You are on page 1of 1

Ang Aking Mahabang Paglalakbay

Isa sa mga gusto kong gawin kung ako may natitira o sapat na oras upang magpahinga sa mga gawaing
akademiko, mailayo aang sarili sa problema, at magkaroon muna ng pansariling kalayaan at kasiyahan ay
ang paglalakbay. Mas malayo, mas maganda at mas lalong maraming aral na kapupulutan. Sa bawat
hakbang, pagsakay sa sasakyan, saan kaya ako dinala ng labing apat na oras kong paglalakbay?

Ilocos Norte, isang lalawigan sa Pilipinas na masisilayan sa rehiyon ng Ilocos sa Luzon. Ilang taon na ang
nakalipas nang huli kong masilayan ang ganda ng Ilocos. At halos malimutan ko na ang dati naming
tinirhan sa tagal nito. Kahit na sa Ilocos Norte kami nanirahan noong kami ay bata pa, hindi ko
mapigilang mamangha sa mga tanawin doon. Kung ikukumpara sa lugar kung saan ako permanenteng
nakatira ay mas kakaunti ang tao sa Ilocos. Sa tuwing maglalakad lakad ako upang lumanghap ng
sariwang hangin ay tanaw na tanaw ko ang mga bundok at punong nagsisitaasan, ang kulay asul na
karagatan, at mga kabataang naliligo sa pampang. Hindi ko man maintindihan ang kanilang diyalekto,
ngunit mababasa ko sa kanilang mga mukha ang saya.

Bukod sa pangunahing kaalaman na ng lahat ay ang windmill na siyang lumilikha ng kuryente at


gumagana o umiikot sa pamamagitan lamang ng hangin, mayroon akong bagong natuklasan sa aking
pagbisita nitong nakaarang Disyembre 2022. Maari mong inumin ang tubig mula sa gripo. Kaibahan sa
aking nakalakihan sa ibang Probinsya na hindi maaring inumin ang tubig gripo, sapagkat ito'y madumi, sa
Ilocos, ito'y malinis dahil nagmula ito sa bundok. Nang akin itong subukan mas malinis pa ito kung
ikukumpara sa purified water.

Sa aking bawat paglalakbay, hindi mo maiiwasang ma-culture shock. Malaki talaga ang pagkakaiba ng
bawat lugar. Ngunit sa tuwing tayo ay naglalakbay, huwag kalimutang maging responsable at magkaroon
ng bagong kaalaman na ating babaunin sa ating pag-uwi upang maibahagi sa iba.

You might also like