Professional Documents
Culture Documents
Benetiz, Junnel
Guinto, Angelica
Ramos, Aisa
Telewik, Orlando
Atin ito!
Bawat bansa ay may kani-kaniyang kultura kung saan kabilang dito ang sining, wika , musika at
panitikan. Maging ang pananamit, tirahan, kaugalian, tradisyon at mahahalagang moral ng isang pangkat
ng mga tao. Ito rin ang siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar o isang pangkat ng mga tao
na nanahan sa isang pamayanan. Isa rito ang bansang Pilipinas na hindi lamang likas na yaman ang
maipapagmamalaki kundi pati ang mga kultura at tradisyon lalo na ang mga epiko na hanggang sa
kasalukuyan ay patuloy na iniingatan at pinagyayabong.
Tunay nga namang masarap sa pakiramdam ang maging isang prinsesa subalit hindi makaiilang
nakalulungkot ang kanilang nagiging sitwasyon. Sapagkat hindi nila naranasan ang kasiyahan na maging
bata na nakapaglalaro, nakapag-aaral at nakagagawa ng kanilang sariling desisyon. Ngunit sa
1
nangyaring pananakop noon kung saan ang mga binukot ang unang namatay dahil mahina ang kanilang
mga paa upang maglakad. Kaya’t nagdesisyon ang mga magulang ng mga batang babae na huwag
gawing binukot ang kanilang mga anak. Ngunit sa kabila nito may mga tao pa rin na katulad ni
Frederico kung saan pinananatiling buhay ang kanilang kultura o tradisyon. Kung saan ang mga babae
ay hindi kailangan pwersahin upang maging binukot kaya’t nakapamumuhay sila nang normal at
nakasusunod sa agos ng panahon.