You are on page 1of 8

AMA Computer Learning Center (ACLC) – Naga City

4/F, Nagaland E-Mall, Elias Angeles, Naga City

Literary Works
in
st
21 Century
Literature

Prepared by: STEM 11- C || GROUP 2 Submitted to: Ms. ALLIAH MAE DECENA
Contributors

I. SHORT STORY WRITERS


GARBO, RENATO M.
BESMONTE, JOHN JULIUS P.

II. LITERARY POEMS WRITERS


ARCHIVIDO, MIKAELA REESE D.
PAULER, FLORISSA

III. JAPANESE HAIKU WRITERS


NARADULLA, ANGELA C.
DE ALDAY, NIEL MARIE PEARL S.
RENATO M. GARBO

“Ang Paglalakbay ng Magkakaibigan”

Sa isang maliit na bayan, may limang magkababata na sina Renato, Kenneth,


Anthony, Erdie Neil, at Jimberc. Sila ay kasalukuyang nasa senior high school pa lamang. At
sila ay matalik na magkakaibigan.

Isang umaga, sa loob ng kanilang paaralan, natuklasan nila na may isang malaking
mapa ng Pilipinas na naka-display sa bulletin board. Napukaw ang kanilang interes at
nagsimula silang magpasya na magkaroon ng isang espesyal na paglalakbay. Ang kanilang
layunin ay ang makapaglakbay sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas upang matuklasan ang
kagandahan ng kanilang bansa.

Sa una nilang paglalakbay, nakapagpasya ang grupo na subukan ang kanilang lakas sa
pag-akyat ng bundok. Pumunta sila sa Cordillera, kung saan natagpuan nila ang mga
magagandang tanawin ng Banaue Rice Terraces. Sa pangalawang araw, nagpasya silang
sumama sa isang tradisyonal na fiesta sa Vigan at natuklasan nila ang kahanga-hangang
Baroque-style na mga bahay at kalsada. Sa huli, sinubukan nilang mag-surf sa mga
magagandang beaches ng La Union.

Pagkatapos nagtungo ang grupo patungong Cebu, kung saan natagpuan nila ang isang
napakagandang kabilang sa Seven Wonders of Nature, ang Kawasan Falls. Matapos ang
kanilang paglalakbay sa Cebu, naglakbay sila patungong Bohol, kung saan natagpuan nila
ang Chocolate Hills at nagpasya silang magpunta sa Panglao Island, kung saan natuklasan
nila ang kamangha-manghang puting buhangin at malinaw na tubig ng dagat.

Ang huling bahagi ng kanilang paglalakbay ay nagtungo sila sa Siargao, ang


tinatawag na “Surfing Capital of the Philippines”. Dito, ay nagsawa silang magsurf at
nasiyahan sa mga magagandang alon ng dagat.

Sa huli, matapos ang kanilang nakakapagod na paglalakbay, naramdaman ng grupo


ang kahalagahan at kasiyahan na magkaroon ng matalik na mga kaibigan. At dito nagtatapos
ang kanilang masayang paglalakbay.

JOHN JULIUS BESMONTE


“Ang Pakikipagsapalaran ng Limang Kaibigang Unggoy:
Tungo sa Kaharian ng mga Prutas”

Isang araw sa malayong kagubatan, may limang kaibigang unggoy na sina John Paul,
Rhey, Ken, Keith, at Borbs. Silang lima ay laging magkasama sa lahat ng kanilang mga
kalokohan at pakikipagsapalaran.

Isang umaga, habang sila ay naglalaro sa may malalaking puno, natagpuan nila ang
isang lumang mapa. Sa mapa, nakita nila ang isang talaan na nagsasabing may natatanging
kaharian ng mga prutas sa kabundukan.

Hindi nag-atubiling magsimula ang limang kaibigan sa kanilang pakikipagsapalaran


patungo sa kaharian. Sa kanilang paglalakbay, sila ay sumusubok ng iba’t ibang pagsubok at
nalalagay sa mga kakaibang sitwasyon.

Una nilang dinaanan ang matarik na bangin. Sa tulong ng kanilang magkakasamang


pagsisikap, nagtayo sila ng hagdanan gamit ang mga sanga ng puno at matagumpay na
nakalagpas.

Nakarating sila sa isang malalim na ilog na wala silang malulusutan. Sa tulong ng


kanilang talino, nagtayo sila ng isang makeshift na bangka gamit ang mga kahoy at
nalampasan nila ang pagsubok na iyon.

Sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan, hindi sila nawalan ng pag-asa at


nagpatuloy sa kanilang misyon. Sa huli, natagpuan nila ang kaharian ng mga prutas na puno
ng sariwang mga mangga, saging, at iba pang mga masasarap na prutas.

Napuno ng tuwa ang mga kaibigan at sila ay nagsaya at nagdiwang. Ang bawat isa sa
kanila ay nagtagisan ng pagkaing mga prutas at namasdan ang magandang tanawin ng
kaharian.

Matapos ang kanilang kasiyahan, nagpasya ang limang unggoy na bumalik sa


kanilang tahanan, dala ang masasayang alaala at maraming prutas na kanilang pinagsaluhan.

Ang pakikipagsapalaran ng mga kaibigan na sina John Paul, Rhey, Ken, Keith, at
Borbs ay nagpatunay na sa pamamagitan ng samahan, determinasyon, at pagtitiwala sa isa’t
isa, maaabot ang mga pangarap at matatamasa ang mga mahahalagang tagumpay sa buhay.
MIKAELA REESE D. ARCHIVIDO “Father who stops being a father when
their kids grow up"
Ganda mong walang kapareha.
He gives what is needed. Ni minsan walang pumantay,
Provide what is given. Mamahalin ko ng walang humpay.
Papa, I know you're tired.
It's all I cared about. Wala ng hihilinging iba,
Buong pagkatao tanggap kona,
You were seen as just strong. Pipiliin kita sa araw-araw.
He is soft if you feel along. Nadarama ko sayo ay malinaw.
I just missed what we shared.
A father and daughter care. Pangakong ihaharap ka sa altar.
Upang mapatunayan,
I hope you realize I needed you. Hinding-hindi kita papabayaan.
Be a good father to me too. Ikaw at puso’y iingatan.
Now that I'm away from you,
All I did was miss you.

I can't remember when did you stop


Being father to me, it hurts oh God.
You were still under the sun,
But it feels like you were physically gone.

FLORISSA PAULER

YOUR LOVE

I want the whole world wide to see


That no one else could ever be.
Can't change the way you look at me
You 're smile is the sweetest thing I see.

“Ikaw lamang”
The love you gave me makes me see

Ikaw lang, walang iba. To see the worst inside of me


The strength you gave guide me Nilabanan kahit mali sa mata ng iba
To love and embrace them whole Dahil babae ako at babae ka
heartedly.

Ngunit hindi sapat ang ating ginawa


I know it's late but you make feel Tayo'y napagod at gustong makalaya
That I am loved and free Sumuko at bumitaw tayong dalawa
My eyes are open and now I see Pinaubaya na lamang sa agos ng tadhana
The beautiful flaws I have in me.

BABAE AKO AT BABAE KA

Sabi nila maging malaya


Ngunit bakit tila tutul si bathala NIEL MARIE PEARL S. DEALDAY
Bakit parang hindi tumutugma
Pagmamahalan natin salungat kay tadhana

Panuga
Ilang taon rin nagsama
Hinarap lahat ng problema
Kaiba mo ko,
Saing kadipisilan.
Dai mahadit.

Tangi

Ika’y sumubok,
Katangian mo’y iba.
Tunay ang galing.

Doomed

A place of lost hope,


Bias concealed in the shadows.
Stories are myriad.

ANGELA C. NARADULLA

LOVE EMBRACE

In her eyes, stars gleam,


Love’s embrace, pure and serene,
Heart’s rhythm, her beam.
ADMIRATION

Hinahangaan,
Bituin sa’king paningin,
Taglay mong ningning.

GLANCE

Sulyap kang saimong mata,


Kaugmahan at pag-muya
Hatod sa sakong puso.

You might also like