You are on page 1of 14

Health 1 – Unang Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Mga Tamang Taong Hihingian ng Tulong


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o ​trademark,​ palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Health sa Unang Baitang ng Modyul
para sa araling ​Mga Tamang Taong Hihingian ng Tulong!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang ​5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa ​Health 1 Modyul ukol sa ​Mga Tamang Taong Hihingian
ng Tulong!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga
mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang psmpagkatuto ay
naiuugnay nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga​.​.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dto masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

A. nalalaman ang mga tamang taong hihingian ng


tulong.
B. naipapakita ang paraan nang paghingi ng tulong.
C. nakasusunod sa mga panuntunan sa bahay at
paaralan.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto:​ Ayusin ang mga letra sa​ Hanay​ ​A ​at itambal sa
tamang larawan sa ​Hanay B​.

​Hanay A Hanay B

​1. a y i d r w a u g _________

2. o r g u _________
3. a t o d n _________

4.​ r​ o t o k d

​5. dayniotr

https://www.google.com/search?q=deped%20learning%20materials%20images%20l
ost%20situatio

BALIK-ARAL

Kailan mo masasabi na kailangan mong humingi ng


tulong mula sa hindi kilalang tao​? ​Ano ang kahalagahan
nito​ ​para sa iyo​?

ARALIN
Sa ating komunidad ay may mga taong handang
tumulong sa ano mang pangyayari. Ang ating
pamahalaan ay may mga ahensya na inatasan para sa
iba’t ibang serbisyo para sa bayan.

Sila ay ang mga doctor, nars, guro, pulis, sundalo,


tanod, kapitan, bumbero at iba pang mga propesyon.
Dapat malaman natin kung kanino tayo lalapit para
humingi ng tulong. Dapat din matutunan ang pagiging
magalang sa paghingi ng tulong mula sa ibang tao.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto:​ Kulayan ng dilaw ang batang nagsasabi ng
tamang paraan ng paghingi ng tulong.

A. A.
B.

https://www.google.com/search?q=stick+man+or+woman&sxsrf=ALeKk036blExha7maOdhTv0cl5UV
7KNTFA:1594633765127&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj80_fY-cnqAhVHBogKHZDcD

FgQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657

Pagsasanay 2
Panuto:​ Lagyan ng ​tsek ang dapat na paraan ng
paghingi ng tulong at ekis ​ kung maling
paraan.

_____ 1. Sigawan ang guwardiya para tulungan


ka.
_____ 2. “Excuse me po kuya guard” nawawala
po kasi ang wallet ko.
_____ 3. Hoy! bakit ayaw mo akong tulungan.

_____ 4. “Mamang pulis tulungan niyo kami


kinuha po ang cellphone ng mama ko
ng isang bata.”
_____ 5. Magpasalamat sa taong tumulong.

Pagsasanay 3
Panuto: ​Isulat sa loob ng Bubble Talk kung paano ka
hihingi ng tulong sa tamang paraan.

PAGLALAHAT

Sa paanong paraan dapat humingi ng tulong mula


sa tamang taong dapat na tutulong​?
PAGPAPAHALAGA

Bakit mahalagang ipakita ang tamang paraan ng


paghingi ng tulong​?
Sino- sino ang mga tamang taong hihingian ng
tulong​?

Ano ang magandang naidudulot ng pagsunod sa


mga panuntunan sa bahay at paaralan​?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto:​ Piliin sa loob ng panaklong ang tamang sagot at


bilugan ito.

(dentista, pari ) 1. Masakit ang ngipin mo.

(guro, trapiko) 2. Tatawid ka sa “Pedestrian


Lane.”
(bumbero, nars) 3. Nakita mong nasusunog ang
bahay ng kapit-bahay niyo.

(guro, pulis ) 4. Nag-aaway ang dalawang


kaklase mo sa loob ng silid-
aralan.

(doktor,tanod) 5. May matandang ale na


naliligaw sa inyong barangay.

SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
https://www.google.com/search?q=stick+man+or+woman&sxsrf=ALeKk036blExha7maOdhTv0cl5UV
7KNTFA:1594633765127&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj80_fY-cnqAhVHBogKHZDcD
FgQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657
https://www.google.com/search?q=deped%20learning%20materials%20images%20lost%20situation
s&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=rimg%3ACa-oC31vqPpAYRvAk3VROsNp&ved=0CB0QuIIBahc

You might also like