You are on page 1of 57

Mga miyembro Sa ikatlong Grupo

Joechelle Poquiz
Baby Jane P. Ramos
Edilyn Respicio
Merald Resultay
Maria Angelina Reyes
Mell Joan Rico
Liezl Rosario
Aubrey Sebastian
Melisa Sibayan
Angel Soriano
Anna Liza Tanique Cruz
Maylyn Tubieron
Jashley Villamil
E.MODELONG PANGGRAMATIKA

Joechelle Poquiz & Baby Jane Ramos-


Pagsusuri Ng dalawang Modelong
panggramatika(Straktura at aspekto)
 Avram Noam Chomsky
—Born December 7, 1928
—An American Linguist, Philosopher, Cognitive Scientist,
Logician, Historian,Political Critic and Activist
—He received his early education at Oak Lane Country
and Central High School,Philadelphia.
—He studied linguistics, mathematics and philosophy at
University of Pennsylvania.
—An Institute Professor and Professor (Emeritus) in the
Department of Linguisticsand Philosophy for 50years at
Massachusetts Institute of Technology.
Founder of TGG (Transformational-Generative Grammar)
Father of modern
Ground Breaking Books of Chomsky
Syntactic StMinimalis
Language and Mind
Aspects of the Theory of Syntax
Minimalist ProgramProduce over 700 articles and more
than 100 book
 Panimula
 Tatangkain natin ditong 1) magbigay ng payak na paglalarawan sa
dalawang modelong panggramatika ni Chomsky, 2) gamitin ang
dalawang modelo sa pangungusap na Bumili ng kendi si Iza para sa
nanay, 3) talakayin ang kalakasan at kahinaan ng dalawang modelo,
at4) magbigay ng ilang kuro-kuro tungkol sa implikasyon ng mga
ito salarangan ng pagtuturo ng wika.Ang dalawang pangunahing
sangguniang ginamit sa talakay na ito ay ang dalawang aklat ni
Chomsky – Syntactic Sructures:1957 (mula rito’ytatawaging
Structures 1957, at ang Aspects of the Theory of Syntax:1965 (mula
rito’y tatawaging Aspects 1965).
Edilyn Respicio & Merald Resultay-
Paghahambing Ng dalawang modelo
 Paghahambing sa DalawangModelo
 SYNTACTICSTRUCTURES1957(STRUCTURES1957) VS. ASPECTS
OF THE THEORYOF SYNTAX1965(ASPECTS1965)
 ★STRUCTURES 1957
—tiningnan ni Chomsky ang wika sa isangparaang matematikal.
—ginamit ang kaalaman sa matematika,tulad ng ‘probalistic
theory, set theory,finite state theory, concatenation
algebra,graph theory’kaalaman sa ‘computer languages’
at‘symbolic logic’
—ang kanyang modelo sa gramatika aytulad ng isang automaton
namagpapalabas (generate) ng lahat ngmaaaring palabasing
tamangpangungusap sa isang partikular nawika.
 Angpamamaraan niya maituturing nadi natural na paraan
ng paglalarawansa wika.
 —Nakapaloob sa modelo ang paraang ginamit ni Chafesa
kanyang modelong“ImmediateConstituent”
 —Niremedyuhan ni Chomsky ang kakulangan
ngmodelong IC ni Chafe sa pamamagitan
ngtranspormasyon.(sang-ayon si Chafe na mas mabutiang
modelo in Chomsky kaysa sa kanyang IC.
★ASPECTS 1965

—Ipinalabas ito ni Chomsky dahil sa mga puna at kahinaan ng


STRUCTURES1957.
—Ang mga dahilan na nag-udyok kayChomsky na gumawa ng
pangalawangbersyon ay ang mga puna/kahinaan saunang aklat
at atensyon niya sasemantika
—Nagpapakita ng relasyon ng tunog at ngkahulugan
— Nakatuon sa konsepto ng “deep structures” naitinuturing
niyang nasa pagitan ng“base component” at
ng”semanticcomponent”
★Semantic Component
— ito ay nagtitiyak ng kahulugan atwastong bigkas ng
pangungusap
Ma. Angelina Reyes & Mell Joan-
Implikasyon sa pagtuturo
Implikasyon sa pagtuturo
 Ang mga gawain sa pagbasa na naaayon sa interaktibong
pananaw ay nagbibigay ng pangunahing diin sa paggamit
ng mga dating kaalaman at konsepto ng mga mag-aaral sa
kanilang paligid. Ang bawat bahagi ng gawaing pagbasa
ay kakikitaan ng aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral.
 A. Bago Bumasa
 Ang mga mag-aaral ay binibigyan na ng mga gawain
bilang paghahanda sa pagbasa ng teksto.
 1.Pagbibigay ng guro ng bago o panimulang
impormasyon tungkol sa paksang babasahin.
 2. Pagtalakay sa mahihirap na salita na matatagpuan sa
teksto at pag-uugnay nito sa dating kaalaman ng mga bata.
 3. Paggamit ng dating kaalaman ng mag-aaral sa pag-
unawa ng bagong ideya o paksa.
 4. Paggamit ng mga larawan, pamagat, mga bahagi ng
teksto upang magkaroon ng pangunahing ideya ang mga
mag-aaral sa babasahing teksto.
 5. Pagbibigay ng pangunahing pagsasanay na kailangan sa
pagtuturo ng bagong kasanayan.
 6. Pagbibigay sa mga bata ng layunin sa pagbasa. Ano ang
pag-uukulan nila ng pansin sa pagbabasa? Mga tauhan ba,
pangyayari o pag-alam sa sanhi at bunga?
 B. Habang Bumabasa
 Ang mga bata ay magsasagawa ng mga gawain na
ipinapakita ang interaksyon nila sa teksto.
 1. Pagsagot sa mga tanong na nakasulat sa blakbord o
teksto habang nagbabasa.
 2. Pagbuo ng mapa o direksyon ayon sa binabasa
 3. Pagpupuno ng balangkas , table o graph.
 4. Pagsusuri sa organisasyon ng teksto at pagbuo ng
dayagram ng mga kaisipan ( snagbabasa.ap, outline,
graphic organizer)
 5.Paglalagay ng guhit sa mahahalagang kaisipan o
impormasyon na nakikita habang nagbabasa.
 6. Pagtatala ng mahahalagang impormasyon at
pansuportang detalye.
C. Pagkatapos Bumasa
 1. Pagbubuo ng mga tsart na ipinakikita ang pagkaunawa sa
binasa tulad ng:
- pag-uugnayan ng mga pangyayari (plot relationship chart)
- sanhi at bunga (cause and effect chart)
- pagkakatulad at pagkakaiba (comparison/contrast chart)
 2.Paggawa ng semantic web ( pangtauhan, mga pangyayari,
saloobin)
 3. Paggawa ng balangkas ng mga bahagi ng kwento (story
grammar)
 4. Pagpupuno ng frame tungkol sa mga bahagi ng kwento
(story frame)
 5.Pagpupuno ng tsart (what I know, what I want to know,
what I learned)
 6.Pagbubuod ng binasa
 7.Pagbibigay ng reaksyon, paghusga o saloobin tungkol sa
binasa.
Pananaw sa Pagtuturo ng pagbasa

 Noon
 1. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasa-produkto.
 2. Nakadepende sa teksto ang bumabasa.
 3. Walang alam ang mambabasa sa teksto.
 4. Walang paghahanda bago bumasa.
 5. Walang konteksto ang pagtuturo ng talasalitaan.
 6. Hindi nakikita ang pag-ugnay ng pagbasa at pagsulat.
 Ngayon
 1. Pag-unawa sa binasa-proseso.
 2. May interaksyon sa pagitan ng bumabasa at teksto.
 3. Paggamit ng dating kaalaman at iksima ng mag-aaral.
 4. May mga gawain na bago pa bumasa.
 5. Iniuugnay ang talasalitaan sa karanasan at konteksto.
 6. Ginagamit ang pagsulat at pag-unawa ng binasa.
F.MORPOLOHIYA

Liezl
Rosario -Katuturan Ng morpolohiya At
Morpema
MORPOLOHIYA

 Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng


isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang
makabuo ng salita. Anupa’t kung ang ponolohiya ay
tungkol sa pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng
mga salita sa isang wika, ang morpolohiya ay ang pag-
aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t
ibang morpema.
Katuturan ng Morpema
 Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa
Ingles na kinuha naman sa salitang Griyego – morph (anyo
o yunit) + eme (kahulugan). Sa payak na kahulugan, ay
ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng
kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit ay
yunit na hindi na maaari pang mahati nang hindi masisira
ang kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring isang
salitang-ugat o isang panlapi. Ang lahat ng mga
morpemang mababanggit ay dapat na ikulong sa { }.
 Ang salitang makahoy, halimbawa ay may dalawang morpema:
(1) ang unlaping {ma-} at ang salitang-ugat na {kahoy}. Taglay
ng unlaping {ma-} ang kahulugang “marami ng isinasaad ng
salitang-ugat”. Sa halimbawang salitang makahoy, maaaring
masabing ang ibig sabihin nito’y “maraming kahoy”. Ang
salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng sariling kahulugan.
Ito ay hindi na mahahati pa sa lalong maliliit na yunit namay
kahulugan. Ang ka at hoy, ay mga pantig lamang na walang
kahulugan. May pantig na panghalip na ka sa Filipino,
gayundin naman ng pantawag na hoy, ngunit malayo na ang
kahulugan ng mga ito sa salitang kahoy.
 Samantala, pansinin ang salitang babae, bagamat may
tatlo ring pantig na tulad ng mabait, ay binubuo lamang ng
iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa maliit na
yunit o bahagi nang hindi masisira ang kahulugan. Hindi
morpema ang mga sumusunod na maaaring makuha sa
babae: be, e, baba, bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring
maibigay tayong kahulugan sa baba at aba ngunit gaya ng
naipaliwanag na, malayo na ang kahulugan ng mga ito sa
babae.
Aubrey Carla Sebastian &Melisa
Sibayan -Uri at anyo Ng morpema
Uri ng Morpema

1. Morpemang pangkayarian – ito ay walang tiyak na kahulugan


hanggat di naisasama sa iba pang morpema ,kailangan ito makita sa
Isang kayarian o konteksto upang magkaroon ng kahulugan.
 Halimbawa:PANGALAN,PANDIWA,PANG-ABAY

PANANDA-si,sina,ang mga,ang o mga


PANG-AKOP- na,ng
PANG-UKOL- alin sunod sa/kay,Ayon sa/kay
PANGATNIG-At,Subalit,Datapwat, Ngunit.
-ANG MAGKAKAIBIGAN NA SINA ANA,MARIE,JOSE,AT BENJIE
AY NAG PAPLANONG MAGKAROON NG SWIMMING SA
NALALAPIT NA BAKASYON
-AYON SA TAGAPAG-BALITA KAILANGAN NATIN MAG-INGAT
SA BAHA UPANG MAKAIWAS SA SAKIT NA DULOT NITO
 2. MORPEMANG PANGNILALAMAN O LEKSIKAL

-ITO AY MAY TIYAK NA KAHULUGAN AT KABILANG DITO AY


ANG PANGALAN,PANG-URI,PANG-HALIP,PANGABAY.
-ITO ANG MORPEMANG NAKAKATAYO NG MAG-ISA
SAPAGKAT ANG KANYANG KAHULUGAN AY HINDI NA
NANGANGAILANGAN NG IBA PANG SALITA.
Halimbawa

 PANGALAN:ASO,BASO,LIBRO,PAARALAN,TAO
 PANG-HALIP:SYA,IKAW,SILA,AKO
 PANDIWA:SUMAYAW,NANALO,KUMANTA
 PANG-ABAY,:MAGALING KUMANTA,TOTOONG
MAGANDA
 MAGALINGUMAWIT SI VIRGILIO KAYA SYA ANG
NANALO NG PALIGSAHAN SA KANILANG
BARANGAY NILA..
Anyo ng Morpema
1. Morpemang ponema – ito ay ang paggamit ng
makahulugang tunog o ponema sa Filipino na
nagpapakilala ng gender o kasarian.
2. Halimbawa: propesor at propesora
Nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng {-a} sa
pusisyong pinal ng ikalawang salita.
Iba pang halimbawa:
Doktora – {doktor} at {-a}
Senyora – {senyor} at {-a}
 Plantsadora– {plantsador} at {-a}
 Kargadora – {kargador} at {-a}
 Senadora – {senador} at {-a}

 Ang mga salitang ito ay binubuo lamang ng tig-iisang morpema,


{maestro} at {maestra}. Ang mga ponemang {-o} at {-a} na
ikinakabit ay hindi mga morpema. Dahil wala naman tayong mga
salitang {maestr} at sasabihing morpemang {-o} at {-a} ang
ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang panlalaki at ganoon din sa
pambabae.
 Bombero – na hindi {bomber} at {-o} o {-a}
 Kusinero – na hindi {kusiner} at {-o} o {-a}
 Abugado – na hindi {abugad} at (-o} o {-a}

 2. Morpemang salitang-ugat (su) – ang mga morpemang


binubuo ng salitang-ugat ay mga salitang payak, mga
salitang walang panlapi. Halimbawa: tao, silya, druga,
payong, jet, pagod, tuwa, pula, liit, taas, basa, laro,
aral, kain, sulat
 3. Morpemang Panlapi – ito ang mga morpemang
ikinakabit sa salitang-ugat. Ang mga panlapi ay may
kahulugang taglay, kaya’t bawat isa ay isang morpema.
Halimbawa, ang panlaping {-um-} ay may kahulugan
“pagganap sa kilos na isinasaad ng salitang-ugat.
 UNLAPI
 Unlapi + Salitang-Ugat = Salita
 Um- + asa = umasa
 Mag- + aral = mag-aral
 GITLAPI
 Gitlapi + Salitang-Ugat= Salita
 Um- + basa = bumasa.
 -in- + sulat = sinulat
 HULAPI
 Salitang-Ugat + Hulapi = Salita
 Basa + -hin = basahin
 Gupit + -an = gupitan
 KABILAAN
 Unlapi + Salitang-Ugat + Hulapi = Salita
 Ka- + laya + -an = kalayaan
 Mag- + mahal + -an = magmahalan
 LAGUHAN
 Unlapi + Gitlapi + Salitang-Ugat + Hulapi= Salita
 Pag- -um- + sikap + -an =
pagsumikapan
 Mag- -in- + dugo + -an =
magdinuguan
G.SINTAKSIS

Anna Liza Tanique Cruz Angel A. Soriano-


KAYARIAN, URI, AT ANYO NG
PANGUNGUSAP
KAHULUGAN NG PANGUNGUSAP
  Ang pangungusap ay tumutukoy sa salita o lipon ng
mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa. Ito’y
nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas. Ang
bantas ay depende sa uri ng pangungusap. Ito’y binubuo
rin ng simuno at panaguri. Ang simuno ang pinag-uusapan
at ang panaguri ang nagsasaad ng tungkol sa simuno.
KAYARIAN AT ANYO NG
PANGUNGUSAP
  Marami sa mga aralin sa ilalim ng asignaturang
Filipino ay tungkol sa pangungusap. Ito ay dahil marami
itong iba’t ibang uri kaya maraming topikong sangay.
 Sa elementarya, isa sa mga topikong itinatalakay
tungkol sa pangungusap ay ang apat na ka-anyuan nito.
Ang pangungusap ay maaaring payak, tambalan,
hugnayan, o langkapan.
 Saartikulong ito, ating tatalakayin ang apat(4) na anyo at
kayarian ng pangungusap, at ang kanilang mga kahulugan.
Magbibigay rin tayo ng mga halimbawa sa ilalim ng bawat
anyo.
 PAYAK
 Ang payak na pangungusap ay nagbibigay ng isang buong
kaisipan. It ay may payak na paksa at payak na panaguri.
Mga Halimbawa:
  Umalis ng maaga si Manuel.
 Kinain ni Julian ang tinapay sa mesa.
 Bumili ng bagong aklat si Simon.
 TAMBALAN
 Ang tambalan na pangungusap ay binubuo ng dalawa
o higit pang malayang sugnay o sugnay na makapag-
iisa. Kadalasan, ang dalawang pangungusap ay
dinudugtong ng mga pangatnig tulad ng at, ngunit,
habang, at subalit.
Mga Halimbawa:
  Pumunta ng paaralan si nanay habang nagtrabaho naman si
tatay.
 Aalis sana papuntang Palawan sina Demetry at Flor ngunit
hindi pumayag ang kanilang mga magulang.
 Naghanda ng maiinom si Jessy at si Lolie naman ay nagluto
ng makakain.
 HUGNAYAN
 Ang hugnayan na anyo ng pangungusap ay binubuo ng isang
malayang sugnay o sugnay na makapag-iisa at isang di-malayang
sugnay o sugnay na di makapag-iisa. Kadalasan, ang “kung” ay
ginagamit pandugtong sa dalawang sugnay.
Mga Halimbawa:
  Kung hindi man ngayon, baka bukas magbabayad na
siya.
  Kung umalis siya ng maaga, malamang nakarating na
siya sa Quezon ngayon
 Hindi mo rin maabutan si Lexi kung pumunta ka.
 LANGKAPAN
 Ang pangungusap na langkapan ay binubuo ng dalawang
sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-
iisa.
Mga Halimbawa:


Maglalaba ka sa umaga at maglilinis ng bahay sa hapon

upang maihanda ito para sa mga bisita.


Pupunta ng parke si Jonathan at bibili ng mga bulaklak kung
hindi uulan mamaya.
Biniyayaan sina Angel at Mike habang nanalo naman ng
patimpalak si Jason kahit kapos silang tatlo sa pera.
URI NG PANGUNGUSAP
PASALAYSAY
Pangungusap na naglalahad ng isang katotohanang bagay.
Nagtatapos ito sa tuldok.
Mga Halimbawa:
  Nakatulog si Abby habang nagbabasa ng aklat.
 Nagising siyang parang iba ang paligid.
 PAUTOS
 Pangungusap na nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok.
 Mga Halimbawa:
 Saan kaya ako naroroon?
 Kumusta ang mga inaalagaan ninyo? Punong Nars?
 PADAMDAM
 Ito
ay pangungusap na patanong kung nagtatanong.
Nagtatapos ito sa tandang pananong.
 Mga Halimbawa:
 Aba, parang may prusisyon!
 Hala, tawagin ang mga sundalo!
Maylyn tubieron & Jashley Villamil-
Istrukturang panglinggwistika
ISTRUKTURANG
PANGLINGGWISTIKA
 BAHAGI NG PANGUNGUSAP
 PAKSA
- Maaaring ang paksa ay Lugar o pook na ganapan ng
Kilos sa pandiwa.
- Maaaring tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari sa
gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad
sa pandiwa.
 HALIMBAWA:
 Nag-aalaga si Ana ng baboy at manok.
 Ang ating mga “BAYANI” ay nagmamahal sa bayan.
 MGA URI NG PAKSA
 1. PAKSANG PANGALAN
- Ay mga pangalan na ginagamit na paksa sa
pangungusap.
 2. PAKSANG PANGHALIP
- Sinasabing ang pangungusap ay mayroong Paksang
Panghalip kung ang paksa nito ay nagtataglay ng
panghalip panao sa anyo tulad ng Ako, Siya, Kami, Kita.
 3. PAKSANG PANG-URI
- Nagsaaad ng katangian o mga salitang naglalarawan.
 4. PAKSANG PANG-ABAY
- Kadalasang pinangungunahan ng Panandaang ANG.
 5. PAKSANG PANDIWA
- Nagbibigay buhay sa pangungusap dahil nagsasaad ito
ng Kilos o Galaw ng isang Tao, Bagay, o Hayop.
6. PAKSANG PAWATAS O
 BATAYAN NG PANGUNGUSAP
- Ang pandiwa ay nasa pawatas na anyo na kung ito ay wala pang implikasyon o pagbabago

upang ihayag o ipakita ang aspekto
nito.
PANAGURI

- Ito ay ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay kaalaman o impormasyon tungkol sa

paksa.
MGA URI NG PANAGURI

1. PANAGURING PANGALAN

- Ang pangngalang ginagamit sa panaguri ay nagpapakilala kung sino ang simuno.

2. PANAGURING PANGHALIP
- Ang panghalip ay ginagamit ding panaguri.
 3. PANAGURING PANG-URI
- Bukod sa pandiwa, ang pang-uri ay malimit ding
gamitin sa panaguri.
 4. PANAGURING PANDIWA
- Karaniwan sa panaguri ng pangungusap ay pandiwa.
 5. PANAGURING PANG-ABAY
- Pang-abay ang panaguri sa pangungusap
 6. PANAGURING PANGWATAS
- Nasa anyong pawatas ang panaguri ng pangungusap.
 BAHAGI NG PANGUNGUSAP
 1. SIMUNO O PAKSA
- Bahagi ng pinag-uusapan sa pangungusap.
 A. PAYAK NA SIMUNO
- Ang pangalan, panghalip, pang-uri o pandiwang pinag-
uusapan sa pangungusap.
 B. BUONG SIMUNO
- Ang payak na simuno kasama ang iba pang salita o
panaguri.
 2. PANAGURI
 Bahagi na nagsasabi tungkol sa simuno ng pangungusap.
 A. PAYAK NA PANAGURI
- Ang pangalan, panghalip o pandiwang nagsasabi
tungkol sa simuno.
 B. BUONG PANAGURI
- Ang payak na pang-uri kasama ang iba pang salita o
panuring.
 PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP
 1. MGA PANINGIT O INGKLITIK
- Katagang isinasama sa pangungusap upang higit na
maging malinaw ang kahulugan nito.
 A. Unang salitang may diin + PANINGIT.
 A. Ang Bata ay tawagin mo.
 B. Hindi man kayo matuloy ay dapat kang maghanda.
 PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP
 1. PANINGIT O INGKLITIK
 HALIMBAWA:
 Ba na ho po
 Ka Naman lamang/lang Sana
 Kaya nga man tuloy
 2. MGA PANURING BILANG PAMPALAWAK
 A. PANG-URI
- Panuri sa pangalan o panghalip pagpapalawak sa
pamamagitan ng pariralang pang-uri.
 B. PANG-ABAY
- Panuri sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
 C. KAGANAPAN NG PANDIWA BILANG
- Ganapan ng kilos, Kagamitan sa kilos, Sanhi.
Maraming salamat
po sa pakikinig!

You might also like