You are on page 1of 2

Kamatayan at Kaarawan

Eternal Gardens
Sa taong 2021, ang unang napuntahan ko na lugar ay ang Eternal Gardens sa Naga
City. Isa itong libingan ng mga patay. Noong Hulyo ay malungkot kaming namaalam sa aking
Tita o Ninang Annie. Hinatid namin siya sa kaniyang huling hantungan sa Eternal Gardens
matapos ang lamay sa San Fernando. Nakakalungkot isipin ngunit kailangan naming tanggapin
ang kaniyang sinapit.
Tinandayagan Falls and Resort
Matapos ang nakakalungkot na buwan ng hulyo ay masayang buwan ng Agosto ang
sumalubong sa akin. Ang pangalawa na lugar na aking napuntahan ay ang Tinandayagan Falls
and Resort sa Libmanan dahil ako ay naimbitahan sa kaarawan ng aking kaibigan na si Angel
Asis. Siya ay nagdiwang ng kaniyang ika-labingwalong kaarawan, ang selebrasyon ay tulad sa
mga karaniwan na debut na maraming programa. Ako ang isa sa mga partisipante ng
labingwalong rosas. Sobrang saya ng naging takbo ng kaniyang kaarawan marahil ay iyon ang
una kong karanasan na dumalo ng isang pool party.
University of Nueva Caceres
Makalipas ang isang linggo ay nabalitaan ko na pwede ng mag-enroll sa Unibersidad ng
Nueva Caceres. Ako ay pumunta ng Unibersidad ng Nueva Caceres upang magbayad ng aking
matrikula para ako ay opisyal ng maging parte ng mag-aaral sa gradong ika-labingdalawa. Nang
makapagbayad, natanggap ko ang kumpirmasyon na isa na akong ganap na estudyante muli sa
Unibersidad ng Nueva Caceres.
Sipocot
Dumaan ang mga araw na may pasok na ako sa Unibersidad ng Nueva Caceres. Isang
araw ay niyaya ako ng aking kaibigan na si Charline Suarilla na kumain sa labas kasama ang isa
pa namin na kaibigan na si Maricar Ona. Ang aming munting salo-salo sa isang restawran sa
Sipocot ay ang pagdiwang namin ng ika-labingwalong kaarawan ni Charline. Kami-kami lamang
tatlo ang nagsama-sama sapagkat ang iba namin na kaibigan ay malayo sa aming lugar. Kumain
lamang kami ng spaghetti at chicken. Kahit tatlo lamang kami ay masaya parin kami sapagkat
marami kaming napagkwentuhan sa araw na iyon.
Calagbangan
Ang pang-apat na lugar na aking napuntahan ay ang bahay ng aking kaibigan na si
Hannah Danabar sa Calagbangan, Sipocot dahil naimbitahan ako na dumalo ng kanyang ika-
labingwalong kaarawan. Pumunta ako roon sa kanilang bahay kasama ang aking tatlong kaibigan
na sina Pearl, Joshelle, at Aja. Munting salo-salo lamang sa hapagkainan at kwentuhan ang
aming ginawa. Nangpauwi ay sumakay kami sa Pickup Truck nila Hannah. Ang saya-saya ko
sapagkat noon ko lamang naranasan ang sumakay sa likod ng Pickup Truck nang nakatayo.
Sanitarium Hospital
Isang linggo matapos ang kaarawan ni Hannah ay pumunta ako sa Bicol Sanitarium sa
Cabusao upang magpabakuna. Tatlumpong minuto ang byahe mula Sipocot. Kinakabahan man
ay pinatatag ko ang loob ko na magpabakuna. Nang mabakunahan ay napanatag ang aking
kalooban.
San Fernando
Ang huling lugar na aking napuntahan sa taong 2021 ay ang San Fernando. Pumunta
kami sa San Fernando upang ipagdiwang ang pasko. Nakagawian na namin ni Lola na pumunta
roon sapagkat noong nabubuhay pa ang aking Tita o Ninang ay palagi kaming napunta upang
ako ay humingi ng pamasko. Ngayon, kami ay pumunta hindi upang humingi ng pamasko kundi
para damayan sa pasko ang kapatid ni Lola na ina ng aking namayao na Tita o Ninang Annie.

You might also like