You are on page 1of 4

Isla ng Boracay

Mga
Tanyag na
Lugar sa
Visayas

Tag-init na naman sa Bansang Pilipinas.


Painit na ng painit ang temperatura
bagamat minsan ay may biglaang pagulan. Tuwing sumasapit ang tag-init ay
isa lang ang sumasagi sa isipan ng mga
Pilipino, ang magpalamig sa
pamamagitan ng pagkaing may yelo at
ang magpunta sa mga beach.

Isla ng Boracay
Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na
tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya)
sa timog ng Maynila at 2 km sa hilagakanlurang dulo ng pulo ng Panay sa
Silangang Visayas sa Pilipinas. Isa ito sa
mga sikat na destinasyon ng mga turista sa
bansa. Binubuo ang pulo ng
mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at
Yapak (3 sa 17 barangay na binubuo
ng bayan ng Malay), at nasa ilalim ng
pamamahala ng Philippine Tourism Authority
(Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may
ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan
ng Aklan.

Ang Krus ni Magellan


Ang Magellans Cross ay ang pinakatampok
sa mga makasaysayang pook sa
Lungsod Cebu na Sugbu pa ang katawagan

noong
dumating
ang grupo
ng

manunuklas at
nabigador na
Portuges na si
Fernao Magalhaes
(Fernando Magallanes sa Kastila) o higit na
kilala bilang si Ferdinand Magellan. Isang
maliit na nayon ng mga mangingisda lamang
ang Cebu ng panahong iyon. Noong Abril 21,
1521 ay nagpabinyag ang bagong kaibigan ni
Magellan na si Rajah Humabon, ang kanyang
asawa at higit sa 300 na mandirigma ng
Rajah kay Padre Pedro Valderama.

Chocolate Hills
Ang mga Tsokolateng Burol o ang mga
"karamelo", ay isang anyong lupa
sa Bohol, Pilipi
nas. Sikat na
atraksiyon ang
mga
Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok
ang mga ito sa panlalawigang watawat
at sagisag ng lalawigan ng Bohol na
sumasagisag nang mayamang likas na
yaman ng lalawigan. Tinatayang 1,268
ang pulutong mga burol na mas kilala sa
tawag na Chocolate hills. Nakakalat
pinakamaraming burol sa bayan ng
Carmen, Butuan at Sagbayan. Ilan din
ang makikita sa bayan ng Bilar, Sierra
Bollones at Valencia.

Ang Tulay ng San Juanico


Ang San Juanico Bridge ay ang
pinakamahabang tulay ng Pilipinas, na may
habang 2km. Tinatawid nito ang San Juanico
Strait, na tumutulay sa isla ng Samar at
Leyte. Kilala din itong Marcos Bridge,
sinasabi na ito raw ay regalo at "Testimonya
ng Pag-ibig" ng Presidente ng Pilipinas na si
Ferdinand Marcos sa Unang Ginang, Imelda
na taga Leyte. Dinudugtong nito ang syudad
ng Tacloban sa bahagi ng Leyte at bayan ng
Sta. Rita sa bahagi naman ng Samar. Meron
itong
magagandang
tanawin lalo na
ang San Juanico
Strait na may
libo-libong whirl
pools at maliliit
na isla.

Bulkang Kanlaon
Ang Bulkang Kanlaon, na binabaybay
din bilang Kanla-on o Canlaon, ay
isang bulkang masigla na nasa pulo ng
Negros sa gitnang Pilipinas.
Nakasaklang ang istratobulkang ito sa
mga lalawigan ng Negros
Occidental at Negros Oriental, na
tinatayang 30 km (19 mi) sa timogsilangan ng Lungsod ng Bacolod, ang
kabisera at pinakamataong lungsod sa
Negros Occidental. Ang bulkan ay isang
paboritong pook ng mga mamumundok
at pangunahing lugar ng Likas na
Liwasan ng Bundok Kanlaon (Mt.
Kanlaon Natural Park), isang

pambansang liwasan na unang


inilunsad noong Agosto 8, 1934. Isa ito
sa masisiglangmga bulkan ng
Pilipinas at kabahagi ng sinturong ng
apoy sa Pasipiko.

You might also like