You are on page 1of 127

Yunit 2

Ang mga Kuwento ng mga


Lalawigan sa Sariling Rehiyon

165
Aralin 1.1 Pinagmulan ng mga Lalawigan sa
Kinabibilangang Rehiyon

Panimula

Maligayang pagdating sa Ikalawang Modyul sa Araling


Panlipunan!
Sa unang modyul, natutuhan mo kung paano
matunton ang iyong lalawigan at mga karatig lalawigan sa
iyong rehiyon gamit ang mapa. Sa pagtukoy mo sa mapa,
nakikita mo na ang mga karatig lalawigan sa iyong rehiyon,
bagaman maraming pagkakaiba at mas maraming
pagkakapareho ng katangian. Sa nakaraang aralin,
siguradong hindi lamang ang iyong lalawigan ang napag-
aralan mo kung hindi ang mga karatig nito. Bakit nga ba
nagbubuklod-buklod ang mga lalawigan sa rehiyon? Saan
nagmula ang pagsasama-sama ng mga lalawigan sa
rehiyon?
Sa modyul na ito, mas lalawak pa ang kaalaman mo
tungkol sa iyong lalawigan at rehiyon. Matututuhan mo ang
mga kasaysayan ng mga lalawigan sa rehiyon kabilang ang
mga simbolo at sagisag, ang official hymn at iba pang sining
at ang mga bayani sa iyong lalawigan at ng iba pang
lalawigan sa rehiyon na tiyak na maipagmamalaki mo.
Handa ka na ba? Simulan na natin.

Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahang:


166
1. makapag tutukoy ang mahahalagang
pangyayari sa pinagmulan ng iyong lalawigan at
mga karatig lalawigan, at
2. makapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling
lalawigan at mga karatig na lalawigan sa
pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag at
iba pang anyo ng sining.

Alamin Mo

Maria, ano ang


pinagmulan ng mga
lalawigan dito sa
ating rehiyon?

Mmmm... Hindi ko
alam eh. Ikaw,
alam mo ba?

Hindi rin. Halika,


magsaliksik tayo
tungkol dito.

Sige, Pedro,
tara na!

167
Tuklasin Mo

Paano Nabuo ang Aking Rehiyon?


Ang Rehiyon ng Hilagang Mindanao ay binubuo ng
limang lalawigan. Ito ay ang Misamis Occidental, Misamis
Oriental, Lanao del Norte, Bukidnon at Camiguin, ngunit
ang lalawigan ng Camiguin ay napapalibutan ng dagat
Bohol.
Marami ang naging pagbabago sa pagbuo ng
kasalukuyang rehiyon. Ang Lungsod ng Cagayan de Oro sa
Kalakhang Mindanao ang naging sentro at kabisera ng
rehiyon. Ang kabuuang rehiyon ng Hilagang Mindanao ay
Bisaya ang wikang ginagamit o kilalang Sinugbuanong
Binisaya. Binuo ang rehiyon sa pamamagitan ng
pagbibigay- konsiderasyon sa layo ng bawat isang rehiyon,
o lokasyon nito, sa uri ng pamumuhay ng mga tao at ang
wikang kanilang ginagamit.
Ang kasalukuyang mga lalawigan ng rehiyon ay
pinagsama-sama upang mas lalong matugunan ang mga
pangangailangan ng bawat lalawigan. Isa sa mga
magandang dahilan ng pagsama-sama ng mga lalawigan
na ito ay ang pagiging magkalapit ng kanilang mga
pinagmulan na hitik sa kasaysayan. Alamin natin ang mga
maikling kuwento ng ating mga karatig lalawigan dito sa
ating rehiyon.

168
Kasaysayan ng Misamis Occidental
Ang Misamis Occidental ay, may populasyong 531,680
ay binubuo ng tatlo sa malalaking lungsod ng rehiyon.
Oroquieta City ang kabisera nito. Pangingisda, pagsasaka
at turismo, ang pangunahing hanapbuhay. (Quickstat as of
May , 2010)

Kabilang sa mga pangunahing lungsod ng Misamis


Occidental ang Lungsod ng Ozamis na mayroong 110,000,
populasyon at Lungsod ng Tangub na may populasyong
50,000, kabilang ang labing-anim (16) na mga bayan.
(Quickstat as of May, 2010).

Rangehttps://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http%3A%2F%2F1.bp.blogspot.com

Ang Mt. Malindang

Ang Bundok ng Malindang ay nakapalibot sa buong


Misamis Occidental. Pinaniniwalaan ng mga nakatatanda
na ito ay bulkan na natutulog lamang. Sa kasalukuyan, ito
ay dinarayo na ng mga turistang lokal o galing sa iba’t-
ibang sulok ng bansa.

169
Hoyohoy Park
https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Fwww.top-destination-choice-the-philippines.com%2Fimages%2Fhoyohoy-highland-
park.

Dolphin Island
https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Ftriptheislands.com

COTTA SHRINE
https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Fphotos.wikimapia.org

170
Ang Bukidnon
Ang lalawigan ng Bukidnon ay may populasyon na
humigit-kumulang na 1,190,284 katao. Ito ay nahahati ng
dalawampu’t dalawang munisipalidad na ang Malaybalay
ay dineklarang kabisera nito. Ang pangalan ng lalawigan
ay nangangahulugang mga tao sa kabundukan. Ang
kanilang pinagmulan ay magkahalong dugo ng mga
ninunong katutubo ng lugar at mga dayong nanirahan dito.

Ang pangunahing wika ay Sinugbuanong Binisaya,


ngunit gumagamit ang iba’t ibang tribo ng kanilang
katutubong wika. (Quickstat as of May 1, 2010).

https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http%3A%2F%2F4.bp.blogspot.com

Dahilayan Forest park ang isa sa mga pangunahing


destinasyon ng mga turista na matatagpuan sa lalawigan
ng Bukidnon.

171
Ang Lanao del Norte
Ang mga mandarayuhan mula sa Visayas ang isa sa
bumubuo sa populasyon ng Lanao del Norte kasama ng
mga Maranaw. Noong 1959, naging hiwalay na lalawigan
ang Lanao del Norte sa Autonomous Region ng Muslim
Mindanao. Ito ay binubuo ng kapatagan na may mga
bundok sa likuran. Pagsasaka at pangingisda ang
pangunahing hanapbuhay .( John Ayer, 13 June 2001).

Ang Talon ng Maria


Cristina ay isa sa mga
tanyag na talon sa
rehiyon at kahit sa buong
Pilipinas. Ito rin ang nag-
bibigay ng elektrisidad sa
lalawigan at naging
bahagi ng
magagandang tanawin
sa buong bansa.

Ang kamangha-
manhang Talon ng
Tinago ay isa ring tourist
attraction sa lalawigan
ng Lanao del Norte na
matatagpuan sa
Lungsod ng Iligan. Ang
kagandahan ng malalim
na tubig ay nagbibigay-
daan at kasiya-siyang
taglay ng katangian.

172
Ang Camiguin
Ang Camiguin ay maliit na isla na bahagi pa rin ng
mga lalawigang bumubuo sa Rehiyon X. Ang Mambajao
ang kabesira nito. Ito ay may labing-apat na bulkan at
81,293 ang populasyon nito. Pangingisda at pagsasaka ang
hanapbuhay ng mga tao. Ang pangalang Camiguin ay
nagmula sa punongkahoy na kapareho ng isang
“ebony”.(Quickstat as of Aug. 1, 2010)
Ang Sunken Cemetery
ay isang simbolo ng alaala sa
pagputok ng Mt. Vulcan
noong 1871 na
nagpapalubog sa buong
sementeryo sa isla ng
Camiguin.
Ayon sa kasaysayan,
pinalubog ito sa apat na
magkakasunod na putok ng
Sunken Cemetery nasabing bulkan.
www.philippinestravelwikki.com

Ang Katibawasan
Falls ay isa sa mga talon sa
isla ng Camiguin
matatagpuan limang
kilometrong timog silangan
ng Mambajao sa paanan
ng Bundok Timpoong, at sa
isa rin itong dinarayo ng
mga turista.

173
Ang Misamis Oriental
Ang Misamis Oriental ay may kabuuang populasyon
na humigit-kumulang sa 748,885. Ang Lungsod ng Cagayan
de Oro ang naging sentro ng kabisera nito. Kabilang sa mga
bumubuo ng lalawigan ay ang Lungsod ng Magsaysay,
Lungsod ng Gingoog. Ang ekonomiya nito ay nakasalalay
sa pangingisda, pagsasaka, pagmimina at turismo.(Quickstat
as of May,2010).

Ang Museo sa Lungsod


ng Cagayan de Oro ay
makikita sa tabi ng Cagayan
de Oro Cathedral at tapat ng
Pamahalaang Lungsod na
dati ay isang Water Tank
Tower na ginawa noong 1922
at binago noong taong 2008.
Ito ay isa sa mga pinaka
lumang estruktura na makikita
sa naturang lungsod.

Si Mayor Justiniano R.
Borja ay naging mayor ng
lungsod noong 1954-1964. Isa
siya sa mga nagbibigay ng
pagbabago na may
dedikasyon sa pagiging
lingcod-bayan. Nakatayo
ang kanyang istatuwa sa
sentro ng Cagayan de Oro Ang estatuwang ito ay makikita sa Divisoria, sentro
ng Lungsod ng Cagayan de Oro. Ang larawan ay
City. kuha ni G. Chito H. Espinoza

174
Sagutin Mo:
1. Saan nagmulan ang pangalan ng lalawigang
“Camiguin”?

2. Ano-ano ang magagandang tanawin na makikita sa


lalawigan ng Rehiyon X?

3. Batay sa kasaysayan ng Rehiyon X, ilarawan ang uri ng


pamumuhay ng mga naninirahan bago pa dumating
ang mga dayuhan hanggang sa nabuo ang
lalawigan?

4. Anong katangian ng mga taga-Rehiyon X ang


ipinapakita sa kasaysayan ng kanilang rehiyon?

5. Maipagmamalaki mo ba ito? Bakit?

6. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng Misamis


Occidental? Ano ang kaibhan nito sa Misamis Oriental?

7. Paano natin maipakikita na mahal natin ang sariling


rehiyon?

8. Bakit natin kailangang malaman ang kasaysayan ng


ibang rehiyon?

9. Paano nabuo ang mga lalawigan ng Rehiyon X?

10. Ano ang puwede nating gawin upang mananatili


ang kagandahan ng ating lalawigan?

175
Gawin Mo
Gawain A

Malikhaing Pagsasalaysay
 Gumawa kayo ng plano kung sa anong malikhaing
paraan ninyo maisasalaysay ang kasaysayan o
panimula ng inyong nabunot na lalawigan sa harap
ng inyong mga kaklase.
 Maaari ninyo itong isalaysay sa pamamagitan ng:
 Pagkanta
 Pagsasadula
 Pagtula
 Pagkuwento at iba pa
 May 20 minuto kayo para sa pagplano at pag-
ensayo sa inyong palabas. Bigyang diin sa mga
napiling sining ang magandang katangian ng mga
taong nagtatag at nagpaunlad ng lalawigan
 Ipakita ninyo ang inyong malikhaing palabas sa
harap ng klase.

176
Gawain B
Pangkatang Gawain
Isalaysay ang mga pagbabago sa sariling
lalawigan/rehiyon. Sundan ang mga gabay na tanong sa
ibaba. Maghanda sa pag-uulat.

1. Ano ang dating pangalan ng inyong lalawigan/


rehiyon? Mayroon ba?
2. May pagkakatulad at pagkakaib baa ng uri ng inyong
tirahan noon at ngayon? ipaliwanag
3. Ano ang masasabi mo sa dami ng naninirahan sa
inyong lugar noon? Kumusta naman ngayon?
4. Bakit kaya nagkaroon ng mga pagbabago sa inyong
lalawigan?
5. Ano ang naging resulta ng mga pagbabago sa inyong
lugar? Nakabuti ba o nakasama?

Gawain C
Ilarawan ng bawat pangkat sa iba’t-ibang paraan ng
mahahalagang katangian ng mga kasapi ng lalawigan na
nakatulong sa pagbuo at pagkakaisa ng kinabibilangang
lalawigan at ng rehiyon.
• Pagguhit
• Tula o awit
• Pagsasadula

177
Natutuhan Ko

Sumulat ng isang talata na nagpapakita ng sumusunod:


1. Ano ang mga nakikita sa kasalukuyan na bahagi pa
ng kasaysayan ng lalawigan?

2. May nakikita bang pagbabago sa sariling lalawigan?


Ilarawan ito.

3. Sa inyong palagay, nakabubuti ba ang pagbabagong


ito sa lalawigan o hindi?

Ipaliwanag ang sagot.


Isulat ito sa iyong kuwaderno.

178
Aralin 1.1.1 Pinagmulan ng Lalawigan Ayon sa Batas

Panimula

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang kuwento ng


kasaysayan ng iyong lalawigan at mga karatig lugar nito.
kung mapapansin mo, may mga lalawigan sa ating rehiyon
na mas mahaba ang kasaysayan kaysa sa ibang lalawigan.
May mga lalawigan pa nga nagkaroon na ng
komunidad bago pa lamang dumating ang mga dayuhan.
Ngunit mayroon din namang nabuo lamang sa
kasalukuyang panahon, dahil sa mga batas na naipasa ang
pamahalaan upang mabuo ang lalawigan. Alamin natin
kung sa anong bisa ng batas nabuo ang ilan sa mga
lalawigan sa ating rehiyon.
Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
1. makatutukoy ng mga batas na nagbigay bisa sa
pagbuo ng lalawigan sa rehiyon, at
2. maisasalaysay ang pagbuo ng sariling lalawigan
at ng karatig nito sa bisa ng batas.

179
Alamin Mo

Kapag nakikita mo ang simbolong ito, ano ang naiisip mo?

Alam mo ba
kung paano nabuo
ang iyong lalawigan
sa pamamagitan ng
batas?

Ang mga lalawigan ay nabuo sa pamamagitan ng


mga batas. Ang lalawigan ay ang pangunahing yunit ng
lokal na pamahalaan sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, may
walompung (80) lalawigan ang Pilipinas na hinahati sa
mga lungsod at mga bayan. Ang Pambansang Punong
Rehiyon, pati ang mga Malayang Bahaging Lungsod, ay
may kalayaan mula sa pamahalaang panlalawigan. Ang
bawat lalawigan ay pinamamahalaan ng halal na
mambabatas na tinatawag na Sangguniang Panlalawigan
at ng isang halal na gobernador.
Ang mga lalawigan ng Pilipinas ay napapangkat sa
mga rehiyon ayon sa katangiang pangheograpiya, kultural,
at pang-etnolohiya. May nakatakdang bilang ang bawat
isa sa labing-apat na rehiyon ng bansa kung saan
nauugnay ang kanilang kinalalagyan mula hilaga pababa
180
sa katimugan. Pinamumunuan ng isang gobernador ang
pamahalaan ng bawat lalawigan sa Pilipinas. Ang mga
lungsod sa isang lalawigan ay hindi nasasakop sa
kapangyarihan ng gobernador. Sa hangad ng lehislatura,
bawat isa sa mga ito ay binubuo ng mga distrito. Mayroong
mga halal na kinatawan o congressman ang bawat distrito
sa Kongreso o Kapulungan ng mga Kinatawan sa Pilipinas.
Ang mga distrito ay nagtataglay din ng isang lupon ng mga
kagawad (board members) sa Sangguniang Panlalawigan.

Mapang Politikal ng Hilagang Mindanaon


http://nap.psa.gov.ph/ru10/profile/iligan/3_physicalprofile.html

181
Ang Lalawigan ng Misamis Occidental
Ang Misamis Occidental ay isang lalawigan ng Pilipinas
na matatagpuan sa rehiyon ng Hilagang Mindanao. Ang
Lungsod ng Oroquieta ang kabisera nito. Nasa hangganan
ito ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur sa
kanluran at nakahiwalay mula sa Lanao del Norte ng look
ng Iligan. http://tl.wikipedia.org/wiki/Misamis_Occidental.
Ang salitang Misamis ay nanggaling sa salitang
“kuyamis” ng subano na ibig sabihin ay iba’t ibang
“matamis na laman ng niyog” na naging pagkain ng mga
sinaunang tao bago pa man dumating ang mga Espanyol.
http://misocc.gov.ph/

Sa pamamgitan ng Legislative Act No. 3537 na ipinasa


noong Noyembre 2, 1929 ang paghati sa lumang probinsya
ng Misamis sa Misamis Occidental at Misamis Oriental ay
binigyang bisa.
Ang Misamis Occidental ay binubuo ng mga
munisipalidad tulad ng Baliangao, Lopez Jaena, Tudela,
Clarin, Plaridel, Oroquieta, Aloran, Jimenez, at Misamis .
Ang Misamis ay isang munisipalidad noon at ang
Tangub City ay nilikha at ihiniwalay sa Misamis sa taong
1929. http://www.ozamiz.gov.ph/about-us/history/

182
Mapa ng Misamis Occidental na binubuo ng tatlong (3)
lungsod at labing-apat (14) na munisipalidad.

Mapang Politikal ng Misamis Occidental


http://www.top-destination-choice-the-philippines.com/misamis-occidental.html

183
Province of Misamis Occidental

http://harrybalais.com/travels/provincial-capitol-misamis-occidental/

Nahahati ang Misamis Occidental sa labing-apat(14 )


na munisipalidad at tatlong (3) lungsod. Ito ang Lungsod
ng Oroquieta, Lungsod ng Ozamiz, Lungsod ng Tangub at
Munisipalidad tulad ng Aloran, Baliangao, Bonifacio,
Calamba, Clarin, Concepcion, Don Victoriano Chiongbian,
Jimenez, Lopez Jaena, Panaon, Plaridel, Sapang Dalaga,
Sinacaban, at Tudela. Ang may-akda nito ay si Senador
Jose Clarin noong ika-11 Senatorial District (Surigao, Misamis,
at Bohol), Act No. 3537 na humati sa probinsya ng
Misamis sa dalawa (Misamis Occidental at Misamis Oriental)
noong Nobyember 2, 1929.

184
Lalawigan ng Misamis Oriental
Ang Misamis Oriental ay isang lalawigan ng Pilipinas na
matatagpuan sa rehiyon ng Hilagang Mindanao. Ang
Lungsod ng Cagayan de Oro ang kabisera at sentro ng
lalawigan. Napapaligiran ito ng Lanao del Norte at Bukidnon
patungong timog, ang Agusan del Norte at Agusan del Sur
patungong silangan, at Dagat Bohol sa hilaga kasama ang
pulong-lalawigan ng Camiguin na nasa hilagang pampang
nito.
Batay sa bisa ng Legislative Act. No.3537 na nag
apruba sa paghati ng Misamis sa dalawang lalawigan at
pinagtibay sa implementasyon ng Act. No. 3777 noong ika-
28 ng Nobyembre 1939 sa pagiging Misamis Oriental at
Misamis Occidental, ng naging unang Gobernador ng
Misamis Oriental si Don Gregorio Pelaez.

Ang mapa ng Misamis Oriental

http://www.globalpinoy.com/gp.topics.v1/viewtopic.php?postid=4d6398d2a2054
185
Kapitolyo ng Misamis Oriental

Nahahati ang Misamis Oriental sa dalawampu’t-apat


na munisipalidad at tatlong lungsod. Ang mga bumubuo sa
munisipalidad ay ang Alubijid, Balingasag, Balingoan,
Binuangan, Claveria, Gitagum, Initao, Jasaan, Kinoguitan,
Lagonglong, Libertad, Lugait, Magsaysay, Manticao,
Medina, Naawan, Opol, Salay, Sugbongcogon, Togoloan,
Talisayan at Villanueva. Ang tatlong lungsod na bumubuo
nito ay Lungsod ng Cagayan de Oro na naging sentro sa
lalawigan at sentro ng kalakalan, Lungsod ng Gingoog, at
ang Lungsod ng El Slavador na doon makikita ang Sacred
Heart of Jesus Shrine na dinarayo ng mga turista at naging
tanyag sa buong Pilipinas.
https://www.google.co m.ph/search?q=misamis+oriental+provincial+capitol&tbm=isch&imgil

186
Lalawigan ng Lanao del Norte
Isang lalawigan ang Lanao del Norte sa Pilipinas na
matatagpuan sa rehiyon ng Hilagang Mindanao. Tubod ang
kabisera nito at napapaligiran ng Lanao del Sur sa timog,
Zamboanga del Sur sa kanluran, Misamis Oriental sa
hilagang-silangan, Bukidnon sa silangan, at nahihiwalay sa
Misamis Occidental sa pamamagitan ng Iligan Bay.

https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Fwww.pcso.gov.ph

Ang Lanao ay naging lalawigan sa pamamagitan ng


Republic Act No. 2228. Hinahati sa dalawang lalawigan,ang
Lanao del Norte at Lanao del Sur.
Ang Lanao del Norte ay kinilala noong ika-4 ng Hulyo
1959 at ang Lungsod ng Iligan ang naging Kabisera nito. Si
Salvador T. Lluch ang naging unang gobernador ng
lalawigan ng Lanao del Norte at sinundan ni Mohammad Ali
Dimaporo mula 1960 hanggang 1965.

187
Kapitolyo ng Lanao del Norte

http://cdn.ivoteph.com/wp-content/uploads/2016/05/Lanao-del-Norte-Region-X.jpg

Ang lalawigan ng Lanao del norte ay binubuo ng 22


munisipalidad at isang lungsod. Ito ang Bacolod, Balo-i,
Baroy, Kapatagan, Kauswagan, Kolambugan, Lala,
Linamon, Magsaysay, Maigo, Matungao, Pantar, Poona
Piagapo, Salvador, Sultan Naga Dimaporo, Tagoloan,
Tangcal, Lungsod ng Iligan, at Tubod na naging kabisera sa
kasalukuyan.

Lalawigan ng Camiguin
Ang Camiguin ay isang maliit na pulong lalawigan sa
Pilipinas sa rehiyon ng Hilagang Mindanao. Ang bayan ng
Mambajao ang kabesira ng lalawigan, itinuturing na
pumapangalawa sa pinakamaliit na lalawigan sa bansa.

188
Matatagpuan ang pulo ng Camiguin sa dagat Bohol,
sampung kilometro ang layo nito mula sa hilaga ng Misamis
Oriental. Tinatawag na Kamiguinon ang mga taong
matagal nang naninirahan sa lalawigan.

Cebuano ang pangunahing wika na ginagamit ng


buong lalawigan, ngunit may iba namang gumagamit ng
katutubong wikang Kinamiguinon tulad ng bayan ng Sagay
at Bayan ng Guinsiliban.

189
Kapitoloyo ng Camiguin

http://www.zamboanga.com/z/images/0/0d/Camiguin_Provincial_Capitol.JPG

Ang lalawigan ng Camiguin ay nahahati sa limang


bayan. Tinagurian ito bilang "pulo na isinilang sa apoy". Ang
Catarman, Guinsiliban, Mahinog, Mambajao, at Sagay ang
bumubuo ng lalawigan.

Lalawigan ng Bukidnon

Ang Bukidnon ay isang pampang na lalawigan ng


Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Hilagang Mindanao.
Lungsod ng Malaybalay ang kapital nito at napapaligiran
ng Misamis Oriental, Agusan del Sur, Davao del Norte,
Cotabato, Lanao del Sur, and Lanao del Norte.

190
https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Fwww.bukidnononline.com

Ang lalawigan ay naging parte ng Misamis noong 1850


at ang buong lalawigan ay naging Malaybalay. Ang mga
mamamayan ay tinatawag na Bukidnons(highlanders or
mountain dwellers).
Ang Komisyong Pilipinas na pinangunahan ni
Komisyoner Dean C. Worcester, Kalihim ng Interyor ang nag
hain sa paghihiwalay mula sa lalawigan ng Misamis.
Pinagtibay ito sa bisa ng Philippine Commission Act No. 1693
noong ika-20 ng Agosto 1907.

191
Kapitolyo ng Bukidnon

http://www.bukidnon.gov.ph/images/government/provincial_capitol_bukidnon.jpg

Ang buong lalawigan ng Bukidnon ay may 20 bayan at


2 pangunahing lungsod ito ang Lungsod ng Malaybalay at
Lungsod ng Valencia. Samantalang Baungon,
Cabanglasan, Damulog, Dangcagan, Don Carlos, Impasug-
ong, Kadingilan, Kalilangan, Kibawe, Kitaotao, Lantapan,
Libona, Malitbog, Manolo Fortich, Maramag, Pangantucan,
Quezon, San Fernando, Sumilao at Talakag ang bumubuo sa
mga bayan ng lalawigang ito.
Gawain A
Pag-isa-isahin ang mga bumubuo sa sumusunod na
lalawigan:
1. Misamis Oriental 4. Lanao del Norte
2. Misamis Occidental 5. Bukidnon
3. Camiguin

192
Aralin 1.1.2 Mga Pagbabago sa Aking lalawigan
at mga Karatig na Lalawigan sa Rehiyon

Panimula

Sa nakaraang aralin ay natukoy mo ang kasaysayan


ng pagbuo ng iyong lalawigan ayon sa batas. Mula sa
pinagmulan ng iyong lalawigan ay may pagbabagong
naganap tulad ng laki, pangalan, lokasyon, populasyon,
mga estruktura at iba pa.
Ang bawat lalawigan/ rehiyon ay mga pinagdaang
pagbabago na sumisimbolo sa pag-unlad ng isang
lalawigan/rehiyon. Mahalagang malaman ito para matukoy
ang mga pagbabagong naganap noon hanggang sa
kasalukuyang panahon.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. matukoy ang mga pagbabago ng isang
lalawigan/rehiyon noon at ngayon, at
2. makapagsasalaysay ng mga pagbabago sa
sariling lalawigan tulad ng laki nito, pangalan,
lokasyon, populasyon, mga estruktura at iba pa.

193
Alamin Mo

Ano kaya ang


itsura ng ating
lalawigan/rehiyon
noon?

Ano-ano ang
naging
pagbabago nito
ngayon?

194
Tuklasin Mo

Mga Pagbabago sa mga Lalawigan ng Aking Rehiyon


Ang Misamis Occidental
ang isa sa mga lalawigan sa
Pilipinas na matatagpuan sa
rehiyon ng Hilagang Mindanao.
Ang Lungsod ng Oroquieta ang
kabisera nito.
Ito ay nasa hangganan
http://harrybalais.com/travels/pro ng Zamboanga del
vincial-capitol-misamis- Norte at Zamboanga del Sur sa
occidental/
kanluran at nakahiwalay mula
sa Lanao del Norte ng Look ng Iligan. Nahahati ang
Misamis Occidental sa labing-apat ( 14 ) at tatlong
(3) lungsod.
Ang unang naninirahan dito ay ang Subanen. Ang
Misamis ay galing sa salitang Subanen na “kuyamis” na ang
ibig sabihin ay masasarap na mga niyog na kung saan
naging panguhaning pagkain sa mga sinaunang
naninirahan dito. Marahas din itong sinakop ng mga
Espanyol sa bukana ng Panguil Bay.

195
Ang Mapa Misamis Occidental

Naging sentro ng kalakalan ang Lungsod ng Ozamiz at


naging daungan ng barko na karatig nito kung saan ang
mga kalakal ay nanggagaling pa sa ibang bahagi ng
bansa. Naging maunlad ang Lungsod ng Ozamiz, kasama
ang mga karatig lalawigan nito. Mula sa maliit na sentro ng

196
Ozamiz, lumawak ang sakop ng Misamis Occidental
hanggang sa kasalukuyan.
Alamin natin ang mga pagbabago sa mga lalawigan ng
Misamis Occidental.
Lalawigan ng Misamis Occidental
1. Pagbabago sa pangalan
Batay sa kasaysayan, ang Misamis ay nagmula sa
pangalan ng salitang kuyamis, isang uri ng niyog na
masarap at ginagamit para gumawa ng sabon, oil, crude
coconut oil at marami pa para sa pakikipagkalakalan.
Upang matandaan ang lugar kung saan maraming niyog,
tinawag ng mga naunang nanirahan dito ng kuyamis, ibig
sabihin, lugar na may masasarap na niyog. Sa kasalukuyan
ito ay tinatawag Misamis Occidental.
2. Pagbabago sa emprestruktura
May nakikita ba kayong pagbabago sa mga
inprestruktura ng Misamis Occidental? Ano-ano ang mga
ito? Subukin nating tukuyin isa-isa.
Noon Ngayon

http://img10.imageshack.us/img10/70/oldmisamisoccidental.png
http://harrybalais.com/travels/provincial-capitol-misamis-occidental/

197
Noon Ngayon

https://www.google.com.ph/search?q=logo+ng+misamis+occidental&rlz=1C1CHMO_enPH560PH560&oq=
logo+ng+misamis+occidental&aqs=chrome..69i57.7820j0j4&sourceid=chrome&espv=210&es_sm=93&ie=UT
F-8

3. Pagbabago sa populasyon
Tingnan ang pagbabago ng populasyon ng Misamis
Occidental. Bakit kaya mabilis na lumaki ang populasyon
ng Misamis Occidental? Isulat sa kahon ang inyong mga
sagot.

Sagot:

198
Municipality Population Data
Province of Misamis Occidental
Water Population Population Population Househol Household Household
Municipality
District 1990 1995 2000 ds 1990 s 1995 s 2000

Aloran 20,812 22,275 23,127 3,994 4,429 4,766

Baliangao 13,562 13,139 14,552 2,632 2,804 3,255

Bonifacio 24,439 26,068 26,445 4,579 5,050 5,218

Misami
Calamba 15,111 15,686 17,594 2,926 3,221 3,665
s Occ.

Misami
Clarin 23,802 26,202 27,856 4,565 5,297 5,703
s Occ.

Concepcion 3,877 5,017 6,900 752 1,053 1,487

Don
Mariano 5,803 6,878 9,319 1,065 1,343 1,815
Marcos

Jimenez 20,589 21,434 23,212 4,149 4,478 4,997

Lopez
19,912 20,444 19,492 3,587 4,024 4,008
Jaena

Oroquieta Oroquie
52,500 56,012 59,843 10,056 11,565 12,417
City ta

Misami
Ozamis City 91,503 101,944 110,420 16,912 19,835 22,170
s Occ.

Panaon 8,844 8,655 7,441 1,704 1,862 1,645

Plaridel 28,824 29,134 29,279 5,703 6,337 6,423

Sapang Sapang
17,945 21,084 17,794 3,293 3,763 3,774
Dalaga Dalaga

Sinacaban 14,846 14,735 16,030 2,950 3,122 3,486

Tangub
Tangub City 42,926 46,004 49,695 7,691 8,643 9,480
City

Misami
Tudela 19,070 22,805 23,047 3,628 4,294 4,617
s Occ.

199
Sagutin mo ang mga tanong:
1. Ano-anong pagbabago noon ang napansin mo sa mga
sumusunod:
A. pagbabago sa pangalan?
B. pagbabago sa imprastruktura?
C. pagbabago sa populasyon?
2. Bakit kaya may mga pagbabago sa iyong lalawigan o
kaya sa mga kalapit nito?
3. Pare-pareho ba ang mga pagbabago sa mga lalawigan
sa rehiyon? Bakit mo nasabi ito?
4. Paano mo maihahambing ang mga pagbabago sa
lalawigan mo at mga karatig nito? Halimbawa, anong
pagbabago ang naganap sa Misamis Occidental? Kaiba
ba ito sa Misamis Oriental?

Ang
Gawin mo

Gawain A
Isalaysay sa pamamagitan ng maikling talata ang mga
pagbabagong naganap sa inyong lalawigan o rehiyon.
Isulat ang talata ayon sa pagbabago ng inyong kalsada,
tirahan, populasyon, at iba pa.

200
Gawain B
Isalaysay sa pamamagitan ng malayang pagguhit ang
mga pagbabagong naganap iyong lalawigan noon at
ngayon. Iguhit ito sa manila paper.

Gawain C
Pumili ng pagbabago sa inyong lalawigan na sa
inyong palagay ay nakabubuti o nakakatulong sa
kaunlaran. Isadula ang mga pagbabagong ito.

Natutuhan Ko

Gumawa ng isang “ Rap Song” tungkol sa mga


pagbabagong naganap sa iyong lalawigan o rehiyon noon
at ngayon. Itono ang kanta sa awitin ni Basilio na
pinamagatang “ Lord, Patawad”.

201
Aralin 1.2: Timeline ng Makasaysayang Pangyayari
sa Aking Rehiyon

Panimula

Sa nakaraang mga aralin, natutuhan mo ang


pinagmulan at pagbabago ng iyong lalawigan at ang mga
karatig nito sa iyong rehiyon. Nalaman mo ang batas na
bumuo rito, ang laki, lokasyon, estruktura, at ang bilang ng
populasyon nito.
Sa araling ito, inaasahang maiisa-isa at matututuhan
mo ang pagkasunod-sunod ng mga makasaysayang
rehiyon sa tulong ng timeline:

1. makabubuo ng timeline ng mga makasaysayang


pangyayari sa rehiyon sa iba’t ibang malikhaing
pamamaraan.

202
Paano mo
Alamin Mo
mapagsusunod-sunod
nang wasto ang mga
makasaysayang
pangyayari sa inyong
lalawigan o rehiyon?

Nais mo bang alamin


ang mga
makasaysayang
pangyayari sa iyong
rehiyon?

Pagtalakay kung ano ang “ timeline”


Ang timeline ay isang grapikong paraan ng
pagpapakita ng pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. Ang
pagkakahati - hati ng panahon sa timeline ay ayon sa
itinakdang interval ng mga taon. Ginagamit ito upang
lubos na maunawaan ang ugnayan ng
magkakasunod na pangyayari sa kasaysayan ng isang
lugar.
Subukin natin gamitin ang timeline upang
mailarawan ang kasaysayan ng ating lalawigan.
203
Tuklasin Mo

Kasaysayan ng Misamis Occidental


https://www.facebook.com/notes/misamis-occidental/misamis-occidental-and-the-misamis-
timeline/429070580485583

Taong 1756 ng ipinanukala ng isang Hesuitang pare na


si Padre Jose Ducos na ipatayo ang Cotta para sa
dalawang kadahilanan: upang iwaksi ang mga pagsalakay
ng mga pirate at upang magbigay ng kanlungan para sa
mga barko ng Espanyol sa panahong iyon.
Noong 1818, ang Mindanao ay itinatag sa limang distrito
ng politico-militar, ang isa ay ang Segundo Distrito de
Misamis, ang pinakamalaking distrito sa Mindanao. Ang
lugar na ito ay binubuo ng Misamis Oriental, Misamis
Occidental, Camiguin, Bukidnon, Lanao, Zamboanga del
Norte, at sa hilagang bahagi ng Cotabato.
Noong 1847, isang Espanyol na nagngangalang Juan
Tejada ang nagtatag ang Sityo ng Simbalagon na ngayon
ay tinatawag ng Tudela.
Noong 1850, ang Misamis ay naging kabisera ng distrito
ng Misamis hanggang Pebrero 27, 1872. Ang Gobernador
Heneral Carlos Maria de la Torre ang nagbuo ng isang
kautusan na nagdeklara ng Cagayan na permanenteng
kabisera ng Segundo Distrito de Misamis. Sa panahon na ito,
ang pangalan ng bayan ay Cagayan de Misamis.
204
Noong Nobyembre 2, 1929 ay ipinasa ang Legislative
Act No. 3537 na naghihiwalay sa lalawigan ng Misamis sa
dalawa. Ito ang Misamis Occidental at Misamis Oriental,
epektibo simula Enero 1, 1930.
Noong Hulyo 16, 1948 ang Misamis ay naging
“chartered city” na ayon sa Republic Act 321. Dito ay
binago ang pangalang Misamis na naging Ozamiz
alinsunod sa pangalan ng bayani ng ika-2 digmaang
pandaigdig na si José Ozámiz. Siya ay na nanggaling sa
lalawigan ng Misamis Occidental at naging gobernador at
representante sa nag-iisang distrito ng Misamis Occidental .
Noong 1941 ay nahalal siya bilang senador ng Senado ng
Pilipinas.
Noong Enero 1, 1970, ang Lungsod ng Oroquieta ay
naging siyudad sa bias ng R.A. 5518. Ito rin ang naging
kabisera ng Misamis Occidental.
 Noong Hulyo 11, 2007, ang Ozamiz Airport ay binuksan
at ang unang lipad ng eroplano ng Air Philippines ay
naganap sa paliparan ng Ozamiz City.

Sagutin Mo:
Mula sa binasang kasaysayan, isulat ang
mahahalagang pangyayari na naganap sa bawat petsa o
taon. Sundan ang tsart.

205
Mahahalagang taon o Makasaysayang
Petsa Pangyayari
a. 1756

b. 1818

c. 1847

d. 1850

e. 1872

f. 1929

g. 1948

h. 1970,

i. 2007

GAWAIN A.
Isulat sa kahon ang kasaysayan ng bawat taon.

1756 1818 1847 1850 1872 2007

206
1. Batay sa timeline ng Misamis Occidental, gaano
katagal bago naitatag ang lalawigan buhat na ng
dumating dito ang mga Espanyol?
2. Sa anong taon naging kabisera ang Misamis ng Distrito
ng Misamis?

Gawin Mo

Gawain A
Timeline ng mga Makasaysayang Pangyayari
1. Kasama ng iyong pangkat, gumawa kayo ng timeline ng
mga makasaysayang pangyayari sa iyong rehiyon base
sa kuwentong binasa.
2. Isulat o iguhit ninyo ang inyong timeline sa isang manila
Paper
3. Ipaskil ang inyong timeline sa itinakdang lugar ng inyong
guro

207
Gawain B
Ilagay ang mga sumusunod na makasaysayang
pangyayari sa timeline.

1574 1818 1847 1850 1872 2000


(timeline base sa datos nasa itaas)
1. 1756- ipinatayo ni Father Jose Ducor, S.J., ang
COTTA ng Misamis, Ozamiz City ngayon.
2. 1818- ang pagtatag sa limang distritong politiko militar,
ang isa ay ang Segundo Distrito de Misamis, ang
pinakamalaking distrito sa Mindanao.
3. 1847- isang Espanyol na ngangalang Juan Tejada ay
itinatag ang Sityo ng Simbalagon (Tudela ngayon.)
4. 1850 - ang Misamis ay naging kabisera ng Distrito ng
Misamis.
5. 1872 - nagpahayag si Spanish Governor Carlos Maria de la
Torre sa isang batas na ang Cagayan ang permanenteng
kabisera ng Segundo Distrito de Misamis Pinangalanan ang
lugar na "Cagayan de Misamis".
6. 1929 - ipinasa ang Legislative Act No. 3537 na
naghiwalay sa lalawigan ng Misamis sa dalawa. Ito ang
Misamis Occidental at Misamis Oriental, epektibo simula
Enero 1, 1930.
7. 1948 ang Misamis ay naging “chartered city” na ayon sa
bias ng Republic Act 321, at dito ay binago ang pangalang

208
Misamis na naging Ozamiz bilang pagpangalan sa bayani
ng Ika-2 Digmaang Pandaigdig na si José Ozámiz .
Nagiging madali ba ang pag-aaral ng ating
kasaysayan kung may timeline? Paano nakatutulong ang
timeline sa pag-uunawa sa mga pangyayari sa sariling
lalawigan?

Natutunan ko

Ang timeline ay isang paraang magagamit upang higit


nating maunawaan ang mahahalagang pangyayari sa
ating lalawigan o rehiyon.
Makabubuo tayo ng timeline kung pagsusunod-sunurin
natin ang mga petsa/taon ng makasaysayang pangyayari
sa ating lalawigan o rehiyon.

 Alamin ang mahahalagang pangyayari sa huling 20


taon ng lalawigan (1990-2010). Ipakita ito sa timeline.

209
Aralin 1.3: Paraan ng Pakikipagtulungan ng mga
Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon

Panimula

Sa mga nakaraang aralin, natutuhan ninyo ang


mahahalagang pangyayari sa pagbuo ng pagsama-sama
ng mga lalawigan sa ating rehiyon. Gumamit kayo ng
timeline sa pagtukoy ng mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng inyong lalawigan at rehiyon. Maraming
dahilan ang pagbuklod-buklod ng mga lalawigan sa isang
rehiyon. Isa na rito ay upang maging madali ang
pagtutulungan ng mga karatig na lalawigan sa pagtugon
sa pangangailangan ng mga kasapi ng kani-kanilang
lalawigan. Paano nga ba nagtutulungan ang mga
lalawigan sa rehiyon? Mahalagang matukoy ang
pagtutulungang ito ng mga lalawigan bilang isang
magandang katangian ng mga lalawigan ng rehiyon.

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. makapagsasabi ng mga paraan ng
pakikipagtulungan ng mga lalawigan sa rehiyon
noon at sa kasalukuyan, at
2. Makapagpapaliwanag sa kahalagahan ng
pakikipagtulungan ng mga lalawigan/lungsod .

210
Ano ang
TUKLASIN MO paraan ng
pagtutulungan
noon at
ngayon sa
ating lalawigan
o rehiyon?
Alam mo ba ang
kahalagahan ng
pagtutulungan
sa isang
lalawigan o
rehiyon?

Pakikipagtulungan sa Pangangalakal

Sa pakikipagtulungan ang mga lalawigan ay


nagkikipagkalakalan sa bawat isa. Hindi lamang ng iisang
produkto kundi pati na rin sa ibang nagagawa ng isang
lalawigan. Halimbawa, ang karamihan sa mga magsasaka
ay nagtatanim ng palay. Minsan pinapalitan nila ito ng mais
at iba pang naaangkop sa kanilang kapaligiran. Sa karatig
na lalawigan, iba naman ang itinatanim. Maaaring sila ay
nagtatanim ng iba’t ibang gulay ayon na rin sa naangkop
sa kanilang lupain at klima? Gayundin naman ang mga
manggagawa sa pabrika. Maaaring sa isang lalawigan ang
kanilang produkto ay ang pagawa ng tela. Sa ibang
lalawigan naman ay mga pabrika ng damit, maleta at iba
pang konsumo na kagamitan.
211
Sa kalakalan ang mga magsasaka at manggagawa
ang mga tagagawa o prodyuser ng mga produkto.

Sa kabilang dako, nangangailangan din ang mga


lalawigan ng produkto ibang lugar. Halimbawa, may mga
lalawigan na hindi nagtatanim ng palay, kung kaya
kailangan nilang mag-angkat nito sa ibang lalawigan.
Maaari din na ang lalawigan ay isang sentro ng
kalakalan dahil sa marami na ang mga taong naninirahan
dito. Kung kaya ang mga produkto na galing sa karatig na
lalawigan ay ikinakalakal sa nasabing probinsiya. Ang mga
nag-aangkat ng mga produkto ay tinatawag na taga-
konsumo o “consumer”. Kailangan ng mga tagagawa na
may bumili ng kanilang produkto upang sila rin ay makabili
ng iba pang gamit sa kanilang pangangailangan. Sa
madaling salita, makikita rito na ang mga lalawigan, karatig
man o hindi, ay nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan upang matugunan ang kanilang
pangangailangan.

ALAMIN MO

Ang pagtutulungan ay mahalaga sa kaunlaran ng


Rehiyon X, at ng mga bayan na nasasakupan nito, at
maging ng Lungsod ng Cagayan de Oro. Hindi lahat ng
produkto, industriya, hanapbuhay at likas na yaman ay
makikita sa Rehiyon X at sa mga lalawigan nito. Halimbawa,
ang lalawigang Misamis Occidental ay sagana sa yamang
dagat ngunit kulang naman sa yamang mineral. Kung
kaya’t nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan ito sa ibang
212
lalawigan sa rehiyon, at sa ibang rehiyon sa pamamagitan
ng pakikipagkalakalan.
Kagaya ng pagtutulungan ng mga lalawigan ng
Rehiyon X, iba- iba naman ang paraan ng pagtutulungan sa
ibang rehiyon. Pansinin ang datos tungkol sa produksyon at
pagkonsumo ng ilang produktong pang-agrikultura sa mga
lalawigan ng Rehiyon X
Production
Production and Area, Northern Mindanao, 2011

Crop Production (metric ton) Area (hectare)

Palay 610,990 152,410

Corn 1,212,208 364,059

Yield per Hectare, Northern Mindanao,20113.33.53.73.94.1Corn Palay

Palay production of Region X improved by 4.19 percent compared to 2010


level. Total area harvested expanded by 6.34 percent. Corn production for
2011 was up by 5.11 percent. There was a 0.52 percent decrease in
harvested area.

Gross Output in Agriculture: Growth Rate by Subsector, Northern Mindanao, 2011

Sector Growth Rate 2010-2011 (percent)

Agriculture 6.02

Crops 8.45

Livestock 5.17

Poultry 7.18

Fisheries (1.35)

Agriculture: Share by Subsector,Northern Mindanao, 2011CropsLivestock1/217.4%13%56.5%The


region's agricultural output grew by 6.02 percent. Production increased in crops, livestock and
poultry subsectors while it declined in fisheries subsector. The crops subsector was about 56.5

213
percent of the region's total agricultural output. The fisheries subsector had a 17.42 percent
share in agriculture. Livestock and poultry production contributed 13 percent each.

Top Agricultural Commodities, Northern Mindanao, 2011

Share to Total Rank of the


Production Agricultural Region in the
Commodity Name
Growth Rate Output of the National
Region Production

---------- (in percent) ----------

Banana 1.37 11.80 2nd

Corn 5.11 10.85 2nd

Chicken 7.69 10.11 3rd

Pineapple 8.63 9.68 1st

Hog 5.82 9.60 5th

Subukin nating sagutin ang mga tanong:


1. Ano-ano ang mga pangunahing produkto ng rehiyon at
lalawigan?
2. Sapat ba ito sa mga pangangailangan? Patunayan ang
sagot.
3. Bakit sa Misamis Occidental, nag-aangkat ang mga
ibang lalawigan ng rehiyon?
4. Sa palagay mo, mas tataas ba ang presyo ng palay kung
mag-angkat ang mga lalawigan sa ibang rehiyon? Bakit
mo nasabi ito?
5. Batay sa datos, bukod sa Misamis Occidental, saan pa
puwedeng mag-angkat ng palay ang mga lalawigan?

214
6. Ano ang ambag ng lalawigan ng Misamis Occidental at
iba pang lalawigan sa buong rehiyon ng Kanlurang
Mindanao? Ipaliwanag ang sagot.

Pansinin natin ang graphic organizer tungkol sa yaman ng


mga lalawigan sa rehiyon.

Mga Yaman ng Misamis Occidental

Pangunahing Produkto Natatanging Atraksyon


Industriya ng Turismo
 Isda
Dolphin Island
 Palay
 Saging

Hanap-buhay Industriya
Pag-aalaga ng hayop Pabrika
gaya ng manok, baka, Turismo
baboy, at ibapa

Likas na Yaman
Yamang dagat
Sakahan

215
Mga Yaman ng Lanao del
Norte
Pangunahing Produkto Natatanging Atraksyon
 Isda  Industriya ng Turismo
 Palay  Maria Christina Falls

Hanap-buhay Industriya
 Kalakal  pabrika

 Opisina  Kalakal

Likas na Yaman

 Baybay-dagat
 Taniman

Mga Yaman ng Bukidnon

Pangunahing Produkto Natatanging Atraksyon


Troso . Palay.  Industriya ng Turismo
Mais, Prutas  Pineapple
Plantation

Hanapbuhay Industriya

 Pagmimina  pabrika
 Pagtatanim  Kalakal

Likas na Yaman
 Kagubatan
 Taniman

216
Batay sa graphic organizer, ano ang mga maambag ng
bawat lalawigan ng rehiyon sa isa’t isa?
1. Bakit mahalaga ang yaman ng lalawigan ng Misamis
Occidental?
2. Ano ang maaring maangkat ng Lalawigan ng Lanao del
Norte sa Bukidnon?
3. Ano ang maaring matugunan ng Misamis Occidental sa
Bukidnon?
4. Paano matutulungan ng lalawigan ng Lanao del Norte
ang ang pangangailangan ng lalawigan ng Misamis
Occidental? Bakit mo nasabi ito?
5. Sa iyong palagay, paano maipapakita ng Bukidnon ang
pakikipag-ugnayan nito sa lalawigan ng Misamis
Occidental?

Gawin Mo

Gawain A

Malikhaing Pagsasalaysay
Basahin ang sitwasyon sa ibaba, pagkatapos bigyan
ng paliwanag kung paano umaasa ang mga bayan sa mga
lalawigan sa rehiyon sa inyong sagutang papel.

217
Sitwasyon:
Sa lalawigan ng Bukidnon, ang bayan ng Dahilayan,
Manolo Fortich ay naging puntahan ng maraming turista
dahil sa ganda ng tanawin at zipline nito. Dahil sa
pagdagsa ng turista, nagkaroon ng hanapbuhay ang mga
naninirahan sa paglikha ng souvenirs para sa mga turista.
Marami ding ibang pangangailangan ang pagdagsa
ng mga tao. Una na rito ang mga pagkain na mabibili sa
lugar dahil wala namang tanimang gaano sa lugar.
Nangangalakal pa ang mga taga roon sa ibang bayan o sa
sentro upang bumili ng mga pangangailangan nila. Sa
karatig bayan naman ng Misamis Oriental, ang
pangunahing pangkabuhayan ay ang agrikultura at
pangingisda. Anong pakikipag-ugnayan ang dapat gawin
ng taga-Bukidnon at karatig bayan nito?

Gawain B
Pangkatang Gawain
Ang bawat lalawigan sa rehiyon ay may mga sariling
pangangailangan. Minsan, hindi lahat ng pangangailangan
ay natutugunan sa loob ng lalawigan kung hindi sa
pakipag-ugnayan sa ibang karatig na lalawigan. Batay sa
mga napag-aralan na mga produkto ng iba’t ibang
lalawigan ng rehiyon, magbigay ng 1-3 mungkahi tiyakin
kung paano matutugunan ng bawat lalawigan ang
kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng

218
pakikipagtulungan sa karatig na lalawigan. Saan-saan sila
makikipag-ugnayan?
Pangkat I - Kakulangan sa Prutas
Pangkat II - Kakulangan sa Yamang Dagat
Pangkat III - Kakulangan sa Gulay
Pangkat IV - Kakulangan sa Bigas
Gawain C
Indibidwal na Gawain
Nagmungkahi ang nasyonal na pamahalaan na pag-
ibayuhin ang mga natatanging produkto ng lahat ng
lalawigan ng bansa. Inatasan nito ang Kagawaran ng
Kalakal (DTI) na ilunsad ang “One Town, One Product
Project”. Sa proyektong ito, iniengganyo ang bawat
lalawigan na ipakita at ianunsiyo ang kanilang produkto sa
mga ”trade and expo shows” sa mga piling lugar ng bansa.
Bukod pa rito, ang layunin ng proyekto ay upang bigyan ng
sapat na kita ang mga lalawigan sa bawat produkto.
Magagawa lamang ito kapag hindi nagdodoble ang mga
produktong ginagawa o niyayari ng bawat lalawigan.
Kapag magkakaiba- iba ang mga produkto, hindi
magkakalaban-laban ang mga lalawigan sa
pagkokonsumo ng kanilang produkto. Inaasahang mas
magiging malaki ang kita ng bawat lalawigan. Isa pang
dahilan sa pagkakaroon nito ay upang mahimok ang mga
lalawigan na makipag-ugnayan sa isa’t-isa sa
pamamagitan ng kalakal.
May mga produkto na angkop sa klase ng kapaligiran.
Kaya ninanais ng pamahalaan na mapadali ang
produksyon ng mga tao sa pamamagitan ng pagpili ng
219
produktong madaling pagyabungin sa kapaligiran. Dahil
nagkaroon ng mga sari-sariling produkto, nangangailangan
na ang mga lalawigan ay mas lalong makikipag-ugnayan
sa iba sa pagtugon ng pangangailangan nito.
Sagutin ang mga tanong tungkol sa talata.
1. Ano ang paraan ng pagtutulungang ipinakita sa
sanaysay?
2. Ilarawan ang papel ng pamahalaan dito?

Natutuhan Ko

Magbigay ng mga paraan kung paanong


nagkakatulungan ang mga rehiyon upang matugunan ang
pangangailangan ng bawat rehiyon. (1-3 sagot lamang).

220
Aralin 2: Mga Pagbabago at Pagpapatuloy ng
Aking Lalawigan at Kinabibilangang Rehiyon

Panimula

Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang mga


pagyayaring naganap sa inyong lalawigan. Gamit ang
timeline ay naitala mo ang detalye ng mga kaganapan
noon. Sa iyong palagay, masasabi mo bang may
pagbabago sa iyong lalawigan ngayon? Ano-ano ang mga
ito? Maaari mo bang ibahagi sa amin ang mga
pagbabagong ito?
Dito malalaman niyo ang pagkakaiba ng iyong
lalawigan noon at ngayon.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. makatatalakay tungkol sa mga pagbabago at
pagpapatuloy na sariling lalawigan at kinabibilangang
rehiyon.

221
Tuklasin Mo

Sa bawat paglipas ng panahon ay kasabay ang mga


kaganapan o pangyayari sa isang lugar. Ang mga
pangyayaring ito ay maaaring nagdulot ng pagbabago sa
kasaysayan. Mabuti man o hindi ang naging bunga ng
pagbabagong ito, si guradong ang nag-iwan ito ng alaala
sa isipan ng bawat mamamayan.
Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Itala ang
pagkakaiba ng mga ito NOON at NGAYON, na ukol sa:
1. Pagbabagong pisikal
2. Pagbabagong pang-ekonomiya/pangkabuhayan
3. Pagbabagong panlipunan
4. Pagbabagong pangkapaligiran
1. Misamis Occidental
NOON NGAYON

222
2. Misamis Oriental
NOON NGAYON

3. Lanao del Norte


NOON NGAYON

223
4. Camiguin
NOON NGAYON

5. Bukidnon
NOON NGAYON

Sagutin Mo
1. Ano-ano ang naitala mong pagkakaiba ng mga nasa
larawan NOON at NGAYON sa aspetong pisikal,
pangkabuhayan, panlipunan at pagkapaligiran sa:
 Misamis Occidental
 Misamis Oriental
 Lanao del Norte
 Bukidnon
 Camiguin
224
2. Alin ang iba’t ibang aspekto na nakikita pa rin sa
kasalukuyan?
3. Sa palagay mo, alin sa mga aspektong nabanggit
ang makabubuting panatilihin sa kasalukuyan? Bakit?

Gawin Mo

Gawain A
Pangkatang Gawain
Magpalabunutan tungkol sa paksang tatalakayin.
Pangkat I
Isalaysay ang mga pagbabago Noon at Ngayon sa
lalawigan ng Bukidnon. Gawing salik ang mga sumusunod:
1. Pagbabagong pisikal
2. Pagbabagong pang-ekonomiya
3. Pagbabagong panlipunan
4. Pagbabagong pangkapaligiran

225
Pangkat II
Itala ang mga bagay na nananatili pa hanggang
ngayon sa lalawigan ng Camiguin. Gamitin ang graphic
organizer.

Ekonomiya Gusali

Nananatili at
nagpapatuloy
hanggang ngayon sa
lalawigan

Tirahan Lansangan

Pangkat III:
News Reporting ( brodkast)
Gumawa ng balita tulad ng " News Reporting" at
talakayin sa pamamagitan ng mga larawan at kilalang tao
tungkol sa pagbabago ng iyong lalawigan Camiguin noon
at ngayon.

226
Sagutin Mo
1. Ano-ano ang kadalasang nagbabago sa mga
lalawigan at rehiyon?
2. Ano-ano ang nagpapatuloy na gawi sa iba’t ibang
aspekto ng buhay hanggang sa kasalukuyan?
3. Ano-ano ang kabutihang naidudulot ng mga
pagbabago naganap sa mga lalawigan at
rehiyon?
4. Bakit mahalagang maipagpatuloy ang ibang mga
kaugalian o katangian ng lalawigan at rehiyon?
5. Alin sa mga katangian ng iyong lalawigan o rehiyon
ang gusto mong mabago o magpatuloy?
Ipalaiwanag ang sagot

Natutuhan ko
Gumawa ng scrap book tungkol sa pagbabago ng sariling
lalawigan sa iba’t ibang aspekto. Sabihin kung ano ang
papel na gagampanan mo sa bawat pagbabago.

227
Aralin 3: Makasaysayang Pangyayari sa Aking
Lalawigan

Panimula

Nalaman mo sa mga nakaraang aralin ang


pinagmulan ng iyong lalawigan o rehiyon. Nailarawan mo
rin ang mga makasaysayang pangyayari tungkol dito. Ano
ang naramdaman mo habang ginagawa ang mga
aktibidad?
Aalamin natin sa susunod na paksang aralin ang mga
makasaysayang pook at pangyayari na nagpapakilala sa
iyong lalawigan. May napuntahan ka na ba sa mga pook
na ito? Alam mo ba ang pinagmulan nito?
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. makapagsasalaysay ng kuwento ng makasaysayang
pook o pangyayaring nagpapakilala sa iyong
lalawigan sa pamamagitan ng pagsasadula at iba
pang malikhaing paraan.

228
Alamin Mo

Ano ang kuwento ng


makasaysayang pangyayari
sa iyong lalawigan?

Dapat bang malaman


ang mga
makasaysayang
pangyayari sa iyong
lalawigan?

229
Tuklasin Mo

Mga Kuwento ng Makasaysayang Pook o


Pangyayari sa Misamis Occidental
Ang Misamis Occidental ay isang lalawigan ng
Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Hilagang Mindanao.
Kabisera nito ay Oroquieta City, at pinaniniwalaang ang
mga Bukidnon ay naninirahan na rito bago pa man
dumating ang mga Espanyol. Sinundan ito ng mga
Cebuano at Boholano. Ang unang mga Espanyol na
dumating sa Misamis ay ang mga Misyonerong Recollectos.

Narito ang iba pang kwento ayon sa mananalaysay.


Ang Mount Malindang ay isang potensyal na aktibong
stratovolcano na matatagpuan sa lalawigan ng Misamis
Occidental sa katimugang isla ng Mindanao sa Pilipinas.
Ang bulkan ay nabuo sa pamamagitan ng isang serye ng
mga aktibidad ng bulkan. Nabatid ito na sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng isang bungangang-lawa (Lake
Duminagat). Ang bukana na napapalibutang mataas na
pader na bato, baga na sumingaw at umukyat pataas ng
bulkan,
230
At magkaroon ng malakas na presyon ito ay sasabog ang
bulkan, at ang pagkakaroon ng mga carbonized na kahoy
sa pyroclastic deposito at hotspring ang magpapatunay na
isa itong bulkan.
Ang Bahay ng Suman at Pasalubong Center sa Clarin,
Misamis Occidental ay bahagi ng mga pagsusumikap sa
pag-unlad upang iposisyon ang Clarin bilang Kabisera ng
mga Suman sa buong Lalawigan.
Ito ay naging bilihan ng suman kaya tinagurian ang
Clarin bilang "One-Town, One-Product (OTOP)" . Inilarawan
ito bilang isa sa mga “Top 10” na pinakatanyag na
"Pasalubong Ng Bayan," sa buong Pilipinas . Ang
pagkatatag noong 2009 ay isang pagtutulungan at
pagsisikap ng mga yunit ng lokal na pamahalaan (LGU) at
ang ilan sa mga pambansang ahensya na nagbigay ng
kabuhayan at tulong sa mga taga gawa ng suman sa
buong bayan.
Ang Cotta o Fort ay ginagamit na bilang isang
lagakan ng militar mula pa nang ito ay itinayo noong 1750.
Hanggang ngayon ay matatagpuan pa sa timog-silangan
ng Ozamiz City (dating ang bayan ng Misamis) ang Cotta.
Isang makatawag pansing lokasyon nito ang bukana ng
Panguil Bay. May Imelda Park rin na makikita sa kanlurang
sulok ng Cotta. Ang Panguil Bay ay inilarawan sa mga
kalagitnaan ng ikalabing-walong siglo bilang "hindi
kailanman nagtatapos na pinagmulan ng mga piratang
Moro”.
Itinala ng historyador na si Miguel Bernad, na ang Cotta
ay itinayo 225 taon na ang nakaraan bilang tugon
mungkahi ng ama ni Jose Ducos ng mga Heswita para sa
dalawang-kadahilanan: una sa pagtataboy ng Moro kung
231
saan ay sa kanilang taas sa 1750, at ikalawa upang
magbigay-kanlungan sa mga barko ng mga Espanyol sa
panahong iyon.
Ang Paliparan sa Labo na kilala rin bilang Ozamiz City
Airport at Benigno S. Aquino, Jr. Airport ay isang paliparan
na naghahatid ng mga mamamayan ng pangkalahatang
lugar ng Ozamiz City sa ibang lugar. Matatagpuan ito sa
lalawigan ng Misamis Occidental sa Pilipinas. Tanging
paliparan ito sa lalawigan ng Misamis Occidental. Ang
paliparan ay nauuri bilang isang komunidad na paliparan
ayon sa Civil Aviation Authority ng Pilipinas, isang katawan
ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon na
responsable para sa pagpapatakbo ng hindi lamang ng
paliparang ito kundi pati ng iba pang paliparan sa Pilipinas
maliban sa mga pangunahing internasyonal na paliparan.

Ilan lamang ito sa mga makasaysayang pook at


pangyayari na sa lalawigang ito.
Ikaw, kaya mo rin bang alamin ang kuwento ng
makasaysayang pook o pangyayari sa iyong lalawigan?

Sagutin ang mga katanungan

1. Ano ang pinakamakasaysayang lugar sa lalawigan ng


Misamis Occidental? Bakit nila itinuturing na
makasaysayan lugar?
________________________________________________________
________________________________________________________
____________________________________________

232
2. Kung isasalaysay mo ang kuwento tungkol sa Cotta o
Fort, paano mo ito gagawin?
________________________________________________________
________________________________________________________
____________________________________________

3. Sa paanong paraan mo ikukuwento ang tungkol sa


Suman House?
________________________________________________________
________________________________________________________
____________________________________________

4. Anong makasaysayang pook o pangyayari ang


naganap sa iyong lalawigan? Paano mo ito ipakikita o
ikukuwento?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

233
Gawin Mo

Gawain A
Pangkatang Gawain:
Hahatiin kayo ng guro sa limang pangkat upang
isadula ang makasaysayang pangyayaring naganap sa
lalawigan ng Misamis Occidental.

Pangkat 1
Ang pinagmulan ng salitang Misamis

Pangkat 2
Ang tungkol sa Mount Malindang at ang
kahalagahan nito sa lalawigan

Pangkat 3
Ang Cotta o Fort sa Ozamiz at kung bakit ito
mahalaga sa lugar

Pangkat 4
Ang paliparan ng Labo sa Ozamiz at kung gaano ito
kahalaga sa lahat ng tao sa Misamis Occidental

234
Gawain B
Magsaliksik ng isang makasaysayang pangyayaring
naganap sa iyong lalawigan. Ipakita ito sa pamamagitan
ng dula-dulaan o iba pang malikhaing paraan.
Gawain C
Gumawa ng script ng pagsasadula ng makasaysayang
Cotta o Fort ng Ozamiz. Gamiting mga tauhan ng
pagsasadula ang sumusunod:
Mga Militar
Moro
Ama Jose Ducos
Mga Espanyol

Natutuhan Ko

Gumawa ng isang piping palabas tungkol sa mga kuwento


ng mga makasaysayang pook o pangyayari ng inyong
lalawigan.

235
Aralin 4: Mga Simbolo at Sagisag ng Aking Lalawigan

Panimula

Nararanasan ninyo na bang maglakbay sa ibang


lalawigan? Ano-ano ang mga napapansin ninyo sa mga
daanan. Ang tawag dito ay mga simbolo o sagisag ng isang
lugar o lalawigan.
Sa nakaraang aralin ay masaya ninyong nilakbay ang
mga makasaysayang pook na matatagpuan sa inyong
mga karatig lalawigan. Dito ninyo naunawaan ang
kaugnayan ng mga lalawigan na pinag-isa ng kanilang
kasaysayan.
Ngayon, ating alamin ang mga simbolo o sagisag na
makikita sa bawat lalawigan ng Rehiyon X.
Nilalayon ng araling ito na inyong matatalakay ang
kahulugan ng mga simbolo o sagisag ng iyong lalawigan.

Handa na ba kayo?

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:


 makatutukoy ang kahulugan ng ilang simbolo at
sagisag ng aking lalawigan at rehiyon.

236
Alamin Mo
Alam mo ba ang ibig
sabihin ng mga
simbolo at sagisag na
nakikita mo sa iyong
lalawigan?

Ano kaya ang ibig


ipakahulugan ng mga
simbolo at sagisag
nito sa isang
lalawigan?

237
Tuklasin Mo

Gagawin natin ang isang dula-dulaan. Ang tawag


natin dito ay “Show and Tell”. Bumunot kayo ng isang
larawan na nasa kahong dala ko. Bawat isa sa inyo ay
bubunot ng tig-isang piraso ng larawan. Sasabihin mo, kung
anong larawan ang nabunot mo at magbigay ka ng mga
katangian tungkol dito.

Sagutin mo:
Ano ang ipinahiwatig ng larawan tungkol sa inyong
lalawigan?

Gawin Mo

Gawain A
Magpangkat kayo sa tatlo (3). Ngayon ay bagong
pangkat na naman. Bibigyan ng tig-iisang envelope ang

238
bawat pangkat. Sa loob ng dalawang minuto ay buuin
ninyo ang puzzle na nasa envelope.

Sagutin ninyo:
 Anong nasa larawan sa una, ikalawa at ikatlo?
 Ano ang kahulugan ng mga simbolong ito?
 Pamilyar ba kayo sa mga simbolong ito?

Iulat ang inyong mga kasagutan sa klase.


Gawain B
Pagdidikit-dikitin ang puzzle para maging isang
larawan. Ilagay ito sa selyo (seal) ng Ozamiz City katulad
nang sa ibaba. Gumamit ng iba’t ibang simbolo ng ibang
lalawigan.

239
Talakayin ng bawat pangkat ang mga larawang
inyong dinikit sa selyo (seal).

Sagutin ninyo:
1. Ano ang nabuong larawan sa seal?
2. Bakit kaya ganito ang simbolo ng ating lalawigan?
3. Paano nasasalamin ng seal ang pamumuhay at kultura
ng ating lalawigan?

Gawain C
Paghambingin ang inyong kahulugan ng mga simbolo
o sagisag ng Ozamiz City sa tunay at opisyal na kahulugan
ng mga simbolo nito.
Sagutin mo:

Cotta, Espanyol Fort "Motto ng lungsod"


Santiago at
Ibig sabihin, lakas sa
pinakamatandang
pananampalataya
estruktura sa lungsod;
isa ring simbolo ng
pamana at
kapayapaan at
kaayusan sa lungsod.

240
Sacred Heart of
Jesus Shrine,
Simbolo sa El
Salvador City, at
dinarayo ng mga
turista

Ang Cross na ito ay


makikita sa isla ng
Camiguin, ito ay isa sa
mga simbolo ng
lalawigan na dinarayo
ng mga turista.
Kabilanag ito sa mga
nasira sa pagputok ng
bulkan.

Sagutin:
1. Ano-anong bagay ang sumasagisag o sumisimbolo sa
Ozamiz?

2. Paano nito ipinakilala ang iyong lungsod o lalawigan?

3. Napapansin mo ba ang mga simbolo ito sa inyong


lalawigan?

4. Saan mo kadalasan nakikita ang seal ng lalawigan?

241
5. Ano ang kahalagahan ng mga simbolo o sagisag ng
iyong lalawigan?

6. Ano ang iba pang simbolo na makikita sa isla ng


Camigin?

Natutuhan ko

Iguhit sa kahon ang mga simbolo ng lalawigan at


ipaliwanag ang kahulugan sa papel ang bawat isa.

242
Aralin 5 : Ilang simbolo at Sagisag na Nagpapakilala
sa Iba’t ibang Lalawigan sa Rehiyon

Panimula
Ang mga lalawigan sa ating rehiyon ay nagtataglay
ng simbolo at sagisag na nagpapakilala rito. Bawat larawan
sa simbolo o sagisag ay nagtataglay ng kahulugan na
itinuturing ng lalawigan na napakahalagang bagay.
Mahalagang malaman mo ang ilan sa mga simbolo at
sagisag na ito ng iba’t ibang lalawigan sa rehiyon na iyong
kinabibilangan. Sa ganitong paraan, makikilala mo rin ang
mga karatig na lalawigan, ang kanilang mga
pinahahalagahan, at itinuturing na yaman.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahan na:
1. makapagsusuri ang mga simbolo at sagisag ng
bawat lalawigan sa rehiyon;

2. mapaghahambing ang ilang simbolo at sagisag


na nagpapakilala ng iba’t ibang lalawigan sa
rehiyon; at

3. Maipagmamalaki ang katangian ng iba’t ibang


lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

243
Alamin Mo

Nais mo bang malaman ang iba’t ibang simbolo at


sagisag ng mga lalawigan sa ating rehiyon?

Narito ang larawan ng simbolo at sagisag ng mga


lalawigan sa ating rehiyon. Pagmasdan ang mga ito at
kilalanin.

244
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang matatagpuang simbolo at sagisag na
kumakatawan sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon?
2. Anong mga lalawigan ang may nagkakatulad ng
simbolo? Aling sagisag ng ibang lalawigan ang malapit
sa katangian ng sagisag ng iyong sariling lalawigan?
3. Alin-aling lalawigan ang nagpapakita ng mayamang
kasaysayan? Paano ipinapakita ito?
4. Alin-aling lalawigan ang nagpapahalaga sa likas na
yaman at produkto nito? Patunayan ang sagot.
5. Paano ipinakikita sa simbolo ang kanilang natatanging
pagkakakilanlan bilang lalawigan?

Gawin Mo

Gawain A
Iguhit sa malinis na papel ang simbolo ng iyong sariling
lalawigan. Kulayan ito ayon sa kulay ng sagisag.
Itala ang mga simbolo at sagisag na matatagpuan
dito.

245
Gawain B

Pumili ng isa pang simbolo at sagisag ng ibang


lalawigan. Iguhit din ito sa malinis na papel. Kulayan at itala
ang mga sagisag na matatagpuan dito.

Gawain C
Gamit ang venn diagram, paghambingin ang sagisag
ng dalawang lalawigan. Ano ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga sagisag na matatagpuan sa
dalawang lalawigan?

Natutuhan ko

Pumili ng dalawang sagisag ng lalawigan. Sumulat ng


dalawa hanggang tatlong pangungusap na
naghahambing ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
sagisag ng dalawang lalawigang napili.

246
Aralin 6.1: Kahulugan ng Opisyal na Himno ng
Kinabibilangan Lalawigan

Panimula

Ang mga lalawigan sa ating rehiyon ay may pormal na


komposisyon na kinikilala bilang opisyal na himno o awit
nito. Mahalagang malaman ang bawat nilalaman ng
opisyal na himno upang higit nating makilala at
maipagmalaki ang katangiang taglay ng bawat lalawigan
na ating kinabibilangan. Ganun din, nararapat lamang na
alamin natin ang tunay na kahulugan o mensahe ng awiting
ito sapagkat ito ay sagisag ng ating lalawigan.

Sa araling ito, ikaw ay inaasahan na:


1. mabibigyang-kahulugan ang nilalaman ng opisyal na
himno ng iyong lalawigan;

2. mailalarawan ang kinabibilangang lalawigan; at

3. maipagmamalaki ang katangian ng iyong lalawigan.

247
Alamin Mo

Nais mo bang malaman


kung ano ang opisyal na awit
ng iyong lalawigan?

Handa ka bang awitin ito kung sakaling


ipaawit sa iyo ang opisyal na himno ng
iyong lalawigan?
Tara na! magsanay upang malaman
mo ang awiting ito.

248
Tuklasin Mo

Narito ang sipi ng awit. Basahin mo ito. Pakinggan ang


himig at damhin ng mensaheng ito.
The Misamis Occidental Provincial March

Sa malinaw'ng habagatan
Awit malanog madungog
Ubos sa mabugnaw'ng landong
Kasingkasing malipayon.

Chorus:

Misamis Occidental,
Kanimong nagdayeg
Malipayung gitahud
Ikaw niining dughan.
Ang Malindang nagtawag
Kanimo andam motubag
Di ka namo paantuson
Ni pakyason man usab.
Kasapaan nagadasig
Uban sa mga pahiyum
Tungod sa gugmang hilabihan
Among ginabati kini.
Misamis Occidental,
Kanimong nagdayeg
Malipayung gitahud
Ikaw niining dughan
249
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang mga katangian ng lalawigan na
binabanggit sa awitin?
2. Bakit dapat na mahalin at ikarangal ang iyong
lalawigan?
3. Bakit sinabing pinagpala ang iyong lalawigan?
Naniniwala ka ba dito? Bakit?
4. Ano ang pagpapahalaga sa lalawigan ang nais
ipahatid ng himno?

Gawin Mo

Gawain A
Iguhit sa papel ang larawan ng iyong lalawigan ayon
sa binabanggit ng awit. Kulayan ito.

250
Gawain B
Punan ang mga patlang ng nawawalang salita upang
mabuo ang awit.

The Misamis Occidental Provincial March

Sa malinaw'ng habagatan
Awit malanog madungog
Ubos sa mabugnaw'ng landong
Kasingkasing __________.

Chorus:

Misamis ______________,
Kanimong nagdayeg
Malipayung gitahud
Ikaw niining dughan.

Ang ___________ nagtawag


Kanimo andam motubag
Di ka namo paantuson
Ni pakyason man usab.
Kasapaan nagadasig
Uban sa mga pahiyum

Tungod sa ________ hilabihan


Among ginabati kini.
____________ Occidental,
Kanimong nagdayeg
Malipayung gitahud
Ikaw niining __________.

251
Gawain C
Ipakita sa “interpretative singing and dancing” ang
pag-aawit ng opisyal na himno.

Awitin nang may damdamin at buong pagmamalaki


ang opisyal na himno ng iyong lalawigan.

Natutuhan ko

Sumulat ng talata na magpapakita ng mga


sumusunod:
1. Sariling saloobin tungkol sa himno ng iyong
lalawigan.
2. Paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga
sa iyong lalawigan?

252
Aralin 6.2: Iba pang Sining na Nagpapakilala ng
Sariling Lalawigan at Rehiyon

Panimula

Upang lubos mong makilala ang lalawigan na iyong


kinabibilangan, mahalaga na malaman mo ang iba’t ibang
sining na nagmula rito. Bilang mga mamamayan ng iyong
lalawigan, nararapat lamang na ang mga sining na ito ay
ating alamin at ipagmalaki.

Sa araling ito, ikaw ay inaasahan na:


1. matutukoy ang iba pang mga sining na
pagkakakilanlan ng inyong lalawigan; at

2. mapahahalagahan ang mga sining sa inyong


lalawigan.

253
Alamin Mo

Alam mo ba na maliban sa opisyal na himno, may iba


pang sining na pagkakakilanlan ng ating mga lalawigan?
Tingnan mo ang mga larawan sa ibaba. Ang mga ito
ay nagpapakita ng iba pang sining na nagmula sa ating
lalawigan. Basahin mo at kilalanin ang mga ito.
Binalbal Festival
Ang Binalbal
Festival ay isang
taunang pagdiriwang
tuwing unang araw ng
Enero na ginaganap sa
Tudela, Misamis
Occidental. Isa itong
natatanging
pagsalubong ng mga
taga-Tudela para sa
bagong taon.
Nagmula ang Binalbal sa Sebuanong salitang ‘balbal’
na nangangahulugang multo o maligno. Kaya, ang mga
kalahok nito ay nakasuot ng mga maskara upang
magmukhang nakakatakot.

254
Kaliga Festival
Ang Kaliga
Festival ay
sinasayaw sa
taunang
pagdiriwang ng
Charter Day ng
Lungsod ng
Gingoog tuwing
ika-26 ng Hulyo.
Ang salitang
KALIGA ay
salitang Higaonon na ibig sabihin ay “Awit” sa isang
pagdiriwang. Ang sayaw na ito ay isang pasasalamat sa
masaganang ani, tagumpay na pangangaso, paglalakbay,
pagkakaroon ng bagong Datu, bagong silang , paggaling
sa sakit at masayang buhay.

Ang Ozamiz Cathedral Pipe Organ-


ang Ikalawang pinakamalaking
pipe organ sa Pilipinas.

Si Padre Lavery ay humingi


ng tulong mula sa isang pari na si
Padre Herman Schablitzski upang
maipagawa ang nasabing pipe
organ na ang mga gagawa ay
mula pa sa bansang Germany.

Ito ay natapos mabuo


noong May 31, 1967 at nakalagay
ito sa loob ng Immaculate
Conception Cathedral ng Lungsod
ng Ozamiz.

255
Diyandi

Ang DIYANDI ay
isang ritwal na
ginagampanan ng isang
grupong puro-babae
lamang sa labas ng
Cathedral sa panahon ng
Pagbaba, bago ang
bawat pagsisiyam at
bago ang pagsisimula ng
Komedya, o Comedia de
San Miguel.

isang-play sa entablado na naglalarawan ng


labanan ni Sr. San Miguel at ng mga demonyo . Bahagi na
ng Diyandi Festival ang street dancing at iba pa.

Kagay-an Festival

Ang Kagay-an Festival ay isang malaking pista na


ipinagdiriwang sa
Lungsod ng
Cagayan de Oro.
Pagpapahalaga ito
sa kanilang
patrong santo na si
San Agustin ng
Hippo, na
ginaganap tuwing
buwan ng Agosto.
Ang salitang
"Kagay-an" ay nangangahulugang "ilog" sa tagalog.

256
Ang makukulay na kasuotan ng mga mananayaw sa
lansangan sa pagdiriwang ng Kagay-an Festival tuwing
buwan ng Agosto ay ang atraksyon nitong mahalagang
tradisyon sa pagpapakilala ng mga katangian bilang
kagay-anon.
Kaamulan Festival
Ang “kaamulan” ay nagmula sa salitang Binukid na
“amul”, na nangangahulugan “tipunin”. Isa itong
makabuluhang pagtitipon ng mga kasapi ng tribu sa
Bukidnon. Maaari itong maging isang ritwal sa pagiging
datu, isang seremonya sa kasal, isang pagdiriwang ng

pasasalamat tuwing panahon ng ani, isang kasunduan sa


kapayapaan o lahat ng mga ito. Ipinagdiriwang ang
Kaamulan Festival sa lalawigan ng Bukidnon, partikular sa
Lungsod ng Malaybalay, simula sa ikatlong linggo ng
Pebrero hanggang ika-10 ng Marso.
Bilang isang etnikong pagtitipon, ipinagdiriwang ng
Kaamulan ang mga tradisyon at pinagmulan ng pitong tribo
na orihinal na bumuo sa lalawigan ng Bukidnon. Ang mga
257
tribung ito ay kinabibilangan ng Bukidnon, Higaonon,
Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon at
Umayamnon. Marami sa mga miyembro ng nasabing tribo
ang nagtitipon-tipon na nakasuot ng mga hinabing
kasuotan at mga aksesorya katulad ng mga hikaw,
kuwintas, pulseras, anting at iba pang adorno sa katawan.
http://crack3d-l3ns.weebly.com/uploads/3/5/6/1/3561537/2369017_orig.jpg

Lanzones Festival

Ang Lanzones Festival ay isang taunang selebrasyon


ng pasasalamat dahil sa masaganang ani sa Isla ng
Camiguin. Ang bayan ng Mambajao ang nagdiriwang nito
tuwing ikatlong linggo ng Oktubre, sa panahon ng pag-ani
sa prutas na lanzones.

Ang lansones ay isa sa


mga tropikal na prutas
na matatagpuan sa
gitnang hilagang
baybayin ng Mindanao.
Ang prutas na ito ay
may kulay na brown at
ang laman naman ay
may kintab. Nahihinog
ang lansones tuwing
ikatlong linggo ng
Oktubre.

258
Ang Camiguin ay isa sa pinakamalaking
pinanggagalingan ng lansones sa Pilipinas, at ang prutas na
ito ay ang kanilang pangunahing kabuhayan at
pinakamahalagang industriya. Sinasabing ang
pinakamatamis na lansones sa Pilipinas ay nagmumula sa
Camiguin.
Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Saan ipinagdiriwang ang mga festival sa ibaba:


A. Binalbal
B. Diyandi
C. Kagay-an
D. Kaamulan, at
E. Lanzones

2. Paano mo mailalarawan ang mga kalahok sa


bawat festival?

3. Dapat bang ipagmalaki ang mga sining ng ating


lalawigan? Oo o hindi? Bakit?

4. Paano mo ipakikita ang iyong pagpapahalaga sa


sining ng iyong lalawigan?

5. Bakit kailangang magdiriwang ng festival bawat


lalawigan?

259
Gawin Mo

Panoorin ang isang video na nagpapakita ng sayaw


na Pangalay o pagdiriwang tulad ng Binalbal Festival
na kilala sa lalawigan. Makipagtalakayan sa klase.

Natutuhan Ko

Kilalanin ang sumusunod na mga sining sa


pamamagitan ng pagtatapat sa Hanay B sa Hanay A. Isulat
sa patlang ang sagot.
Hanay A Hanay B

_______1. Bukidnon a. Cathedral pipe Organ


_______2. Iligan b. Binalbal
_______3. Cagayan de Oro c. Kaamulan
_______4. Camiguin d. Kagay-an
_______5. Tudela e. Lanzones
_______6. Ozamis f. Diyandi

260
Aralin 7.1: Mga Bayani ng Sariling Lalawigan at
Rehiyon

Panimula

Mahalagang makilala mo ang mga bayani sa inyong


sariling lalawigan/rehiyon. Makabubuti rin na maunawaan
ang konsepto ng pagtukoy sa isang bayani upang higit na
makilala mo ang mga bayani ng iyong lugar.

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. makapaghihinuha ng mga katangian ng isang bayani
batay sa kanilang mga nagawa at kontribusyon sa
Bayan;
2. makakikilala ang mga bayani ng sariling lalawigan at
rehiyon; at
3. makakagagawa ng simpleng pananaliksik tungkol sa
isang bayani ng lalawigan at rehiyon.

261
Alamin Mo

Bakit sila
itinanghal na
bayani?

Sino-sino ang
mga kinikilalang
bayani ng inyong
lugar?

262
Tuklasin Mo

Nakikilala mo ba siya? Siya ay si José Fortich Ozámiz,


isinilang noong Mayo 5, 1898 at isang politikong Pilipino mula
sa Mindanao. Siya ang
panganay sa sampung anak
nina Genaro Ozámiz na galing
sa Navarre, Spain at ng
mestisang si Basilisa Fortich.
Ang kanyang mga
kapatid na babae ay sina
Pacita, Consuelo, Carmen,
Pilar, Remedios, Nieves,
Mercedes, Paulita, at Lourdes.
Tatlo sa kanyang mga
kapatid na babae ang hindi nag-asawa, samantalang
dalawa sa kanila, sina Consuelo at Remedios ay pumasok
bilang mga politiko, naging Kagawad ng Jimenez sa anim
na termino si Consuelo at Congreswoman ng Bukidnon si
Remedios.
Nanilbihan si Jose Fortich Ozamiz bilang kauna-
unahang gobernador ng lalawigan ng Misamis
Occidental mula 1932 siya’y nahalal. Nanilbihan din siya
bilang kinatawan sa unang Kongreso. Isa rin siyang
kinatawan sa Constitutional Convention ng 1935 na
nagtapos sa pagkalikha ng Saligang Batas ng 1935 ng
Pamahalaan ng Komonwelt ng Pilipinas. Noong 1940,
inihalal siya sa Senado ng Pilipinas. Pinugutan siya ng ulo ng
263
mga Hapones noong pananakop sa Pilipinas ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig dahil sa kaniyang pagkasangkot
sa kilusan laban sa mga manlulupig. Postumong ipinangalan
sa kaniyang karangalan ang lungsod ng Ozamiz, na dati’y
kilala bilang Misamis, sa lalawigan ng Misamis Occidental.
http://ozamizcity.com/JoseOzamiz.htm
http://tl.wikipedia.org/wiki/Jose_Ozamiz

Si Major Jose Manuel


Corrales Montalvan ay isang
bayani sa labanan sa
panahon ng Hapon. Sa
pamamagitan ng pag-
papanatili ng kalayaan sa
Pilipinas, ibinigay niya ang
kabutihan para sa ating
bayan. Kaya binigyang diin
na ang pagpapalit sa
pangalan ng Camp
Evangelista tungo sa
kanyang pangalan na
Camp Jose Montalvan ang
tanda pagbibigay pugay at
dangal sa mga kagay-anon
ang kanyang pakikipag-
laban para sa bayan.
http://www.kagay-an.com/heroes-de-cagayan-maj-jose-manuel-corrales-
montalvan-1st-camp-commander-of-the-kampo/#sthash.O5NPagGD.dpuf

264
Aris Canoy Espinosa, isang 13 taong gulang na nakatira
sa Lalawigan ng Lanao del Norte ay isang Boy Scout na
hinirang na batang bayani sa
kanyang kabutihang loob.
Noong ika-30 ng Enero 1994,
isang granada ang nilalaro at
sadyang natapon ng isang
batang lalaki. Nakita ito ni Aris,
kaya siya ay tumakbo at
tinakpan gamit ang kanyang
katawan upang
maprotektahan ang iba pang
kabataan dahilan ng kanyang
sandaling kamatayan.

https://www.google.com.ph/search?q=aris+espinosa+1994&tbm=isch&imgil=WrAUe4

Si Apolinar Velez ay isinilang noong Enero 23, 1865 at naging


alkalde ng Cagayan de
Misamis, mula1928 hanggang
1931, nahalal siya bilang
gobernador sa lalawigan ng
Misamis mula 1906 - 1909.
Pinangunahan niya ang mga
sundalong pilipino sa labanan
sa Makahambus Hill, kontra sa
mga sundalong Amerikano sa
panahon ng giyera ng Pilipino
at Amerikano noong June
4,1900 at naging matagumpay
sina Velez sa labanang ito.
https://www.google.com.ph/search?q=aris+velez+1994&tbm=isch&imgil=WrAUe4

265
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.


1. Sino-sino ang mga bayaning nabanggit? Isalaysay ang
naging kontribusyon nila sa bayan?
2. Ano-ano ang mga katangian ng mga bayaning ito?
Ano sa palagay mo ang iba pang katangian ng isang
bayani?
3. Sino-sino ang mga kinikilalang bayani sa inyong lugar ?
4. Ano ang mga naging kontribusyon nila sa inyong
lalawigan / rehiyon upang ituring silang bayani?
5. Paano mo mabibigyang halaga ang mga
pagpupunyaging ginawa ng mga bayaning ito para
sa inyong lalawigan o rehiyon?
6. Sa iyong palagay, ang simpleng pagtulong ba sa
kapwa at bayan ay maituturing din na kabayanihan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

266
Gawin Mo

Gawain A
Punan ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang
hinihinging impormasyon sa bawat Kulom. Sundan ang
ibinigay na halimbawa.

Bayani ng Katangiang Ginawa para Paraan ng


lalawigan ipinamalas sa bayan pagpakilala

katapangan Nagtanggol sa Pinagawan ng


bayan bantayog o rebulto
Lapu-lapu

267
Gawain B
Magsagawa ng isang palaro tulad ng “Pinoy
Henyo”. Sa kahon, bubunot ang isang mag-aaral ng
pangalan ng isang bayani. Pahuhulaan ang pangalan ng
bayani sa iba pang kasamahan sa pangkat.
Ang mga kasamahan ay magtatanong ng kahit
ano sa tagapagpahula at sasagutin lamang sila ng OO,
HINDI, o PUWEDE. Bibigyan lamang ang bawat grupo ng
takdang-oras upang mahulaan ito.

Gawain C
Umisip ng isang tao na maituturing mong bayani ng
inyong lugar sa iba’t ibang larangan sa kasalukuyan.
Magsagawa ng simpleng pananaliksik tungkol sa
kaniya at mga nagawa para sa lalawigan. Isulat sa anyong
talata.
Gawain D
Kilalanin ang mga sumusunod na bayani dahil sa
kanilang katapangan, sa pamamagitang ng paghahanap
sa mga salita na angkop sa mga larawan.

1. Jose Fortich Ozamiz 2. Aris Canoy Espinosa


2. Major Jose Manuel Montalvan 4. Apolinar Velez

268
_____________________ ___________________

______________________ ___________________

269
Natutuhan Ko

A. Punan ang dialog box ng hinihinging impormasyon


upang makumpleto ang diwa. Isulat ang iyong sagot sa
papel.

Kinikilala nating isang


bayani ang isang tao
dahil sa
_____________________________
_____________________________
_____________________________
___________________. Hindi
lang ang mga taong
nagbuwis ng buhay ang
maituturing na bayani
kundi na rin ang
___________________
_____________________________
_____________________________
____.

270
Ang mga bayani sa aming
lalawigan at rehiyon ay
sina
__________________________
__________________________
__________________________
____________. Siya o sila ay
bayani sapagkat
__________________________
__________________________
__________________________
____________________.

B. Isulat ang pangngalan ng kilala mong bayani sa iyong


lalawigan at ang katangian nito.
Bayani Katangian

271
Aralin 7.2: Pagpapahalaga sa mga Bayani ng
Lalawigan at Rehiyon

Panimula

Sa nakalipas na aralin, nakilala mo ang mga bayani sa


sariling lalawigan at rehiyon. Nabigyan mo ng kahulugan at
konsepto ang isang pagiging bayani. Sa araling ito,
bibigyang pansin ang pagpapahalaga sa pagpupunyagi
na ginawa ng mga bayani sa lalawigan at rehiyon.

Sa araling ito, inaasahan kang:


1. makapagbibigay ng pagpapahalaga sa
pagpupunyagi ng mga bayani ng
lalawigan/rehiyon sa isang malikhaing
pagpapahayag; at

2. maipagmamalaki ang kinikilalang bayani ng


lalawigan at rehiyon.

272
Alamin Mo

Paano mo
maipakita ang
pagpapahalaga at
pagmamalaki sa mga
bayani ng sariling
lalawigan at rehiyon?

273
Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang nakikita ninyong kaganapan sa mga


larawan?
2. Saang partikular na lugar kayo nakakikita ng
katulad ng mga nasa larawan?
3. Bakit kaya sila ipinapagawa ng bantayog o
mga estruktura na katulad ng nasa larawan?
4. Bakit sa palagay mo nagdaraos ng ganitong
uri ng programa at pagdiriwang?

Tuklasin Mo

Senator Jose Ozamiz

Ang mga bayani ng ating bansa ay nagmula sa iba't


ibang lugar. Ang ilan sa kanila ay maaaring nagmula sa
ating lalawigan/rehiyon. Iba-iba ang dahilan kung bakit sila
itinanghal na bayani, ngunit iisa ang kanilang naging

274
adhikain. Ito ay upang ipagtanggol ang ating bansa mula
sa mga dayuhan.
Sa ating lalawigan/rehiyon ay mayroon ding mga tao
na kinikilala kahit sa simpleng kabayanihan. Ginugugol nila
ang kanilang panahon sa paglilingkod sa mga kababayan
at paglilingkod sa Diyos. Ang kanilang prinsipyo at layunin
ang nagiging sandigan nila upang makapagsilbi sa bayan.
Kadalasan, bilang pagkilala at pagpupugay sa kanilang
bantayog upang ang kanyang ala ala ay magpatuloy sa
mga susunod pang henerasyon. Minsan naman ay
ginugunita ang araw ng kanilang kamatayan upang
sariwain at muling balikan ang kabayanihan na kanilang
nagawa. Sa mga simpleng programa ay naipagmamalaki
ang kanilang kontribusyon sa bayan. kabilang dito ang pag-
aalay ng mga bulaklak sa kanilang bantayog bilang
pagpapasalamat sa kanilang kadakilaan at mga
pagpupunyagi.

Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong


sagot sa isang malinis na papel.
1. Sino ang tanyag at kinikilalang tao sa inyong lugar?
2. Bakit siya naging tanyag? Ano ang kanyang nagawa
para sa inyong bayan?
3. Maituturing ba itong kabayanihan? Bakit?
4. Paano pinapahalagahan ng inyong lalawigan/rehiyon
ang kanilang mga nagawa sa bayan?
5. Sa simpleng paraan, paano mo maipakikita ang iyong
pagpapahalaga sa mga bayani ng inyong lalawigan
at rehiyon?

275
Gawin Mo

Gawain A
Panuto:
1. Punan ang hinihinging detalye sa "Fishbone Map".
2. Gawing batayan ang sumusunod sa pagsagot ng
hinihinging impormasyon:
 Ulo ng isda -tumutukoy sa pangalan ng
bayani
 Tinik sa itaas na bahagi- nagawa o
accomplishments ng itinuturing na bayani
 Tinik sa ibabang bahagi - paano
pinapahalagahan ang mga bayani
 Buntot - katangian o pagkakakilanlan sa
bayani
Mga Nagawa sa Lalawigan/Rehiyon

Katangian
1.
Bayani
2.
3.

Pagpapahalaga sa Bayani

276
Gawain B
Gumawa ng poster na naglalarawan ng
pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng isang bayani ng
lalawigan at rehiyon. Gawin ito sa isang illustration board.
Panuto:
a. Ihanda ang mga kagamitan para sa paggawa ng
poster.
b. Basahing mabuti ang mga pamantayan sa pagtatasa
ng poster.
c. Ipakita ang sumusunod na aspekto sa
pagbuo/paggawa ng poster:
 kabuuang larawan kalinisan, kulay, pagkamalikhain
 kabuuang ideya pagpapahalaga sa
pagpupunyagi ng bayani
 kaugnayan pagkakaugnay-ugnay ng mga larawan
o dibuho sa poster

Gawain C
Gumawa ng scrap book.
1. Ipahanda ang mga kinakailangang kagamitan at
mga bagay na ilalagay sa gagawing scrap book.
2. Gumamit ng mga pahayagan, magasin o aklat,
larawan ng mga estrakturang may kaugnayan sa
bayani o kinikilalang tao, mga dibuho sa mga maliliit
na bagay, at iba pa.
3. Idikit ang mga nakalap na bagay sa scrap book.
4. Ipresent ang ginawa sa klase.
5. Maglaan ng sapat na panahon sa paggawa nito.

277
Natutuhan Ko

Ilagay sa patlang ang kung ang pahayag ay


nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa
pagpupunyagi at kabayanihan ng mga kilalang tao sa
lalawigan at rehiyon. Ilagay naman ang kung hindi.
________1. Nagdaraos ng isang maikling programa tuwing
araw ng kamatayan o pagsilang ng isang bayani sa
lalawigan at rehiyon.
________2. Isinusunod sa pangalan ng bayani ng lalawigan
at rehiyon ang mga gusaling pampubliko at daan na may
malaking kaugnayan sa kaniya.
________3. Binibigyang pansin ang mga espesyal na balita sa
radyo at telebisyon tungkol sa bayani ng lalawigan at
rehiyon.
________4. Nakikiisa sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog
ng bayani.
________5. Ninanais na gawing idolo ang mga artista kaysa
bayani ng lalawigan at rehiyon.

wikipedia.com/claromrectoinquirer.net/manuellquezonfotothing.com/hermanopulisls
http://ozamizcity.com/JoseOzamiz.htm

278
Aralin 7.3: Paglikha ng Anomang Sining Tungkol sa
Bayani ng Lalawigan o Rehiyon na nais
Tularan

Panimula

Sa araling ito, malilinang ang inyong pagkamalikhain


sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t ibang likhang sining
na sumasalamin sa bayani ng inyong lalawigan o rehiyon na
nais nninyong tularan.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. makalilikha ng anomang likhang sining tungkol sa
bayani ng lalawigan o rehiyon na nais tularan;
at
2. maipaliliwanag at maipagmamalaki ang
ginawang likhang sining tungkol sa mga bayani
ng lalawigan o rehiyon na nais tularan.

279
Alamin Mo

Sinong bayani ng
lalawigan o rehiyon ang
nais mong tularan?
Bakit?

Anong likhang sining


ang kaya mong gawin
tungkol sa bayani ng
lalawigan o rehiyon na
nais mong tularan?

280
Tuklasin Mo

Nakilala natin sa unang aralin ang mga bayani na


kinilala sa ating rehiyon. Ilan sa kanila ay sina Jose Fortich
Ozamiz na isinilang sa lalawigan ng Misamis Occidental, si
Aris Canoy Espinosa ng Lanao del Norte, Apolinar Velez at
Jose Manuel Corrales Montalvan na kapwa mula sa
Lungsod ng Cagayan de Oro.
Sa ating rehiyon si Senador Jose Ozamiz ay isang limot
bayani, na namatay para sa bayan.
Bayani silang maituturing kaya naman karapatdapat
silang itanghal at pahalagahan ng mga mamamayan sa
kanilang lalawigan.
Maaari rin nating tawagin na isang bayani ang mga
taong naglaan ng kanilang panahon, sarili, talino o talento,
at pagpupunyagi upang makaambag na ng malaki sa
kaunlaran ng isang lugar. Kahit hindi sila nagbuwis ng buhay,
ang kanilang mga nagawa para sa bayan ay maituturing
na kabayanihan at sa simpleng paraan ay maaari natin
silang bigyang-parangal. Di man tayo makagawa ng
rebulto o makapagsadula ng buhay nila sa teatro, maaari
silang parangalan sa pamamagitan ng iba’t ibang likhang
sining tulad na tula, awit, poster, at simpleng dula-dulaan. Sa
simpleng paraan, ang mga bayani natin ay kaya nating
parangalan.

281
Sagutin Mo:
 Sino-sino ang bayani sa inyong lalawigan o rehiyon?
 Sinong bayani sa lalawigan o rehiyon ang nais mong
tularan? Bakit?
 Anong katangian ng bayani ng lalawigan o rehiyon na
nais mong tularan ang pinakahinahangaan mo?
 Paano pinarangalan ng mga mamamayan ang mga
bayani sa kanilang lalawigan o rehiyon?
 Bilang mag-aaral, paano mo mapararangalan ang
bayaning nais mong tularan?
 Anong likhang sining ang kaya mong gawin tungkol sa
bayaning nais mong tularan?

Gawin Mo

Gawain A
Pangkatang Gawain
Gumawa ng isang simpleng tula o awit tungkol sa mga
bayani ng lalawigan o rehiyon o ng bansa na natalakay sa
unang aralin. Bigkasin nang madamdamin o awitin ito sa
harap ng klase.
Pangkat 1- Apolinar Velez
Pangkat 2- Jose Manuel Montalvan
282
Pangkat 3- Aris Canoy Espinosa
Pangkat 4- Jose Fortich Ozamiz

Rubric sa Paggawa ng Tula/Awit


Batayan Mahusay na Mahusay Hindi Mahusay
Mahusay
(4-3 na puntos) (2-1 na puntos)
(5 puntos)

Nilalaman Lubos na May kabuluhan Hindi lubos na


makahulugan ang nilalaman makahulugan
ang nilalaman ng tula/awit ang nilalaman ng
ng tula/awit tula/awit

Organisasyon Napakaayos Maayos ang Hindi maayos ang


nang gamit ng gamit ng mga gamit ng mga
mga salita, salita, tugma at salita, tugma at
tugma at pagbigkas pagbigkas
pagbigkas

Kooperasyon Nagpakita ng Nagpakita ng Hindi gaanong


pakikiisa ang pakikiisa ang nagpakita ng
bawat ilang miyembro pakikiisa ang mga
miyembro ng ng grupo sa miyembro ng
grupo sa pagbuo at grupo sa pagbuo
pagbuo at pagbigkas ng at pagbigkas ng
pagbigkas ng tula/awit tula/awit
tula/awit

283
Gawain B
Indibidwal na Gawain
Pumili ng isang bayani ng lalawigan/ rehiyon noon o
ngayon, at punan ang talahanayan ng hinihinging
impormasyon.
Bayani ng
Kahanga- Katangiang nais
lalawigan/rehiyon
hangang nagawa tularan
na nais tularan

Gawain C
Indibidwal na Gawain
1. Gumawa ng isang likhang sining na naglalarawan sa
bayani ng lalawigan/rehiyon na nais mong tularan.
Maaari kang pumili at gumawa ng isa sa mga
sumusunod o kaya naman ay lumikha ka ng sarili
mong sining.
a. Poster d. Paper Folding
b. Collage e. Card
c. Mosaic
2. Ipaliwanag o bigyan ng interpretasyon ang
mensaheng ipinaaabot ng ginawang mong likhang
sining.

284
3. Gamitin ang rubric sa paggawa ng likhang sining
para sa pagtatasa nito.

Rubric para sa Pagbuo ng Likhang Sining


Batayan Mahusay na Mahusay Hindi
Mahusay Mahusay
(4-3 puntos)
(5 puntos) (2-1 puntos)

Nakagawa ng Nakagawa ng Hindi


isang likhang isang likhang naipakita
sining sa sining sa ang
pinakamalikhai malikhaing pagkamalik
Pagkamalikhain
ng paraan paraan hain sa
paggawa
ng likhang
sining

Malinis at Malinis ngunit Hindi malinis


maayos ang hindi gaanong at walang
ginawang maayos ang kaayusan
Kalinisan at
likhang sining pagkagawa ang
kaayusan
ng likhang ginawang
sining likhang
sining

Naipaliwanag Naipaliwanag Hindi


sa sa maayos na naipaliwana
pinakamalina paraan ang g nang
w at ginawang malinaw at
Interpretasyon
pinakamaayos likhang sining maayos ang
na paraan ginawang
ang ginawang likhang
likhang sining sining

285
Natutuhan Ko

Bumuo ng isang logo o sagisag na sumisimbolo sa


kontemporaryong bayani ng lalawigan/rehiyon noon o
ngayon at lagyan ito ng paliwanag.
Gawin ito sa isang malinis na puting papel.

Rubric para sa Paggawa ng Likhang Sining


Batayan Mahusay na Mahusay Hindi Mahusay
Mahusay
(4-3 puntos) (2-1 puntos)
(5 puntos)
Nakagawa ng Nakagawa ng Hindi naipakita ang
isang likhang sining isang likhang pagkamalikhain sa
Pagkamalikhain sa sining sa paggawa ng
pinakamalikhaing malikhaing likhang sining
paraan paraan

Malinis at maayos Malinis ngunit hindi Hindi malinis at


Kalinisan at ang ginawang gaanong maayos walang kaayusan
kaayusan likhang sining ang pagkagawa ang ginawang
ng likhang sining likhang sining

Naipaliwanag sa Naipaliwanag sa Hindi naipaliwanag


pinakamalinaw at maayos na nang malinaw at
pinakamaayos na paraan ang maayos ang
Interpretasyon
paraan ang ginawang likhang ginawang likhang
ginawang likhang sining sining
sining

286
Aralin 8: Ako at ang aking Lalawigan

Panimula

Batay sa mga nakaraang aralin, napag-alaman natin


na ang ating lalawigan ay katulad ng ibang lalawigan sa
ating rehiyon. May kani-kaniyang kasaysayan at katangian
na dapat ipagmalaki ang bawat lalawigan sa
pamamagitan ng pagsulat ng kuwento o mga talata, lubos
nating mailalarawan at maipakikilala ang ating
kinabibilangang lalawigan o rehiyon. Sa ganitong paraan,
maaari nating iparating sa ating kapwa ang magaganda at
katangi-tanging bagay tungkol sa ating lalawigan at
maging sa ating rehiyon.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang na:
1. mailalarawan ang lalawigan sa rehiyon na nging
Katangi-tangi sa sarili;

2. makapagbibigay ng pagpapahalaga sa
natatanging katangiang ito; at

3. makakasulat ng payak na kwento o isa


hanggang dalawang talata tungkol sa lalawigan
sa kinabibilangang rehiyon na naging katangi-
tangi para sa sarili.

287
Alamin Mo

Sa mga nabasang
kasaysayan ng mga lalawigan,
alin kaya ang naging katangi-
tangi sa iyo? Bakit mo nasabi ito?

Ano-ano ang maaari


mong ipagmalaki tungkol sa
iyong lalawigan? Paano mo
maipararating ang mga
magagandang katangian ng
iyong lalawigan sa ibang mga
tao? Kaya mo ba itong
ilarawan sa pamamagitan ng
pagsulat ng kuwento o talata?

288
Tuklasin Mo

Piliin ang mga larawan na nasa ibaba na makikita


sa inyong rehiyon o lalawigan sa pamamagitan ng
paglagay ng tsek (√), ekis (X) naman kung hindi ito
makikita sa inyong lugar.

289
Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Para sa iyo, ano ang katangian ng lalawigan na


dapat ipagmalaki? Bakit?
2. Ano ang maaaring mong ambag o pakikibahagi
upang mas makilala ang iyong lalawigan?

Gawin Mo

Gawain A
Pangkatang Gawain
Magkaroon ng “show and tell” festival ng iba’t ibang
produkto ng mga lalawigan sa rehiyon. Sundin ang panuto
ng bawat pangkat.

Pangkat 1
Magdala ng sariling produkto mula sa iyong lalawigan.
Ipakita at ibahagi sa klase ang napiling produkto.
Gawain B

Pangkat 2
Magbahagi sa harap ng klase ng mga katutubong awit
at sayaw sa lalawigan sa kinabibilangang rehiyon na naging
katangi-tangi para sa iyong sarili.

290
Gawain C

Pangkat 3
Iguhit sa malinis na papel ang isang produkto na sa
palagay mo ay kapaki-pakinabang para sa iyong sarili na
nagmula sa iyong lalawigan. Kulayan ito.

Gawain D

Pangkat 4
Ibahagi sa klase sa pamamagitan ng pagsulat ng
payak na kuwento tungkol sa lalawigan na kinabibilangan
na naging katangi-tangi para sa sarili.

Natutuhan Ko

Sumulat ng payak na kuwento o isa hanggang


dalawang talata tungkol sa lalawigan na naging katangi-
tangi para sa sarili. Gamitin ang pamagat na “Ako at Ang
Aking lalalwigan”. Ipakita ang sariling saloobin at
pagpapahalaga tungkol sa kinabibilangang lalawigan.

291

You might also like