You are on page 1of 15

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Kahulugan at Kahalagahan ng
Ekonomiks

i
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Germelina V. Rozon


Editor: Divina May S. Medez
Tagasuri: Gemma F. Depositario, Ed.D.
Tagaguhit: Mark Dave M. Vendiola
Tagalapat: Edsel Mari A. Uy
Aileen Rose N. Cruz
Vanesa R. Deleña
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez TM, EdD, PhD Maricel S. Rasid
Joelyza M. Arcilla EdD Elmar L. Cabrera
Marcelo K. Palispis EdD
Nilita L. Ragay EdD
Adolf P. Aguilar EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Alamin
Sa modyul na ito ay matutunan mo ang mga Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
kasama na dito ang mga mahahalagang konsepto na dapat mong matutunan sa ekonomiks
upang mailalapat mo ito sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, bilang
kasapi ng pamilya at lipunan.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

Most Essential Learning Competency:


Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang
isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan. AP9MKE-Ia-1

K - Natutukoy ang kahulugan ng ekonomiks upang mailapat sa pang-araw-araw na


pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan.
S - Nakagagawa ng isang mind map at grapikong paglalarawan sa paglalahad ng mga
ideyatungkol sa kahulugan at konsepto ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan.
A - Napahahalagahan ang ekonomiks sa pamamagitan ng pagsulat ng repleksiyon sa
kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral,
at kasapi ng pamilya at lipunan.

Subukin
Direksyon: Basahin nang mabuti ang bawat item o aytem at piliin lamang ang letra ng tamang
sagot. Gamitin ang iyong notebook o kuwaderno upang isulat ang iyong mga sagot.

1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang
ibig sabihin ay:
A. pamamahala ng negosyo. C. pamamahala ng tahanan.
B. pakikipagkalakalan. D. pagtitipid.

2. Ito ang tawag sa kaisipan kung saan natatamo ang benepisyo o pakinabang ng isang
produkto o serbisyo sa bawat karagdagang gastusin.
A. Opportunity cost C. Incentives
B. Marginal thinking D. Trade-off

3. Alin sa mga konsepto ng ekonomiks ang inilalarawan kung magbibigay ng karagdagang


allowance para nagawang magandang serbisyo.
A. Opportunity Cost C. Marginal thinking
B. Trade-off D. Incentives

1
4. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tamang kaisipan tungkol sa kahulugan ng
ekonomiks?
A. Tumutukoy ito sa pamamahala ng mga pangangailangan ng tao at sa
pangangasiwa ng kaniyang pinagkukunang-yaman.
B. Galing sa salitang latin ang salitang ekonomiks.
C. Ang konsyumer lamang ang pangunahing pokus nito.
D. Walang kinalaman ang pamahalaan sap ag-aaral nito.

5. Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa


bawat paggawa ng desisyon?
A. Opportunity Cost C. Marginal Thinking
B. Trade-off D. Incentives

6. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:


A. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang
kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
B. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
C. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
D. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.

7. Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanitili ang kanilang buhay at
kalusugan sa araw-araw ay itinuturing na:
A. luhong pangkatawan C. hilig-pantao
B. pangunahing pangangailangan D. sekundaryong pangangailangan

8. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay:


A. labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting
pangangailangan at hilig-pantao.
B. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga
pangangailangan at hilig-pantao.
C. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
D. pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.

9. Ito ang pamamaraan o mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman sa


iba’t ibang gamit upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa lipunan.
A. produksyon C. imbensyon
B. alokasyon D. kalkulasyon

10. Dalawa ang pangunahing sangay ng pag-aaral ng ekonomiks. Ang una ay tumutukoy sa
pagpapalago ng produkto at kita ng pamilya o bahay-kalakal. Ano ang tawag sa sangay
na ito?
A. makro-ekonomiks C. makro-enterprays
B. maykro-enterprays D. maykro-ekonomiks

Binabati kita at natapos mo ang panimulang pagsusulit. Kung hindi mo nasagutang lahat
ang mga aytem, huwag mangamba. Pag-aaralan mong mabuti ang mga paksang hindi
malinaw sa iyo sa mga aralin sa modyul.

2
Balikan
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Tukuyin kung ano ang ipinahiwatig na konsepto nang
nasa larawan. Gamiting gabay ang hindi buo na salita sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.

1. E _ _ N _ _ _ _ A 3. K _ _ U _ T _ _ A N

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2F
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%
image.slidesharecdn.com%2Fdemoteaching-
3A%2F%2Fwww.africanexponent.com%2Fpost 170227085850%2F95%2Fpangangailangan-at-kagustuhan-
%2Fthe-6-fastest-growing-economies-in-africa- 1-
36&psig=AOvVaw3N1jaCVBTAiQhpDTHCWO- 638.jpg%3Fcb%3D1488186388&imgrefurl=https%3A%2F%
d&ust=1593398474298000&source=images&c 2Fwww.slideshare.net%2FprincesmArV%2Fpangangailanga
d=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOjRq4i-o- n-at-kagustuhan-
oCFQAAAAAdAAAAABAO 72611551&tbnid=Sk0Lp3TWkkWmeM&vet=12ahUKEwiIiIzL
xKPqAhU0xIsBHcTvCmgQMygAegUIARChAQ..i&docid=qjqW
Ws6LHTzu1M&w=638&h=479&q=kagustuhan%20pictures&
hl=en&ved=2ahUKEwiIiIzLxKPqAhU0xIsBHcTvCmgQMygAeg
UIARChAQ

2. P _ _ G _ _ G _ _ L _ _ _ A N 4. K _ K _ P _ S A _

https://www.google.com/url?sa=i&url=ht
https://www.google.com/imgres?imgurl=http%3A
tps%3A%2F%2Fwww.scribd.com%2Fpres %2F%2F3.bp.blogspot.com%2F-
entation%2F383333953%2FPangangailan cTsqXjINuF8%2FU85UAaEy9HI%2FAAAAAAAAKV
gan-at-Kagustuhan- E%2FbxVaWAWezc4%2Fs1600%2Fddyolt.gif&imgr
pptx&psig=AOvVaw2__lBTKQinak2t0plP0 efurl=http%3A%2F%2Fmynewkakapusan.blogspot.
kLa&ust=1593400504230000&source=im com%2F2017%2F06%2Fkakapusan-ng-yamang-
ages&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKjcnN tao-sa-
_Fo-oCFQAAAAAdAAAAABAE ekonomiks.html&tbnid=tK1C9UgxDeayjM&vet=12a
hUKEwir_P73xqPqAhXIAKYKHfF2DggQMygMegUIA
RC4AQ..i&docid=HbfRPB8ieL6qFM&w=300&h
Sagutin ang mga tanong. =449&q=Kakapusan%20pictures&hl=en&ved
=2ahUKEwir_P73xqPqAhXIAKYKHfF2DggQM
1. Ano ang ipinahiwatig ng bawat larawan at mga ygMegUIARC4AQ
salitang nabuo?
2. Anong kabuuang konsepto ang mabubuod mula sa mga salita?

3
Tuklasin

I-INTERPRET MO!

Panuto: Tingnan mong mabuti ang larawan. Bigyan ng interpretasyon ang larawang ito at
sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

https://www.dreamstime.com/royalty-free-stock-image-wake-up-late-awake-boy-shocked-too-image36011876

Gabay na tanong.
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
2. Nalagay ka na ba sa sitwasyong katulad ng nasa larawan? Sa anong uri ng sitwasyon?
Ipaliwanag.
3. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka na ng maraming sitwasyon at
kailangan mong pumili? Ipaliwanag.

Suriin
Araw-araw ay kailangan nating gumawa ng desisyon batay sa ating pangangailangan.
Batay sa iyong pananaw, ano ba ang batayan mo sa paggawa ng desisyon? Sa bahaging ito
ay tatalakayin natin ang kahulugan at mahahalagang konsepto ng ekonomiks.
Maraming pakahuluguhan ang ibinigay ng mga ekonomista sa kahulagan ng
ekonomiks. Una, ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano gagamitin ang mga
limitadong pinagkukunang-yaman upang makagawa at maipamahagi ang ibat-ibang produkto

4
at serbisyo sa mga tao at ibat-ibang pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at hinaharap.
Pangalawa, ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano ang tao naghahanap-buhay,
naghahanap ng pagkain at iba pang pangangailangang materyal. Binibigyang pansin ang mga
suliraning pangkabuhayan sa pamamagitan ng pamamaraan kung paano malulunasan o
mababawasan ang mga ito. Pangatlo, ang ekonomiks ay isang makaagham na pag-aaral na
tumutukoy kung paano gumagawa ng pasya ang isang tao o lipunan. Maraming
pangangailangan ang mga tao at pangkat ng lipunan at upang matugunan ito, may
pinagkukunang yaman na dapat gamitin subalit hindi ito makasasapat sa pangangailangan at
ang paggamit ay maaaring sa ngayon at bukas.
Sa kabuuan, ang kahulugan ng ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan
na nag-aaral kung papaano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang
Griyego na oikonomia, oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala (Viloria,
2000).
Mayroong dalawang sangay ang pinag-aaralan sa ekonomiks; ang maykro-ekonomiks
at makroekonomiks. Ang maykroekonomiks ay nakapokus sa produksyon lamang at
pagpapalago ng kita ng indibidwal (sambahayan) o bahay kalakalan. Ang maykroekonomiks
ay may ugnayan sa desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal.
Sinusuri ng maykroekonomiks ang galaw ng bawat negosyante at bawat konsyumer – ang
pagpili ng bahay-kalakal kung ano ang ipoprodyus at presyo nito, maging ang pagpili ng
sambahayan kung ano at magkano ang bibilhing produkto ay makakatulong upang
maunawaan ang takbo ng ekonomiya.
Samantala, ang makroekonomiks ay nakapokus sa pangkalahatang pagpapaunlad
ng kalakalan, pananalapi, at kagalingang panlipunan sa loob at labas ng bansa o sa buong
daigdig. Ang pagtutuos ng pangkalahatang produksyon at kita ng lahat ng puwersa ng
paggawa sa isang bansa ay kasama sa pag-aaral sa sangay na ito. Dito nakapaloob ang
pagsusuri sa GNP at GDP, mga paglago ng kita produksyon ng iba’t ibang sektor, at ang
paglutas ng kahirapan.
Samantala ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at
kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Sa
gayon, kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na pangunahing katanungang
pang-ekonomiya sa kapaki-pakinabang sa lahat. Tingnan ang pigura sa ibaba.

KAKAPUSAN

Ano ang Paano


Para kanino? Gaano karami?
gagawin? gagawin?

Ang ikalawang aspeto sa depinisyon ng ekonomiks ay ang paggamit at pamamahagi


o alokasyon ng mga kakaunti at kapos na pinagkukunangyaman sa lipunan. Kaakibat nito ang
paggawa ng mga desisyon sa pagpili ng mga sari-saring alternatibo upang matugunan ang
mga pangangailangan ng mga tao sa lipunan.
Ang alokasyon ay isang mekanismo o proseso sa pamamahagi ng mga
pinagkukunang-yaman sa iba’t ibang gamit upang matugunan ang mga pangangailangan ng

5
tao sa harap ng problema ng kakapusan. Nakapaloob sa prosesong ito ang paghahanay-
hanay ng mga kahalagahan ng mga pangangailangan at hilig-pantao.
Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw, 1997). Ang
sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga desisyon.
Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano
hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Ang
pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa
pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at iba pang mga bagay na nakapagbibigay ng
kasiyahan.
Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t ibang
desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisiyon kung ano-anong produkto at
serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin.
Lumalabas ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan sa suliranin sa kakapusan.
May kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan
ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo
ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman.
Trade-off. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay na maaaring sanang
makamit. Kailangang mong pumili o magsakripisyo sa isang sitwasyon. Mahalaga ang trade
off, sapagkat sa pamamagitan nito ay maaring masuri ang pagpipilian sa pagbuo ng
pinakamainam na pasya. Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglaro?
Opportunity cost. Ito ang halaga ng bagay o nang best alternative na isinakripisyo o
ipinalit sa bawat paggawa ng desisyon. (Case, Fair, at Oster, 2012). Ang opportunity cost ng
paglalaro sa naunang halimbawa ay ang halaga ng pag-aaral na ipinagpalibang gawin.
Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon ssa bawat produkto o serbisyong
pagpipilian, subalit minsa n kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin maiwasang magbago
ng isip sa bandang huli. Ito ay dahilan sa mga insentibo na inaalok. Ang Incentives ay
karagdagang halaga na matatanggap mula sa pagsagawa ng produkto at serbisyo.
May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin.”. Ang ibig
sabihin nito ay sinusuri ng isang indibiduwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay
gastos o pakinabang. Iyan ang Marginal thinking sa gagawing desisyon.
Ang kaalaman sa konsepto na trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal
thinking ay makatulong ssa paggawa ng desisyon. Tingnan ang pigura sa ibaba.

Marginal
Trade-off Thinking

Opportunity
Cost Incentives

Matalinong
Pagdedesisyon

6
Pagyamanin
Gawain A
Panuto: Suriin mo ang mga konsepto at paliwanag sa Hanay A at B at pagtapat-tapatin
mo ang mga salita at kahulugan ng mga ito. Isulat sa patlang sa Hanay A ang titik ng tamang
sagot mula sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
___ 1. Alokasyon A. Salitang Griyego na ibig sabihin ay
pamamahala ng mga gawaing pantahanan.
___ 2. Produksyon B. Kakapusan ng pinagkukunang-yaman
___ 3. Oikonomeia C. Mga nagbabagong pangangailangan,
pagnanais, luho, at kagustuhang magdudulot
ng kaginhawahan ngunit maaaring ipagpaliban
kung walang sapat na suplay
___ 4. Alternatibo D. Mga yamang-likas, yamang-tao, at yamang-
gawang tao na ginagamit sa proseso ng
produksyon upang gumawa ng mga bagay na
kailangan ng tao para sa kanyang kabuhayan,
kaginhawahan, kasiyahan, at kagalingan.
___ 5. Produkto E. Isang mekanismo o proseso ng pamamahagi
ng mga pinagkukunangyaman sa iba’t ibang
gamit upang matugunan ang dumaraming
pangangailangan at hilig-pantao.
___ 6. Serbisyo F. Pagsasanib ng mga yamang-likas, yamang-
tao, puhunan, at paggawa sa paraang
pinakamatipid upang makabuo o makalikha ng
pinakamahusay o de-kalidad na kalakal o
serbisyong tutugon sa mga pangangailangan at
hilig-pantao
___7. Hilig Pantao G. Mga pagpipilian sa proseso ng alokasyon o
pamamahagi ng pinagkukunang-yaman at sa
paggamit ng mga produkto at serbisyong
makatutugon sa mga pangangailangan at hilig-
pantao
___8. Pangunahing H. Materyal na bagay na may iba’t ibang gamit na
Pangangailangan kinokonsumo ng mga tao
upang matugunan ang kanilang mga
pangangailangan at hilig.
___9. Scarcity I. Mga gawaing-tao na nagbibigay ng
paglilingkod gamit ang mga napag-aralang
kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang larangan
gaya ng edukasyon, kalusugan,
telekomunikasyon, at iba pa.

7
___10. Pinagkukunang-yaman J. Mga bagay na kailangan ng tao upang
manatiling buhay at kapakipakinabang sa
lipunan at di maaaring hindi matamo o
ipagpaliban.

Isaisip
Panuto: Isulat ang ideya mo tungkol sa tanong sa ibaba sa pamamagitan ng pagpuna sa
patlang. Isulat ang iyong kasagutan sa kuwaderno.

➢ Ang kahulugan ng ekonomiks ay ______________________


➢ Nailalapat ko ang kaalaman ng ekonomiks sa pamamagitan ng

___________________________________________________.

Isagawa
Sumulat ng repleksiyon tungkol sa iyong natutuhan at reyalisasyon tungkol sa
kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang
mag-aaral, bilang isang kasapi ng pamilya at kasapi sa lipunan. Gamitin ang rubriks bilang
gabay sa paggawa ng sanaysay. Gawin ito sa iyong kwaderno.

8
Tayahin
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat item o aytem at piliin lamang ang letra ng tamang
sagot. Gamitin ang iyong notebook o kuwaderno upang isulat ang iyong mga sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa


bawat paggawa ng desisyon?
A. Opportunity Cost C. Marginal Thinking
B. Trade-off D. Incentives

2. Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanitili ang kanilang buhay at
kalusugan sa araw-araw ay itinuturing na:
A. luhong pangkatawan C. hilig-pantao
B. pangunahing pangangailangan D. sekundaryong pangangailangan

3. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang
ibig sabihin ay:
A. pamamahala ng negosyo. C. pamamahala ng tahanan.
B. pakikipagkalakalan. D. pagtitipid.

4. Ito ang tawag sa kaisipan kung saan natatamo ang benepisyo o pakinabang ng isang
produkto o serbisyo sa bawat karagdagang gastusin.
A. Opportunity cost C. Incentives
B. Marginal thinking D. Trade-off
5. Alin sa mga konsepto ng ekonomiks ang inilalarawan kung magbibigay ng karagdagang
allowance para nagawang magandang serbisyo.
A. Opportunity cost C. Marginal thinking
B. Trade-off D. Incentives

6. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:


A. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang
kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
B. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
C. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
D. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.

7. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tamang kaisipan tungkol sa kahulugan ng


ekonomiks?
A. Tumutukoy ito sa pamamahala ng mga pangangailangan ng tao at sa
pangangasiwa ng kaniyang pinagkukunang-yaman.
B. Galing sa salitang latin ang salitang ekonomiks.
C. Ang konsyumer lamang ang pangunahing pokus nito.
D. Walang kinalaman ang pamahalaan sap ag-aaral nito.

8. Ang trade-off ay pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay


samantalang ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o ng best alternative na

9
handing ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Ano ang dahilan kung bakit may trade-
off at opportunity cost?
A. dahil walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao?
B. dahil sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdedesisyon
C. dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo
D. upang makalikha ng mga produktong kailangan sa palengke.

9. Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng ekonomiks. Alin


ang pinakaangkop na kahulugan?
A. Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.
B. Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.
C. Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan upang
makabuo ng mga produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming
pangangailangan at hilig-pantao.
D. Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at paglikha ng
mataas na kalidad na produkto at serbisyong makatutugon sa mga
paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa presyo at paraang
pinakamatipid.

10. Dalawa ang pangunahing sangay ng pag-aaral ng ekonomiks. Ang una ay tumutukoy sa
pagpapalago ng produkto at kita ng pamilya o bahaykalakal. Ano ang tawag sa sangay na
ito?
A. makro-ekonomiks C. makro-enterprays
B. maykro-enterprays D. maykro-ekonomiks

10
11
Tuklasin
1. Ang ipinakikita sa larawan ay isang bata na tanghali ng nagising.
2. Nalagay na po. Hindi po ako nakapasok ng maagi dahil tinanghali nang gumising.
3. Nagmamadali po ako sa pagliligo at kakaunti lang ang kinain sa agahan upang
makaabot sa unang asignatura.
Pagyamanin
Gawain A
1. E 6. I
2. F 7. C
3. A 8. J
4. G 9. B
5. H 10. D
Isaisip (Ito ay mga mungkahing kasagutan lamang at maaring madagdagan pa ng ideya ng
mga mag-aaral.)
➢ Ang kahulugan ng ekonomiks ay isang agham panlipunan na nag-aaral kung papaano
tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit
ang limitadong pinagkukunang-yaman.
➢ Nailalapat ko ang kaalaman ng ekonomiks sa pamamagitan ng:
a. bilang isang mag-aaral magagamit ko ang kaalaman upang makapagbadyet ng
maayos sa aking baon sa araw-araw.
b. bilang isang kasapi ng pamilya ay makatutulong ako sa aking pamilya upang
matugunan ang aming pangunahing pangangailangan.
c. bilang isang mamamayan ng lipunan upang makatulong ako na matipid ang
paggamit ng pinagkukunang-yaman.
Suriin
1. C 6. A
2. B 7. B
3. D 8. B
4. A 9. B
5. B 10. D
Balikan
1. EKONOMIYA
2. PANGANGAILANGAN
3. KAGUSTUHAN
4. KAKAPUSAN
Pamprosesong tanong:
1. Ang ipinahihiwatig ng mga larawan at salitang nabuo ay may kinalaman sa ekonomiya
ng ating bansa.
2. Ang kabuuang konsepto ay ang mga sitwasyon na makikita sa ating ekonomiya.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Books
Project ease module, Module 1
Ekonomiks

Internet
https://www.dreamstime.com/royalty-free-stock-image-wake-up-late-awake-boy-shocked-
too-image36011876
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.africanexponent.com%2Fpost
%2Fthe-6-fastest-growing-economies-in-africa-
36&psig=AOvVaw3N1jaCVBTAiQhpDTHCWO-
d&ust=1593398474298000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOjRq4i-o-
oCFQAAAAAdAAAAABAO
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.scribd.com%2Fpresentation%
2F383333953%2FPangangailangan-at-Kagustuhan-
pptx&psig=AOvVaw2__lBTKQinak2t0plP0kLa&ust=1593400504230000&source=images&cd
=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKjcnN_Fo-oCFQAAAAAdAAAAABAE
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fimage.slidesharecdn.com%2Fde
moteaching-170227085850%2F95%2Fpangangailangan-at-kagustuhan-1-
638.jpg%3Fcb%3D1488186388&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2Fprinc
esmArV%2Fpangangailangan-at-kagustuhan-
72611551&tbnid=Sk0Lp3TWkkWmeM&vet=12ahUKEwiIiIzLxKPqAhU0xIsBHcTvCmgQMyg
AegUIARChAQ..i&docid=qjqWWs6LHTzu1M&w=638&h=479&q=kagustuhan%20pictures&hl
=en&ved=2ahUKEwiIiIzLxKPqAhU0xIsBHcTvCmgQMygAegUIARChAQ
https://www.google.com/imgres?imgurl=http%3A%2F%2F3.bp.blogspot.com%2F-
cTsqXjINuF8%2FU85UAaEy9HI%2FAAAAAAAAKVE%2FbxVaWAWezc4%2Fs1600%2Fdd
yolt.gif&imgrefurl=http%3A%2F%2Fmynewkakapusan.blogspot.com%2F2017%2F06%2Fka
kapusan-ng-yamang-tao-sa-
ekonomiks.html&tbnid=tK1C9UgxDeayjM&vet=12ahUKEwir_P73xqPqAhXIAKYKHfF2DggQ
MygMegUIARC4AQ..i&docid=HbfRPB8ieL6qFM&w=300&h=449&q=Kakapusan%20pictures
&hl=en&ved=2ahUKEwir_P73xqPqAhXIAKYKHfF2DggQMygMegUIARC4AQ

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like