You are on page 1of 1

Ashly A.

Dayangco 12 ABM A2
Lakbay Sanaysay
“BEST OF SIARGAO”

Na-curious ka na ba sa mga kababalaghan ng Pilipinas? Bilang isang


mamamayang Pilipino, isa sa mga pangarap ko ang maglibot sa buong
Pilipinas. Dahil naniniwala ako sa kasabihan na, “There’s more than meets the
eye.” Gusto ko mas makilala pa ang Pilipinas bago pumunta sa ibang bansa.
At isa sa mga napuntahan ko ay ang kahanga-hangang isla ng Siargao.

Paggising ko sa Siargao, namangha ako kung paano ako sinalubong ng


magandang pagsikat ng araw at ang nakakagaling na tunog ng mga alon.
Alam mo ba na ang Siargao ay kilala bilang Surf Capital ng Pilipinas? Hindi
lang ang malalaking alon ang dahilan kung bakit bumibisita ang mga tao sa
Siargao, kundi ang mga magagandang atraksyon din katulad ng Sugba
Lagoon, Tayangban Cave Pools, Taktak Waterfall at iba pa. Mayroon din silang
masasarap na pagkain na kakaiba sa karaniwan kong kinakain sa lungsod
kagaya ng mga smoothie bowls mula sa Shaka Siargao, halo-halo at sizzling
chicken joy mula sa Harana Surf Resort, pasta at pizza mula sa Kermit
Siargao. Kung marami kang matutuklasan sa morning life ng Siargao, tiyak
mag-e-enjoy ka sa nightlife scene kung saan ang iba’t ibang bar ay nakatutok
sa iba’t ibang araw o lingo, at makakausap mo ang lokal.

Habang nagbakasyon ako sa Siargao, sabi ko sa sarili ko, "Mami-miss ko


talaga ang buhay isla." Kahit isang linggong bakasyon lang, marami akong
natutunan, lalo na sa kanilang kultura, kung ano-ano ang kanilang ginagawa
sa kanilang buhay araw-araw; lalo na ang mga masasarap at malusog na
pagkain. Kung mayaman lang ako, sa Siargao talaga ako titira.

You might also like