You are on page 1of 1

Ang bansang Pilipinas ay napakayaman hindi lamang sa mga likas na yamang taglay,

kundi ganun din sa kultura at kasaysayan. Isa sa ating kasaysayan ang tungkol sa mga
binukot. Nang aking mapanood ang dokyumentaryo ni Kara David na “Ang huling
prinsesa”, labis akong natuwa dahil may panibago nanaman akong matututunan sa
ating kasaysayan.

Ang mga Binukot ay mga pinakamagandang tao sa tribo na itinatago sa


isang kubo at namumuhay na tila ba isang prinsesa at sila rin ang tanging nakakaalam
ng kanilang epiko. Isa sa binukot na ipinakita sa dokyumentaryo ay si Lola Isiang. Lagi
syang nakasuot ng belo upang matakpan at hindi Makita ang mukha. Kailangan rin
syang buhatin gamit ang duyan upang hindi sumayad ang paa sa lupa. Pinapaliguan ,
sinusuklayan at binibigyan ng pagkain na para lamang sa prinsesa. Subalit sa kabila ng
ganitong klaseng pamumuhay, hindi man lang sya makapaglaro o makapasok sa
paaralan. At ang tanging Gawain niya ay sumayaw ng kanilang katutubong sayaw at
kumanta ng sobrang habang epiko. Para sa akin, nakakaawang tingnan si Lola Isiang.
Hindi manlang nya naranasan ang kasiyahan sa pagiging bata. Subalit upang may
magdala ng kanilang epiko at kultura, kinailangan nyang maging isang Binukot. Sa mga
araw ng pananakop, isa isang namamatay ang mga binukot dahil sa mahihina nilang
paa, na nagging dahilan upang kumonti ang mga binukot sa bansa.

Nakakalungkot lamang isipin na malapit na mawala ang isang bahagi ng kasaysayan


ng Pilipinas. Ngunit sa kabilang banda, may mga tao parin na pinapahalagahan ang
kanilang yaman. Tulad na lamang ni Frederico Caballero at ang mga tao sa kanilang
baranggay. Nakahanap sila ng paraan na manatiling buhay ang kanilang tradisyon sa
pagpapatayo ng “Balay Turun-an”. Nakakatuwa at hindi na nila kailangan pang
pwersahin ang isang babae upang maging isang Binukot.

Nagpapakita lamang ito na mapapanatili natin ang isang kayamanan katulad


ng epiko ng mga taga panay ( na tanging ang mga binukot lamang ang nakakaalam)
na mapapangalagaan natin ito sa maayos na paraan at hindi lamang iisang tao ang
nakakaalam kundi ang buong tribo. At makakapamuhay ng normal at makasunod sa
bagong panahon.

Marahil hindi rin magtatagal at mawawala rin ang mga Binukot sa ating
bansa, subalit mananatili ito sa ating kasaysayan habang may mga taong
magpapahalaga nito.

You might also like