You are on page 1of 1

Kenny P.

Romano Block 8- Animation

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Hindi ko makakalimutan ang araw kung saan namundok kami ng aking barkada. Dati
akong taga Maynila at naging aktibo sa maraming bagay. Isa akong “outdoor person” kung
tawagin nila dahil mahilig ako sa isports at mga aktibidad na hindi karaniwang sinasalihan ng
nakararami katulad ng pagkakarera at “skateboarding” ilan lamang iyan sa mga hilig kong
gawin. Nahiligan ko din ang maglakbay at mamundok. Isang araw tinawagan ako ng aking
kaibigan para ipaalam saakin na sa susunod na araw ay may plinano siyang lakad para sa barkada
at yun ang pag akyat namin sa bundok na may kalayuan sa lugar namin. Kinabukasan ay maaga
kaming nag kita-kita at nag maneho patungo sa aming destinasyon. Nang makarating na kami sa
aming patutunguhan agad kaming nag madaling bumaba at sinimulang akyatin ang napaka tarik
ngunit napaka gandang bundok. Sinimulan na naming akyatin ang napaka taas na bundok,
makikita na ang mga pawis na pumapatak sa aming mukha dahil sa init ng araw. Nang nasa
kalagitnaan na kami sa pag akyat ng bundok napansin naming nag sisimula ng pumatak ang ulan
kaya naman ay tumigil muna kami at nag pahinga. Pagkatapos umulan ipinag patuloy na namin
ang pag akyat sa bundok, ng makita kong nadulas ang isa naming kaibigan at nasugatan kaya
agad naman kaming sumaklolo sa kanya at naulit pa iyon na nangyari sa amin, ang iba sa amin
kasama na ako ay nasugatan ang iba ay natapilok o dikaya na dulas ngunit ipinag patuloy parin
namin ang pag akyat ng bundok at sinamahan namin ng panalangin. Nag madali kami ng
malaman naming malapit na kami sa tuktok ng bundok, kahit mga pagod na hindi kami tumigil
at patuloy lang na umakyat . Sobrang saya at kagalakan ang aming naramdaman ng marating
namin ang tuktok ng bundok at nasilayan ang takipsilim. Nag tata-talon, nag sisi-sigaw at nag
lagay ng bandera ng barkada, ilan lamang iyan sa ginawa namin habang nasa taas ng bundok.
Dahil mag didilim na ay nag latag nalamang kami ng tent at nag siga, kumain, nag kuwentuhan
at nag kantahan hanggang antukin at mapagod kami. Hindi ko makakalimutan kung gaano kami
kasya na mag kakasama sa araw na iyon.

Nais ko lang na iparating sa lahat ng tao na nabubuhay tayo, hindi para bumitaw at bumigay,
kundi para lumaban at hindi sumuko. Natutunan ko na sa umpisa lang mahirap pero kung lahat
ng iyong makakaya ay iyong ibinigay at panalangin sa panginoon siguradong tagumpay mo ay
walang kapantay. Sa umpisa akala namin hindi namin maaabutan ang takipsilim at hindi namin
kakayanin pero hindi kami sumuko kasi hindi mahalaga kung gaano ka kabagal hanggat hindi ka
tumitigil at sumusuko. Naniniwala ako na ang mahirap na daan ay hahantong sa magandang
patutunguhan dahil ang magandang tanawin ay dadating pagkatapos ng isang mahirap na akyat.
Natutunan ko sa aking barkada at sa mga pangyayari sa aking buhay na habang may buhay may
pag-asa. Marahil makita ako ng mga taong nahihirapan pero hindi nila ako makikitang sumusuko
dahil alam ko na parating sa umpisa lang mahirap.

You might also like