You are on page 1of 1

Ang inspirasyon ng awiting ito ay ang dalagang Pilipina na naninirahan sa Bulubunduking bahagi ng Luzon.

"Paru-parong bukid na lilipadlipad, sa gitna ng parang papagapagaspas" Siya ay parang isang lalaki sa lakas dahil siya ay naninirahan at manggagawa sa bukid subalit ang kilos at ugali ay mayumi at may indayog gaya ng paru-paro. Mararamdaman ninuman ang kanyang presensya gaya nang paruparong pumapagaspas sa parang. (pagaspas ay ang pagkakaroon ng iba't-ibang huni ng hangin dahil sa kakaibang pagkilos). "Isang bara ang tapis, isang dangkal ang manggas, ang sayang de-kola, isang piye ang sayad". Ang bahaging ito ng awit ay lumalarawan sa kasuotan ng mga babaeng Pilipina nuong mga panahon na iyon. Isang bara (bara ng ginto) ang ibig sabihin ay mabigat ang tapis, hindi manipis o maliit o masikip kundi makapal na tela ang ginagamit. Isang dangkal ang manggas ito ay halos kalahati na ng braso. Ito ay upang hindi makita ang kanilang mga kilikili. Dahil nuong panahong iyon, ang pagpapakita ng kilikili ay isang kalaswaan. Ang sayang may kulay (de-kola) ay ubod ng haba at sayad na sa lupa. Ito ay literal sapagkat nuong panahon na iyon, may mga dalagang Pilipina na napipilitang magpakasal sa mga binatang magsasabing nakita na nito ang kanyang mga sakong! Napakalungkot di ba? Kaya't ingat na ingat ang mga dalaga nuon, mas mahabang palda mas mainam. "May payneta pa siya - Uy! May suklay pamandin - Uy" Ang payneta nuong mga panahong iyon ay ginagamit ng mga babaeng Pilipina bilang pang-adorno sa kanilang mga buhok na ipinusod pataas. Ang payneta ay madalas na napapalamutian ng mga iba't - ibang yamang lupa. Ang payneta ay sagisag din ng antas ng pamumuhay nuong panahon na iyon. Ang pinakamahal na uri ng payneta ay iyong yari sa lantay na ginto at mga Diyamante ang palamuti at kung minsa rubi at iba pang mamahaling bato gaya nito. Subalit, kahit ano pang antas ng pamumuhay, lahat ng mga babaeng Pilipina nuong panahong iyon ay may payneta at suklay gamit sa pag-aayos ng sarili dahil ganun nila kamahal ang Diyos, hindi sila nagsisimba o sumasamba nang hindi nag-aayos. Kaya nga sa mga nobela ni Rizal naging sagisag ang payneta sa pag-uuri sa mga babaeng tauhan ng kanyang kuwento. "Aqua de-Ojetes ang palalabasin" Ang dalagang Pilipina, bagama't maiitim ang balat dahil sa pagkabilad sa araw, ay tunay na maningning kapag naaayusan. Sila ay katulad ng hamog sa damuhan na kapag nasikatan ng araw ay nagliliwang at lumilikha ng iba't-ibang kulay tulad ng bahaghari. Katulad din ng paruparong bukid na kapag natatamaan ng sinag nag araw ang mga pakpak ay lumlikha nang wari mo nagsasayawang liwanag dahil sa kanyang walang hintong paglipad. "Haharap sa altar at mananalamin.. May altar bawat tahanan. Ang mga babaeng Pilipina nuong mga panahong iyon ay mga madasalin at may takot sa Diyos. Bago sila manalamin ay humaharap muna sila sa altar at nananalangin. Walang bumababa ng bahay nang hindi nagdarasal muna. At kaya humaharap sa salamin, para masigurong maayos sila dahil nuong araw, lumalabas lamang at nag-aayos ang mga babaeng Pilipina kapag pupunta sa simbahan at sumamba sa Diyos na may likha ng lahat at hindi upang mang-akit. "At saka lalakad ng pakendeng-kendeng". Natapos na ang gawain sa bukid, maayos na ang mga pangangailangan ng mga mahal sa buhay, malinis na ang tahanan, maayos na ang sarili, handa nang humarap sa Diyos, ano pang kaylangan, wala na nga di ba? Simple lang ang pangarap na buhay, kaya nga kampante nang makapaglalakad ng painda-indayog ito ay dahil sa katiwasayan ng isip at pag-asang may Diyos na magpapala sa araw-araw na paglipad! Subalit kung kung pakalilimiin, nuong panahong iyon ay walang kalayaan. Ang awiting ito, tulad din ng mga nobela ni Rizal at mga tula ni Bonifacio ay pawang pang-gising sa diwang makabayan ng mga Pilipino upang ipaglaban ang Kalayaan. Ang Paruparong Bukid ay tayong mga Pilipino at ang parang ay ang bansang Pilipinas. Atin ang Pilipinas. Masarap mabuhay nang Malaya. May Diyos, may Yaman may Kapayapaan! Mabuhay ang may-akda nito!

Paru Parong Bukid Katutubong Awitin / Folk Songs Paruparong bukid na lilipad-lipad Sa gitna ng daan papagapagaspas Isang bara ang tapis Isang dangkal ang manggas Ang sayang de kola Isang piyesa ang sayad May payneta pa siya uy! May suklay pa mandin uy! Nagwas de-ohetes ang palalabasin Haharap sa altar at mananalamin At saka lalakad na pakendeng-kendeng.

You might also like