You are on page 1of 1

Pangalan: Kirby P. Dela Cerna Guro: Sammuelita V.

Loreto
Baitang: 12 – Landers

Hindi malilimutang pangyayari sa aking buhay

Sa aking buhay marami ang mga pangyayari na hindi ko makakalimutan. Isa rito ay nung pumunta kami ng pamilya
ko sa Cebu at isang linggo kami nanatili duon. Ilang araw bago kami dumating sa bahay ng papa ko dumating na ang
tita ko galing japan at may kasamang isang hapon na kilala nya duon. Dahil dito marami kami pinuntahang lugar na
hindi ko maiisip na mapupuntahan ko kapag wala yung tita ko. Ang mga lugar na pinuntahan namin ay sa Simala, at
Kawasan falls. Meron rin kaming pinuntahan na isang restawran na ang kanilang mga pagkain ay sobrang masarap.
At bago sila bumalik sa japan binilhan ni tita ng isang tablet, dahil bata pa ako nun sobrang saya ko nung araw
nayun. Meron rin isang pangyayari na hindi ko malilimutan. Noong grade 8 palang ako pumunta kami ng mga
kaibignan sa isang bundok sobrang ganda ng tanawin duon ang makikita mo ang Baybay City Proper. Dahil sa
ganda ng tanawin duon paulit ulit kaming bumabalik duon kapag wala kaming pasok sa hapon. At isang isang
pagbalik namin hindi namin inaasahan na umulan ng malakas at dahil sa lakas ng ulan nanatili nalng kami dun at
humintay nahihina ang ulan. Nung mahina na ang ulan nag madali kaming bumaba baka babalik ang ulan. Ito ang
mga pangyayari na hindi ko malilimutan dahil ito ang mga masaya kung ala ala kasama ang aking mga pamilya at
kaibigan.

You might also like