You are on page 1of 3

City Of LOVE

ANG TURISMO SA ILOILO


Ang turismo sa Iloilo ay lalong umuunlad dahil sa unti unting nadidiskubre ang mga magagandang ‘Tourist Spot’ dito sa Iloilo. Marami ang
isyung kinakaharap ng Iloilo, subalit gusto naming talakayin ang positibong parte ng lungsod na ito. Una sa lahat ay ang Gigantes Island, noon ay wala
pang masyadong bumibisita rito sapagkat hindi pa alam ng karamihan sa mga turista na umiiral ang lugar na ito. Ngunit ngayon napakasikat na ng mga
islang matatagpuan rito, kapag iniresearch mo sa internet ang “Iloilo tourist spot” karamihan sa mga litratong lalabas ay mula sa Gigantes Island. Ang
Calle Real (Royal Street sa Espanyol) naman o ang J.M. Basa Street ay isang makasaysayang kalye sa lumang downtown district Iloilo City Proper.
Ang kalyeng ito ay mas kilala bilang “Escolta ng Iloilo”, para sa mga taong mahilig sa kasaysayan ito ang lugar na inirerekomenda naming puntahan
ninyo. Dahil kasaysayan ang pinag-uusapan natin, dumako naman tayo sa Molo upang mas makilala ang “the feminist church” na matatagpuan rito.
Ang Molo Church ay isang matanyag na heritage site sa distrito ng Molo. Kilala ito bilang “the feminist church” dahil sa lahat ng grupo ng mga santo
na nirerepresenta sa poste ng kanilang pasilyo ay puro babae. Ilan rin sa iba pang mga ehemplo ng magagandang tourist attraction sa Iloilo ay ang Garin
Farm sa San Joaquin kung saan makikita ang tanyag nilang pagsasabuhay ng mga kwento na nanggaling sa banal na aklat nating mga kristyano. Ang
Espalande naman ay para sa mga taong gusto lamag mag “unwind” at mag relax sapagkat tanaw dito ang Iloilo River. Kapag turismo lang naman ang
pag-uusapan, hindi mawawala ang dinagyang. Ito ang isa sa mga bagay kung bakit unti unting nakakakuha ng atensyon ang lungsod ng Iloilo. Ito ay
isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap tuwing ikatlong linggo ng Enero. Ito ay ginaganap sa karangalan ng Santo Niño at para
ipagdiriwang ang pagdating ng mga Panay at Malay settlers. Kahit maraming balitang negatibo ang iniuugnay sa Iloilo ngayon, tulad lamang ng isyu
tungkol sa droga, hindi natin mapagkakaila na mas nangingibabaw parin ang positibong aspeto ng Iloilo tulad lamang ng ating patuloy na umuunlad na
turismo. Sana ay bigyan natin ito ng halaga at huwag hayaang mapabayaan ang mga lugar na makatutulong sa turismo hindi lamang ng lungsod kundi
ng buong bansa.

Ipinasa nina;
Sylvanus Rein B. Langreo
At
Prescila S. Jimanga
10 - Alexandrite

You might also like