You are on page 1of 1

Ang Pilipinas ay isang mayamang bansa.

Hindi lamang sa mga panitikan na ating nabasa, pati na


rin sa mga maririkit na tanawing nakapupukaw sa mata’t damdamin ninuman. Tulad na lamang ng mga
sikat na pook pasyalan o tanawin na Boracay sa Aklan, Puerto Princesa Underground River sa Palawan,
Chocolate Hills sa Bohol at iba pa na kilala at tanyag sa saanmang dako ng mundo. Ang mga ito’y dapat
binibigyan natin ng tuon, pagpapahalaga at ipagmalaki.

Humigit kumulang 7,100 isla mayroon ang ating bansa. Sa bawat lupain ng Perlas ng Silangan ay
kakikitaan ng mga nakamamanghang tanawin. Ang mga ito’y nagiging dahilan upang lumipad patungo sa
ating bansa ang mga banyaga, mga travel influencers at mga kapwa Pilipino.

Bilang isang kabataang Pilipino, mayroon tayong kakayahang manghikayat. Pumili ng isa sa mga
pamamaraan o gawain (Blog, Mini Brochure, Music Video) upang ilahad ang kagandahan ng tanawin sa
inyong lugar, at mahikayat mo ang madla upang sila’y maglaan ng oras na makabisita roon. Nasa ibaba
ang Talahanayan ng Pamantayan na Nilalaman, Kalidad, Organisasyon at Paraan ng Panghihikayat upang
mapuntusan ang iyong isinagawa

You might also like