You are on page 1of 1

“Ang buhay ko bilang isang Marino”

Ako’y simpleng Mamayan sa lungsod ng Ilocos Norte na dumayo pa sa


lungsod ng Bulacan para mag-aral ng kolehiyo sa Baliwag Maritime Academy. Dito
na magsisimula ang pagtupad ko sa aking mga pangarap na maging marino.
Unang araw sa akademya ay hindi biro. Pagpatak ng alas kwatro ng umaga,
maririnig ang torotot na nag-sisilbing pang-gising sa natutulog naming diwa sabay
sigaw ng aming mga barracks commander ng “GISING NA!”. Mahirap maging isang
kadete sa isang akademya na eskewelahan ngunit sa hirap na pinagdadaanan ko
araw-araw ay ito naman ang nagsisilbing inspirasyon ko para sa pagkamit ng aking
pangarap. Antok na palaging dumadalaw tuwing pagsapit ng klase ngunit
kailangang labanan para sa kinabukasan. Ang mga magulang ko ang nagsisilbing
inspirasyon ko at pinaghuhugutan ko ng lakas para sa pagtupad ng aking mga
pangarap. Nang matapos ko ang dalawang taon na pag-aaral ay kailangan ko nang
mag OJT(on the job training). Kumuha ako ng pagsusulit sa isang international na
kompanya at sa awa ng Diyos ay nakapasa ako. Labing walong buwan akong
nanilbihan sa kompanya bago ako pasampahin ng barko.
At dumating na nga yung araw na pinakahihintay ko, ang unang pagsampa
ko sa barko. Diko maintindihan ang nararamdaman ko na naghahalong sabik at
kaba dahil dito ko na malalaman kung ano talaga ang buhay ng isang marino.
“Welcome aboard” yan ang unang narinig ko pagtungtong ko sa barko, salitang
masarap pakinggan pero diyan mo mararanasan ang paghihirap na hindi mo
inaasahan. Hindi madali ang unang buwan ko sa barko. Hindi makatulog dahil sa
pag-gulong at naririnig kong hampas ng alon. Pero kailangan ko paring maging
matatag dahil ito ang pinili kong propesyon. Walang madaling trabaho ika nga
nila. Kailangan mo talagang magsakripisyo para sa magiging kinabukasan. Pero
ba’t madaming nagsasabi na pag marino “maraming babae” agad? Hindi ba
pwedeng pag marino “puro kalyo at grasa ang kamay, kapalit ng magandang
buhay”? Masarap na mahirap ang pagiging isang marino. Masarap kase
nakakabyahe ka ng libre sa ibat-ibang bansa, ngunit mahirap kase maliban sa
hirap ng trabaho ay pananabik na makasama mo ang pamilya. Walong buwan na
kontrata ang kailangan kong tapusin. Nagsisimula ang aming trabaho pagpatak ng
alas otso (8:00) ng umaga. Minsan ay isang buwang biyahe na puro dagat at ibon
lang ang nakikita. Minsan tinatanong ko nalang sa sarili ko; “bat nga ba ako nag
marino”?...

You might also like