You are on page 1of 3

Paglalakbay sa Boracay

Boracay…Isang maliit na isla subalit pinapangarap ng maraming turista


dahil sa natatangi nitong kagandahan. Ang Boracay ay isa sa mga sikat na
destinasyon ng mga turista sa bansa. Ito rin ang pinakatanyag na baybayin na
dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang sulok ng daigdig.

December 13, 2013, ang araw na natupad ang pangarap kong


makapunta sa Boracay. Kasama ang aking pamilya naglakbay kami papuntang
Manila Airpot para sumakay ng eroplano papunta sa Aklan Airport. Sumakay
kami ng bangka papunta sa aming destinasyon. Dahil sa pagod natulog muna
kami ng ilang oras.

Pagkagising namin naglakad lakad kami sa gilid ng dagat habang


tinatanaw namin ang magandang tanawin ng Boracay. Tunay ngang
napakaganda ng isla ng Boracay dahil sa napakapuputi nitong buhangin.
Nakakapagpabuti ng hininga ang presko nitong hangin mula sa karagatan.
Marami kang makikitang makukulay na souvenir shops na maaari mong
pagbilhan ng pasalubong sa mga kamag anak mo. Maraming turista ang
nagpapalagay ng tattoo dahil magagaling ang mga tattoo artist ng Boracay.
Dahil sa kakaibang sining ng pagtatatto, naantig ang isa naming kasama
na subukan din ito. Habang ginagawa ang sining na ito sa isa niyang balikat,
nagtanong-tanong kami tungkol sa lugar ng Boracay. Nalaman naming ang
mga katotohanan tungkol dito.
Ang Boracay, bilang isang tropikal na pulo sa bans ana makikita sa
lalawigan ng Aklan ay tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng
Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Kanlurang
Visayas sa Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa
bansa.binubuo ang pulo ng mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at
Yapak (3 sa 17 barangay na binubuo ng bayan ng Malay), at nasa ilalim ng
pamamahala ng Philippine Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa
Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan.
Ang Boracay ay ang pinakamatanyag na baybayin na dinarayo ng mga
turista. Ang pinakamagandang bahagi sa isla ay ang apat na kilometrong
'White Beach' na ito ang pinakamagandang baybayin sa buong mundo at
nahirang noong 2012 sa Travel + Leisure Magazine bilang "best island in the
world" . Ang nagpapaligid nitong tubig ay mababaw at ang buhangin ay mas
preska at maliwanag sa ibat-ibang baybayin sa kapuluan.

Isang maaliwalas na araw, nasubukan rin naming ang pagsakay ng


banana boat . Nagbayad kami ng Php 500.00 sa isang ikot nito.Pinasuot nila
kami ng life jacket para mas siguradong ligtas kami sa aming pagsakay.
Napagtanto ko na tunay ngang napaka ganda ng Pilipinas. Ang Boracay
ang nagpapatunay na hindi mo na kailangang pumunta pa sa ibang bansa
upang maglakbay at mamasyal. Ang kakaibang karanasan ay matatagpuan sa
Boracay lalo na kung kasama ang buong pamilya na siyang magbibigay ng
kakaibang kasiyahan sa lugar.

You might also like