You are on page 1of 8

Magulo, minsan matigas ang ulo at higit sa lahat minsan walang isang salita.

Kaya isang
malaking katuparan para sa amin, ang matupad ang isa sa aming mga hangarin. Kung para sa iba
wala lang iyon, pero para sa amin kakaiba sa pakiramdam ang makapunta sa tinatawag nilang
"Cloud 9" sa Antipolo. Antipolo na nasa probinsya ng Rizal at nasa bansang Pilipinas. Oo
Pilipinas, ang napakagandang tanawin na iyan ay nasa ating bansa lamang. Alam niyo ba? na ang
"Cloud 9 Sports and Leisure Club" ay may pinakamalaking bahay na puro "mural painting".
Nagsimula ito sa munting kainan noong 1995, na naging "hotel" at may iba't iba pa silang bininigay
na serbisyo. Nang dahil sa ganda ng paligid, mga bundok na nasa gilid at tanaw ang buong
Antipolo at ang Sierra Madre madaming mga lokal at dayuhan na turista ang nagbabalak at
nagbalak ng puntahan ito. Kaya naman ang aming barkada ay hindi ito pinalagpas, samakatuwid
nasilayan din naman ang isang magandang tanawin na hatid ng Antipolo sa atin.

Madaming pumapasok na ideya at katanungan sa aming isipan pero sa huli ito ay naglaho
na lang na parang bula. Nung una kami ay nahihiya na magtanong kung paano sumakay papunta
doon na kahit kami ay nagsaliksik kulang pa din ang aming impormasyon upang malaman agad
ang nang hindi nagtatanong. Kay sarap lang kasi isipin na kahit sino ka man kapag ikaw ay
nangailangan sila ay tutulong ng hindi nagdadalawang isip. Sa simpleng pagtanong ng, "Kuya saan
po ang sakayan papuntang Cloud 9?" tapos ang isasagot sayo ay lahat na patungkol sa Cloud 9.
Dahil ang Cloud 9 nga talaga ay sobra nga naman talagang dinarayo na ng mga tao dahil sa
gandang hatid nito. Habang binabaybay din namin ang daan patungo sa aming destinasyon
mararamdaman ang malamig na simoy ng hangin, ang paakyat na daan na wala man lang kalat sa
kalsada, ang mga matataas na mga puno at ang mga bahay na gawa sa kahoy. Kung iisipin hindi
malayo ang Antipolo sa Maynila pero may parte pa din pala ng Antipolo na mararamdaman mo
na para kang nasa isang probinsyang malayo sa syudad. Kasabay na malalamig na hangin, ang
sabay sabay naming pagtawa dahil sa tuwa at galak na aming nararamdaman. Iba't iba ang aming
naramdaman. May iba sobra ang galak dahil kami ay papalapit na ng papalapit sa aming
destinasyon. Ang iba naman ay kinakabahan dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pero lahat
kami ay nagkasundo sa isang pakiramdam, ang pakiramdam ng kaligayahan. Hindi lang basta
kasiyahan ang aming nadarama kundi ang aming nararamdaman ay kaligayahan. Maligaya dahil
kami ay sama sama. Maligaya dahil sa unang pagkakataon natupad din ang isa sa mga pangarap
namin. Maligaya dahil kami ay magkakasama ng walang alinlangan. Maligaya dahil bago sumapit
ang kapaskuhan at ang panibagong taon kami ay magkakasama at sa lugar pa na iba ang
kagandahang binibigay. Bago kami makarating sa mismong destinasyon kailangan muna namin
akyatin ang gilid ng bundok na may hagdan ng sa gayo'y makalapit kami sa pintuan patungong
cloud 9. Ang iba sa amin ay hindi magkahumayaw sa lamig at ligayang nararamdaman. Hindi din
mapigilan ang pagkuha ng litrato dahil sa sobrang galak. Ang nang makarating kami sa pintuan ng
Cloud 9. Kami ay ulit na naglakad, hindi lamang basta lakad kami ay umaakyat pataas dahil imbis
na patag ang lakaran pataas ang aming dinadaanan. Nakakapagod man ang pagakyat, ngunit kapag
nakarating kana at natanaw mo na ang tinatawag nilang "hanging bridge" ang iyong ngiti ay lalabas
na lamang ng kusa. Hindi ka pa man nakakapunta sa tinatawag nilang "360 view" matatanaw mo
na agad ang Maynila at ang iba pang lugar. Kaya naman hindi kami magkahumayaw na kumuha
ng litrato. Ang maganda pa rito ay ito ay nasa gilid lamang ng isang "restaurant". Kaya naman
kahit hindi ka man kakain papasok ka talaga ng hindi sinasadya pagka't tanaw na rito ang
magandang tanawin. Syempre ang aming barkada ay hindi nagpahuli at naisip namin na mamaya
na lamang ulit silayan ang tanawin mula sa gilid ng "restaurant" bagkus napagkaisahan na ang
"hanging bridge" ay aming subukan. Sa halagang 50 pesos kada isang tao, ang "hanging bridge"
ang iyong magiging daan upang makapunta sa tinatawag nilang "360 view". Ngunit huwag basta
basta maliitin ang "hanging bridge" na mayroon sila. Dahil ito ay hindi lamang simpleng "hanging
bridge" na nagdudugtong sa magkabilang dulo na ito ay tuwid lamang, bagkus ito ay nagdudugtong
mula sa pinakababa pataas doon sa tinatawag nilang "360 view". Pataas at gumagalaw na para ka
nitong dinuduyan. Nung una, matapang ka dahil kung iisipin madali lang ito tatawid ka lamang at
tapos na ito. Pero kami ay nagkamali, habang kami ay tumatawid mararamdaman ang paggalaw
ng tulay. Iba't iba ang aming nadarama yung iba nagsasaya at may iba namin na sobra nang
kinakabahan. Hindi lang puro tawa ang maririnig, maririnig din ang hiyaw ng sumusuko at
natatakot. Ngunit nang dahil sa tanawin nawala ang lahat. Nawala ang takot at napalitan ng mga
magagandang bundok. Nawala ang kaba at pinalitan ng mukha na namamangha. Lalo pa kaming
natuwa nang marating na namin ang tinatawag naming "360 view". Sobra sobra ang aming
kamanghaan, sobra sobra ang aming kaligayahan. Kaya di kami nagpahuli ang sunod sunod ang
aming pagkuha ng litrato. Litrato habang ang nasa likod namin ay ang magandang tanawin. Hindi
lang tanawin ang nakakagaan ng pakiramdam. Kundi pati na rin ang aming paghinga yung alam
mong hihinga ng malinis na hangin. Sobrang presko at mapapansin sa bawat isa sa amin ang
ngiting kailan man hindi nagmula sa isang biro kundi nagmula sa mismong aming mga puso. Ang
iba pa nga sa amin nagsasabing, "sana andito sila mama" at "sabihin ko kila mama punta kami
dito". Iba kasi talaga ang handog ng "Cloud 9" sa simpleng 50 pesos makikita mo na ang isa sa
mga tanawin na hindi mo kailan palampasin. Nakita din namin ang iba't ibang klase ng tao sa "360
view" mayroon magkasintahan, may masasayang pamilya, may mag-isa lamang at may
magkakaibigan din katulad namin. Makikita mo din ang saya na kanilang nararamdaman. Ngunit
dadating talaga sa punto na kami ay uuwi at bababa rin kami, pero hindi na sa "hanging bridge"
ang aming daan kundi may hagdan na pababa. At sa aming pagbaba madadaanan ang kanilang
"gallery of art" kung saan may iba't iba silang pinapakita na makahulugan at magandang mga
"painting". Tila nga ba kakaiba talaga ang lugar na aming napuntahan hindi lamang pinakita kung
ano ang mayroon sila ngunit hinubog nila ang aming pagkaseryoso sa buhay.

Sa pagtatapos ng aming lakbay sanaysay hindi lang ang tanawin ang aming ipagmamalaki.
Ipagmamalaki din namin ang aming mga sarili. Bukod sa natupad ang isa sa aming mga hangarin
lubos na nakilala namin ang isa't isa. Kahit na kilala kami bilang masaya may tinatago din kaming
problema at nang dahil sa lakbay na ito naging bukas na kami sa isa't isa. Mas nakilala namin ang
isa't isa. Na ang buhay namin o natin ay parang tulay na aming dinaanan. Gumagalaw na para kang
dinuduyan na kailangan marunong kang kumapit sa buhay dahil kung hindi baka ika'y malaglag.
May tulay na diretso lang pero ang tulay namin ay pataas, na kahit akala mo hindi mo kaya pero
kung ikaw ay magpapatuloy mararating mo ang tuktok. Tulay na tinawid namin kasama ang takot,
pero kung titingin sa paligid at pagbibigyang halaga kung ano ang meron ka hindi mo
mamamalayan nasa rurok ka na ng tagumpay. Tumawid kami sa tulay nang magkakasama.
Nakatingala sa magandang tanawin. Mga ngiti mula sa aming puso. Magkakaibigan kami masaya
o malungkot man. Kami ang magkakaibigan hanggang sa kawalan.

You might also like