You are on page 1of 18

Modyul 3-Aralin 2

COR8
INTRODUKSYON SA REAKSYONG PAPEL
Kasanayang Pampagkatuto

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:


a. Kalinawan b. Kaugnayan c. Bisa Sa reaksyong papel na isinulat
Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa
katangian at kabuluhan nito sa:
a. Sarili b. Pamilya c. Komunidad d. Bansa e. Daigdig
ANO ANG REAKSYON?

Ito ay ang damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon,


pagsalungat, pagkatuwa o pagkadismaya matapos
makita, malaman, marinig o mapanood ang isang bagay
na may halaga sa isang organismo kagaya ng tao.
Paano tayo nagsusulat o
nagbibigay ng Reaksyon?

Sa mga bagay na naoobserbahan natin sa ating


paigid, sa mga napanood natin sa iba’t ibang uri ng
media, maging sa mga taong nakakasalamuha natin
Paano tayo nagsusulat o
nagbibigay ng Reaksyon?

Kung minsan, nagiging paksa pa ito ng ating istatus


sa mga social networking site, o kaya naman ay
naibabahagi natin sa ating mga kapamilya, kaibigan
at kakilala.
Paano tayo nagsusulat o
nagbibigay ng Reaksyon?

Maaaring bunga ng mga kaalaman natin sa iba’t


ibang kaasalan, gawi at tradisyon.
Paano tayo nagsusulat o
nagbibigay ng Reaksyon?

Para rin sa ninanais na panlipunang pagbabago,


dahil binibigyang-diin sa ganiting anggulo ang mga
paksa hinggil sa isyu sa lipunan, ekonomiya at
politika.
kahulugan ng reaksyong papel
Ito ay bahagi na ng mga gawain ng mga mag-aaral,
sapagkat nagiging mabisang gawain sa paglinang ng
kanilang kakayahang magsuri ng anumang materyales
gaya ng eksto, pelikula, programang pantelebisyon, at
dulang pantanghalan.
kahulugan ng reaksyong papel

Paglalahad ng makatarungan, patas, o balanseng


paghuhusga sa mga sitwasyong may kinalaman sa mga
tao, bagay, pook at mga pangyayari. Ayon kay Unit
(2003), ang pagsusuri ay hindi lamang nakatuon sa
magagandang puntos ng kung anumang sinusuri.
kATANGIAN ng reaksyong papel

Malinaw magkaka-
ugnay

pagbibigay
tiyak -diin
KATANGIAN NG REAKSYONG
PAPEL (MALINAW)
Maituturing na malinaw kung ito ay agad na
mauunawaan ng mambabasa. Mahalagang gumamit ng
mga salitang tiyak at tuwirang maghahatid ng mensahe
at nakaayos sa pamamaraang madaling masusundan ng
mambabasa.
KATANGIAN NG REAKSYONG
PAPEL (TIYAK)

Nararapat na ang nagsuri ay magagawang


mapanindigan ang kaniyang mga inilahad.
KATANGIAN NG REAKSYONG
PAPEL (MAGkakaugnay)

Sa anumang paglalahad, mahalaga ang maayos na daloy


ng kaisipan.
KATANGIAN NG REAKSYONG
PAPEL (PAGBIBIGAY-DIIN)

Hindi kailangang matakpan ang pangunahing ideya.


Dapat mabigyang diin ang pangunahing kaisipang tuon
ng paglalahad.
KAHALAGAHAN NG REAKSYONG
PAPEL
•Nakikita ang kalakasan at kahinaan ng akdang sinuri
•Nabibigyang katwiran ang sariling reaksyon
•Nakikilala ang sariling pagkatao at sariling kakayahan
sa pagbuo ng mga kaisipan
•Namumulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa
lipunan.
TANDAAN!

Ang bawat tao ay may kalayaang magpahayag lalo na


ng ating mga sariling opinyon at reaksiyon. Subalit
palaging pag-isipang mabuti ang mga reaksiyong
isusulat kung ito ba ay makatutulong sa pagpapabuti ng
ating sarili, pamilya komunidad, bansa at daigdig.
katanugan?
MARAMING SALAMAT SA
MARAMING SALAMAT!
PAKIKINIG!

You might also like