flavius Magnus Aurelius Cassiodorus, isang historyan
at tagapagtatag ng mga monasteryo na umakda ng Institutiones Divinarum et Humanarum
Lectiunum; at si San Isidore ng Seville, isang Kastilang arsobispo na nagkompayl ng isang akdang
ensayklopedik tungkol sa ancient world. Sa panahong ito, ang retorika ay nakasumpong ng praktikal
na aplikasyon sa tinatawag na tatlong “artes”: paggawa ng sulat, pagsesermon at paglikha ng tula.

Sa panahon ng Renasimyento ( ika 14-hanggang ika-17 siglo), ang pag-aaral ng retorika ay


muling ibinatay sa mga akda ng mga klasikal na manunulat tulad nina Aristotle, Cicero, at
Quintillian. Ilang mga kontemporaryong disertasyon ang nalikha sa panahong kabilang ang The Art
or Crafte of Thethoryke ng Inglaterong punongguro at manunulat na si Thomas Wilson. Noong ika-
16 na siglo, nakilala sina Pierre de Courcelles at Andre de Tongquelin, mga retorisyanong Franses.
Sa buong panahon ng Renasimyento, ang retorika ay itinakdang sabjek sa mga kolehiyo at
Universidad na may kalakip na pagsasanay sa publiko at mga kumpetisyon na nakatulong upang
panatilihing buhay ang praktika at retorika.

MODERNONG RETORIKA
Sa simula ng ika-18 siglo ay nabawasan ng importansya ang retorika, bagamat sa teoretikal
na aspeto lamang at hindi sa praktikal, sapagkat nagpatuloy ang paglaganap ng mga oportunidad
para sa efektiv na oratoryo sa politikal na arena. Sa ikalawang hati ng siglo, patuloy na nabawasan
ang mga eksponent ng retorika. Mangilan-ngilan lamang ang mga kaugnay na akdang naging
popular sa panahong ito, kabilang ang mga lectures on Rhetoric (1783) ng paring Scottish na si
Hugh Blair, Philosophy of Rhetoric (1776) ni George Campbell, isang teologong Scottish at ang
Rhetoric (1828) ni Richard Whately, isang Britong eksperto sa lohika.

Sa unang hati ng ika-20 siglo, nagkaroon ng muling pagsilang ng pag-aaral ng pormal na


Retorika bunga ng pagganyak ng mga eksponent ng Semantiks, isang agham ng Linggwistika. Ito ay
naganap sa kabuuan ng lahat ng mga bansang gumagamit ng wikang Ingles sa daigdig.

RETORIKA BILANG SINING


Ang retorika bilang sining ay nahahati sa limang pangunahing Kategorya o kanon:

1. Invensyon
Ang invensyon ay mula sa salitang Latin na invenire na ang kahulugan ay to find.
Samakatwid, ang kanon na ito ay nakatuon sa karaniwang kategorya ng pag-iisip na nagging
kunvensyonal nang hanguan ng mga retorikal na materyales. Tinatawag itong topics of invention o
topoi sa Griyego. Amg mga halimbawanito ay sanhi at efecto, komparison at iba pang ugnayan.

Ang Invensyon ay nakatuon sa ano ang sasabihin ng isang awtor at hindi sa kung paano,
iyon sasabihin. Inilalarawan din ito bilang ubod ng panghikayat. Sa katunayan, inilarawan ni Aristotle
ang retorika bilang pagtuklas sa pinakamabuting aveylabol na paraan ng panghihikayat at ang
importanteng hakbang ng proseso ng pagtuklas na ito ay tinatawag na stasis.

2. Pagsasayos o / Arrangement
Ang pagsasaayos ay nakatuon sa kung paano pagsusunud-sunurin ang isang pahayag o
akda. Sa matandang retorika (ancient rhetoric), ang pagsasaayos ay tumutukoy sa pagkakasunud-
sunod na dapat iobserv sa isang oratoryo, ngunit ang kanon naito ay
nag-iinklud na rin ng lahat ng konsiderasyon sa pagsasaayos ng anumang uri ng diskurso.

Sa klasikong oratoryo ay ganito ang karaniwang pagsasaayos:

a. Introduksyon ( exordium)
b. Paglalahad ng mga katotohanan ( narratio)
c. Divisyon ( particio)
d. Patunay ( confirmatio)
e. Refutasyon (refutatio)
f. Kongklusyon ( peroratio)

Ganito ang paglalarawan ni Cicero sa gayong ayos: Sa introduksyon, kailangan maestablish


ng isang orador ang kanyang awtoridad. Samakatwid, kailangan niyang gumamit ng mga etikal na
panghikayat o apil. Sa apat na mga kasunod na bahagi (paglalahad ng katotohanan, division,
patunay at refutasyon), siya ay kailangang gumamit ng mga lohikal na argumento. Sa kongklusyon
naman, tinatapos niya ang kanyang oratoryo sa pamamagitan ng mga emosyunal na panghikayat o
apil.

3. Istayl /Istilo
Ang istayl ay nauukol sa masining na ekspresyon ng mga ideya. Kung ang invensyon ay
nauukol sa ano ang sasabihin, ang istayl ay nauukol sa paano iyon sasabihin. Sa pananaw retorikal ,
ang istayl ay hindi incidental, superfisyal o suplementari sapagkat tinutukoy nito kung paano
ipinapaloob sa wika ang mga ideya at kung paano ito nakukostomayz sa mga kontekstong
komunikativo.

Ang istayl ay hindi rin isang opsyonal na aspeto ng diskors. Ang istayl ay esensyal sa retorika
sapagkat ang kaanyuan o ang linggwistik na kaparaanan ng paglalahad ng isang bagay ay bahagi
ng mensahe, katulad ng nilalaman o content.Wika nga ni MacLuhan, the medium is the message.

Nauukol ito sa masining na pagpili ng mga salita, pagbuo ng istruktura ng mga


pangungusap, paggamit ng tayutay na nakadaragdag sa kabisaan at kagandahan ng pahayag.

4. Memori/ Memorya
Sa una, maaring isipin na ang memori ay may kaugnayan sa mnemonics o memory aids na
tumutulong sa isang orador na sauluhin ang isang talumpati. Ngunit ang kanon na ito ay higit pa sa
pagmememorayz ng isang inihandang talumpati para sa re-presentasyon. Nakapaloob din sa kanong
ito ang pag-iimbak ng iba pang materyales sa isipan ng mga paksa ng invensyon upang magamit sa
isang particular na okasyon.
Samakatwid, ang memori ay nag-uuganay hindi lamang sa pagmememorayz ng isang
talumpati para sa deliveri , kundi maging sa mga pangangailangang improvisasyunal ng isang
ispiker. Kaugnay nito, kung gayon, ang kairos o ang sensitivity sa konteksto ng isang sitwasyong
pangkomunikasyon.

5. Deliveri/ Paghahatid
Ang deliveri ay orihinal na tinatawag na pasalitang retorika na ginagamit sa mga
pampublikong konteksto, ngunit ito ay maaari ring ituring bilang isang aspeto ng retorika na
nakatuon sa pampublikong presentasyon ng diskurso, pasalita man o pasulat.

GAMPANIN NG RETORIKA
Ang pag-aaral ng retorika ay nakatutulong sa isang indibidwal sa pamamagitan ng
limang aspekto.

Una, bilang pangunahing diskurso, ang retorika ay nagbibigay daan tungo sa komunikasyon.
Sa ganitong punto, nagkakaroon ng oportunidad ang isang indibidwal upang maipahayag
ang kanyang saloobin kaugnay sa iba't ibang bagay na mahihinuha nito sa kanyang
kapaligiran na maaaaring maisagawa sa paraang pasulat man o pasalita.

Ikalawa, ito rin ay isang salik upang magkaroon ng tinatawag na distraction effect sa isang
tao na gumagamit nito. Ito ay bunsod ng gradwal na pagkabaling ng atensiyon ng isang
indibidwal habang ito ay sumusulat, nagbabasa, o kaya ay nagpapahayag ng sentimiyento
na hinulma mula sa isang partikular na materyal. Sa ganitong paraan, nadidistrak at
nadadala sa ibang dimesyon ang sikolohikal na kamalayan ng tao kung saan bahagya nitong
nakakaligtaan ang tunay na suliranin na dinarahop nito.

Ang retorika rin ay mainam upang ma-ehersisyo ng isang tao ang kanyang kalayaan sa
pagpapahayag (Freedom of Expression) na magsisilbing elemento upang mapalawak nito
ang mga pananaw sa mundo. Nahuhubog ng retorika ang perspektibo ng isang indibidwal
dahil ito ay sumasaklaw sa dalawang pangunahing akto ng komunikasyon, susi tungo sa
pagpapaibayo ng karunungan.

Ika-apat, sa pamamagitan rin ng retorika, nagagawa rin ng tao na bigyang-ngalan ang


maraming bagay na nakikita sa paligid. Ito ay isang manipestasyon ng umuusbong na pag-
iisip ng tao upang makalikha ng mas makabagong mga ideya na magagamit hindi lamang
sa proseso ng komunikasyon kundi maging sa mga aspektong pangsosyopolitika.

Halimbawa:
1. Ang kamera ay nagging Kodak, ang toothpaste ay nagiging colgate.

At huli, ang retorika ay nagbibigay-pundasyon tungo sa makapangyarihang asimilasyon


partikular sa larangan ng politika. Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagiging
prominente at makapangyarihan. Isa sa mga mahuhusay na politiko at mananumpalati
si Ninoy Aquino na isang mahusay na peryodista noong Ikalawang pandigmaang
pandaigdig. Ang matatalinong ideya, malalalim na pananampalataya at ideyolohiya na
naipahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmulan din ng kapangyarihan at kalakasan.

Tandaan!

Ang layunin ng retorika ay makapanghikayat ng kapwa sa paraang pagsulat at pasalita.


Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag
ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang
tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng
wika ay mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan
sa pakikipagtalastasan.

You might also like