You are on page 1of 15

Health 1 – Unang Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Sitwasyon Kapag Nararapat ng Humingi ng


Tulong Mula sa mga Hindi Kilalang Tao
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o ​trademark​, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Health sa Unang Baitang) ng Modyul
para sa araling ​Mga Sitwasyon Kapag Nararapat nang Humingi ng Tulong Mula sa
Hindi Kilalang Tao!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang ​5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa ​Health 1 Modyul ukol sa ​Mga Sitwasyon Kapag
Nararapat nang Humingi ng Tulong Mula sa Hindi Kilalang Tao!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga
mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang psmpagkatuto ay
naiuugnay nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga​.​.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dto masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

A. nalalaman ang mga sitwasyon kapag nararapat


nang humingi ng tulong mula sa hindi kilalang tao.
B. naibibigay ang sariling impormasyon tulad ng
pangalan at tirahan sa tamang tao.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto:​ Aling mga bagay ang maaaring makasakit o
magdulot ng kapahamakan​?​ Piliin ang mga ito at
iguhit sa bilang ang malungkot na mukha.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. 2.

3. 4.
5.

https://www.google.com/search?q=deped%20learning%20materials%20images%20lost%20situations&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=rimg

%3ACa-oC31vqPpAYRvAk3VROsNp&ved=0CB0QuIIBahc

BALIK-ARAL

Ano ano ang mga sanhi ng pagkakaroon ng


sunog​?
Paano ito maiiwasan​? Ano ang dapat gawin ng bawat
isa para mailigtas ang sarili​?

ARALIN
May mga pangyayari na hindi natin inaasahan. May
mga bagay na alam mo na magdudulot ng
kapahamakan na kung saan ay kailangan mo ng tulong
mula sa ibang tao, kakilala mo man o hindi.

Basahin ang halimbawa ng sitwasyon na kung saan


ay kailangang humingi ng tulong mula sa mga hindi
kilalang tao.

Naku!
Kahapon, pumunta kami sa palengke

Bumili kami ni nanay ng krayola;

Habang kami’y naglalakad,

Ako’y naglaro at tumakbo palayo.

Hindi ko na makita si nanay.

Naku! Nawawala ako! Nanay, nasaan ka na​?

Sagutin natin ang bawat tanong.

1. Sino ang nagpunta sa palengke​?


2. Ano ang binili nila sa palengke​?
3. Ano ang nangyari habang sila ay
naglalakad​?
4. Kung ikaw ang bata sa kwento ano ang
iyong gagawin​?

Sa ganitong pagkakataon ay kailangan na humingi


ng tulong mula sa ating kapwa. Ngunit laging tandaan
na dapat sa mapagkakatiwalaang tao lamang lumapit o
humingi ng tulong. Laging magdala ng ID para agad
makilala.
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto:​ Aling larawan ang nagpapakita ng sitwasyon na
nararapat nang humingi ng tulong mula sa mga
hindi kilalang tao​?​ Piliin ang letra ng tamang
sagot. Gawin ito sa inyong kuwaderno.

A.
B.

C. D.
E. F.

https://drive.google.com/drive/folders/17O23ZKf_aAv8ktt4WpBdqFJQ0o9x70LM?fbclid=IwAR0cvkNvYY5-ww3Q1jy67tqpd_rLCD-iZ5mQD4
e1hBL5TYMzz473ikeJcAs

https://www.google.com/search?q=deped%20learning%20materials%20images%20lost%20situations&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=rimg

%3ACa-oC31vqPpAYRvAk3VROsNp&ved=0CB0QuIIBahc

Pagsasanay 2
Panuto:​ Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin kung alin sa
mga ito ang kailangan ng tulong mula sa ibang
tao. Ipaliwanag kung bakit.

A. Naiwan ni Karla ang kanyang bag sa traysikel.


Ngunit agad umalis ang drayber nito at hindi
na niya nakita.
B. Naglalakad si Ramon nang bigla siyang
madapa dahil hindi niya napansin ang kahoy
na nakaharang sa daan.
Pagsasanay 3
Panuto: ​Sagutin kung ano ang iyong gagawin kapag
ganito ang sitwasyon. Magpapatulong sa inyong
magulang para maipaliwanag ng maayos at
bilang gabay sa iyo.

● Kung ikaw ay naiwan sa isang mall o


grocery. Ano ang iyong gagawin​?
PAGLALAHAT

Ano ang dapat tandaan sa paghingi ng tulong mula


sa hindi kilalang tao​?

PAGPAPAHALAGA

Bakit mahalagang humingi ng tulong mula sa hindi


mo kilalang tao​?
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto:​ Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Isulat
ang ​Oo​ o ​Hindi ​sa kuwaderno.

1. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng isang


bote ng mantika. Habang naglalakad ka ay
bigla mo itong nabitawan at nabasag. Dapat
ka bang humingi ng tulong​?

2. Pauwi na kayo ng iyong pinsan galling


paaralan. Sa Pedestrian Lane ay hindi kayo
makatawid dahil hindi humihinto ang mga
sasakyan kaya natakot kayo​?​ Dapat bang
humingi ng tulong​?

3. Nakita mo sa kanto ang isang matandang


lalaki na may hawak na cellphone. Biglang
may lumapit na binatilyo at kinuha ito. Mabilis
na tumakbo ang binatilyo at hindi mo Nakita
kung saan nagpunta. Dapat bang humingi ng
tulong​?

4. Pagkatapos ng hapunan ay sinabi ng tatay mo


na ikaw muna ang maghugas ng mga
pinagkainan dahil may sakit ang ate mo.
Nakita mo na maraming huhugasang
pinagkainan. Dapat bang humingi ng tulong​?
5. Abala ang lahat sa inyong bahay. Bigla mong
napansin na may usok mula sa inyong kusina.
Dapat bang humingi ng tulong​?

SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

https://drive.google.com/drive/folders/17O23ZKf_aAv8ktt4WpBdqFJQ0o9x70LM?fbclid=IwAR0cvkN
vYY5-ww3Q1jy67tqpd_rLCD-iZ5mQD4e1hBL5TYMzz473ikeJcAs
https://www.google.com/search?q=deped%20learning%20materials%20images%20lost%20situation
s&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=rimg%3ACa-oC31vqPpAYRvAk3VROsNp&ved=0CB0QuIIBahc

https://drive.google.com/file/d/0ByXSng7pT9lmd2VoVzFNZS1UVTQ/view

You might also like