You are on page 1of 7

PORACAY RESORT

Lakbay-Sanaysay-kahulugan-Paglalakbay-sa-Poracay

Tuwing bakasyon isa sa mga pinakahihintay ng mga tao ay ang mamasyal o magbakasyon sa


mga “Resort” o “Beach. “

Noong ika-28 ng mayo napag desisyunan namin na mamasyal sa labas ng probinsya ng tarlac at
isa sa mga napuntahan naming lugar ay ang Poracay Resort sa Porac Pampanga, Ang Poracay ay
pinangalan sa lugar na Boracay na isang popular na isla sa Visayas.

Ang pampanga ay di nalalayo sa Talac kaya’t ang biyahe dito ay umabot ng isang oras at
kalahati lamang. Umalis kami ng 8:00 ng Umaga at nakarating doon ng eksaktong 9:30 ng
umaga sa pagdaan namin sa porac kitang kita parin namin ang mga abo na iniwan ng pagsabog
ng Mount Pinatubo maraming taon na ang nakakalipas.

Pagkarating doon tumambad samin ang napakaraming tao na nagbabakasyon rin maayos naman
ang kanilang sistema at kaagad naming nakuha ang aming “Card” na nag sisilbing entrance key
namin.

Ang entrance fee ay umaabot ng 120 hanggang 190 kada tao, na napaka sulit kung ito’y titignan
ang Resort na ito ay bukas ng 9 ng umaga hanggang 6 ng gabi para sa pang umagang skedyul at
sa mga gusto naman mag overnight mayroon silang 6 ng gabi hanggang 12 ng hating gabi
mayroon din silang villa at mga kwarto na pinaparentahan para sa mga gustong mag overnight.
Lakbay-Sanaysay-kahulugan-Paglalakbay-sa-Poracay 1

Pagkapasok sa loob ay tatambad sayo ang napakalaking signatura nila at isang nakapa laki at
napaka gandang Sunflower na gawa sa mga papel. Nakakamangha kung gaano ka ganda at
kalaki ang resort na ito at napaka dami ring pools na pwedeng
puntahan 
Mayroon din itong activity area at Man-made lake kung saan pwede kang mag Zipline,
Kayak,Fishing at mayroon din itong maihahalintulad sa Fish Spa na animo’y kakainin ng mga
maliliit na isda ang iyong mga dead skin cells. Noong nagpunta kami doon hindi namin naabutan
ang activity area dahil ito’y ginagawa pa
lamang. 

Sa sobrang laki ng resort na ito maari kang maligaw ngunit madali lamang sundin ang mga
daanan nito dahil sa mga kanilang nakakapang akit matang mga payong 
at syempre hinding hindi natin makakalimutan ang pagkain maari kang magdala ng sarili mong
pagkain dahil tulad ng mga karaniwang resort mayroon itong ihawan pero mayroon din itong
food court na nagbebenta ng mga abot kayang pagkain.
Inikot ko ang lugar at sinubukan halos lahat ng aktibidad rito. Sobrang nakakapagod pero
Sobrang saya rin ang dulot nito.

Hindi natin mapag kakaila na ang Poracay ay isang natatagong Paraiso sa Porac Pampanga, na
talagang babalik balikan mo.

You might also like