You are on page 1of 4

Saint Louis School, Inc.

- High School Department


Quirino Highway, Baguio City

BLG. ______ PANGALAN: __________________________________BAITANG/SECTION: ______

“SAGUTANG PAPEL”

MODYUL 2 (Aralin 4 ) SA FILIPINO 12

Panimulang Pagtataya

https://www.homecareinsight.co.uk/the-future-of-home-care-technology/ https://www.discovermagazine.com/health/a-covid-19-treatment-
might-already-exist-in-old-drugs-and-researchers-are

_____________________________________ ______________________________________

Linangin Mo
1. Pagkasunod-suno
2. Problema at solusyon
3. Pahambing
4. Paglalapat
5. Sanhi at Bunga
6. Paglalarawan
Palalimin Mo
1. Mahusay ba ang pagkabuo ng sanaysay ayon sa natutuhang sangkap ng pagbuo nito?
Pangatwiranan.
a. Panimula

Mahusay ang pagkabuo ng panimula ng sanaysay dahil sa inihandog niya na unang ideya
nan ais niyang ipabahagi w

b. Katawan

Mahusay din ang pagkabuo ng katawan sa sa kadahilanan na nagbigay ito ng mga


kongkreto at mga tiyak sa mga halimbawa na may kaugnayan sa disiplina. Hindi lamang sa
kongkreto at tiyak kundi ito’y buo at organisado.
c. Kongklusyon

Maganda ang kongklusyon, hindi lamang sa binuod nito ang ang panunahing ideya kundi
nagiwan ito ng inspirasyon upang tayo ay mas gumawa ng mabuti at isapuso ang tunay na
halaga ng disiplina hindi lamang sa isip kundi pati na din sa gawa.
2. Kung ikaw ang magbibigay ng pamagat ng sanaysay, ano ito at bakit?

Ang pamagat na aking naisip ko ay “Unang Hakbang” sa kadahilanan na ang pinakaunang


hakbang upang maging maayos ang Sistema ng isang bansa o kaya ay ang katinuan ng isang
parte ng lungsod o siyudad ay ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili.

3. Tinalakay sa sanaysay kung gaano kahalaga ang ugnayan ng pagiging disiplinado at


marangal, paano mo ito maisasabuhay?

Sa aking pinagdaanan ay madalas kong nararanasan ang nakakatuklas ng mga naiwang mga
gamit tulad ng selpon, pitaka, paying, at marami pang iba sa mga pampublikong sasakyan
kadalasan ay sa mga jeep at taxi at aking binabalik ito sa mga may-ari at kung hindi ko
naaubutan ang mag may-ari ay ibibigay ko ito sa drayber at umaasa na babalikan ito ng may-
ari.

Ilapat Mo

Lungsod ng Baguio sa gitna ng Pandemya


Walong buwan na ang nakakalipas nang masailalim ang lungsod ng Baguio sa isang
malawakang quarantine sanhi ng Covid-19. Kung ating babalikan ang mga unang lingo, ang
nasabing lungsod ang isa sa mga modelong lugar kung saan naipamalas ng mga mamamayan ng
Baguio ang disiplina at kaugnayan nito sa pagresponde sa mga ganitong sitwasyon. Umaasa ang
karamihan na ito ay isang panandaliang ganap lamang dala ng matuling pagkilos ng mga taong nasa
kinauukulan. Patuloy nilang sinisikap na panatilihin sa maayos na estado ang lungsod at iniiwasan
ang paglaganap ng Covid-19. Bilang isang estudyante, isang kagalakan para sa akin ang
masaksihan ang magandang pagtatapos ng isa nanamang akademikong taon. Ngunit sa kasamaang
palad, inihayag ng ating butihing alkado na si Benjamin Magalong ang pagapatuloy ng quarantine
hangga’t hindi bumubuti ang sitwasyon sa ibang panig ng bansa.

Bilang isang tao, wala man tayong sapat na abilidad upang tuluyang wakasan ang Covid-19,
may mga bagay pa rin tayong maaaring gawin upang iwasan ang paglaganap nito. Una dito ay ang
masunuring pagsunod ng mga mamamayan sa pagpapanatili nila sa kanilang tahanan dahil ang
bayrus ay madaling mailipat sa tao at sa ganon ay kaunti ang mahahawaan nito at hahayaan ang
mga ‘front liners’ na gawin ang trabaho nila na walang nakakaabala. Sa panonood ng balita, pagbasa
ng mga tamang impormasyon sa ‘social media’ ay talagang nakatulong sa mga tao upang idepensa
ang kanilang sarili. Ang halimbawa dito ay ang pagpapanatili na malinis ang katawan, pagkain ng
masustansyang pagkain upang lumakas ang ating ‘immune system’, at ang pagsuot ng face mask sa
tuwing lalabas ang mga tao sa kanilang tahanan. Kung ating susuriin ang maliwanag na bahagi,
marami din namang positibong bagay ang naganap sa dito sa Lungsod ng Baguio. Ang polusyon na
sanhi ng gawaing tao ay biglang bumaba, ang nasisirang kalikasan ang unti-unting gumagaling at
bumabalik sa dating ganda, at ang mga mamamayan ay nagkaroon ng maraming oras para sa
kanilang pamilya upang bumawi, magkamustahan, at magkaroon ng kaayusan sa mga tampuhan na
naganap ay masasabi nating magandang balita sa gitna ng pandemya. Nakakamanghang
pagmasdan na sineseryoso ng mga tao ang ganitong klaseng sakuna at hindi sumusuko na walang
laban. Lahat ng mamamayan ay mayroong mahalagang gagampanan kaya sa bawat kilos ay dapat
gawin ng may kaingatan. Sa pagsunod ng tuntunin ngayong pandemya ay nararapat upang hindi
tayo mabiktima ng bayrus.

Wala tayong alam kung kalian matatapos ang pandemya na ito. Totoong makakamit natin ang
mabilisang tagumpay sa pagtulong o pagbigay kamay sa iba upang makamit ito. Kaya naman kung
tayo ay gumawa ng mabuting gawain sa tamang paraan ay makakaya nating tumayo sa lahat ng
sakunang bibisita sa atin.
Makabuluhang Aral na Natutuhan

Ang natutunan ko ay nakakatulong ang iba pang impormasyon sakin at sa aking


Pag-aaral upang mapabuti ang aking kinabukasan.

You might also like