You are on page 1of 32

ALPAS ABRIL 2023 |

MAGSAYA!
HANDA FRIENDLY
NA BA
KAYO? GEN Z

3
hangout spots!
What to expect? What to find?

KASAYSAYAN
KASAYSAYAN
MAJOR
NG
NG PILIPINAS
PILIPINAS
ISLANDS
Magda-drive

hanggang saan,

makasama ka lang!

Overdrive - Eraserheads
Mabuhay at maligayang pagdating sa aming
pinakabagong isyu ng ALPAS Travel Magasin, ang
magasing nagpapakita ng kagandahan at pagkakaiba-
iba ng tropikal na paraiso na tinatawag nating tahanan.
Habang unti-unting lumuluwag ang bansa mula sa
pandemya, nasasabik kaming maghatid sa iyo ng higit
pang mga kuwento, kaalaman, at rekomendasyon na
magbibigay inspirasyon sa iyong susunod na
paglalakbay.

Sa isyung ito, dadalhin namin ang masa sa ilan sa mga


hinahangaan na destinasyon sa Pilipinas mula Luzon,
Visayas, at Mindanao. Mula sa malinis na mga
dalampasigan sa Palawan hanggang sa kagandahang
Chocolate Hills, nagtatampok kami ng kakaiba na
karanasan na magbibigay kasiyahan sa pagnanasa ng
sinumang manlalakbay.

Sinisiyasat din natin ang mayamang kultura at pamana


ng Pilipinas, na may kuwento tungkol sa mga tradisyonal
na pagdiriwang at mga makasaysayang palatandaan.
Alamin ang tungkol sa pinaka makulay na Pahiyas Festival
at ang kamangha-manghang mga simbahan ating
pinahahalagahang may dalang kasaysayan.

Siyempre, hindi natin malilimutang itampok ang ilan sa


pinakamagagandang lugar upang magsaya kasama ang
pamilya at mga kaibigan sa bansa. Naghahanap ka man
ng maginhawang staycation sa lungsod o pagpapalamig
sa mainit na panahon, kami ang bahala sa iyo!

Inaasahan namin na ang isyung ito ay magbibigay


inspirasyon sa iyo upang matuklasan at marahuyo sa higit
pa sa kagandahan at pagkakaiba-iba ng ating bansa.
Ikaw man ay isang unang beses na bisita o isang batikang
manlalakbay, tayo ay umALPAS sa kaginhawaang dala ng
Pilipinas!
Naghahanap na ba kayo ng mga lugar na pwede ninyong puntahan ngayong tag-init? O
nagpaplano na kayong mag bakasyon kung kailan malamig ang simoy ng hangin? Tara
ipapakita ko sa inyo ang mga maaari ninyong mapuntahan ngayong tag-init at sa darating na
tag-lamig.

CORON, PALAWAN
UNAHIN NATIN ANG LUGAR NA KUNG SAAN MAE-
ENJOY MO ANG MALINIS NA DAGAT, MAGANDANG
BEACHES, DIVING SPOTS, AT MGA SHIPWRECKS.
NAHULAAN NYO BA KUNG SAAN ANG TINUTUKOY KO?
KUNG ANG SAGOT MO AY CORON, PALAWAN AY TAMA
KA! ANG CORON AY KILALA SA PAGIGING MAYAMAN SA
MARINE LIFE TULAD NG MGA CORAL REEFS AT ISDA,
PERFECT PARA SA MGA DIVERS DYAAN O ANG MGA
MAHIHILIG MAG SNORKELING, ISA SA MGA
MAGAGANDANG DIVING SPOTS AY ANG SIETE PECADOS.

AT DAHIL NGA TAG-INIT ANG ATING PINAG-


UUSAPAN, SYEMPRE HINDI MAWAWALA ANG LUGAR NA
MAAARI KANG MAG RELAX AT LUMANGOY, ISA ITO SA
MGA SIKAT NA TOURIST ATTRACTIONS NG CORON,
ANG KAYANGAN LAKE, A KUNG SAAN AY
NAPAPALIGIRAN ANG LAWA NA ITO NG MATATAAS NA
LIMESTONES AT MAYRON DIN ITONG MAGANDA AT
MALINAW NA TUBIG.

Sagada, Mountain Province

FABIANTES
CALAMBA,
LAGUNA
Kung nagpaplano na kayong mamasyal sa
taglamig ay mayroon din akong mga
rekomendasyon para sa inyo. At syempre
dahil ang mga Pilipino ay mahilig mag swimming
ay uunahin muna natin ang mga hot springs
ng Laguna. Dahil sa malamig na simoy ng
hangin ay may iba na gusto mag painit at isa
na dito ay ang pagpunta sa mga hot springs.
Ang Laguna ay isa sa mga lugar na may
maraming hot springs dahil sa geothermal
heat na nanggagaling sa Mt. Makiling. Isa sa
mga magagandang hot springs sa Laguna ay
ang Hidden Valley Springs Resort, na may

FUNFACT
magandang tanawin at maraming pools.

Ang Calamba ay kinikilala rin bilang "Hot


spring capital of the Philippines" dahil sa
kanilang maraming hot spring resorts!

PILILLA WIND
FARM, RIZAL
AND BATANES
Kung nais ninyong mag relax sa malamig
na simoy ng hangin ay bagay sa iyo ang
pangalawang destinasyon na ito. Kung
gusto ninyong pumunta sa Ilocos windmills
ngunit masyadong malayo para sa iyo?
Subukan mo nalang na bisitahin ang Pililla
Wind Farm na malapit lang sa maynila dahil
sa Pililla, Rizal lamang ito. Kung nais
ninyong i-enjoy ang malamig na hangin ay
maaari kayong pumunta dito, hindi lang
hangin ang makikita niyo dito, may maganda
ding tanawin ng mga bundok at syempre
malalaking mga wind turbines na parang sa
Ilocos lang. At ang isa sa mga mahahangin din
na lugar sa Pilipinas ay ang Batanes,
tinatawag nga din itong “Home of the Winds”
dahil sa mahangin na panahon dito. Maaari
kang mag relax at mag sight seeing sa
batanes habang nararamdaman mo ang
hangin dito.
K a s a y s a y a n n g Pilipin a s:
Mula sa Mata ng mga Lugar

na Isinulat ito
Nakakatulong ang mga makasaysayang lugar
na mapanatili ang pamana ng kultura sa
pamamagitan ng pagpapaalala sa atin ng
ating nakaraan at pinagmulan. Ang mga ito ay
nagsisilbing isang paalala sa kasaysayan ng
ating bansa, ang pagsisikap ng ating mga
bayani, at ang ganda ng mga lugar na itinayo
noon, ngayon. Mula sa mga simabahang
umusbong noong panahon pa ng pananakop
ng mga Espanyol sa Pilipinas, hanggang sa
mga lugar na nagsilbing malaking tulong
upang makamit ng ating mga bayani ang
kalayaan; puno’ng-puno ang Pilipinas ng mga
lugar na puno’ng-puno ng kasaysayan! Hindi
magiging kumpleto ang iyong paglalakbay
kapag walang magaganda at makasaysayang
mga simbahan. Nagsimula noong panahon ng
mga Espanyol, nang ang Kristiyano ay unang
ipinakilala at ipinadala ng mga misyonero sa
Cebu. Ngayon, sa patuloy na pagsasabuhay ng
Pilipino ng pananampalataya at debosyon sa
Kristiyanismo, marami nang mga simbahan ang
mayroon sa Pilipinas, karamihan ay mga
atraksyong pangturista.

DIAPAT
Ang Paoay church ay isa sa mga sinaunang
simbahan sa Pilipinas. Matatagpuan sa
Paoay, ilocos norte, kilala ang simbahang
ito sa maringal na sand dunes at natural
na mga pormasyon ng bato. Ang pagtatayo
ng SIMBAHANG ITO ay nagsimula noong 1694
at natapos noong 1710. itinayo ITO sa ilalim
ng direksyon ng Augustinian prayle sa
pangunguna ni Fr. Antonio Estavillo, na
responsable din sa pagtatayo ng iba pang
simbahan sa rehiyon. Ang simbahan ay kilala
sa arkitektura nito, na pinagsasama ang
mga istilong baroque, gothic, Chinese, at
Javanese. Mayroon itong napakalaking
pediment at isang nakahiwalay na
kampanang tore na ginamit bilang bantay
noong panahon ng kolonyal na Espanyol.

Y CHUR
OA C
PA

H
CLA YON
A
BCHURCH
Matatagpuan ang Santa Maria Church sa Ilocos Sur, isang
lalawigan na kilala sa mga heritage site nito at mga
cobblestone na kalye na matatagpuan sa Vigan City. Ang
simbahang ito ay bahagi ng mga simbahang Baroque sa
Pilipinas, at isa sa UNESCO World Heritage Sites sa Pilipinas. Ang
lugar sa paligid ng simbahan ay bukas sa publiko at mahusay
para sa paglalakad at mga backdrop para sa mga larawan.
Perpekto ang simbahan para sa mga manlalakbay na
naghahanap ng solemnity at tranquillity at isa sa mga lugar
na dapat puntahan sa isang Ilocos trip itinerary.

Ang Santa Maria Church ay sikat sa kahanga-hangang bell


tower nito, na may taas na 45 metro at nakikita mula sa
malayo. Ginamit ang tore bilang bantayan noong panahon ng
kolonyal na Espanyol, at nagsilbing kanlungan din ng mga
taong-bayan sa panahon ng digmaan at mga natural na
kalamidad.
Wh
at's
inside?

Sa
n ta a r ia
C M
H U R C H
Dag ara church
Ang Daraga Church, isa sa mga makasaysayang
simbahan sa Pilipinas, ay matatagpuan sa Albay,
isang lalawigan sa Bicol na kilala bilang gateway
ng sikat sa mundong Bulkang Mayon. Kilala rin
bilang Our Lady of the Gate Parish Church, ang
simbahang ito ay matatagpuan sa tuktok ng isang
burol kung saan matatanaw ang Mayon Volcano.
Ang simbahan ay nilikha sa isang natatanging
paraan bilang resulta ng mga sakuna na naganap
sa Cagsawa. Ito ay maaaring dahil sa paniwala na
ito ay nagsisilbing isang portal sa langit at isang
kanlungan ng kaligtasan. Ang prinsipyong ito ay
ipinapakita sa maraming paraan. Bilang isang
ilustrasyon, ang istilong-retablo na panlabas ng
simbahan ay naglalarawan ng isang grupo ng mga
santo sa langit, nagtatampok sa Our Lady of the
Gate of Heaven bilang patron saint nito, at
nagtatampok ng mga floral na tema na tumutukoy
sa Hardin ng Eden. Ngayon, ang Daraga Church ay
itinuturing na isa sa mga nangungunang lugar ng
turista sa Albay.
BRIGADA PIYESTA:
KASIYAHANG DALA NG
MASA!

DE MESA
Malangsi Festival
P A HIYAS Fe s tiv al
Banigan-Kawayan Festival
M ASS K ARA Fe s tiv al
Kalimudan Festival

Hay! Nakakapagod maglakbay! Ngunit masaya ito, naranasan mong makibahagi sa


ginagawa ng mga tao sa bawat destinasyon na tinatapakan mo. Dito na tayo
natatapos sa pag-alam ng iba’t - ibang pista sa Pilipinas! Agyamanak! Sampay sa
tundug a kutika, Asta sa liwat sa iyo!
LACES FOR
P AL
L AGES
A
V
Z
I
O
L
O
O
N

Naghahanap ng lugar na kung saan makakasama at makaka bonding


ang pamilya? Tara na dito! Hindi ka lang magiging masaya dahil sa
ating pupuntahan ay may mapupulot ka din na mga aral!

Ang avilon zoo ay may laki na 7.5 hectares at isa ito sa


pinakamalaking zoo sa pilipinas at ito ay matatagpuan sa Rodriguez
Rizal. Iba’t ibang hayop ang makikita dito sa Avilon zoo at
napakarami ding aktibidad na maaring gawin dito tulad ng friendly
snake kung saan maaari kang kumuha ng litrato kasama ang mga
naglalakihang mga ahas habang hawak hawak mo ang mga ito at
hindi lang pag kuha ng litrato ang pwedeng gawin dito! Maaari mo
rin ma experience dito ang “feed me” kung saan pwede ka
magpakain ng mga hayop na nandito!

REPONTE
O
P
C
A
E
R
A
K
N

Hindi pa nakikita? o bihira lang makita? Dito na sa


Manila Ocean Park ang unang world class marine
theme park at premiere educational facility! Ang
Ocean park ay binubuo ng napakarami at iba’t ibang
uri ng mga na ating makikita at mayroon din mga
insect, tarantula at iba pa na makikita sa world of
creepy crawlies, mga attractions tulad ng sea lion
show,trails to antarctica na paniguradong mag
eenjoy ang mga bata at kahit pa na matanda dahil
sa magagandang mga lamang dagat na nandito!
P
A L
Q A
U N
E
A T

Bata, teenager o matanda kahit sino pwede dito! ang


pinakabago at pinakamodernong water theme park sa
Pilipinas na may 38 water slide at atraksyon na angkop
sa mga bisita sa lahat. Ang Aqua Planet ay mayroong
slides,wave pool,lazy rivers isa na dito ang aqua loop.
Ang Aqua Loop ay isang uri ng body water slide kung
saan ang mga single riders ay ibinababa sa isang
malapit na patayong slide at papunta sa isang loop
kung saan mag mag e-enjoy, hindi lang bata, pati ang
mga matatanda dahil sa kakaiba at napakadaming
mga slide dito sa aqua planet!
LUGAR
LALAKBAYIN
oh, giliw ko?

TAMAYAO
a t i o n al
N museum
Ipagmalaki ang iyong malawak na kaalaman sa agham o
makasamang alamin ang lahat ng bagay tungkol dito kasama ang
inyong date sa isang National Museum of the Philippines adventure! Isa
sa mga pinakamahusay na museo sa Pilipinas, mayroong apat na
pangunahing mga museo; ang National Museum of Arts, National
Museum of Anthropology, National Museum of National History at
Planetarium.

Mae-enjoy mo at ng iyong ka-date ang iba't ibang exhibit na


matatagpuan sa loob ng mga National Museum sa loob ng isang araw!
Ang pag-museum-hopping ay hindi para sa lahat, ngunit hindi masakit
na bigyan ito ng pagkakataon; mas masakit pa nga na walang
kasamang ka-date… Magkakaroon rin kayo ng pagkakataong ibahagi
ang inyong mga saloobin tungkol sa iba't ibang bagay na
matatagpuan sa mga museong ito. Mura, maganda, at pampa-impress
pa para sa inyong ka-date; ano pa ang hanap niyo?

IUM
R
IA
L
SPO
B O H O L
Beach date o swimming? Travel date? Lahat ‘yan ay matatagpuan
dito! Ang isla ng Bohol ay isa sa mga nangungunang tourist spot
sa Visayas at puno ng natural na kagandahan hindi katulad ng iba
sa Pilipinas. Ito ay isang holiday destination na perpekto para sa
mga lovebirds na nais maka-experience ng isang adventure!

Nagtatampok ang Bohol ng mga magagandang tanawin tulad


ng mga white sand beach ng Panglao Island, ang
nakakabighaning geomorphic wonder na ang Chocolate Hills, at
ang pinakamaliit na primate sa mundo, ang Philippine tarsier, na
karaniwang itinatampok sa Bohol countryside tour. Kasama sa iba
pang mga atraksyong dapat bisitahin sa Bohol tour ang Loboc
River Cruise, pagsakay sa ATV na may tanawin ng Chocolate Hills,
at panonood ng alitaptap. Siguradong hindi kayo mauubusan ng
mga gawain dito!
TIPID SULIT:

MARTINEZ E.
CAFE
AG
A GA
APP II T
TAA
N T
T R
R A
A
IIN M
M S
U
UR O
RO S
GEN
As the youngest generation takes over, GEN
Z! Nag-iiba na rin ang kagustuhan nila
pagdating sa kanilang mga hangout spot. Mula
LUMANOG

sa mga animal or kpop cafe, hanggang sa mga


interactive na museo ng sining, ang Pilipinas
ay walang kakulangan sa mga tunay na
nakaka EXCITE na destinasyon para tuklasin
ng susunod na henerasyon. Lalnatin ang
pinakamahuhusay na lugar ng tambayan sa
Pilipinas na tiyak na magpapabilib at
magbibigay-kasiyahan sa gana ng Gen Z para
sa pakikipagsapalaran at pagkamalikhain.
Naghahanap ka man ng lugar para mag-
party, kumuha ng mga larawang TUMPAK
para sa Instagram, o magpahinga lang
kasama ang mga kaibigan, hindi mabibigo ang
mga destinasyong ito. Ano pang hinihintay
niyo? Tara na’t puntahan ang pinakamahusay
sa kung ano ang maiaalok ng Pilipinas para sa
pinakabagong henerasyon ng mga
trendsetter.
Tayo ay magsimula sa sikat na cafe dahil sa kaniyang Retro or Riverdale vibes! Ang Station Bar Cafe
ay isang maaliwalas at naka-istilong cafe na matatagpuan sa mataong lungsod ng Makati. Ito ay
isang sikat na lugar para sa mga naghahanap upang tangkilikin ang isang tasa ng kape o isang
nakakapreskong inumin sa isang nakakarelaks at kaakit-akit na kapaligiran.

Dinisenyo ang interior ng cafe na may minimalist at pang-industriya na tema, na nagtatampok ng


mga exposed pipe, brick wall, at vintage lighting fixtures. Mayroon din itong maliit na outdoor
seating area, na nagbibigay ng magandang tanawin ng mga abalang kalye ng Makati. Perpekto para
sa inyong Instagram photoshoot!

Nagtatampok ang menu ng Station Bar Cafe ng seleksyon ng kape, tsaa, cocktail, at iba pang
inumin, pati na rin ang iba't ibang magagaang meryenda at pastry. Ang isa sa mga specialty nito ay
ang "cold brew coffee," na ginawa sa pamamagitan ng pag-steep ng sariwang giniling na coffee
beans sa malamig na tubig sa loob ng ilang oras, na nagreresulta sa isang makinis at masaganang
lasa ng kape.

Bukod sa mga inumin at meryenda nito, nagho-host din ang Station Bar Cafe ng mga kaganapan at
live performance, tulad ng mga acoustic music night at art exhibit. Mayroon din itong libreng Wi-Fi,
na ginagawa itong isang magandang lugar para sa mga nangangailangan ng lugar para
magtrabaho o mag-aral.

Sa pangkalahatan, ang Station Bar Cafe ay isang destinasyong dapat puntahan para sa mga taong
gustong-gusto ang masarap na kape, magandang ambiance, at isang buhay na buhay na eksena sa
kultura sa Makati.

MOOD: CHILL!
Ang Venice Grand Canal sa McKinley Hill ay isang shopping at dining destination sa Taguig City, Metro Manila,
Philippines. Kilala ito sa nakamamanghang arkitektura at disenyong inspirasyon ng Italyano, na inspirasyon ng
romantikong lungsod ng Venice, Italy.

Ang centerpiece ng Venice Grand Canal ay ang gawa ng tao na canal, na napapalibutan ng mga eleganteng
gusali at walkway na katulad ng sa Venice. Masisiyahan ang mga bisita sa pagsakay sa gondola sa kahabaan ng
kanal, na pinamamahalaan ng mga propesyonal na gondolier na nakasuot ng tradisyonal na kasuotang
Venetian.

Bukod sa canal ride, nag-aalok ang Venice Grand Canal ng iba't ibang aktibidad para sa mga bisita nito, kabilang
ang pamimili at kainan. Nagtatampok ang mall ng kumbinasyon ng mga lokal at internasyonal na tatak,
kabilang ang mga tindahan ng fashion, kagandahan, at lifestyle. Mayroon ding ilang mga restaurant at cafe na
nag-aalok ng iba't ibang mga lutuin, mula sa Italian hanggang Japanese.

Ang Venice Grand Canal sa McKinley Hill ay isang sikat na destinasyon para sa mga turista at lokal, dahil
nagbibigay ito ng kakaiba at magandang karanasan sa pamimili at kainan na hindi katulad ng iba sa Pilipinas!

MOOD: EXPLORE!
Dito naman tayo sa nakakalula! Ang
Upside Down Museum sa Pasay City ay
isang kakaiba at interactive na museo na
nagbibigay sa mga bisita ng nakaka-
engganyong karanasan. Gaya ng
ipinahihiwatig ng pangalan,
nagtatampok ang museo ng mga
kuwarto at exhibit na idinisenyo upang
magmukhang nakabaligtad ang mga ito,
MOOD: FUN!
na nagpapahintulot sa mga bisita na
kumuha ng mga malikhaing larawan at
tangkilikin ang isang masaya at
nakakaengganyong karanasan.

Sa pagpasok sa museo, ang mga bisita ay


sumalubong sa isang optical illusion na
tila sila ay naglalakad sa kisame.
Mayroon ding iba't ibang mga silid at
exhibit na idinisenyo upang
magmukhang nakabaligtad, tulad ng
kusina, sala, at kahit banyo.

Ang museo ay nagbibigay ng mga props


at costume na magagamit ng mga bisita
para mapaganda ang kanilang mga
larawan at gawing mas malikhain at
masaya ang mga ito. Available din ang
staff upang tulungan ang mga bisita na
kumuha ng pinakamahusay na
posibleng mga larawan at
magmungkahi ng mga pose at anggulo.

Bukod sa mga nakabaligtad na kuwarto


at exhibit, nagtatampok din ang museo
ng mirrored room at light tunnel na
perpekto para sa pagkuha ng Instagram-
worthy na mga kuha!
Siyempre hindi mawawala ang tambayan ng masa! Ang Timezone ay isang sikat na
entertainment center sa Pilipinas na nag-aalok ng malawak na hanay ng mga arcade game,
atraksyon, at aktibidad para sa parehong mga bata at matatanda. Ang pinakabago at
pinakamalaking Timezone sa bansa ay matatagpuan sa Ayala Fairview Terraces sa Quezon
City, Metro Manila.

Ipinagmamalaki ng sangay ng Timezone na ito ang mahigit 3,000 metro kuwadrado ng


espasyo sa paglalaro, na ginagawa itong isa sa pinakamalaking panloob na sentro ng libangan
sa bansa. Nagtatampok ito ng magkakaibang seleksyon ng mga arcade game, kabilang ang
mga klasikong paborito gaya ng Pac-Man at Space Invaders, pati na rin ang mga mas bagong
laro tulad ng Guitar Hero at Dance Dance Revolution.

Bukod sa arcade games, ang Timezone Ayala Fairview Terraces ay mayroon ding bowling
alley, bumper cars, virtual reality gaming area, at redemption center kung saan maaaring i-
redeem ng mga bisita ang mga ticket na napanalunan nila para sa mga premyo!

Ang Timezone Ayala Fairview Terraces ay isang masaya at kapana-panabik na destinasyon


para sa mga pamilya, kaibigan, at grupong naghahanap ng isang araw ng libangan at
paglilibang. Sa kahanga-hangang laki at iba't ibang atraksyon nito, hindi nakakapagtaka kung
bakit naging sikat na lugar ito para sa mga manlalaro at hindi manlalaro.

MOOD: GAME!
ALPAS ABRIL 2023 |

PUNONG PATNUGOT
SOFIA MIKAELA LUMANOG

MGA KONTRIBYUTOR
ELIJAH TAMAYAO
ELISHA MARTINEZ
LOU ALEXANDREA FABIANTES
MIZETH DE MESA
ALLAYSA UY DIAPAT
PRINCE ZAIRUST REPONTE

You might also like