You are on page 1of 1

Jacobelle DC.

Martirez
Grade 6 – Purity

Pagsulat/Pagbabahagi ng Kakaibang Karanasan

Isang kapana-panabik na hapon ng Hwebes, pagkatapos ng aming online na klase,


nagpalit agad ako ng komportableng damit para sa pupuntahan kong Halloween Party.
Tuwang-tuwa ako dahil ito ang unang pagkakataon na pupunta ako sa isang handaan kasama
ang aking kaibigan at unang beses mula nang nagkapandemya.
Ang masayang parti ay naganap sa marangyang village ng aking mabait na kaibigan.
Ako ay sinundo niya ng kanilang pampamilyang sasakyan, isang itim na van. Nakarating kami
sa kanila sa loob lamang ng sampung minuto. Malapit lang pala ang kanilang tirahan sa amin.
Napakalaki ng kanilang bahay. Maaliwalas ang loob at malinis ang paligid. Ipinakita niya sa
akin ang kanyang magulo ngunit maluwag na kwarto sa ikalawang palapag. Ipinakita sa akin
ng madaldal kong kaibigan ang kanyang mga laruan at nagkwento kung paano niya inaayos at
dinesenyo ang mga gamit sa kanyang kwarto. Narinig na namin ang ingay ng masayang
kwentuhan ng mga tao sa baba kaya lumabas na kami para sumali sa masiglang pagtitipon.
Dahil sa sobrang masasarap na pagkain, nakatatlong plato ako ng kain. Kasama ng mga di
hihigit na isandaang bata, kami ay nag-trick-or-treat. Sa nakakasabik na gawaing ito, lahat ng
mga bata ay nagbahay-bahay sa buong village para humingi ng matatamis na kendi at tsokolate.
Natapos kami umikot sa mga bahay at bumalik sa bahay ng kaibigan ko para kainin ang aming
nakolekta. Dahil pagabi na, ako ay humanda sa pag-uwi at isinilid ang kalahati ng mga kendi sa
aking maliit na bag. Isa itong araw sa mga di-makakalimutang karanasan ko.

You might also like