You are on page 1of 2

ANG HULING PRINSESA

(Ni Kara David)

Ang Pilipinas ay napakayaman hindi lamang sa likas na yaman nitong taglay


kundi ganun din sa kultura at kasaysayan. subalit ng dumating ang mga
mananakop. Ang mga taong nakakaalam ng ating kasaysayan ay halos naubos.
Kayat sa panahon ngayon hindi lahat ng ating kasaysayan bago tayo sakupin ng
mga manankop ay nalalaman pa natin , isa sa ating kasaysayan ang tungkol sa
mga binukot .ng mapanood ko ang dokumentaryo ni kara david subra akong
nasiyahan dahil may malalaman na naman akong bahagi ng kasaysayan. At
nakakatuwang malaman na sa hanggang ngayon may natitira pa sa mga binukot.
Ang mga binukot ay mga taong itinatago sa isang kubo at namumuhay ng
parang prinsesa at ang tanging nakakaalam ng kanilang epiko. isa sa ipinakitang
binukot sa dokumentaryo ay si lola Isiang. lagi siyang nakasuot ng belo upang
hindi makita ang kanyang mukha. At kailangan siyang buhatin sa pamamagitan
ng duyan upang hindi sumayad ang paa sa lupa. pinapaliguan, sinusuklayan at
binibigyan ng pagkain para lamang sa prinsesa subalit sa ganitong pamumuhay
hindi man lang siya makapaglaro o kahit makapsok sa paaralan .at ang tanging
ginagawa ay sumayaw ng kanilang katutubong sayaw a t kumanta ng
napakahabang epiko. Kung iisipin masarap mamuhay prinsesa. Subalit para sa
akin nakakaawang tingnan si lola Isiang hindi man niya natamasa ang
kasayahang maging bata. subalit upang may magdala ng kanilang epiko,
kailangan niyang maging isang binukot. at dahil sa nangyaring pananakop sa
ating bansa ang mga binukot ang unang namamatay. dahil ang mga paa ,kung
kayat nagdesisyon ang mga magulang na wag gawing binukot ang kanilang mag
anak . subalit sa kabila nito paano na ang epikong matagal nilang inalagaan?
Nakakalungkot isipin na mawawala na ang isang bahagi ng kasaysayan ng
Pilipinas . ngunit sa kabilang banda may mga tao parin na pinapahalagahan ang
kanilang yaman . tulad na lamang ni frederico caballero at ang mga tao sa
kanilang barangay nakahanap sila ng paraan ng manatiling buhay ang kanilang
tradisyon sa pagpapatayo ng “Balay turua-an” nakakatuwa hindi na nila kailangan
pwersahin ang isang babae upang maging isang binukot nagpapakita lamang ito
na mapapanatili natin ang isang kayamanan katulad ng mga tagapanay (na tanging
binukot lamang ang nakakaalam )na mapapangalagaan natin ito sa maayos na
paraan. At hindi lamang iisang tao ang nakakaalam kundi ang buong tribu. Ang
makakapamuhay ng normal at makakasunod sa bagong panahon. Marahil hindi
rin magtatagal at mawawalan rin ang mga binukot sa ating bansa, subalit
mananatili ito sa ating kasaysayan habang may mga taong magpapahalaga nito.

You might also like