You are on page 1of 1

TARA!

PASYAL TAYO SA BAYANGAN ISLAND

Buhangin na sin kintab ng mga bituing nagnininingning.Simoy ng hangin na kay sarap


langhapin.Kambal na islang may sampong metro ang layo sa isa’ isat at madaling
babaybayin.Mga maberdeng halamang napapaligiran ng mabughaw na tubig dagat.Kung iyong
tititigan buhat sa kalayuan. Parang hinihila ang iyong mga binti upang iyong mapuntahan.Ito
ang Bayangan Island.

Isa sa pinaka-attractive na tourism sa lalawigan ay ang islang Bayangan na matatagpuan sa


baryo ng Antonino sa munisipalidad ng Labason. Ang Bayangan Island ay isang salita na mula
sa lahing Indonesian na ang ibig sabihin ay shade o pasilungan.

Sa paglipas ng panahon ito ay napalitan ang kanyang pangalan at kilala ngayon sa tawag na
Murciellagos Island. Dahil sa ganda nito at mala paraisong lugar naengganyo ang mga tao na
gawin itong resort.

Ngunit paano nga ba marating ang Islang ito? Simple lang ang sagot dyan !

Unang-una kailangan mong siguraduhin na walang Yolanda.Dahil minsan kapag masungit ang
panahon ang sasalobong sayo ay mala higanteng alon.

Pangalawa,kung wala kang malaking bangkang demotor pwede ka namang magsagwan gamit
ang balangay.Ang kaibahan nga lang sa bangkang demotor kalahating oras ay mararating mo
na ang Bayangan.Subalit pag ikaw ay magsasagwan ayos lang naman kahit matatagalan,
marating lang ang paroroonan.

Pangatlo kailangan mong magbaon ng mga pagkain dahil sa islang ito minu-minuto lagi kang
gugutumin.Isama mo na din ang iyong malapad na sombrero proteksyon sa init.Kung wala ka
namang jowa kailangan magdala ng jacket.Dahil pagsapit ng dapit hapon sobrang lamig ihip
ng hangin ay malupit.

Ngayon na alam mo na ang mga paraan kung paano mo mapupuntahan ang Isla ng
Bayangan.Mula damit lahat-lahat kailangang paghandaan.Ano pa ang iyong hinihintay,tara
pasyal tayo sa isla ng Bayangan.

You might also like