You are on page 1of 6

SANGAY NG MGA PAARALANG PANGLUNGSOD NG PARAÑAQUE

ARALING PANLIPUNAN 3
IKALAWANG MARKAHAN
IKALIMANG LINGGO
PAGHAHAMBING NG ILANG SIMBOLO AT SAGISAG SA IBA’T IBANG
LALAWIGAN SA SARILING REHIYON

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Naihahambing ang ilang simbolo at sagisag na nagpapakilala ng iba’t ibang
lalawigan sa sariling rehiyon AP3KLR-llg-6

Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang mo ang mga sumusunod na


kasanayan:
➢ Nasusuri ang mga simbolo at sagisag ng bawat lungsod at bayan sa
Kalakhang Maynila.
➢ Naihahambing ang disenyo ng bawat simbolo at sagisag ng isang lungsod sa
iba pang mga simbolo at sagisag ng mga lungsod/bayan
➢ Nakaguguhit ng sariling disenyo ng simbolismo at sagisag ng kanilang lungsod
batay sa paniniwala.
➢ Naipagmamalaki ang disenyo ng simbolo at sagisag ng sariling lungsod.

Balikan Natin

PANUTO: Tukuyin ang pangalan ng mga simbolo ng lungsod sa NCR. Piliin ang letra
ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

A.Lungsod ng Malabon C.Lungsod ng Maynila


B.Lungsod ng Quezon D.Bayan ng Pateros

_______1. ______2. ______3.

1
Unawain Natin

PAGHAHAMBING NG ILANG SIMBOLO AT SAGISAG SA IBA’T IBANG LALAWIGAN SA


SARILING REHIYON
Ang mga lalawigan sa ating rehiyon ay nagtataglay ng simbolo at sagisag na
nagpapakilala rito. Bawat larawan sa simbolo o sagisag ay nagtataglay ng
kahulugan na itinuturing na napakahalagang bagay para sa mamamayan ng
isang bayan o lungsod. Mahalagang malaman ang mga simbolo at sagisag ng
iba’t-ibang lalawigan sa rehiyon na ating kinabibilangan.

Ngayong nalaman mo na ang kahalagahan ng mga simbolo sa rehiyon


ipakikita ko naman sa inyo ang mga sumusunod na larawan ng mga simbolo o logo
ng bawat lungsod o bayan sa ating rehiyon. Mayroong 16 na lungsod at isang
bayan sa NCR. Tingnan ang talahanayan sa ibaba.

Mga Pampamahalaang Lokal ng NCR

Caloocan Navotas

Las Piñas Parañaque

Makati Pasay

Malabon Pasig

Mandaluyong Pateros

Manila Quezon

Marikina San Juan

Muntinlupa Taguig

Valenzuela

2
Napansin mo ba na may mga pagkakatulad at pagkakaiba sa hugis, anyo,
at ngalan ang mga seal ng bawat lungsod at bayan?

1. Lahat ay nakatala ang pangalan nang paikot o patayo sa hugis nito.


2. May ilang logo na nakatala ang petsa ng pagkakatatag na nasa ibaba nito.
3. May kalasag na nasa gitna at loob ng bilog.
➢ pangunahing produkto ng lugar.
➢ simbolo ng kasaysayan nila.
4. Ang ibang seal naman ay
➢ naglalarawan ng mga tanawin
➢ naglalahad ng kasaganahan at kaunlaran
➢ naglalarawan ng mga barangay at pook
5. May ilang seal din na gumamit ng tatlong kulay, bituin, at araw tulad ng
makikita sa bandila ng Pilipinas.
6. Naiiba ang hugis ng seal ng lungsod ng Quezon dahil tatsulok ito.
(Antonio, 2015, pp. 164-165)
Tandaan natin na iba’t-iba ang kahulugan ng mga nakalarawan sa bawat
seal ng mga lungsod at munisipalidad. Dumako naman tayo sa ating lungsod, ang
Lungsod ng Parañaque.

Reference
Antonio, E. D. (2015). Kayamanan 3. Sampaloc, Manila: Rex Book Store.164-165.

Ang kahulugan ng logo o simbolo ng Parañaque ay ang mga sumusunod:


• 16 Sinag ng Araw- Kumakatawan sa mga barangay ng
Parañaque
• Magkahawak Kamay- Sumisimbolo sa pagkakaisa
• Mga Gusali- Sumisimbolo sa pagiging maunlad ng lungsod
• Dagat- Kumakatawan sa pangkabuhayan ng lungsod at
pisikal na katangian nito
Ang simbolo naman ng ating lungsod ay hugis bilog na
nakatala ang pangalan na paikot sa hugis nito. Maipagmamalaki natin ang simbolo
ng ating lungsod sa pamamagitan ng pagkabisado at pag-alam ng kahulugan ng
mga simbolo at sagisag na nakapaloob sa logo o seal ng ating lugar.

3
Ilapat Natin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa Hanay B at isulat ang sagot sa patlang
sa Hanay A.

HANAY A HANAY B
______1. Ano ang simbolo o
logo ng Lungsod ng A. 16 na Sinag ng Araw- Kumakatawan
Parañaque? sa mga barangay ng Parañaque,
______2. Ano ang ibig sabihin Magkahawak Kamay- Sumisimbolo sa
ng mga bagay na nakita mo sa pagkakaisa, Mga Gusali- Sumisimbolo
simbolo ng iyong lungsod? sa pagiging maunlad ng lungsod
______3. Paano mo B. Sa pamamagitan ng pagkabisado at
maipagmamalaki ang logo o pag-alam ng kahulugan ng mga
simbolo ng iyong lungsod? simbolo at sagisag na nakapaloob sa
logo o seal ng ating lugar.

C.

D.

Suriin Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Iguhit ang


kung nagsasabi ng tamang pahayag at kapag mali. Isulat ang
tamang sagot sa patlang.
_______1. Mayroong seal o simbolo ang bawat lungsod o bayan.
_______2. Iba’t-iba ang hugis ng mga sagisag o simbolo ng bawat lungsod.
_______3. Ang simbolo o seal ng Lungsod ng Quezon ay hugis bilog.

Tayain Natin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag/tanong. Bilugan ang letra


ng tamang sagot sa bawat bilang.
1. Alin sa mga sumusunod ang logo o simbolo ng Parañaque?
A. B. C.

4
2. Alin sa mga sumusunod ang simbolo ng Lungsod ng Manila?
A. B. C.

3. Ang mga sumusunod ay makikita sa simbolo o logo ng Parañaque MALIBAN sa


________________.
A. dagat B. gusali C. ibon
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng mga seal o logo
ng bawat lungsod o bayan?
I. Anyo
II. Hugis
III. Letra
IV. Ngalan
A. I, II, at III B. I, II, at IV C. I, II, III, at IV
5. Ang batang nasa ikatlong baitang na si Sardy ay bagong lipat lamang sa
Lungsod ng Parañaque. Nais niyang malaman ang kahulugan ng simbolo o
logo ng ating lungsod. Paano mo matutulungan si Sardy?
I. Huwag na lamang pansinin ang sinasabi ni Sardy.
II. Tulungan na magkalap ng impormasyon sa internet si Sardy.
III. Ibahagi ang kaalaman tungkol sa logo o simbolo ng ating lungsod nang
buong husay.
IV. Sabihin sa kanya na magpatulong din sa mga nakatatanda sa loob ng
bahay.
A. I, II, at III B. II, III, at IV C. I, III, at IV

Likhain Natin
Layunin (Goal) Nakaguguhit ng sariling disenyo ng simbolismo at sagisag
ng Lungsod ng Parañaque batay sa paniniwala/pang-
unawa.
Gampanin (Role) Tagaguhit ng logo
Mga Manonood Magulang, kapatid, at guro
(Audience)
Sitwasyon Pagpapakilala ng Lungsod ng Parañaque sa
(Situation) pamamagitan ng paggawa ng sariling simbolo o logo
Produkto (Product Nakaguhit ng sariling simbolo o logo batay sa iyong
Performance) pagkakaalam o paniniwala ng iyong lungsod.
Pamantayan Nilalaman, Kaangkupan ng Konsepto, Kabuuang
(Standard) Presentasyon

5
Mga hakbangin sa paggawa ng presentasyon sa pag-guhit:
1. Kumuha ng lapis, krayola, at short bond paper.
2. Gumuhit ng sariling disenyo ng logo o seal batay sa iyong kaalaman at
paniniwala ng iyong lungsod.
3. Pagkatapos gawin, kunan ng larawan ang iyong ginawa at ipasa ito sa
classroom messenger, kung walang gadget ipasa ito kasabay ang modyul.

RUBRIK SA PAGGAWA NG SARILING DISENYO NG SIMBOLISMO AT SAGISAG NG


LUNGSOD
PAMANTAYAN 5 3 1 Natamong
Puntos
Nilalaman Makaguhit ng isang Nakaguhit ng di Walang
simbolo na may natapos na simbolo naiguhit na
kaugnayan sa at may kaugnayan sariling
Lungsod ng sa Lungsod ng disenyo ng
Parañaque. Parañaque. simbolo ng
Lungsod ng
Parañaque.
Kaangkupan Angkop ang sariling Nakagawa ng Wala sa
ng konsepto disenyo sa disenyo ngunit hindi konsepto ang
paglalarawan ng masyadong naiguhit na
konsepto sa angkop sa disenyo ng
pagguhit ng sariling konsepto ang sariling
disenyo ng pagguhit ng sariling simbolismo at
simbolismo at sagisag simbolismo at sagisag ng
ng lungsod. sagisag ng lungsod. lungsod.
Kabuuang Malinis at maayos Makikitaan ng Makikitaan ng
presentasyon ang kabuuang kaunting bakas ng maraming
presentasyon. bura sa ginawang bakas ng bura
disenyo sa logo ng sa ginuhit na
lungsod. logo ng
lungsod
KABUUANG PUNTOS: ____/15

You might also like