You are on page 1of 12

4

laa
n
L I
ah
a
I BI
B
am P GB
ri n NA
g

Pa
g -aa
I PI
D I

Araling Panlipunan
N
HI

Ikatlong Markahan - Modyul 4: Linggo 4


Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng
Edukasyon sa Bansa

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Modyul 3: Ang Mga Paglilingkod ng Pamahalaan
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Development Team of the Module

Author: Cherrylyn G. Antonio

Editor: Nicolasa R.Taronzon

Reviewers: Cecilia E. Ingotan, PSDS


Chona H. Dilangen
Susan I. Alavanza

Illustrator: Fernando A. Ombayan

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent

Members:
Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Ruel C. Duran, EPS – Araling Panlipunan
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This Self Learning Module (SLM) is for educational
purposes only. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to
those who have made significant contributions to this module.

1
4
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 4: Linggo 4
Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng
Edukasyon sa Bansa

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
Alamin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo nang gawin


ang sumusunod:

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Masasabi ang mga pamamaraan sa pagpapaunlad ng


edukasyon sa bansa

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang mga


sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagsasanay at


pagtataya

• Sagutin ang lahat na pagsasanay at pagtataya

Tuklasin

Meron akong larawang ipapakita sa inyo.

https://www.google.com/search?q=masayang+pamilyang+pilipi
https://www.google.com/search?q=graduated++doctor+in+ no&tbm=isch&hl=en&chips=q:masayang+pamilyang+pilipino,g_
the+philippines+in+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUK 1:larawan:29hYZKmVWUo%3D&bih=608&biw=1349&hl=en&ve
Ewie5qP3ktHqAhVG15QKHaRaAMYQ2cCegQIABAA&oq d=2ahUKEwiL5OmMltHqAhVFUpQKHbV9CAcQ4lYoAHoECAE
=graduated++doctor+in+the+philippines+in+public+domain QCw#imgrc=tuTzfuhNIPiMLM&imgdii=SlmVqWRY2NticM
&gs_lcp=CgNpbWcQA1CQEVidK2CktwNoAHAAeACAAZ
sEiAHMB5IBBzAuMy41LTGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6L
WltZw&sclient=img&ei=IfQPX97RMcau0wSktYGwDA&bih
=657&biw=1349&hl=en

3
https://www.google.com/search?q=graduated+nur
se+in+the+philippines+in+public+domain&tbm=isc
h&ved=2ahUKEwjoqM3zkNHqAhUJvJQKHYiRC8
sQ2cCegQIABAA&oq=graduated+nurse+in+the+p
hilippines+in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQ
A1CYngNYh7wDYMvAA2gAcAB4AoABlgmIAZwb
kgEPMC41LjEuMC4xLjAuMS4xmAEAoAEBqgEL
Z3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=AfIPX6ikDon4
1. Ano ang nakikita ninyo sa 0gSIo67YDA&bih=657&biw=1349&hl=en#imgrc=
MML1-d-jJjo9oM
larawang ito?

_____________________________________________________

2. Ano pa? ___________________________________________

3. Ano ang nakikita ninyo sa pangalawang larawan?

https://www.google.com/search?q=garbage+collector+in+the+philippines+in+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwiKtbyQlNHqAhURTZQKHQeJCsIQ
2cCegQIABAA&oq=garbage+collector+in+the+philippines+in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQA1DuhAFYn8ABYMjCAWgAcAB4AYAB9gSIAZ4vkgE
MMC4yOC4zLjIuMS4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=Y_UPX8r3BJGa0QSHkqqQDA&bih=657&biw=1349&hl=en#imgrc=GVPnQG
bv4gN7_M&imgdii=C4j4XrIeItdiHM

4. Sa dalawang larawang ipinakita ko sa inyo. Ilang uri ng katayuan sa


buhay ang nakikita ninyo? ________________________________

5. Bakit kaya nagkarooon ng magandang buhay ang nasa unang


larawan?____________________________________________

6. Bakit sa pangalawang larawan ay naghihirap ang mga tao?


___________________________________________________
7. Gusto mo bang magaya sa pangalawang larawan?
___________________________________________________

Sa panahon ngayon marami nang programa ang gobyerno para tayo ay


makapagtapos ng pag aaral na walang bayad. Gusto mo bang malaman ang mga
paraan sa pagpapaunlad ng edukasyon?

4
Suriin

Masasabi mo ba ang mga pamamaraan sa pagpapaunlad ng edukasyon sa ating


bansa? _______________________________
Maitataguyod ba kaya ang kahalagahan ng edukasyon sa bansa?

Ngayon ay sasabihin ko sa iyo ang mga paraan ng pagpapaunlad ng


edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng mga programang ito.

Tuunan mo ng oras sa pagbabasa ang nilalaman ng araling ito at unawaing


mabuti para makasagot sa mga gawain.

Isang mahalagang salik ang edukasyon sa pag-unlad ng mamamayan at sa


pagsulong ng isang bansa at mahalagang salik din ito sa pag-unlad ng istandard
ng pamumuhay ng bawat mamamayang nakapag-aral .Natutugunan ang
pangangailangan sa pagkatuto ng mga mamamayan sa pamamagitan ng iba-ibang
programang pang-edukasyon ng pamahalaan.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nagtataguyod ng Edukasyon para sa


Lahat (Education for All) na naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng
bawat Pilipino, bata man o matanda. Bilang tugon sa pandaigdigang programang
ito at sa pambansang pangangailangan na mapaunlad ang sistema ng edukasyon
sa bansa, may mga programa sa edukasyon na ipinatupad ang pamahalaan.
Nangunguna sa mga ito ang K-12 Basic Education Program o kilalang Kinder to
Grade 12 Program. Nilalayon nitong magkaroon ang mga mag-aaral ng lubos at
tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga batayang kasanayan, at magkaroon ng kahandaan
sa kolehiyo o pag-eempleyo.

May mga Day Care Center din sa maraming barangay na nangangalaga sa


mga batang nag-uumpisa pa lamang matuto. May kapatid ka bang nag aaral na
Day Care?

Ang Day Care Center ay isa sa mga programa ng pamahalaan sa bawat


barangay.

May programa rin para sa mga out-of-school youth (OSY) o yaong mga
nahinto sa pag-aaral na pinapangalagaan naman ng Kagarawaran ng Edukasyon
sa pamamagitan ng programa nitong Abot-alam. Layunin ng programang ito na
mabawasan ang mga OSY at maihanda sila sa pagnenegosyo o pag- eempleyo.
Binibigyan sila ng pagkakataong makapag-aral muli sa pamamagitan ng Alternative
Learning System o (ALS) sa mga oras at araw na libre sila o di naghahanapbuhay.

Pinaiigting din ang mga programa sa edukasyon para sa mga Indigenous


People (IP) o mga katutubo nating mamamayan. Maliban sa literasi, layunin ding
mapangalagaan at mapagyaman ang kultura ng mga IP.

5
Pinalalaganap din ng pamahalaan ang mga programa nito sa iskolarsyip
para sa mahuhusay na mag-aaral ngunit walang sapat na panustos sa pag -aaral.

Pinaniwalaang ang tao ay isang malaking yaman ng bansa. Kaya kailangang


malusog di-lamang ang pisikal na pangangatawan, kundi gayundin ang kaniyang
kaalaman sa pamamagitan ng pagkatuto o edukasyon at pagsasanay.
Mahahalagang saligan ang mga ito ng pagsulong ng bansa sa larangan ng
ekonomiya.

Pagyamanin

Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga programa ng


pamahalaan sa Edukasyon. Maaari mo itong dagdagan ng
iba pang programang iyong nalalaman.

Mga
Programang
Edukasyon

6
Isaisip

Panuto: Basahin ang mga tanong sa ibaba at piliin ang tamang


kaisipan sa loob ng kahon at titik lamang ang Isulat sa iyong
activity notebook.

A. K-12 Basic Education Program


B. Programa sa edukasyon na naglalayong maitaguyod
ang kapakanang pang-edukasyon ng mamamayan
C. Pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan sa
larangan ng edukasyon
D. Edukasyon para mga Indigeneous People (IP) o mga
katutubong mamamayan
E. Alternative Learning Sytem

1. Ano ang tungkulin ng pamahalaan?


Sagot: Tungkulin ng pamahalaan na ________________________.

2. Ano ang isang programang naglalayong makamit ng bawat mag-


aral ang kasanayang kailangan nila sa pag-aaral, pagpasok sa
kolehiyo, pag-empleyo o pagiging entreprenyur.
Sagot: Ang __________________________________ ay isang
programang naglalayong makamit ng bawat mag- aral ang
kasanayang kailangan nia sa pag-aaral, pagpasok sa
kolehiyo, pag-empleyo o pagiging entreprenyur.

3. Saan binibigyan ng pagkakataong makapag-aral muli ang mga


Out-of-School Youth (OSY)?
Sagot: Binibigyan sila ng pagkakataong makapag-aral sa
pamamamgitan ng_______________________________

4. Kanino inilaan ang programang literasi at iskolarsyip


para sa mahusay na mga-aaral ngunit walang sapat na panustos
sa pag- aaral?
Sagot: Para sa ________________________________________

5. Paano maitataguyod ng pamahalaan ang mga programa sa


Edukasyon?
Sagot: May itinataguyod na mga __________________________

Isagawa

7
Panuto: Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang, ano ang iyon
gagawin upang lubos na mapakinabangan ang mga
programa sa edukasyon ng pamahalaan? Kopyahin ang
kahon sa ibaba at isulat dito ang iyong gagawin. Gawin ito
bilang isang pangako.

Ang Aking Pangako

Tayahin

Panuto: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat


kalagayan. Isulat ito sa activity notebook.
1. Nag-anunsiyo ang Kapitan sa inyong barangay na maaari nang
magpalista sa inyong paaralan ng mga nais pumasok sa kinder.
may kapatid kang anim na taong gulang.
A. Sasabihin sa magulang ang anunsiyo.
B. Ipagpatuloy ang ginawa na parang walang narinig.
C. Hihikayatin ang magulang na ipalista na ang kapatid.
D. Hindi papansinin ang sinabi total bata pa naman ang kapatid.
2. Nahinto sa pag-aaral ang iyong kuya. Natutunan mo sa paaralan na
may programa sa edukasyon para sa mga nahinto ng pag-aaral.
A. Hindi na lamang papansinin dahil magastos ito.
B. Hayaan na lamang ang iyong kuya dahil matanda na siya.
C. Alamin sa guro kung kanino magtatanong dahil alam mong
interesado ang iyong kuya.
D. Hindi na sasabihin sa kuya total namamasukan na siya sa
karinderya.
3. Nangangailangan ng mga boluntaryo para sa pagpapakain sa mga
bata sa inyong day care center sa araw ng Sabado.
A. Hindi ako pupunta dahil mapapagod ako.
B. Ipagpatuloy ko na lamang ang paglalaro ko.
C. Tutulong ako kung ano man ang kaya kong gawin.
D. Hindi na ako pupunta dahil hindi rin siguro ako bibigyan ng
gagawin.

8
4. Isang katutubo ang iyong kalaro. Sinasabi niya sa iyo ang tungkol
sa kanilang mga paniniwala na natutunan niya sa kaniyang pag-
aaral.
A. Magkukunyari akong nakikinig.
B. Sasabihin kong maglaro na lamang kami.
C. Makikinig ako para may matutunan din ako.
D. Sasabihin ko kung ano ang mga ayaw ko sa mga gawi nila.
5. Para makarating sa paaralan, naglalakad si Lolit at ang kaniyang
dalawang kapitbahay nang isang oras. Kung ikaw si Lolit, gagawin
mo rin ba ang kaniyang ginagawa?
A. Tutulong na lamang ako sa mga gawain sa bahay.
B. Gagawin ko dahil nais kong makapagtapos ng pag-aaral.
C. Yayayain ko ang aking mga kaklase na lumiban sa klase.
D. Maaaring tamarin akong pumasok dahil mahirap maglakad.
6. Ang programa na naglalayong makamit ng mag-aaral ang mga
kasanayang kailangan niya sa pag-aaral , pagpasok sa kolehiyo at
pag- eempleyo.
A. DSWD C. Out-of-School Youth
B. Indigeneous People D. K-12 Basic Education Program
7. Para kanino ang programa sa edukasyon na maliban sa literasi,
layunin ding mapangalagaan at mapagyamanin ang kultura ng mga
IP?
A. Day Care C. Out-of-school-Youth
B. Indigeneous People D. K-12 Basic Education Program
8. Isa sa mga programang edukasyon ng pamahalaan sa bawat
barangay na mangangalaga sa mga batang nag-uumpisa pa
lamang matuto.
A. Day Care C. Out-of-school Youth
B. Indigeneous People D. Alternative Learning System
9. Bakit itinataguyod ng Pilipinas ang Edukasyon para sa Lahat
(Education for All)?
A.Upang mayroon silang programang naitaguyod
B. Upang ipagmayabang na ang lahat na Pilipino ay nakapag-aral
C. Upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bawat Pilipino,
bata o matanda.
D. Upang ipakita na matalino at magaling ang mga Pilpino
pagdating sa edukasyon.
10. Saan binibigyan ng pagkakaton na makapag-aral muli ang mga
Out-of-School Youth sa mga oras at araw na libre sila o di
naghahanapbuhay?
A. Day Care C. Alternative Learning System
B. TESDA D. K-12 Basic Education Program

9
10
Sanggunian:
Pagmayanin
Tuklasin K-12 Basic Education Program,
1. Isang pamilyang masayahin at nagkakaisa. libreng literasi at iskolarsyip para sa
mga IP o mga katutubong
2. Meron ding nakapagtapos ng pag-aaral kaya mamamayan,Programa sa Out-
naging isang doktor.
of-School Youth, Day Care,
3. Merong mga taong namumulot ng basura.
Programang Edukasyon para sa Lahat
4. Merong dalawang uri npo titser. Ang una ay (Education for All), Programang
maganda ang kanyang buhay dahil mayroon Abot-Alam at Alternative Learning
siyang magandang trabaho. Ang pangalawa
System
ay mahirap na buhay dahil namumulot
lamang sila ng basura.
Isagawa
5. Meron siyang magandang trabaho dahil siya Bilang mag-aaral sa Ikaapat na
ay nakapagtapos sa pag-aaral. Siya ay Baitang, sisikapin kong mag-aral
nagsumikap para matamasa niya ang
ng mabuti para makatapos sa
magandang buhay para sa sarili at sa pamilya
pag-aaral at magkaroon ako
buong bansa.
6. Mahirap ang kanilang buhay dahil siguro
hindi sila nabigyan ng pagkakataon na -Tatanggapin din ang ilang
makapag-aral. pangakong isusulat ng mag-aaral
Isaisip Tayahin
1. C 1. C 6. D
2. A 2. C 7. B
3. E 3. C 8. A
4. D 4. C 9. C
5. B 5. B 10. C
Susi sa Pagwawasto
https://www.google.com/search?q=seal+ng+department+of+health+in%20+publi
c+domain&oq=seal+ng+department+of+health++in+public+domain&aqs=ch
rome..69i57.22587j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

https://www.google.com/search?q=philhealth+in+public+domain&oq=phil&aqs=c
hrome.0.69i59j69i57j46l2j0l3.3901j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

https://www.google.com/search?q=programang+pangkalusugan+in
publicdomain&oq=programang+pangkalusugan+in+public+domain&aqs=chr
ome..69i57.14392j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

https://www.google.com/search?q=philhealth+in+public+domain&oq=phil&aqs=ch
rome.0.69i59j69i57j46l2j0l3.3901j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

https://www.google.com/search?q=pulis+in+public+domain&source=lnms&tbm=is
ch&sa=X&ved=2ahUKEwjb3PSI_cvqAhVWIIgKHd73CPkQ_AUoAXoECAsQ
Aw&biw=1366&bih=657

https://www.google.com/search?q=forest+in+public+domain&source=lnms&tbm=i
sch&sa=X&ved=2ahUKEwj59ILp5s7qAhVEFqYKHSQnBmgQ_AUoAXoECA
wQAw&biw=1366&bih=608#imgrc=iBE26_eB1tSerM

https://www.google.com/search?q=graduated+nurse+in+the+philippines+in+public
+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwjoqM3zkNHqAhUJvJQKHYiRC8sQ2cCe
gQIABAA&oq=graduated+nurse+in+the+philippines+in+public+domain&gs_l
cp=CgNpbWcQA1CYngNYh7wDYMvAA2gAcAB4AoABlgmIAZwbkgEPMC4
1LjEuMC4xLjAuMS4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=
AfIPX6ikDon40gSIo67YDA&bih=657&biw=1349&hl=en#imgrc=MML1-d-
jJjo9oM
https://www.google.com/search?q=graduated++doctor+in+the+philippines+in+pub
lic+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwie5qP3ktHqAhVG15QKHaRaAMYQ2c
CegQIABAA&oq=graduated++doctor+in+the+philippines+in+public+domain&
gs_lcp=CgNpbWcQA1CQEVidK2CktwNoAHAAeACAAZsEiAHMB5IBBzAuM
y41LTGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=IfQPX97RMcau
0wSktYGwDA&bih=657&biw=1349&hl=en

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

11

You might also like