You are on page 1of 1

DACANAY,REDGE LOUIE W.

STEM 1 DELPILAR 12
LAKBAY SANAYSAY
“GANDA NG ILOCOS NORTE”
Enero 6, 2023, kaming magpapamilya ay pumunta sa
Ilocos Norte upang kumuha nang aming passport. Alas kwatro
ng madaling araw kami bumiyahe, madilim pa ang kalangitan at
wala pang masyadong sasakyan sa kalsada. Natulog ako. Alas
siyete ng umaga nang ako’y magising at saktong nasa bayan na
kami ng Sinait at malapit na kami sa boarder ng Ilocos Sur at
Norte, tunay na napakaganda at napakapayapa ang amin
paglalakbay lalo na kung kasama mo ang iyong pamilya. Noong
nandoon na kami na sa boarder papasok ng Ilocos Norte, kami
muna ay bumaba at kumuha ng larawan bilang ala-ala.
Pagkalipas ng ilang minuto kami ulit ay nagpatuloy sa aming
paglalakbay papuntang San Nicolas kung saan matatgpuan Robinson kung saan doon din
makikita ang opisina ng DFA. Sa daan pa lang, makikita mon a ang tunay na ganda ng Ilocos
Norte, napakalinis ang mga kalsada, at malawak pa. At aking napansin na napakagalante ng mga
tricycle doon, alam nila ang batas nila na hindi pwedeng sila ay nasa gitna ng daan.
Noong nandoon na kami sa Robinson, nagtungo kami agad sa DFA
upang pumila at ng maaga kaming matapos at magkaroon ng mas
mahaba at sapat na oras upang mamasyal. Mga bandang alas dose na
kami’y matapos, doon na rin kami kumain. Pagkatapos nag-shopping
narin kami ng aming mga damit at isa na din sa mga naging ala-ala ko
sa pagpunta namin doon sa Norte. Pagkatapos, nagtungo kami sa dito
kami Malacanang of the North kung saan makikita ang bahay nang
dating President nating G. Ferdinand Marcos Sr. Malawak at Malaki
ang kanyang bahay, at mababasa mo doon ang kaniyang nagawa para sa
ating bansa, mga lumang kagamitan at marami pang iba.

Pagkatapos sa Malacanang of the North, dumaan kami sa Paoay


Church, isa sa pinakasikat at pinakalumang simbahan sa ating bansa.
Malaki, malawak at sadyang napakaganda ng simbahang ito tulad ng
nababasa natin mula sa internet. Gahol kami sa oras kaya iyon
lamang ang mga lugar na aming aming napasyalan. Pero kahit ganun
pa man, maituturing kong isa ang Ilocos Norte sa mga lugar na aking
napuntahan ang na aking nagustuhan at gusto kong balikan balang
araw.

You might also like